“Ah…G-Gavin…” Tumaas ang isang kilay ni Gavin. “May sasabihin ka ba?” malamig na sabi niya habang nakatingin sa walang malay niyang lola. “Pa-pasensya ka na talaga kanina, ha. Hindi ko lang talaga napigilan ang galit ko nang makita kitang nakahiga sa sahig tapos dumudugo pa ang labi mo. Ni hindi ko man lamang natanong sa’yo kung sino ang may gawa no’n sa’yo,” nakayukong sambit niya. Lumunok si Gavin. “Iyon ba? Hayaan mo na. Wala na naman tayong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Hindi na natin ‘yon mababago,” kalmadong turan niya. Medyo kumikirot pa ang labi niya dahil sa pagkakasipa ni Gaia kanina. Hindi mapigilang mapangiti ni Avva. Iyon ang unang pagkakataon na nakausap niya nang maayos at malumanay si Gavin. “Ah…Gavin…” Nagpanting ang tainga ni Gavin. ‘Hindi ba titigil sa kakasalita ang babaeng ito? Mukhang masusubok nang husto ang pasensya ko ngayong araw na ito.’ Mula sa kaniyang Lola Conciana ay lumipat ang tingin niya kay Avva. “Sige lang. Sabihin mo lan
Isang pulgada na lamang ang agwat ng mga labi nina Avva at Gavin nang biglang itinulak nang malakas ni Gavin si Avva, dahilan para mahulog ito sa silyang kinauupuan nito. “ShiT! I’m sorry, Avva. I didn’t mean t—” Pilit na ngumiti si Avva habang tumatayo. “It’s okay, Gavin. I’m sorry. Masyado yata akong nagiging mabilis,” aniya habang pinapagpagan ang suot niyang dress. Napapikit si Gavin. Agad siyang tumayo para alalayan si Avva. “Nasaktan ka ba? May masakit ba sa’yo? Gusto mo ipa-check up natin sa doktor? Tatawag ak—” “Gavin, no need. I’m fine. Thanks for your concern.” Avva’s cheeks turned red, again. ‘Sayang hindi siya nabalian,’ piping turan ni Gavin. Inayos niya ang nakatumbang upuan at doon muling pinaupo si Avva. “Sorry ulit ha. Ayoko kasing gawin ang bagay na ‘yon sa mismong harap ni lola. Pakiramdam ko ay sisigawan niya ako kung masasaksihan niya iyon sa mismong harap niya.” Tumingin siya sa walang malay na matanda. “Sana magising na si lola. Miss ko na ang pagb
Paalis na sa sementeryo sina Hope at Maya nang bigla nilang makita si Garret. Nakasuot lang ito ng simpleng round neck t-shirt at maong short. Ang mga mata naman nito ay natatakpan ng salaming itim. Sa kabila ng kasimplehan sa pananamit, litaw na litaw pa rin ang angking kaguwapuhan ng binata.“Daddy number 2!” sigaw ni Hope sabay kaway.Napapikit si Maya habang hinihilot ang kaniyang sintido. Iiwasan na sana niya si Garret nang bigla namang nag-ingay ang anak niyang si Hope. “Anak, why did you call him? Alam mo namang inii–”“Maya, Hope, what a coincidence. It’s nice to see you around,” Garret said while wearing a wide smile on his face.“Daddy number 2, saan ka po nanggaling? May dinalaw ka rin po bang loved ones dito?” agad na tanong ni Hope. Nakakubli sa kaniyang likuran ang kaniyang mga kamay habang iginagalaw ang kaniyang katawan pa kaliwa at pa kanan. Ang kaniyang mga mata ay nakangiti rin habang nangungusap.Mabilis na naglakad palapit kay Hope si Garret. Iniluhod niya ang kan
“MAYA, HINDI KO SINISIRAAN SI GAVIN SA INYO. KUNG ANUMAN ANG MGA SINABI KO, LAHAT NG ‘YON AY TOTOO. SIYA MISMO ANG SUMIRA SA PANGALAN AT IMAHE NIYA…HINDI AKO. DON’T GET MAD AT ME!” sigaw ni Garret habang pinapanood ang papalayong sina Maya at Hope.Napailing si Maya. Hindi na niya pinansin si Garret at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa paradahan ng trisikel.“Mommy, totoo po ba? Anak ni Daddy Gavin sina Hivo at Bia?” May sigla na sa tono ng boses ni Hope noong tinanong niya ang kaniyang ina.Kumunot ang noo ni Maya nang mapagtanto niyang parang biglang nag-iba ang mood ng anak niya. “O-oo, anak. Si Sir Gavin ang tinutukoy ni Tita Avva mo na tunay na ama ng kambal niya. Pasensya ka na ha. Sa ibang tao mo pa nalaman. Ang totoo niyan anak, kanina ko lang din naman nalaman ang tungkol doon noong nasa hospital tayo. Balak ko naman talagang sabihin sa’yo ang bagay na ‘yon eh. Humahanap lang ako ng magandang tsempo,” paliwanag niya.“Kaya po pala gano’n ang mood mo kanina, mommy. Tama po a
“Lola, hanggang kailan ka ba hihiga riyan? Please open your eyes. I want you to meet my kids and my special someone. Promise, pagkagising na pagkagising mo, magpapakasal na ako. Kaya please, lola, gumising ka na,” nakayukong sambit ni Gavin habang hawak ng pareho niyang kamay ang isang kamay ng kaniyang Lola Conciana. Marahan siyang tumunghay at tiningnan ang walang malay na matanda. “Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, lola. Naguguluhan na ako. Magkaiba ang idinidikta ng puso at isip ko.” Umub-ob si Gavin sa kama. Hawak-hawak pa rin niya ang isang kamay ng kaniyang Lola Conciana. Napatunghay siya nang marinig niya ang boses nina Hivo at Bia. “Daddy!” sabay na sigaw ng kambal. Agad silang nagtatakbo sa kinauupuan ng kanilang ama. Ikinulong ni Gavin sa kaniyang mga bisig ang kaniyang mga anak. “Kumusta na ang pakiramdam niyo?” Tiningnan niiya si Bia. “Nasakit pa ba ang ulo mo?” Umiling si Bia. “Hindi na po, daddy,” nakangiting tugon niya. Tinapunan naman ng tingin ni Ga
“Ate Maya!” Mabilis na tumayo si Gaia mula sa pagkakaupo niya sa may sahig, sa harap ng pinto ng condo unit na tinitirhan nina Maya at Hope. Sinalubong niya ang mag-ina at agad na niyang niyakap si Maya. Gustong-gusto niyang i-comfort ito dahil sa ginawa ng kaniyang nakatatandang kapatid dito. “Saan kayo nanggaling? Kanina ko pa kayong hinihintay rito. Akala ko…akala ko, umalis na kayo rito nang hindi ko man lang nalalaman. Mabuti na lang at hindi niyo naisipang lumipat ng tirahan.” “Ti-Tita Gaia!” Yumakap si Hope sa isang binti ni Gaia. Bumitiw si Gaia kay Maya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Hope at saka iyon dahan-dahang inalis sa kaniyang mga binti. Umupo siya sa lebel nito. Kumunot ang kaniyang noo nang makita niyang umiiyak ito. “Hope, what’s the problem? Why are you crying?” Pinahid niya ang basa nitong mga pisngi. “I’m just happy to see you here again, T-Tita Gaia,” Hope said. “Maraming salamat po dahil pinapayagan niyo akong tawagin kayong tita kahit hindi niyo na
“Alam mo, Maya, napakarami ko talagang nais ikwento na sa’yo. Mabuti naman at nagkrus din ang landas natin!” wika ni Avva habang naglalakad sila ni Maya patungo sa entrance ng mall. “Doon ka na pala nakatira. Paano…paano mo na-afford ang monthly rent doon? Alam mo bang mga Thompson ang may-ari no’n?” ngumiti siya nang pilit habang matalim na tinitingnan ang likod nito. “Hindi kami nagbabayad ng kahit magkano para tumira ro’n, Avva.” Tumaas ang dalawang kilay ni Avva. ‘At talagang proud pa siya? Hindi ko akalain na magaling din pala siyang mang-uto ng mga mayayaman!’ “Ang totoo niyan, bigay lang sa amin ni Hope ang condo unit na tinitirhan namin ngayon. Nagtrabaho kasi ako kay Senior Thompson bilang sekretarya niy—-” “Teka. Nagtrabaho? So hindi ka na sa kaniya nagwowork ngayon?” agad na tanong ni Avva. Lumunok si Maya. Mabilis siyang naglakad patungo sa may food area para magsimula nang mamili ng mga pagkain. “Oo. Sa apo na niya ako magtatrabaho simula bukas,” tapat niyang sagot.
“Sinong nagtext?” tanong ni Avva nang mapansin niyang biglang natigilan si Maya. Pilit pa niyang tinitingnan kung si Gavin ba ang nagpadala ng mensahe rito.“Ah wala. Network lang. Wala na raw akong load.” Ngumiti nang pilit si Maya at saka muling ibinulsa ang kaniyang cell phone.“May gusto ka pa bang idagdag dito, Maya?” nakangiting tanong ni Avva.Umiling si Maya. “Wala na. Ako na ang magbabayad.” Lumapit siya sa kaniyang best friend at hinila ang cart mula rito. Hinila naman nito pabalik ang cart.“Ako na, Maya. Please? Let me do this. Hayaan mong bumawi ako sa’yo,” ani Avva habang patuloy sa pag-agaw ng cart kay Maya.Hindi pa rin binibitiwan ni Maya ang cart. Tinitigan niya nang mata sa mata si Avva. “Bakit kailangan mong bumawi sa akin, Avva? May malaki ka bang atraso sa akin? May nagawa ka bang kasalanan na dapat kong malaman?” seryosong tanong niya.Hindi agad nakasagot si Avva, sa halip ay nakipagtitigan pa siya kay Maya. Nang maramdaman niyang tila patalas nang patalas ang
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s