“Brandon, nasaan ka?” tanong ni Gavin habang panay ang tingin niya sa kaniyang relo. [“Narito po sa villa. Bakit po?”] “I will send you my location. Use my big bike and come here as fast as you can. I need to go somewhere,” Gavin replied. [“Sige po, Sir Gavin. Magbibihis lang po a—”] “Mamaya ka
“Avva, kilala mo ba si Maya?” kunot-noong tanong ni Gavin. Umiling si Avva. “H-Hindi. Ano kasi. Na-Narinig ko lang kay Brandon. Ano pala kayo ni Maya? Magkaibigan ba kayo or former classmates or magpinsan?” Hindi agad nakasagot si Gavin. Tumaas ang dalawang kilay ni Avva. Hinihintay pa rin niya a
“Siya ba ang ama nina Hope at Matthan?” tanong ni Gavin habang nakatingin sa naglalarong sina Hope at Garret. Hindi masabi ni Maya na hindi niya talaga kilala kung sino ang ama ng mga anak niya. Pinili na lang niyang panindigan kung ano ang sinabi niya noon dito. “He’s not. Their father is staying
Parehong nakatingin sa cell phone ni Angelita ang mag-ina habang binabaybay nila ang daan patungo sa kinaroroonan ng sasakyan ni Warren. Malapit na sila sa chapel nang mamataan ni April ang isang pamilyar na sasakyan. “Sinasabi ko na nga ba eh. Naku, April! Bantayan mo ‘yang asawa mo at baka mamaya
Bumili naman sa pinakamalapit na mall ng puting round neck t-shirts sina Garret at Gavin dahil masyadong pormal ang kanilang mga suot. Walang patid ang pag-iyak nina Maya at Hope habang binubuhat palabas ng chapel ang kabaong ni Matthan. Nakasuot sila ng puting dress gano’n din si Nirvana. Hindi ma
Sa simbahan, walang pigil ang emosyon ni Maya. Kahit anong pigil niya sa sarili na huwag maiyak at tatagan ang sarili ay wala pa ring humpay ang agos ng mga luha niya. Nakaupo siya sa unahang silya katabi ang anak na si Hope. Tanaw niya ang puting kabaong ni Matthan sa gitna. Habang nagsasalita ang
Kumurap si Gavin. Hindi niya alam pero nasasaktan siyang makitang umiiyak ang mag-ina. At sa hindi malamang kadahilanan ay nasasaktan rin siya sa tuwing dumadapo ang mata niya sa maliit na kabaong. Minsan sumasagi sa isipan ni Gavin kung maaga silang nakarating sa apartment ay maililigtas kaya nila
SLAP! Nanlaki ang mga mata ni Avva habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. Nais niya sanang sampalin pabalik si Maya pero ayaw niyang masira ang kaniyang mga plano. “Ang kapal ng mukha mo para magpakita sa ‘kin matapos mong iwan sa apartment ang mga anak ko!” Bawat salitang lumalabas sa labi
Patuloy na nagsisigaw si Ylonah hanggang sa dinakip siya ng mga pulis at kinaladkad palayo. Agad na tumakbo si Gavin palapit kay Gaia. Niyakap niya ito dahil umiiyak ito! Hindi niya aakalaing isusuplong ng kapatid niya ang sarili nitong ina para lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ina niya.
Ikinulong nina Maya at Gavin ang kanilang mga anak na sina Hope, Bia at Hivo sa kanilang mga bisig. Walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan sa pagkakataong iyon! Kung lahat ay nagulat at naluha sa mga pasabog, may isang tao ang hindi nagbunyi sa kasiyahan na natatamasa nina Gavin at Maya ngayon at
Hindi alam ni April kung anong gagawin niya. Ang mukha niya ay nag-aalala habang nakatingin sa ina niya. Gusto niya itong sundan pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng matatalim nitong tingin na para bang ipinapahiwatig na huwag siyang gumawa ng kahit na anong ikababagsak niya. Sunod na umakyat
Tuluyan nang kinaladkad ng mga pulis si Avva paalis ng banquet hall. At no’ng nawala na ito ay nagkaroon ng mga bulung-bulungan ang madla buhat sa kanilang nasaksihan. Agad namang umiyak si Maya kay Gavin. “Hindi ko alam na namatayan siya ng anak. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang sinisisi niya
“Magsisinungaling ka pa ba, Avva? Nahuli na namin ang lalaking inutusan mo. Nasa presinto na at ibinunyag na niya ang lahat ng kedemonyohan mo mula sa pagsunog ng apartment na pag-aari ni Nirvana hanggang sa pagtatangka mo sa buhay ng lola ko!” may gigil na turan ni Gavin. Biglang namutla si Avva a
‘Anong ibig sabihin nito? Bakit si Maya ang tinatawag niya? Ako! Ako dapat! Tang.inang bangungot ‘to! Hindi na nakakatuwa!’ ang sabi ni Avva sa isipan niya. Nabalot ang galit ang puso niya. Pinaghahampas niya ang sahig habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kina Maya, Gavin, Bia, Hope at Hivo n
“Mommy!" magkasabay na sigaw nina Hivo at Bia. Maging sila ay nagtataka sa nangyayari. “Hivo! Bia!" sigaw ni Avva pero hindi na iyon narinig pa ng mga bata dahil sa lakas ng sigawan sa bulwagan. May mga guards ang biglang lumapit kina Hivo at Bia at inalalayan ang mga ito paakyat ng stage. May mga
On the feast day at the banquet hall, habang nagkakasiyahan ang lahat sa party, biglang nagdilim ang paligid at nagkaroon ng spotlight sa harapan. Umayos ng upo ang lahat ng mga guest kahit sina Maya. Lahat sila ay inaabangan kung sino ang taong lalabas sa stage. Then the prominent founder of Thomp
Tumayo si Avva at hinarap si Maya. “Pasensya ka na, Maya. Alam mo naman ang mga bata. Alam kasi nilang nilalandi mo ang daddy nila kaya gan'yan ang naging reaksyo nila, Maya. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalaking p'wede mong landiin ay ang daddy pa nila? Ang fiancé ko pa? Nauubusan ka na ba ng la