Mabilis na sinundan ni Avva si Maya nang pumasok ito sa entrance ng hospital. Marahan ang hakbang niya habang dahan-dahang sumusunod sa taong itinuturing siyang pinakamatalik na kaibigan. ‘Saan kaya pupunta ang babaeng ito? Sino namang dadalawin niya rito?’ Inis na inikot ni Avva ang kaniyang mga
“Mauna na ako, Maya! Siguradong hinahanap na ako ng mga anak ko.” Tumayo na si Avva. “Kapag hindi na ako busy, tatawagan kita. Para naman makapag-bonding ulit sina Hope, Bia at Hivo." “Maganda ‘yan! Siguradong miss na miss na ni Hope ang mga anak mo kaya matutuwa siya kapag nagkalaro sila ulit," na
“Sana si Gavin na lang ang tunay na ama ni Hope,” wala sa sariling bulong ni Maya habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang dalawa. Kasalukuyang nag-i-slide si Hope habang nakaabang naman si Gavin sa baba para siguraduhing hindi ito masasaktan. “Ano bang pinagsasasabi mo, Maya? Napakalayong mangyari
Mabilis na umagwat si Gavin kay Maya. “Malapit na tayo, Maya. Don't worry, aalalayan kita nang maayos. Hindi ka madadapa o matatapilok,” pag-iiba niya ng usapan. Namumula pa rin ang kaniyang mga tainga dahil sa nangyari. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga kataw
Walang pagsidlan ang tuwa nina Maya at Hope habang nakasakay sa merry go round. Malapad ang kanilang mga ngiti. Makikita rin sa kanilang mga mata ang kasiyahan. “Hope, kumapit ka nang mabuti ha,” paalala ni Maya. “Opo, mommy! Don't worry po, I'm a big girl na,” masayang sambit ni Hope. “Gavin, ok
“L-Lolo, nasaan po si G-Gavin?” nakayukong tanong ni Avva. Mula sa natutulog na si Bia ay nalipat ang tingin ni Don Gilberto sa kararating lang na si Avva. May mga dala itong prutas. “Hindi pa kayo kasal ng apo ko kaya huwag mo muna akong tawaging lolo mo,” masungit na sambit ni Don Gilberto. Umi
“Gavin oh! Ibinili kita ng gamot. Uminom ka na muna," turan ni Maya. Iniabot niya ang isang tabletang binili niya para matanggal ang lula ni Gavin kasabay ng panulak na isang malamig na bottled water. “P-pasensya ka na. Kung alam ko lang na may motion sickness ka rin pala, hindi ka na sana namin isi
Walang palya sa pagpahid ng kaniyang labi si Gavin habang nagmamaneho patungo sa kinaroroonan nina Maya at Hope. Diring-diri pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Avva. Kinuha niya ang kaniyang earbuds at ikinonekta iyon sa kaniyang cell phone na ngayon ay naka bluetooth sa kaniyang sasakyan. Nagpatu
“Aalis muna kami ng lola mo, hija,” paunang wika ni Don Gilberto. “Ano pong ibig niyong sabihin?” Hindi makapagpigil si Maya sa pagtanong. “Nagkaroon kasi ng aberya sa Pilipinas–” “Po? May nangyari po ba kay Gavin?” Nanlamig ang buong katawan ni Maya. Hindi niya kakayanin kung may nangyari kay
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang g
Naiwan sina Maya at Hannah sa kusina. Tulala si Hannah habang hawak-hawak ang pisnging sinampal ni Maya. Hindi niya akalain na masasampal siya ng anak ng kinakasama niya! “Isusumbong kita sa daddy mo! How dare you slap me?!” nanginginig na wika ni Hannah. “Ni minsan hindi ako sinaktan ng daddy mo
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look
“Oil?” Pinakita ni Hivo ang mantika. “Tubig at ang panghuli ay ang vanilla?” Magkapanabay na tinuro nina Hivo at Bia ang sumunod na ingredients. Pumalakpak si Hope. Nakasuot na ang tatlong bata ng apron. Kahit pa mas malaki pa ang apron sa kanila ay pinilit nila iyong gamitin. Mabilis nilang
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah. “Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah. “Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh p
Tumukhim si Maya. “Love…” “Love!” anas ni Gavin sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang pagod pero hindi maitatanggi ang saya sa boses niya. Nananabik siyang marinig ang boses ni Maya. “Love, how are you and the kids?” dagdag pa niya. “Ayos naman kami ng mga bata. Umalis sina lolo, lola, at
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. A
Bumuntong hininga si Garret at saka bumaling kay Maya. “Paano kung sabihin kong oo? Ano ang magiging reaksyon mo?” Napalunok si Avva sa sinabi ni Garret. Ito na ba ang oras na aamin itong anak niya ito? Na ito ang anak nilang dalawa? Nanginginig ang mga binti niya sa kaba. Pinisil niya ang sariling