“Kuya Gavin, nasaan ka?” tanong ni Gaia habang hinihilot ang kaniyang ulo. Kasalukuyang kumakain sa canteen ng hospital ang tatlong bata. Bantay niya ang mga ito at naiwan si Maya sa loob ng emergency room kasama ang isang nurse na kakilala niya. Kumunot ang noo niya nang ung0l lamang mula sa kabilang linya ang kaniyang naririnig. Bahagyang tumaas ang boses niya. “Are you drunk?” Sabay-sabay na tumingin ang tatlong bata kay Gaia. Ngumunguya sila ng pagkain habang nakatingin dito. Nginitian lang sila nito. “Hello, kuya. Speak a word please,” mahina ngunit mariing sabi ni Gaia. Napamura siya sa isip niya nang bigla siyang nakarinig ng paghar0k mula sa kabilang linya. “This d@mn dimwit,” gigil na turan niya sabay patay ng tawag. “Tita Gaia, ano pong sabi ng doktor sa inyo kanina? Bakit daw po namatay si mommy?” nakatingalang tanong ni Hope habang ngumunguya ng burger. “Hope, it’s nahimatay not namatay,” pagtatama ni Bia. Tumango naman si Hivo at nag-okay sign. “Sorry sa maling
Napahikab si Maya habang unti-unti niyang ibinubukas ang kaniyang mga mata. Nag-inat-inat siya. Nang tuluyan na siyang magising ay biglang napakunot ang kaniyang noo nang makita niya ang puting kumot na nakabalot sa kaniyang kalahating katawan. Agad niyang iniikot ang kaniyang mga mata sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya kung nasaan siya. “Bakit ako naririto? Nasaan sina Hope, Hivo at Bia?” puno ng pagtatakang sambit ni Maya. “Gising ka na pala.” Seryoso ang mukha ni Gavin habang naglalakad palapit kay Maya. May dala siyang tray na may lamang mga pagkain. Habang mahimbing itong natutulog ay ipinagluto niya ito ng mga masusustansyang pagkain. “Kumain ka na muna. Ilang oras ka na ring walang malay. Baka manghina ka.” Maingat niyang ibinaba ang tray na hawak niya sa mesang nasa tabi lang ng kamang hinihigan nito. Natulala si Maya. Napakiling siya. Ang huli lang niyang naaalala ay ang tagpo sa parke kung saan kausap niya si Gaia. Muli niyang naalala ang mga bata.
Halos maubos ni Maya ang tatlong basong tubig matapos niyang malamang nagdadalang-tao siya. Alam niyang isang biyaya ang pagkakaroon ng anak pero alam din niyang mali ang nangyari sa kanila ni Gavin noong gabing ‘yon. Biglang sumakit ang ulo niya nang sumagi sa isip niya sina Hivo at Bia. Wala na siyang pakialam sa mararamdaman ni Avva dahil pero ang mga bata…walang kasalanan ang mga bata sa kaniya. “Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Gavin. Katatapos lang niyang maghilamos. Kalalabas lang niya ng banyo. Napanganga si Maya nang dumapo ang kaniyang mga mata sa hubAd na katawan ni Gavin. Napalunok siya nang sunod-sunod nang tumama ang kaniyang mga mata sa mga abs nito! Napakaganda ng katawan nito kahit hindi ito nagpupupunta sa gym. Hindi na niya namalayang nababasa na pala ang kaniyang dibdib dahil sa tubig na nasa bibig niya. “Ah, Maya…’yong tubig, tumutulo na…” nag-aalangang sambit ni Gavin. Kinuskos niya ng bath towel ang kaniyang dibdib. Biglang nataranta si Maya. Agad
“Oh, hija, bakit ikaw ang naglilinis dito? Hindi pa ba bumabalik ang mga katulong niyo?” tanong ni Ylonah nang makita niyang may hawak na trash bag si Avva. Pinauna na siyang umuwi ng kaniyang asawa at biyenan dahil may susunod pang pupuntahan ang mga ito matapos ng kanilang business meeting. Pinahid ni Avva ang pawis sa kaniyang noo saka ngumiti kay Ylonah. “Ah, bukas pa po kasi sila babalik sa duty eh. Okay lang naman po sa akin na maglinis dito sa villa. Sanay naman po ako sa mga gawaing bahay. Sanay rin po akong magbanat ng buto.” “Oh, really? Anyway, nasaan ang mga apo ko?” Luminga-linga si Ylonah sa paligid pero ni anino ng mga bata ay wala siyang nakita. “Kasama po sila ni Gavin. Namiss na po kasi nila ang isa’t-isa eh kaya binigyan ko muna sila ng pagkakataong mag bonding ng sila-sila lang.” Isinara ni Avva ang basurahan. “Kayo po? Bakit mag-isa lang po kayo? Nasaan po sina Gaia at p-papa?” Nagdalawang-isip pa siya kung tatawagin na niyang papa si Gerardo. “Kasama ni
Umalis si Avva sa villa nang dumating doon sina Don Gilberto at Gerardo. Napagkasunduan nila ni Ylonah na kailangan nang mailigpit si Donya Conciana sa lalong mas madaling panahon. Kasalukuyan siyang nagmamaneho patungo sa Larson Medical Hospital para isagawa ang masama niyang plano. “Kinabahan talaga ako kanina. Buong akala ko ay ibubuking na ako ng Ylonah na ‘yon sa mga Thompson. Good thing that old woman failed to treat her well. Swerte pa rin ako. Akalain mo nga namang isa mismong Thompson ang nag-utos sa akin para tuluyang tsugiiN ang matandang ‘yon,” nakangiting turan ni Avva habang maingat ng nagmamaneho. “Kailangan kong pag-isipan nang mabuti kung paano ko papaslangin si Donya Conciana. Hindi ako maaaring pumalpak lalo na umaasa rin sa tagumpay ko si Ylonah.” Mas lalo pang binilisan ni Avva ang kaniyang pagmamaneho. “Naroroon na kaya ulit sina Gavin at ang dalawang bata? Sana, si Brandon lang ang tao roon para naman mas mapadali ang plano ko. Tama ang mama ni Gavin, kailang
“Maya, I’m asking you. Who is the father of your child?” Ilang minuto nang tahimik at walang kibo si Maya. Nagtatalo pa rin ang isip niya kung sasabihin ba niya kay Gavin na ito ang ama ng dinadala niya. “Wala akong naaalalang lalaki na umaaligid sa’yo lately maliban sa akin at kay Mr. Lawson. Did something happen between you and him while I am not around?” Patuloy ang pagkukuwestiyon ni Gavin kay Maya kahit alam na naman niya ang totoo. Hindi pa rin siya makapagdesisyon kung aamin na ba siya rito o hindi muna lalo na at hindi pa niya nailalagay si Avva sa likod ng mga rehas. Napalunok si Maya. Umiling siya. “So it’s not Garret.” Saglit na huminto si Gavin. Huminga siya nang malalim. “I-is it me? Did something happen between us that night?” Tumaas ang mga kilay niya. Nag-iwas ng tingin si Maya. Bigla na namang nilamon ng kaba ang kaniyang buong sistema. ‘Ano ang isasagot ko sa tanong niya? Sasabihin ko na ba? Aaminin ko na ba? Handa ba akong matawag na kerida, oras na pakasalan n
Gavin handed the brown envelope to Maya.Nagdadalawang-isip si Maya kung kukuhanin ba niya ang brown envelope na ibinibigay ni Gavin sa kaniya.“See what's inside," Gavin said in a serious tone. He raised his eyebrows and pointed the brown envelope to Maya.Tinitigan ni Maya ang brown envelope na nasa kamay pa rin ni Gavin, nakaaro na iyon sa kaniya. Lumunok siya nang ilang beses. Tumingala siya kay Gavin sabay kuha ng brown envelope sa kamay nito. “What is this all about?" Maya asked. She's still staring at Gavin."The truth. See it for yourself.” Gavin pulled the chair beside the table. He sat on it while looking at Maya's curious face."Katotohanan tungkol saan? Sa nangyaring sunog?” Marahang binuksan ni Maya ang brown envelope. Nakatingin pa rin siya kay Gavin habang kinukuha ang mga papel na nilalaman noon.Umiling si Gavin. “Just read what's on the papers, Maya." Ngumiti siya rito at saka kumindat.Nagsalubong ang mga kilay ni Maya. Nasa mga kamay na niya ang mga papel pero nak
“Who the hell are you? Can you please move out of my way?” Naglakad si Garret patungo sa sasakyan ni Avva. Sumandal siya malapit sa may side mirror. Nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay habang nakatingin sa bughaw na mga ulap. “Mister, hindi ka ba nakakaintindi ng ingles? Sige tatagulugin ko para sa’yo. Umalis ka sa daraanan ko, p’wede ba? Nagmamadali ako! May kailangan pa akong gawin.” Tinaasan ng isang kilay ni Avva ang lalaki pero mukhang hindi yata nito narinig ang kaniyang mga sinabi. “Hey! Do I need to call some cops para lang umalis ka riyan sa sasakyan ko? FuCk! Bingi ka ba?!” gigil na turan niya. Ngumiti si Garret. Inalis niya ang kaniyang shades. “Miss, may regla ka ba? Bakit ang init-init ng ulo mo? Look at the sky. Isn’t it beautiful?” Umismid si Avva. “HA! Wala akong pakialam sa mga ulap. Ang gusto kong mangyari ay umalis ka sa harapan ko! Nakakaabala ka tapos ang lakas pa ng loob mong magtanong kung bakit mainit ang ulo ko? Alam kong kanina mo pang naririnig an
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s