“Lola, hanggang kailan ka ba hihiga riyan? Please open your eyes. I want you to meet my kids and my special someone. Promise, pagkagising na pagkagising mo, magpapakasal na ako. Kaya please, lola, gumising ka na,” nakayukong sambit ni Gavin habang hawak ng pareho niyang kamay ang isang kamay ng kaniyang Lola Conciana. Marahan siyang tumunghay at tiningnan ang walang malay na matanda. “Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, lola. Naguguluhan na ako. Magkaiba ang idinidikta ng puso at isip ko.” Umub-ob si Gavin sa kama. Hawak-hawak pa rin niya ang isang kamay ng kaniyang Lola Conciana. Napatunghay siya nang marinig niya ang boses nina Hivo at Bia. “Daddy!” sabay na sigaw ng kambal. Agad silang nagtatakbo sa kinauupuan ng kanilang ama. Ikinulong ni Gavin sa kaniyang mga bisig ang kaniyang mga anak. “Kumusta na ang pakiramdam niyo?” Tiningnan niiya si Bia. “Nasakit pa ba ang ulo mo?” Umiling si Bia. “Hindi na po, daddy,” nakangiting tugon niya. Tinapunan naman ng tingin ni Ga
“Ate Maya!” Mabilis na tumayo si Gaia mula sa pagkakaupo niya sa may sahig, sa harap ng pinto ng condo unit na tinitirhan nina Maya at Hope. Sinalubong niya ang mag-ina at agad na niyang niyakap si Maya. Gustong-gusto niyang i-comfort ito dahil sa ginawa ng kaniyang nakatatandang kapatid dito. “Saan kayo nanggaling? Kanina ko pa kayong hinihintay rito. Akala ko…akala ko, umalis na kayo rito nang hindi ko man lang nalalaman. Mabuti na lang at hindi niyo naisipang lumipat ng tirahan.” “Ti-Tita Gaia!” Yumakap si Hope sa isang binti ni Gaia. Bumitiw si Gaia kay Maya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Hope at saka iyon dahan-dahang inalis sa kaniyang mga binti. Umupo siya sa lebel nito. Kumunot ang kaniyang noo nang makita niyang umiiyak ito. “Hope, what’s the problem? Why are you crying?” Pinahid niya ang basa nitong mga pisngi. “I’m just happy to see you here again, T-Tita Gaia,” Hope said. “Maraming salamat po dahil pinapayagan niyo akong tawagin kayong tita kahit hindi niyo na
“Alam mo, Maya, napakarami ko talagang nais ikwento na sa’yo. Mabuti naman at nagkrus din ang landas natin!” wika ni Avva habang naglalakad sila ni Maya patungo sa entrance ng mall. “Doon ka na pala nakatira. Paano…paano mo na-afford ang monthly rent doon? Alam mo bang mga Thompson ang may-ari no’n?” ngumiti siya nang pilit habang matalim na tinitingnan ang likod nito. “Hindi kami nagbabayad ng kahit magkano para tumira ro’n, Avva.” Tumaas ang dalawang kilay ni Avva. ‘At talagang proud pa siya? Hindi ko akalain na magaling din pala siyang mang-uto ng mga mayayaman!’ “Ang totoo niyan, bigay lang sa amin ni Hope ang condo unit na tinitirhan namin ngayon. Nagtrabaho kasi ako kay Senior Thompson bilang sekretarya niy—-” “Teka. Nagtrabaho? So hindi ka na sa kaniya nagwowork ngayon?” agad na tanong ni Avva. Lumunok si Maya. Mabilis siyang naglakad patungo sa may food area para magsimula nang mamili ng mga pagkain. “Oo. Sa apo na niya ako magtatrabaho simula bukas,” tapat niyang sagot.
“Sinong nagtext?” tanong ni Avva nang mapansin niyang biglang natigilan si Maya. Pilit pa niyang tinitingnan kung si Gavin ba ang nagpadala ng mensahe rito.“Ah wala. Network lang. Wala na raw akong load.” Ngumiti nang pilit si Maya at saka muling ibinulsa ang kaniyang cell phone.“May gusto ka pa bang idagdag dito, Maya?” nakangiting tanong ni Avva.Umiling si Maya. “Wala na. Ako na ang magbabayad.” Lumapit siya sa kaniyang best friend at hinila ang cart mula rito. Hinila naman nito pabalik ang cart.“Ako na, Maya. Please? Let me do this. Hayaan mong bumawi ako sa’yo,” ani Avva habang patuloy sa pag-agaw ng cart kay Maya.Hindi pa rin binibitiwan ni Maya ang cart. Tinitigan niya nang mata sa mata si Avva. “Bakit kailangan mong bumawi sa akin, Avva? May malaki ka bang atraso sa akin? May nagawa ka bang kasalanan na dapat kong malaman?” seryosong tanong niya.Hindi agad nakasagot si Avva, sa halip ay nakipagtitigan pa siya kay Maya. Nang maramdaman niyang tila patalas nang patalas ang
“Ha? W-wala naman. Gusto ko sanang bilhin if ever na gusto mong isangla. Nagagandahan kasi talaga ako sa design niya eh. Ang rare tapos hi—”“Avva, alam mong kahit anong mangyari…hinding-hindi ko ‘yon ipagbibili kahit kanino…kahit sa’yo pa. Alam mo naman kung kanino ‘yon nanggaling, hindi ba? Alam mo ring iyon na lang ang susi ko para mahanap ang tunay na ama ng mga anak ko,” wika ni Maya.“O-oo. A-alam ko,” nauutal na sambit ni Avva.“Then why are you planning to buy it from me? Sa dami ng pera mo ngayon, kayang-kaya mo namang bumili nang mas higit pa sa halaga at disenyo ng kwintas kong ‘yon…” kunot ang noong sabi ni Maya.‘Baka mahalata niya ako. Kailangan kong ibahin ang usapan. Kailangan kong malusutan ang mga tanong niya dahil kung hindi, baka maghinala na siya nang tuluyan sa akin,’ isip-isip ni Avva. “Ang totoo niyan, Maya. Gusto ko lang sanang magpagawa ng duplicate ng kwintas mong ‘yon kasi balak kong iregalo sa nalalapit na birthday ni Hope. Alam mo na, para pareho na kayon
“Maraming salamat sa treat mong groceries, Avva,” ani Maya habang hinihintay niyang bumaba ang elevator mula sa top floor.“You’re welcome. Hindi mo ba talaga ako balak i-invite man lang sa unit mo?” nakangusong tanong ni Avva.Huminga nang malalim si Maya. Magsasalita na sana siya nang bigla niyang nakita si Gavin, kasa-kasama nito ang mga anak ni Avva na sina Hivo at Bia. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang bigla itong lumingon sa kinaroroonan niya.“Ah Avva, pasensya ka na talaga. Sa ibang araw na lang. Promise. Magulo pa kasi talaga sa unit ko eh.” Mabilis niyang hinablot ang cell phone ni Avva at i sinave roon ang kaniyang bagong cell phone number. “Tatawagan na lang kita, okay?” nakangiti niyang sambit.Hihirit pa sana si Avva kaso agad na nakapasok ng elevator si Maya nang bumukas ito. Mabilis din nitong pinindot ang button para sumara ang elevator. “She’s fucKin’ annoying!” she murmured. Nagitla siya nang biglang tumunog ang cell phone niya. Tumatawag si Gavin! Biglang nag-
“G-Gavin, a-anong ginagawa mo? N-nakikita ta-tayo ng mga b-bata,” nauutal na sambit ni Maya habang pilit na kumakawala sa mga bisig ni Gavin.“Stay still…”“Pe-pero G-Gavin, may p-pamilya ka na. Mali itong ginagawa mo. Maling-mali,” ani Maya habang patuloy pa ring kumakawala sa pagkakayakap ni Gavin. Hindi niya masisikmurang maging dahilan ng pagkasira ng isang pamilya. She didn’t and will not sign up as a mistress.“You are my family, Maya” Gavin murmured.“What did you say?” Maya asked in shock. ‘Tama ba ang narinig ko? Sinabi niyang ako ang pamilya niya? Lasing ba siya o kulang sa tulog? Kung ano-ano na lang ang sinasabi at ginagawa niya,’ isip-isip niya.Matagumpay na nakakuha ng hibla ni buhok ni Maya si Gavin habang nakayakap siya rito. Agad niya iyong inilagay nang palihim sa kaliwang bulsa ng kaniyang pantalon. Pagkatapos magawa ang kaniyang plano ay pinakawalan na rin niya ito. “I’m sorry, Maya. Na carried away lang ako ng emotions ko. Namiss kasi kita ng sobra,” bulong niya.
“M-Matthan!” magkapanabay na atungal nina Bia at Hivo. Nag-iwas ng tingin si Maya, hindi niya kayang makita ang mga bata na nasasaktan. Parang binibiyak ang puso niya. Hindi niya mapigilang maalala ang yumaong anak. Para sa kaniya, sariwa pa rin ang lahat. Kung sana maibabalik lang niya ang lahat… ngunit mananatili na lamang na hanggang roon. Lumuhod si Maya sa harapan ng mga bata. Lumunok siya bago nagsalita, “S-si Matthan… nang araw na umalis kayo sa lugar natin, 'yon din ang araw na pumanaw siya. H-hindi ko nailigtas si Matthan, h-hindi ko siya naabutan. I-isa siya sa mga nasawi sa sunog. Ang araw na huling nakita niyo si Matthan ay ang huling araw rin na nakita ko siya. Hindi ko na siya naabutan. I-I am sorry kids. Hindi ko nailigtas si Matthan.” Huminga nang malalim si Gavin at hinawakan ang kamay ni Maya. “Sa unit niyo na ipagpatuloy ang usapan niyo, ayos lang ba?” “O-okay,” sagot ni Maya. Basag ang boses niya. Seeing them crying made Gavin feel uneasy. Hindi niya kayang ti
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s