“Himala! Nangapit-bahay ka!” bungad ni Fitz kay Gavin nang makita niya itong lumabas mula sa pinto ng katabing unit nito. Sumisipol na naglalakad si Gavin palapit sa kaniyang best friend. “Naku! Iyang mga gan’yang galawan mo, Gavin Kirk Thompson, alam na alam ko na ‘yan. Nakita na kitang gan’yan dati!” nakaumis na turan ni Fitz. Agad siyang inakbayan ng kaniyang kaibigan nang makalapit ito sa kaniya. Ginulo pa nito ang kaniyang buhok. “Hey! Pinaayos ko pa ‘yan sa hairstylist ko eh!” angal niya. “Remember, Maya?” Naglakad na sina Gavin at Fitz palapit sa pinto ng kaniyang unit. Kinuha niya mula sa kaniyang wallet ang kaniyang keycard at ini-swiped iyon. Agad namang bumukas ang pinto ng unit niya at pumasok na sila. “Maya? Hmmm. That single mother you’re always talking about on our chats?” Fitz asked. “Aha!” Bumitiw si Gavin at umikot patungo sa kinaroroonan ng couch. Pinagpagan niya iyon at inaya si Fitz na umupo roon. Naglakad siya patungo sa kitchen area at kumuha ng maiinom nil
Mag-uumpisa pa lang sanang uminom ng whiskey sina Gavin at Fitz nang biglang may kumatok sa pinto. Agad namang tumayo si Gavin para tingnan kung sino ang nasa likod noon. “Don’t start without me. I can see you behind my back,” Gavin said as he walked towards the door. “Kailan ka pa tinubuan ng mata sa likod?” natatawang sambit ni Fitz. Ibinaba niya sa mesa ang hawak niyang baso at muling umupo ng prente habang nakatingin sa kaniyang kaibigan. “Make it fast!” “Sabik ka nga pala palagi sa alak. Kulang na lang gawin mong tubig ‘yan eh. Maghintay ka,” natatawang turan ni Gavin. Napalunok siya nang makita niya ang mukha ni Maya sa screen. “Anong ginagawa niya rito? Namiss niya ba agad ako?” Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya. Mabilis niyang binuksan ang pinto. “Miss me already, huh?” aniya habang taas-baba ang kaniyang parehong kilay. ‘Kapal talaga eh!’ isip-isip ni Maya. “Nagpunta ako rito para ipagpaalam sa’yo sina Hivo at Bia. Nagtext kasi sa akin ang kapatid mo. Gusto niyang ma
Hindi nag-iibuan at hindi rin nag-iimikan sina Gavin at Fitz matapos ang nangyari. Kapwa lang sila nakatitig sa wine glass na nakapatong sa ibabaw ng mesa. ‘Masama ba ang loob niya sa akin dahil hindi natuloy ang tukaan nila kanina ni Maya? Hindi ko naman kasi alam na ‘yong chickababes pala niya ang kausap niya kanina eh. Masyado ka kasing matakaw sa alak, Fitz! Ayan tuloy! Manunuyo ka ng lalaking napakahirap suyuin!’ Tiningnan ni Gavin si Fitz mula ulo hanggang sa katawan nito. ‘Guwapo rin naman ako tulad ni Fitz, ah. Pareho lang din kaming macho. Lamang pa nga ako sa gag0ng ‘to kung tutuusin eh! Ano bang nakita sa kaniya kanina ni Maya at gano’n na lamang ang kagustuhan niyang malaman ang pangalan ng gag0ng ‘to? Ang tagal-tagal ko nang nanunuyo kay Maya tapos itong gag0ng ‘to, wala namang kung anong espesyal na ginagawa, nakuha agad ang atensyon ng babaeng mahal ko? Bangasan ko kaya ‘to para mabawasan ang kaguwapuhan?’ Umayos ng upo si Fitz. Kinuha niya ang isang wine glass at in
“Ma’am Gaia!” tawag ni Maya habang kinakawayan ang kapatid ni Gavin. Kabababa lamang nito sa sasakyan nang makita niya ito.Isa-isang bumitiw kay Maya sina Hope, Bia at Hivo.“Mommy, maglalaro na po kami nina Hivo at Bia. We will behave naman po at hindi po kami sasama sa strangers. We will look for each other po while you are waiting for Tita Gaia,” nakangiting sambit ni Hope.“Opo, Tita Maya. Hindi po kami lalayo ni Hivo kay Hope. Doon lang po kami sa may swing.” Itinuro ni Bia ang direksyon ng swing. Halata sa mukha niya ang excitement.“Bilang nag-iisang lalaki at bilang kaibigan po ni Matthan, sisiguraduhin ko po sa’yo tita na babantayan ko po nang maayos si Hope. Ako na po muna ang bahala kina Bia,” seryosong turan ni Hivo.Ngumiti si Maya. “Sige. May tiwala naman ako sa inyong tatlo. Basta huwag na huwag kayong maghihiwa-hiwalay at sasama kung kanino lang. Doon lang muna kayo sa swing para kita ko pa rin kayo ha,” bilin ni Maya.Sabay-sabay na tumango ang mga paslit at saka mas
“Ate Maya, listen to this. I recorded this kanina lang, sa villa ni Kuya Gavin sa mismong library. Pumunta ako ro’n para sana aliwin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbabasa pero…sa halip na maaliw, nakaramdam ako ng takot at matinding kaba. Mabuti na lang at hindi ako napansin ni Avva. Nakaalis ako sa library nang hindi niya namamalayan,” salaysay ni Gaia.“Si…si A-Avva?” kinakabahang sambit ni Maya.Tumango si Gaia. Hinawakan niya muna ang isang kamay ni Maya bago niya pinindot ang audio record file na naka save sa kaniyang cell phone.***[“Drop the act bitch! Alam kong may kinalaman ka sa sunog na nangyari sa dating tinitirhan niyo... na ikaw ang rason kung bakit nawala ang anak ni Maya na si Matthan. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag nalaman iyon ni Gavin o nino man? Sa tingin mo, makakapaglustay ka pa ng pera sa kulungan? Hmm… sa tingin ko bagay rin naman sa ‘yo ang uniporme ng mga preso, Avva. You will probably look good with that.”] “A-anong sinasabi mo? NakahithiT ka b
Kuyom ang mga kamay ni Gavin habang pinapanood ang actual footage noong araw na inatake sa puso ang pinakamamahal niyang Lola Conciana. Halos dumugo na rin ang kaniyang ibabang labi dahil kagat-kagat niya iyon. Unang beses niyang manggigil nang gano’n kalala. “Dude, keep your calm. Baka maitapon mo na naman ‘yang laptop mo. Don’t bite your lip too much. Baka dumugo ‘yan. Sige ka, sisiPsiPin ko ‘yan,” pabirong turan ni Fitz habang nagsasalin ng whiskey sa kanilang wine glass. “Hindi talaga ako nagkamali nang pagkilatis sa babaeng ‘yon. Dinaig pa niya ang kanang-kamay ni sataNas! My lola didn’t do anything to harm or to piss her off! Her attitude really get the dem0n out of me, dude! Malaki yata talaga ang sira niya sa utak!” gigil na sambit ni Gavin habang nagkokopya ng actual footage sa kaniyang laptop. Isinend na rin niya iyon sa kaniyang mga active emails. Mahirap nang maging kampante. Baka manakaw pa sa kaniya ang usb na ibinigay ni Fitz. “Based on the footage, I can say that…
Nang makaalis si Fitz ay nahiga si Gavin sa couch. Marami-rami rin siyang nainom pero hindi naman siya nalasing. Nakatitig siya sa kisame habang maraming bagay ang sumasagi sa kaniyang isip. “Maya…” Napabuntong hininga si Gavin. “Oras na mahanap namin ang taong inutusan ni Avva para sunugin ang apartment mo, saka ko ipapaalam sa iyo ang tungkol sa bahong itinatago ng kaibigan mo. Sa ngayon, wala pa akong magagawa kung hindi ang ilayo ka sa kaniya at protektahan. That’s why I want you to work for me. I want to see you more often starting tomorrow. We will be together at work and I will be one call away when we’re home. That’s the only way to protect you from that psychopath.” Tumagilid ng higa si Gavin. Napatingin siyang muli sa kaniyang laptop na ngayon ay nakasara na. “I am going to make Avva taste her own medicine. Dahil sa kaniya, nakaratay ngayon si lola. Hindi ko man siya mapatay kahit kating-kati na ang mga kamay kong sakalin siya hanggang sa maubusan siya ng hangin sa kataw
“Tita Gaia, bakit po n-namatay si m-mommy?” atungal ni Hope. “No, Hope. She’s not dead. Nawalan lang siya ng malay,” mabilis na sagot ni Gaia habang nagmamaneho patungo sa pinakamalapit na hospital. Natataranta na nga siya dahil ilang minuto nang walang malay si Maya, mas lalo pa siyang naaligaga nang sabay-sabay na nag-iyakan ang tatlong bata na nasa likod ng kaniyang sasakyan. “Calm down, kids. Magigising din si Ate Maya mamaya. We just need to bring her to the nearest hospital.” “Tita Gaia, please our Tita Maya! Hope needs her,” sumisinghot na sambit ni Bia. “Oo nga po, Tita Gaia. Kamamatay lang po ni Matthan. Hindi po kakayanin ng kaibigan namin kapag namatay pa ang mommy niya. Tita Maya is such a good person to us too. Para na rin po namin siyang mommy. Please tita, drive faster,” ani naman ni Hivo habang yakap-yakap niya sina Bia at Hope. Nasa gitna siya ng mga ito. “ShiT,” Gaia murmured when the traffic became heavy. Bumisina siya nang malakas. “Of all time, ngayon pa talag
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s