Kumurap si Gavin. Hindi niya alam pero nasasaktan siyang makitang umiiyak ang mag-ina. At sa hindi malamang kadahilanan ay nasasaktan rin siya sa tuwing dumadapo ang mata niya sa maliit na kabaong. Minsan sumasagi sa isipan ni Gavin kung maaga silang nakarating sa apartment ay maililigtas kaya nila
SLAP! Nanlaki ang mga mata ni Avva habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. Nais niya sanang sampalin pabalik si Maya pero ayaw niyang masira ang kaniyang mga plano. “Ang kapal ng mukha mo para magpakita sa ‘kin matapos mong iwan sa apartment ang mga anak ko!” Bawat salitang lumalabas sa labi
“Co-confirmed na ba? Siya nga ang tunay na ama ng kambal mo? Kasama niyo na ba sa iisang bubong ang lalaking naka-one night stand mo noon?” sunod-sunod na tanong ni Maya kay Avva. Marahang tumango si Avva. “Oo at iyong araw lang ang mayroon ako para makita siya dahil palagi siyang okupado sa kaniya
Matapos manggaling sa sementeryo ay sinundo ni Avva sa villa ang kaniyang mga anak na sina Hivo at Bia para puntahan si Gavin sa condo unit nito. Nagpanting ang mga tainga niya nang malaman niya buhat kay Brandon na hindi pa nakakabalik ng villa si Gavin matapos nitong magpunta sa simbahan para duma
“G-Gavin…” Kinusot ni Gavin ang kaniyang mga mata at saka iyon iminulat. Nakatulog siya agad kanina pagkarating niya sa kaniyang condo unit. Naubos ang lakas niya nang makipagtalo siya sa kaniyang lolo dahil ayaw niyang sundin ang ipinag-uutos nito. Nawala ang natitirang antok niya sa katawan nang
Nakarating sina Maya sa isang malaking gusali. Nang makapasok sila sa lobby ay bumungad sa kanila ang naglalakihang chandeliers at naggagandahang mga bulaklak. Nakasunod lang siya kay Don Gilberto. Naaasiwa siya sa mga titig na binibigay ng mga taong nadadaanan nila ngunit mas nangingibabaw sa kaniy
Napaatras si Maya nang makita si Avva kasama ang mga anak nito at si Gavin. Hindi niya alam ngunit kusang kumilos ang mga paa niya at tumakbo siya papalayo. Nagtungo siya sa isang pasilyo. Nakita niya ang isang hagdan at doon nagtago. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Napahawak siya roon. “B-baki
Nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina ay agad na ibinaba ni Luke ang telepono niya sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Lumunok siya at binati ang kakapasok lang na si Garret Lawson—ang isa sa matalik niyang kaibigan. “What brings you here, Garret? Matagal-tagal na rin mula nang huli mo akong bisita
“Oil?” Pinakita ni Hivo ang mantika. “Tubig at ang panghuli ay ang vanilla?” Magkapanabay na tinuro nina Hivo at Bia ang sumunod na ingredients. Pumalakpak si Hope. Nakasuot na ang tatlong bata ng apron. Kahit pa mas malaki pa ang apron sa kanila ay pinilit nila iyong gamitin. Mabilis nilang
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah. “Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah. “Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh p
Tumukhim si Maya. “Love…” “Love!” anas ni Gavin sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang pagod pero hindi maitatanggi ang saya sa boses niya. Nananabik siyang marinig ang boses ni Maya. “Love, how are you and the kids?” dagdag pa niya. “Ayos naman kami ng mga bata. Umalis sina lolo, lola, at
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. A
Bumuntong hininga si Garret at saka bumaling kay Maya. “Paano kung sabihin kong oo? Ano ang magiging reaksyon mo?” Napalunok si Avva sa sinabi ni Garret. Ito na ba ang oras na aamin itong anak niya ito? Na ito ang anak nilang dalawa? Nanginginig ang mga binti niya sa kaba. Pinisil niya ang sariling
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagk
“Sorry po, mommy…” magkapanabay pang wika ng mga bata habang nakayuko. Kinarga ni Maya isa-isa ang mga bata, paalis sa parte kung saan nagkalat ang mga bubog. Isa-isa rin niyang sinuri kung may sugat ba ang mga ito. Nang wala siyang nakitang sugat ay nakahinga siya ng maluwag. “Mag sorry kayo s
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, an
Umirap si Betina. “Why would I? Ako ba ang babaeng walang delicadeza? Tirik na tirik ang araw ay lumalandi pa talaga. Feeling dalaga. Mahiya ka naman sa ex-husband at mga anak mo. Nagpapanggap pang masama ang pakiramdam para lang makaharot sa kapati–” “Betina! Kanina ka pa, ah! I told you to watch