‘Sana’y walang masamang mangyari sa apo ko dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon.’ Don Gilberto was walking back and forth. Hindi siya mapakali dahil hindi niya maatim na umupo habang hindi niya alam kung ano nang nangyayari sa kaniyang apo sa loob. “Don Gilberto, maupo n
“Paki-buhat mo itong binili nating mga prutas para kay Bia ha? Aakyat na ako ro’n," ani Gavin habang nagmamadali sa paglalakad. “Sige po, Sir Gavin! Ako na po ang bahala rito. Mag-iingat po kayo sa paghakbang at baka madapa po kayo sa sobrang pagmamadali!" paalala ni Brandon. Wala nang inaksayang
“Puno ang schedule ni Don Gilberto next week dahil sa mga pina-reschedule niyang meetings. Sana naman ay siputin na niya ang mga ito.” Nakapatong ang magkabilang kamay ni Maya sa keyboard ng laptop ng company at nagtitipa. Diretso ang tingin niya sa screen nang may mabasa siyang pangalang hindi pami
‘Kanina pa ako salita nang salita rito pero parang wala namang nakakarinig sa akin. Mga bwísit! Makaalis na nga lang.’ Tumayo si Avva at padabog na isinarado ang pinto ng kuwarto kung saan kasalukuyang naka-confine si Bia. ‘Makapagpahangin nga muna sa labas.’ Umuusok ang ilong ni Avva habang naglal
Mabilis na sinundan ni Avva si Maya nang pumasok ito sa entrance ng hospital. Marahan ang hakbang niya habang dahan-dahang sumusunod sa taong itinuturing siyang pinakamatalik na kaibigan. ‘Saan kaya pupunta ang babaeng ito? Sino namang dadalawin niya rito?’ Inis na inikot ni Avva ang kaniyang mga
“Mauna na ako, Maya! Siguradong hinahanap na ako ng mga anak ko.” Tumayo na si Avva. “Kapag hindi na ako busy, tatawagan kita. Para naman makapag-bonding ulit sina Hope, Bia at Hivo." “Maganda ‘yan! Siguradong miss na miss na ni Hope ang mga anak mo kaya matutuwa siya kapag nagkalaro sila ulit," na
“Sana si Gavin na lang ang tunay na ama ni Hope,” wala sa sariling bulong ni Maya habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang dalawa. Kasalukuyang nag-i-slide si Hope habang nakaabang naman si Gavin sa baba para siguraduhing hindi ito masasaktan. “Ano bang pinagsasasabi mo, Maya? Napakalayong mangyari
Mabilis na umagwat si Gavin kay Maya. “Malapit na tayo, Maya. Don't worry, aalalayan kita nang maayos. Hindi ka madadapa o matatapilok,” pag-iiba niya ng usapan. Namumula pa rin ang kaniyang mga tainga dahil sa nangyari. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga kataw