Share

Chapter 4 (Part 1)

Author: Ryytine
last update Last Updated: 2021-12-07 15:31:20

"Shianna! Let's talk! Don't ignore me!"

Patuloy akong naglakad palayo habang hindi pinapansin si Mom na nagmamadaling sinusundan ako.

"Shianna!" Marahas akong napaharap sa kan'ya nang nagawa niyang hablutin ang braso ko. Malamig ko siyang tiningnan dahilan upang agad niyang mabitawan ang aking braso.

"What, Mom?" Sarkastiko akong ngumiti at humakbang papalapit sa kan'ya. Bahagyang nanlaki ang kan'yang mga mata at umatras. "Ano ang gusto mong pag-usapan natin? At may dapat pa ba tayong pag-usapan?"

Matagal akong tinitigan ni Mom at maya-maya ay pagak siyang natawa.

"Nagbago ka na..."

Huminga ako nang malalim at akmang magsasalita nang mapansin ang aking stepdad na tumatakbo papalapit sa amin. Blanko ko siyang tiningnan at agad siyang huminto sa pagtakbo.

"Honey." Hinihingal siyang lumapit kay Mom at nang hinarap niya ako ay seryoso na ang kan'yang mukha.

"I can't believe that you made your mom chase you. Gan'yan ka na ba kawalang-respeto, Shianna Viacera?"

"Wow." Napakurap ako at tinanaw ang mga nakikiusyosong guest sa malayo. Ang mga reporter ay nais lumapit ngunit hindi nila magawa dahil sa mga ilang guard na pumipigil sa kanila.

"Hindi ko alam na ako pala ang taong walang respeto rito, Dad," diniinan ko ang aking pagkakabigkas sa pagtawag ko sa kan'ya dahilan upang saglit siyang matigilan. Paniguradong tulad ko ay naalala niya rin ang kasalanang ginawa niya noong nabubuhay pa ang ama ko.

Bumuga ako ng hangin habang pilit na hinahabaan ang aking pasensya. Binalingan ko muli ang ilang guests at sa huli ay napabuntong-hininga na lamang.

"The main event will start soon." Tiningnan ko si Mom at mapaklang ngumiti. "Enjoy this party, Mom. Don't worry, alam kong na-miss mo ako. Isa kang... mabuting ina, hindi ba?" Saglit na dumilim ang aking mukha bago nagpasyang tuluyan silang talikuran.

"Shianna!" Patuloy akong naglakad palayo at hindi na muling pinansin ang pagtawag ng aking ina. At nang makalapit ako sa mga guest ay sakto ring nagsalita ang emcee ng party na ito.

"And now! The moment everyone is waiting for has finally started! Everyone, please give yourself a round of applause as we begin to welcome the families who attended the grand opening of Kalinga Charity!"

"Miss Shian, are you ready?" Lumapit sa akin si Cayer at pumuwesto sa aking tabi.

"I am always ready, Cayer." Sarkastiko akong ngumiti at saka pinanood ang mga taong nagpapalakpakan. Tumama sa akin ang flash ng mga camera dahilan upang malusaw ang aking ngiti. Nilingon ko ang press ngunit ibang tao ang nakaagaw ng aking atensyon. Saglit akong natigilan at agad na nag-iwas ng tingin.

Shit. Si Vincent.

"And as we begin! I will announce the persons who decided to participate the competition in the parents or head section. And again, to inform everyone, Kalinga Charity is a big project created by the heads of families and clans! And to give the children the love and care they were wishing for—the families involve decided to hold a competition."

"A competition, huh?" Humalukipkip ako at tumingin sa ibang mga direksyon upang hindi matawa.

This charity... hindi ito nabuo dahil lamang sa kabutihan ng mga mayayamang pamilya.

Nabuo ang charity na ito upang ipakita na maganda ang reputasyon ng bawat pamilya. Na maayos ang relasyon ng bawat isa... kahit na ang totoo ay hindi magkakasundo ang bawat isa.

"This competition is divided into many sections. For example, anyone who wants to become the head of Kalinga Charity shall compete in the parents section. Meanwhile, the others who just want a spot in the charity will compete in the other sections such as: aunt, uncle, cousin, siblings, and etcetera.

"However," pagpapatuloy ng emcee. "Every spot holds a big responsibility. If someone wins in the parents section and become the Kalinga Charity Head, he or she shall take care of the orphans responsibly."

"We understand that!" natatawang sigaw ng isang tipsy na lalaki at itinaas nito ang hawak na wine. "Why don't we directly go to the moment everyone is waiting for?"

"Mmm." Tumikhim ang emcee at bumaling sa hawak niyang card. "Well then. Let's start calling the families!"

"Cayer." Bahagya akong lumapit sa kan'ya upang makabulong. "Ang mga bata?" tukoy ko sa mga anak ko.

"Kasama nila ang iba pang mga bata." Pormal na tumindig si Cayer nang mapansin na nasa amin pa rin ang atensyon ng karamihan.

"Good." May dumaan sa aming waiter na may dalang mga wine kaya dumampot ako ng isa mula rito. Sumimsim ako sa wine at mapanuring pinagmasdan ang paligid.

"Parang may mali..." Bahagyang naningkit ang aking mga mata. "Ang mga guard... kaunti lamang ba talaga sila?"

"Napansin ko rin iyan, Miss Shian." Sumeryoso ang mukha ni Cayer at palihim na pinagmasdan ang mga tao. "Should we retreat?"

"Send the kids home."

Nagsimula na ang emcee sa pagtawag sa pangalan ng mga pamilyang kasali sa kompetisyon kaya naglakad na ako patungo sa unahan ng mga guest. Samantala, si Cayer naman ay kinuha ang aking wineglass at naglakad patungo sa ibang direksyon.

"From the family of Valderama, we have Owen who is included in the parents section. Everyone, please give him a round of applause!"

Naglakad patungo sa engrandeng pintuan ang isang morenong lalaki na nakasuot ng black suit and tie. Agad kong napansin ang kan'yang mapanuring mga mata nang aksidenteng mapatingin siya sa akin. He smirked and I immediately raised a brow.

What the hell?

Nagtawag pa muli ang emcee at ang mga taong nababanggit ay pumapasok sa isang engrandeng building habang may isang mapang-asar na ngiti sa mga labi. Kung sa iba ay isang normal na ngiti lamang ang mga ito... Puwes, sa aming matagal nang kilala ang isa't isa ay batid na kung anong ngiti ang iginagawad ng bawat taong nababanggit ng emcee.

"And now! From the Viacera Clan, we have—" Tiningnan ng emcee ang kan'yang hawak na card at agad na nalukot ang kan'yang mukha nang may mapansin dito.

"I-It's blank?" Tiningnan pa muli ng emcee ang kan'yang card ngunit nabigo lamang siyang makahanap ng isang pangalan.

"Uhm." Nag-angat siya ng tingin at akmang magbabanggit ng ibang pamilya nang magsimula akong maglakad patungo sa harapan ng lahat.

"Nakalimutan mo na yata ako, ginoo." Huminto ako sa paghakbang at matamis na ngumiti. "Tell me, hindi ba ako welcome sa lugar na ito?"

"Miss Shianna." Nadinig sa buong lugar ang malalim na paglunok ng emcee. At dahil doon, tuluyan nang nagsimula ang panibagong bulungan ng mga tao.

"Sasali siya sa competition?"

"That's absurd."

"Alam na ba ito ng angkan niya?"

"Probably not. Wala rin sila rito. I don't think na a-attend pa sila sa party."

"Seriously?!" Isang babae ang naglakas-loob na lapitan ako. Agad ko siyang nakilala dahil nagmula siya sa isang makapangyarihang pamilya. "Stop ruining the show, Shianna! Hindi ka welcome rito!"

"Chanel, long time no see. Na-miss mo ba ako?" Mapang-asar ko siyang nginitian dahilan upang manlaki ang kan'yang mga mata sa galit.

"Y-You!" Akmang sasampalin niya ako nang biglang may nagsalita. Sabay kaming napalingon sa lalaking kaswal na naglalakad habang napapaligiran ng maraming bodyguards. Kasama niya ang kan'yang dalawang kapatid na babae na nasa kan'yang magkabilang gilid. Blankong tumingin sa akin ang dalawa niyang kapatid habang kaswal na naglalakad. Ang kanilang suot na dark blue evening gown ay halos sumayad sa lupa. Nakalugay ang mahabang buhok ng bunso habang ang nakakatandang kapatid naman nito ay malinis na nakapusod ang makintab at itim na buhok. Bakas ang pagiging istrikto sa mukha at mga mata nito. Ang kan'yang nude color lipstick ay bumagay sa kan'ya. Samantala, bumagay naman ang red lipstick sa babaeng nakalugay ang buhok.

"Seriously? Bullying someone in a charity event?" Nakapamulsang tumingin sa akin si Vincent at sunod ay tiningnan niya si Chanel. Ngunit bago niya inalis ang kan'yang mga mata sa akin ay hindi nakatakas sa aking paningin ang palihim niyang pagngiti.

Isang ngiti na nang-aasar. Isang ngiti na nagpapakita ng pagiging arogante.

"V-Vincent, don't meddle with us." Napalunok si Chanel at napaatras nang makitang mabagal na naglakad si Vincent papalapit sa amin. Sunod-sunod siyang napalunok at bahagyang kumunot ang aking noo nang mapansin ang mga butil ng pawis na namumuo sa kan'yang noo.

Lubha bang nakakatakot si Vincent?

"Hmmm." Huminto si Vincent sa harapan naming dalawa ni Chanel at pinilig niya ang kan'yang ulo upang sipatin ako. Halos magsalubong ang mga kilay ko kung hindi lamang naagaw ng tattoo sa kan'yang leeg ang aking atensyon.

"Fine! You're lucky, Shianna! Nandito si Vincent upang awatin ako. Kung 'di—sa hospital ang kababagsakan mo." Napakurap ako dahil sa huling sinabi ni Chanel at maang ko siya na pinanood na maglakad palayo.

Seriously? Sa hospital talaga ang kababagsakan ko?

Dapat na ba akong matakot?

"So you've come here just to ruin the show, Shianna." Napatingin muli ako kay Vincent at saktong tumama ang aking paningin sa kan'yang dragon na tattoo. Napansin niya ang aking pagtitig dahilan upang bahagyang tumaas ang kan'yang kilay.

"Done checking me?" He smirked and he offered his hand. "Then shall we enter the building?"

"The nerve," wala sa sariling usal ko at sarkastikong napangiti. Inabot ko ang kamay ni Vincent at agad ko siyang hinatak papalapit sa akin dahilan upang mapahakbang siya patungo sa akin. Inangat ko ang aking ulo upang makabulong sa kan'yang tainga. "Nakalimutan mo na ba ang nangyari noon? Or perhaps ay may amnesia ka?"

Narinig ko siyang mahinang natawa. "Apparently, I've decided to forget unimportant things." Lumayo siya sa akin at hindi na niya nagawang maitago ang naaaliw na ngiti sa kan'yang mga labi. Hinawakan niya ang aking balikat at siya naman ang bumulong sa aking tainga, "If you want, puwede nating ulitin ang nangyari noon upang maalala ko."

Jerk!

Agad na nag-init ang dugo ko at akmang itutulak ko siya palayo nang maalalang maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon.

"Vincent..." Nanggigigil kong pinanood siyang lumayo. Huminga ako nang malalim. "Go burn in hell."

"I would love to kung kasama kita." Nilahad niya muli ang kan'yang kamay at wala akong nagawa kung 'di ang abutin ito. Kung wala lamang mga camera ngayon ay paniguradong nabalian na ng buto ang lalaking kaharap ko ngayon.

"I don't have a date tonight." Sabay kaming naglakad papasok sa malaking gusali habang kasunod namin ang mga kapatid ni Vincent at ang kanilang bodyguards.

"Me too." Matamis akong ngumiti at nilingon siya. Diretso lamang siyang nakatingin sa loob ng venue ngunit may aliw pa ring nananatili sa kan'yang mga mata. Bahagyang nakaangat ang sulok ng kan'yang mga labi kaya batid kong aliw na aliw siya sa mga nangyayari.

"Then it means that we are using each other," dugtong ko at humiwalay sa kan'ya nang tuluyang makapasok sa building. Wala nang camera sa gusaling ito kaya ang lahat ay malaya upang ipakita ang tunay na mga kulay.

"Thank you for accompanying me, Vincent. I really enjoyed our moment... unlike the moment that we had four years ago."

Tuluyan nang ipinakita ni Vincent ang kan'yang pagkaaliw at halos takpan na niya ang kan'yang bibig upang itago ang kan'yang ngiti.

"Ibig-sabihin ba niyan ay hindi mo na-enjoy ang nangyari noong gabing—"

Oh, shit!

Nanlaki ang mga mata ko at kusang humakbang ang aking mga paa palayo upang hindi marinig ang sunod na sasabihin ni Vincent. I heard him laughed kaya nanggigigil na lamang akong napatiim-bagang.

Heavens! He became so much worse! At paniguradong tuwang-tuwa siyang nakikita akong hindi natutuwa sa kan'yang mga kinikilos.

Halos sampalin ko na ang aking noo nang maalala ang ginawa ko noon. At ngayon ko lang mas napagtanto na lubhang nakakahiya ang ginawa ko noon! Pinangako ko na talaga sa sarili ko na kailanman ay hindi na ako maglalasing!

Kung ano-ano ang nagagawa ko kapag nasa impluwensya ako ng alak.

Dinig ko ang bulungan ng mga tao ngunit hindi ko na ito pinansin. Dumiretso ako sa isang bakanteng lamesa at dahil hindi pa rin ako makahuma sa nangyari ay hindi ko napansin ang babaeng tumabi sa akin. Ang kan'yang katawan ay nababalot ng itim na long sleeve evening gown. Imposible ring makita nang malinaw ang kan'yang mukha dahil natatakpan ito ng isang itim na net na nakakabit sa kan'yang malaking hat. Agaw-pansin ang kan'yang pulang-pula na lipstick. Sa palagay ko ay imposibleng makita ang paa ng babae dahil mahaba ang suot niyang gown.

"It seems that everyone is enjoying the party." Bahagya akong napalingon sa kan'ya nang naglabas siya ng isang malaking pamaypay. At nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig siyang mahinhin na tumawa. Gamit ang pamaypay ay tinakpan niya ang kan'yang mga labi.

"How about you, Shianna?" Tuluyan na akong napatingin sa kan'ya habang siya ay diretso lamang na nakatingin sa stage. Hindi na siya muling nagsalita dahil may isang panibagong emcee ang umakyat sa stage. Napalingon ako sa mga bata nang makitang naglalakad sila patungong stage.

"Sino ka?" Nilingon ko ang babae ngunit gayon na lamang ang gulat ko nang makita siyang naglalakad palayo. Awtomatikong tumayo ako, at dahil nagsisimula na ang event—napunta sa akin ang atensyon ng mga tao. Idagdag pa na nasa akin na talaga ang kanilang mga atensyon.

"Miss Shianna?" takang pagtawag ng emcee. "May sasabihin ka po ba?"

Pasimpleng tiningnan ko ang mga guest na nasa paligid. Nahuli kong nakatingin sa akin si Mom habang nakataas ang isa niyang kilay. Katabi niya ang aking half-brother at ang kan'yang lalaki.

Kailanman ay hindi ko sila ituturing na isang legal na pamilya.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa aking upuan at pumayapa na rin ang lahat. Inabutan ng staffs ng mga microphone ang mga bata. Samantala, pinagmasdan ko ang buong lugar at doon ko napansin na mas naging kaunti ang guards na nasa loob ng venue. Sa totoo lamang ay kung wala ang guards ni Vincent ay tuluyan nang mahahalata kung gaano hindi ka-secured ang venue.

"M-Magandang gabi po!" Cute na ngumiti ang isang bata sa mga guest at ang mga huli naman ay ngumiti lamang. Bakas sa kanilang mga mata na wala silang gana sa gagawin ng mga bata. Palibhasa, nais lamang nilang makisalamuha sa mga anak-mayaman.

"Ako po si—Rexia! Masaya ako na makita kayong lahat!"

"Aww, ang cute naman!" sarkastikong saad ng isang matandang babae at sunod ay nagtawanan ang guests. Mas napangiti ang bata sa pag-aakalang sinserong napasaya niya ang mga tao.

"Ahm..." Ngumuso ang bata at maya-maya ay napaubo siya. Napaangat ako ng tingin sa second floor nang makita si Cayer na karga si Nash. Kumunot ang noo ko nang makitang wala si Ashy sa kan'yang tabi.

Nasaan ang anak ko?

At akala ko ba ay umuwi na sila?

'Mommy.' Nakita kong binuka ni Nash ang kan'yang bibig at tuluyan na akong naalarma nang makita ang takot sa kan'yang mukha. Samantala, si Cayer naman ay seryoso ang mukha. Ngunit dahil sa saglit na papalit-palit ng kan'yang ekspresyon ay napagtanto kong nag-aalala rin siya.

"Rexia... a-ayos ka lang ba? Are you sick?"

"Someone, call a doctor."

"Oh my God!"

Napatayo ako nang makitang bumaba sila Cayer sa hagdanan na yari sa isang mamahaling kahoy. Napalingon ako sa stage nang makarinig ng isang tili rito. At sakto niyon ay nakita ko ang mga bata na sunod-sunod na nawalan ng malay. Huling natumba si Rexia na napaubo pa ng dugo.

"Ang mga bata!"

"Mommy! S-Si Ashy—nawawala!" Muli akong napalingon kay Nash nang marinig na humikbi siya. Saglit na nablanko ang aking utak nang marinig ang sinabi ng anak ko.

S-Si Ashy...

Ang anak ko.

H-Hindi.

"Mommy!" Biglang namatay ang lahat ng mga ilaw dahilan upang mabalot ng dilim ang buong paligid. Dinig ko ang tilian ng mga tao habang ako ay awtomatikong tumakbo patungo kila Nash kahit wala akong nakikita.

"A-Anak." Kinapa ko siya at tuluyan na siyang napaiyak. Kinarga ko siya at mahigpit niya akong niyakap.

"M-Mommy... I am afraid."

"Forgive me for my negligence, Miss Shian." Seryoso at kalmado na binuksan ni Cayer ang flashlight na lagi niyang dala. Inabot niya ito sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Saan n'yo huling nakita si Ashy?"

"Sa library, M-Mommy." Mas napaiyak si Nash. "I went to the bathroom to pee—p-pero pagbalik ko, wala na si Ashy."

Naglabas ng panibagong flashlight si Cayer at binuksan niya ito. Pinakarga ko sa kan'ya si Nash na umiiyak pa rin.

"Take him to a safe place," utos ko. "Hahanapin ko si Ashy."

"But it's dangerous!"

"So what?!" Halos sabunutan ko na ang aking sarili. Dinig sa buong lugar ang nag-pa-panic na mga tao na hindi alam kung ano ang mga gagawin.

"Anak ko ang nawawala, Cayer!" Nagtagis ang aking mga ngipin at sisigaw pa sana nang maalala si Nash. Pilit na bumuntong-hininga ako at nilapitan ang aking anak. Marahan kong hinawakan siya sa ulo at hinalikan ang kan'yang buhok. Mabuti na lamang at hindi kami napapansin ng mga tao dahil abala sila na isalba ang kanilang mga sarili.

"Mommy will be back. And I promise, kasama ko na si Ashy sa pagbalik ko."

"Mommy, please, t-take care." Humikbi si Nash at ngumiti lamang ako. Tinalikuran ko na sila ngunit bago ako tumakbo palayo ay tinanong ko si Cayer kung nasaan ang library at playground. At ang sinabi niya ay nasa fifth floor ang playground habang nasa second floor naman ang library. Inuna ko ang library at halos madapa pa ako sa hagdanan dahil sa heels na aking suot. Huminto ako sa pag-akyat at mabilis na inalis ang suot kong pang-yapak. Tinapon ko ito sa kung saan at muling umakyat patungong second floor. Hindi na ako nahirapang hanapin ang library dahil ang bawat kuwarto ay may label sa itaas ng pinto.

"ASHY?" Tinutok ko ang gamit kong flashlight ngunit wala sa library ang anak ko. Napahilamos ako ng mukha at lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa dulo ng second floor dahil batid kong nandito ang hagdanan. Hanggang 25th floor ang building at ang style ng first at second floor ay parang bahay. Ang third floor patungo sa tuktok ng building ay naka-hotel style na.

Malakas kong sinipa ang pinto patungo sa hagdanan. May sumalubong pa sa akin na mga staff na hindi ko pinansin. Patakbong inakyat ko ang hagdanan patungong fifth floor at hinihingal na ako nang marating ito. Muli ay hinanap ko ang playground at nang saktong mahanap ko ito ay saktong lumabas ang isang babae na naka-all black outfit. Isang kasuotan na madalas na makikita sa isang spy.

"Hoy!" sigaw ko nang bigla siyang tumakbo. Hindi ko na nagawang tingnan ang loob ng playground dahil kusang kumilos ang aking katawan upang habulin siya.

"You, woman! Huwag ka talagang magpapahuli sa akin!" Mas binilisan ko ang aking pagtakbo at nilingon niya ako. Natatakpan ang kan'yang mukha kaya hindi ko siya magawang kilalanin.

Dumiretso siya sa hagdanan at dito ay naghabulan kami. Humugot ako ng malalim na paghinga at buong lakas na in-skip ang iilang baitang ng hagdanan.

"I'll kill you!" Pumasok siya sa seventh floor at halos mapatili ako nang nakita kong may ibinato siya. Ngunit dahil lubhang mabilis ang aking pagtakbo ay hindi ko magawang huminto.

"Give me my child, you bitch!" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglabas ng usok ang kan'yang ibinato. Napasigaw ako sa panggigigil at ubod-lakas na ibinato ko sa kan'ya ang aking hawak na flashlight. Bago tuluyang dumilim ang paligid ay nakita ko pang diretsong tumama ito sa kan'yang ulo. Narinig kong d*****g siya at patuloy kaming naghabulan kahit wala na akong tanglaw.

"This is emergency! This mission shall be aborted." Narinig kong saad ng babae habang hinihingal na tumatakbo. "I am calling for backup!"

"WALANG TATAKAS, H1NAYUPAK KA!" Dinampot ko ang aking nahawakan at ibinato ito sa kan'ya. May nadampot muli ako at akmang ibabato ito sa kan'ya nang biglang lumiwanag ang paligid. Saglit akong napapikit dahil sa pagkasilaw at nang dumilat ako ay nakita ko ang babae na kaharap ang isang elevator na bumukas.

"Hoy! SANDALI!" Nagmamadaling hinabol ko siya ngunit nakapasok na siya ng elevator. At nang huminto ako ay papasara na ito. Gamit ng natitirang siwang ng pinto nito ay tiningnan ko ang babae. At halos mayanig ang mundo ko nang makitang inalis niya ang kan'yang takip sa mukha.

H-Hindi...

Imposible!

"Long time no see, Miss Shianna." Ngumiti si Ms. Ybañez at nagkatitigan kami. At bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay itinuro niya ang kan'yang itaas.

Ang anak ko—nasa tuktok siya ng building!

Dumiretso ako sa pangalawang elevator at binuksan ito. Biglang nanghina ang aking mga tuhod kaya pasalampak na pumasok ako rito.

Ashy... H-Hindi ko kakayanin kung mapapahamak ka.

Hindi... Hindi ako papayag na masaktan ka!

Bumukas ang elevator kahit nasa 23rd floor pa lamang ako. Sinubukan kong isara ang elevator ngunit hindi ito gumana. Napalunok ako at tiningnan ang nasa labas. Muli akong napalunok nang makita ang patay-sindi na mga ilaw.

Huwag n'yo sabihing nasa isa akong horror movie ngayon.

Bahala na!

Lakas-loob na lumabas ako sa elevator at tumakbo patungo sa dulo ng floor. At halos mapatili pa ako sa takot nang mapansin ang mga ilaw na sunod-sunod na namamatay matapos ko silang lagpasan.

Marahas kong binuksan ang pinto patungong hagdanan at napatili na talaga ako nang muling dumilim ang buong paligid. Wala na namang ilaw!

Nanginginig kong hinawakan ang handle ng hagdanan at tinakbo ito patungong tuktok ng building. May narinig akong kumalabog kaya muli akong napatili.

Para sa anak ko—kakayanin ko ang lahat!

"ASHY!" Hinihingal kong binuksan ang pinto patungong rooftop at sumalubong sa akin ang isang marahas na hangin. Agad akong napaangat ng tingin nang makita ang isang helicopter na unti-unting umaangat sa ere. Nagtama ang paningin namin ni Ms. Ybañez na kaswal na nakasandal sa upuan. Nginisihan niya ako at tuluyan nang lumipad ang helicopter palayo. Wala akong inaksayang oras at agad na hinanap si Ashy. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakatayo siya malapit sa gilid ng rooftop. Hawak niya ang isang kamay ng isang bata at ang natitirang mga bata ay nasa kanilang likuran. Silang lahat ay nakatanaw sa langit, pinagmamasdan ang papalayong sasakyang panghimpapawid.

"Ashy!" Lumapit ako sa kan'ya at mabagal niya akong binalingan. At halos matigilan ako nang makita ang kan'yang blankong mukha.

"Mommy." Mabagal siyang kumurap. "It's dangerous here."

Tuluyan na akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Ashy. Pinigilan kong mapaluha at nilapitan siya. Binitiwan niya ang isang bata at hinarap ako.

Matagal kaming natahimik hanggang sa muli siyang nagsalita. Doon ay tuluyan na siyang napaluha.

"M-Mommy."

"Don't worry. Mommy's here." Akmang kakargahin ko siya nang biglang may pasigaw na nagsalita.

"Shianna!" Sumulpot si Mom na sapo ang dibdib dahil siya ay hinihingal. Tumigil ang aking mga kamay sa ere at nagkatinginan kami ni Ashy. Napatiim-bagang ako at binalingan ang batang babaeng kasama niya. Kinarga ko ito habang si Ashy ay inosenteng nakatingin sa akin. Pinigilan niyang mapaluha habang nakatingin sa akin.

Sunod-sunod na sumulpot ang mga guest. May kasama na rin silang media na nakaabang sa mga nangyayari. Saglit akong napatingin sa batang karga ko dahil nawalan ito ng malay.

"Are the children fine?" kunwaring nag-aalalang tanong ng isa. Tinakpan niya pa ang kan'yang bibig upang magmukha siyang kapani-paniwala.

"Drop the act, woman." Malamig ko siyang tiningnan habang ang mga camera ng mga reporter ay sa akin na nakatutok. Mabagal akong naglakad papalapit sa kanila at mapait na ngumiti.

"Alam nating lahat na wala kayong pakialam sa mga bata kaya nangyari ang lahat ng ito. Nakita n'yo na, 'di ba? Nag-pa-party kayo habang ang mga bata ay nakabukod sa inyo. Wala rin silang mga bantay. Tingin ko nga rin ay hindi pa sila kumakain dahil walang nag-aasikaso sa kanila," tukoy ko sa isa sa mga batang narinig kong humikbi habang sinasabi na gutom na siya.

"That's not true!" Napalunok ang isang babae at pilit na nagtapang-tapangan. Napatingin siya sa camera at napatiim-bagang.

"Not true? Then tell me kung saan napunta ang mga bantay rito. Kulang ba kayo sa budget o sadyang wala kayong pakialam?"

"Ang mga guwardiya ba ang tinutukoy mo, Miss Shianna?" singit ng isang reporter. "Kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko silang binabantayan ang mga mamahaling kotse ng guests."

Nagsinghapan ang mga tao at guilty na nagkatinginan. Samantala, si Mom na alam kong hindi guilty ay napabuntong-hininga na lamang.

"See? So stop acting like you care—"

"Shut up!" sigaw ng isang babae at nilapitan ako. Marahas niyang hinawakan ang braso ko. "So what, huh? At least hindi kami tulad mo na bigla-biglang sumulpot—"

"What the hell is happening here?"

Lahat ay natigilan nang dumagundong ang boses na kilalang-kilala ko.

Nandito na ang angkan ko.

"Ang Viacera," bulungan ng mga tao at umatras upang bigyan daan ang Viacera Clan na halatang hindi natutuwa sa naabutang pangyayari. Lihim akong nakahinga nang maluwag nang makitang hindi nila kasama ang great-grandfather at ang grandfather ko.

"Oh! Shianna? You're back!" Kumaway sa akin si Livi na isa sa mga pinsan ko. Kasama niya ang mga tita at tito ko na salubong ang mga kilay. Samantala, ang mga pinsan ko ay kaswal na nakatayo habang sinusuri ang paligid. Ang mga babae ay mataray at istrikto na nakahalukipkip habang ang mga lalaki ay walang emosyon na pinapanood ang nangyayari. Ang ilan ay halatang nasisiyahan sa gulo na nasaksihan. Mahal talaga nila ang thrill, huh?

"Oh?" Naglakad si Cassie papalapit sa amin ng babae. Tiningnan niya ang huli at pinaningkitan ito ng mga mata. "Wow." She clicked her tongue. "Kung ako sa'yo, girl, bibitiwan ko na si Shianna dahil ayokong dumiretso sa hukay. Alam mo bang nasa dugo namin ang pagiging malakas? Kung hindi lamang kami lubhang mayaman ay paniguradong mga master na kami ng martial arts." Mahina siyang natawa at humalukipkip. Matagal niyang tinitigan ang babae at nang mapansing wala itong balak na bitiwan ako ay nagsalubong ang kan'yang mga kilay.

"Cassandra!" Narinig kong saway ni Tita Midel nang makitang nilapitan ni Cassie ang babae. Ang ilan sa mga pinsan ko ay sumipol lamang.

"Hoy." Napatili ang babae nang bigla siyang hinatak ni Cassie palayo sa akin. Agad na napangiti ang aking pinsan nang makitang nanginginig sa takot ang babae. "Sinabi ko na sa'yo, bitiwan mo si Shianna. Kami lang... ang may karapatan na hawakan siya. Wala kang karapatan dahil wala ka pa sa kalingkingan ng kapangyarihan namin." Humigpit ang kan'yang pagkakahawak sa palapulsuhan ng babae at napaiyak na sa takot ang huli. "Kilalanin mo ang kinakalaban mo, babae."

"P-Patawad!" Humagulhol ang babae kaya binitiwan na siya ni Cassie. Hinarap ako ng aking pinsan at bumaling siya sa batang hawak ko. Nilahad niya ang kan'yang mga braso at binigay ko sa kan'ya ang bata. Maingat niya itong binuhat at marahan itong tiningnan.

"Ano ang nangyari?" Tumaas ang kan'yang kilay. "Ah... Nevermind." Tinalikuran niya ako at bumalik sa kinatatayuan ng aking angkan. Pinasunod ko sa kanila ang mga bata kabilang na si Ashy upang makasama sila sa kanilang pag-alis. Matapos mawala ang Viacera Clan ay saktong dumating si Vincent na halatang bahagyang naaaliw sa nangyayari.

Isa pa itong demonyo na ito.

Kasunod niya si Cayer na kasama si Nash. Huminga ako nang malalim at nilapitan si Vincent. Marahas kong hinablot ang kan'yang kamay at bago ko siya hinila palayo ay hinarap ko si Cayer.

"Follow me. But first, pick her," tuloy ko kay Ashy. Tumango siya kaya hinila ko na si Vincent palayo. Sumakay kami sa isang elevator at nang magsara ito ay marahas ko siyang isinandal sa wall ng lift.

"Sabihin mo sa akin, Vincent." Sinalubong niya ang aking galit na titig gamit ang kan'yang malamig na mga mata. Halos manlamig ako sa biglang pagbabago ng kan'yang emosyon.

"Ano ang nangyari after kong tumakas? To be precise, ano ang nangyari kay Ms. Ybañez? Ang dati mong secretary?"

"She's dead." Napasinghap ako nang hinawakan ni Vincent ang magkabila kong braso. "She helped you escape from me. Tingin mo ba ay hahayaan ko lamang siya na mabuhay?"

"Sabihin mo sa akin ang totoo! Alam kong buhay pa siya!"

"If you still think that she's alive, then the thing isn't the same for me. Kilala mo ako, Shianna." Napatitig ako sa kan'yang madilim na mga mata. "Wala akong pinapatawad na traydor."

Saglit akong natahimik at maya-maya ay nag-iwas ng tingin. "You're cruel."

"I am and will always be." He smiled darkly and he leaned closer. Halos mapasinghap ako nang maramdaman ang pagtama ng kan'yang mainit na mga labi sa aking tainga. "At handa akong maging mas marahas pagdating sa'yo."

Isang nakakabinging katahimikan ang pumainlang. Unti-unting namuo ang mga butil ng pawis sa aking noo. Unti-unting nanghihina ang aking mga tuhod habang tumatagal na magkalapit kami ni Vincent. Mabuti na lamang at bumukas ang elevator. Lumabas agad si Vincent habang ako ay nanghihinang napasandal sa wall ng lift. Mabigat ang aking paghinga nang makalabas ng elevator. Sumalubong sa akin si Cayer na buhat-buhat si Ashy na nakatingin sa akin. Si Nash ay lumapit sa akin at hinawakan ang damit ko.

"M-Mommy," marahang usal ni Ashy at sinubukan niya akong abutin. Lumamlam ang aking mga mata at pinanood si Cayer na lapitan ako. Kinuha ko sa kan'ya si Ashy at kinarga ang aking anak. Hinawakan ko naman si Nash sa kan'yang maliit na kamay at sabay kaming naglakad palayo. Huminto ako sa paglalakad at galit na nilingon si Cayer. Pormal ang kan'yang mukha ngunit alam kong lihim na niyang sinisisi ang kan'yang sarili.

Tumalim ang pagtitig ko sa kan'ya. "Let's talk once we go home." Napatiim-bagang ako at tuluyan nang naglakad palayo habang kasama ang aking mga anak.

This night... hindi ko ito makakalimutan.

Related chapters

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 4 (Part 2)

    "Ang buong bansa ay nagulantang matapos magpakita ni Shianna Viacera ng Viacera Clan. Matapos ng apat na taon ay bigla na lamang siyang nagpakita sa grand opening ng Kalinga Charity, ang proyekto na binuo ng mga mayayamang tao. Ngunit habang nangyayari ang party ay isang pag-atake ang naganap—" Gamit ang remote ay pinatay ng isang misteryosong lalaki ang television na kan'yang kaharap. Bahagyang madilim ang paligid dahilan upang hindi makita ang kan'yang mukha. Hawak niya ang isang shot glass na naglalaman ng isang mamahaling alak. "Boss, nandito na si Ms. Ybañez." "Papasukin n'yo siya." Nilapag ng lalaki ang baso sa center table na kan'yang kaharap. Agaw-pansin ang city lights na kitang-kita dahil sa floor to ceiling window ng kan'yang condo unit. Pag-aari niya ang buong gusali na may limampu at limang palapag. At kasalukuyan ay siya lamang ang nakatira rito kasama ang kan'yang mga tauhan na nag-iikot sa buong lugar. Pumihit pabukas ang pinto ng kan'yang condo unit at bumungad dit

    Last Updated : 2021-12-07
  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 5 (Part 1)

    "Shianna Viacera is back," usal ng isang babae habang nakatingin sa kan'yang phone. Kasalukuyan niyang binabasa ang isang article tungkol sa pagbabalik ni Shianna. Maya-maya ay nabalot ng dilim ang kan'yang mga mata at humigpit ang kan'yang pagkakahawak sa kan'yang phone. Napatiim-bagang siya at nabalot ng pagkabahala ang kan'yang maamong mukha. Ang kan'yang mahabang itim na buhok na umabot sa kan'yang bewang ay nakalugay. Ang laylayan ng kan'yang mahabang puting bestida ay umabot sa marmol na sahig. Huminga siya nang malalim at tiningnan muli ang screen ng kan'yang phone. Patuloy niya pa sanang babasahin ang artikulo nang biglang marahas na bumukas ang pinto ng kan'yang kuwarto. "Solei!" Napaigtad ang babae nang pumasok ang kan'yang asawa sa kuwarto. Agad na namutla ang kan'yang mukha habang pinapanood ang lalaki na maglakad patungo sa kan'ya. "Dmitri." Tinago niya ang phone sa kan'yang likod at napaatras. "B-Bakit?" Naningkit ang mga mata ni Dmitri at tumingin sa likuran ni Solei

    Last Updated : 2021-12-09
  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 5 (Part 2)

    Saktong tumunog ang aking phone nang makarating ako sa second floor ng mansion. Nilabas ko ang aking gadget at sinagot ang tawag mula kay Hudson. "Hello?" "Good morning," bati niya gamit ang kan'yang mababang boses. Agad kong napansin na bagong gising pa lamang siya. "Gabi pa riyan, 'di ba? You should sleep, Hudson." "Mmm. But you know na ngayon na ang flight ko kaya hindi na ako makakatulog." Tipid akong napangiti. "See you soon." "See you. Anyway, how's the charity? Ilan ang kasali sa kumpetisyon?" "Sa parents section ay fourteen pairs ang kasali. Overall, ang lahat ng lumahok ay umabot sa mahigit fifty katao. At paniguradong madaragdagan pa ang mga ito." "I see." Narinig kong may binuksan siyang isang pinto. "How about Vincent, nakita mo na ba siya?" Natahimik ako. Tumikhim siya nang mapansin ang aking reaksyon. Nagpasya siyang ibahin ang topic. "Anyway, I heard na nalason ang ilang mga bata noon sa party. How's the issue?" "Magkakaroon kami ng conference ngayon." Mula sa

    Last Updated : 2021-12-09
  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 5 (Part 3)

    LUMIPAS ang tatlong oras at handa na ang Kalinga House sa pagdating ng mga guest na a-attend ngayon sa conference. At tulad noon sa party ay may press na mag-co-cover sa conference. Para na rin sa publicity at para maipakita sa buong bansa na seryoso ang bawat mga pamilyang kasali sa charity. Pati ang ibang hindi kalahok sa kumpetisyon ay dumating upang pag-usapan ang nangyaring insidente. Umirap ako. Alam naman ng lahat na kahit walang conference na maganap ay hindi maipapahinto ang Kalinga Charity. Dahil una sa lahat, lubhang mga mayayamang tao ang nag-ha-handle sa charity. To be precise, ang head ng bawat pamilya ang nagpasimuno sa charity. Sumunod lamang ang mga taong nasa kanilang ibaba. Pangalawang dahilan ay ang kaalamang isa itong charity, marami ring naiambag ang mga pamilya sa gobyerno kaya hindi nila ginagalaw ang charity na ito. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok habang kaharap ang isang malaking salamin. Hindi ko kasama sila Nash at Ashy dahil kasama nila ang ibang mg

    Last Updated : 2021-12-09
  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 5 (Part 4)

    "SHIANNA! Open the door!" Narinig kong sigaw ni Vincent habang kinakatok ang pinto ng aking kuwarto. Katatapos ko pa lamang maligo kaya nakatapis lamang ako ng tuwalya. Hindi ko na nagawang balutan ng towel ang buhok ko dahil parang wawasakin na ni Vincent ang pinto kapag hindi ko pa ito binuksan. "What?" bungad ko matapos buksan ang pinto. Saglit siyang natigilan at dumaan ang kan'yang matatalim na mga mata sa aking basa pang katawan. Tiningnan ko ang labas ng aking kuwarto. "Come in. Dahil kung hindi, baka may makakita pa sa akin sa ganitong ayos." Umigting ang kan'yang panga at pumasok sa aking kuwarto. Sinara niya ang pinto at ni-lock ito. "Ano ang gusto mong pag-usapan?" Dumiretso ako sa vanity table at naupo sa ibabaw nito. "Mukhang galit na galit ka?" "Why did you do that? Seriously, Shianna? Hindi ko alam na banal ka na pala." "Banal?" Halos matawa ako sa sinabi niya. "Ginawa ko lamang iyon para sa pansarili kong interes." "Is that so?" "Yes. At bakit hindi mo tanungin

    Last Updated : 2021-12-09
  • The Billionaire's Crazy Obsession   Author's Note

    This story will be on hiatus until Dec. 27. The daily update will start on January 1. Thank you for your support and consideration! This is my first story, and I'll do my best to improve day by day. Lovelots! Merry Christmas and keep safe y'all! Advance Happy New Year, too! If you want to know something about the story. Just comment on the comment section and I'll do my best to answer your questions. You can ask me about the characters or you can share events you're anticipating to happen. Again, Merry Christmas, everyone! ❤️ ❤️ ❤️ ❤️ ❤️ ❤️ ❤️

    Last Updated : 2021-12-17
  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 6 (Part 1)

    "Malaya ka na," usal ni Solei at binuksan ang pinto ng maliit na hawla na naglalaman ng isang kakaibang klase ng ibon. Bahagya itong sugatan na hindi bumagay sa maputi nitong balahibo. Pinanood ni Solei ang ibon na bahagyang nagdalawang-isip kung tama bang lumabas ito sa hawla. Sa huli ay nagpasya itong lumabas at malayang lumipad palayo. Napangiti ang dalaga habang pinagmamasdan ang ibon na lumayo mula sa kan'ya. "Mrs. Solei Aurora." Napalingon siya sa bagong dating na warden. "Nais n'yo na po ba siyang makita?" "Mmm..." Binalik muli ni Solei ang kan'yang atensyon sa pinalayang ibon ngunit wala na ito sa kan'yang paningin. Bahagya siyang napanguso bago muling bumaling sa warden ng malaking kulungan na kan'yang pinuntahan. "Paniguradong na-miss na niya ako," usal niya at marahang naglakad patungo sa isang gusali na may isang palapag lamang. Sa paligid ng gusali ay ang tatlong mga panibagong gusali na umaabot sa limang palapag. Samantala, sa harapan ng maliit na gusali ay ang maramin

    Last Updated : 2022-01-11
  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 6 (Part 2)

    "Solei... Natatakot ka ba?" Mahinang natawa si Olivia. "Huwag kang mag-alala, ang alam ng lahat ay anghel ka." Hindi pa rin sumagot si Solei. "Huwag si Shianna, Solei. Alam kong ramdam mong nasa ilalim ka niya kaya nais mo siyang pabagsakin, pero sinasabi ko sa'yo... huwag ang nag-iisang legal na tagapagmana ng Viacera." "At bakit naman?" Mahinang natawa ang babaeng may maamong mukha. "Kaya kong patumbahin si Shianna... tulad na lamang ng ginawa ko sa'yo." "Nahihibang ka na." Hindi makapaniwalang tiningnan ni Olivia ang kan'yang kapatid. "Sinasabi ko sa'yo, huwag si Shianna. Dahil kapag hindi mo ako sinunod, magsisisi ka." Umiling lamang si Solei at sunod-sunod na umiling. Hindi niya nais marinig ang sunod na sasabihin ng kan'yang ate. Nagsimula siyang maglakad ngunit kahit ganoon ay naririnig niya pa rin ang boses ni Olivia. Unti-unti siyang napaluha at pilit na tinakpan ang kan'yang magkabilang tainga. "Ang tingin mo sa lahat ng mga tao ay mga kalaban mo... pero ang totoo, alam

    Last Updated : 2022-01-11

Latest chapter

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 299

    Mrs. Mauricia stood from her seat. Gayundin si Nero na napatingin kay Judas. Nagkatinginan ang dalawa at madilim na ngumiti si Nero habang si Judas ay nang-uuyam siyang nginitian. Shianna walked to them at lumapit kay Kael na nagbabasa ng diyaryo habang nakadekuwatro sa couch. Nilapag nito ang diyaryo sa kan'yang tabi at naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang yosi at sinindihan ito. The large had four long couches. Nasa front side si Kael at nasa left side naman si Nero at Mauricia. Across Kael's seat where were Shianna and Ivana were seated. Katabi naman ni Cayer si Judas on the right side.Isa-isa munang tiningnan ni Kael ang lahat bago nagsalita. Inilabas niya ang isang sealed plastic bag from his coat at ipinakita ito sa lahat. Kumunot ang noo ni Shianna nang makita ang itin na panyo. Sunod na inilabas ni Kael ang sealed bag na may strands of hair. "These two had matched. I did a DNA test and it's positive. It matched Violet.""So what to do with that black ha

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 298

    Pinulot ni Judas ang evidences na nasa table at napahawak sa kan'yang baba nang pinagmasdan niya ang mga ito. Kumunot ang kan'yang noo at seryosong tiningnan si Shianna. "Saan niyo nakuha ang mga 'to? These papers" —sinulyapan niya ang mga papeles na nasa table, sunod ay ang larawan— "and these photos. Ebidensya ang lahat ng ito! Who owned these?" He licked his lips at napailing. Nilapag niya ang mga larawan at hinarap si Shianna na kay Ivana naman ang atensyon. Kinagat ni Ivana ang kan'yang labi at napabuntong-hininga. Diretso niyang tiningnan si Judas sa mga mata. "Ako ang kumuha ng mga litratong iyon at ng documents. I got those from Blanco Corporation na nasunog kanina lamang."Natahimik si Judas at sinulyapan si Cayer. Cayer was his mother's secretary. Although nagulat siya na makita itong kasama pa rin ni Shianna, wala naman dito ang atensyon niya. Wala rin siyang balak sabihin kay Harriet ang totoo. Mapapahamak lang si Shianna kung sakali."I'll be honest." Namulsa si Judas. "V

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 297

    "Nagkasunog daw sa Blanco Corporation?"Napaangat ng tingin si Lorah matapos marinig ang sinabi ni Judas. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nag-aalmusal. Alas-kuwatro pa lamang nang umaga ngunit nakaligo na siya at mag-aalmusal na lamang. Umupo si Judas sa metal chair sa harapan ng counter at nilingon si Lorah na parang walang narinig. Judas smirked. "I heard you have a meeting with Violet Fascis? Ano'ng pinag-usapan n'yo?""It's none of your business." Nagsalubong ang mga kilay ni Lorah at uminom ng malamig na tubig. Nilingon niya si Judas. "What the hell is happening to you? Pati ba naman meeting ko with Violet ay pinapakialaman mo.""That's because Violet Fascis is Sullian's cousin?" Kumunot ang noo ni Judas at sinulyapan ang kasambahay na naglagay ng breakfast sa harapan niya. "You know the Fascis reputation at tayo rin ang nag-lead ng laban against sa kanila. So you don't have reasons to talk with her—"Galit na ibinagsak ni Lorah ang kutsara sa counter at nagtitimpi na pinagmasd

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 296

    Ivana covered her mouth. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na yapak papalapit. Halos mapatili siya sa takot at dali-daling dinampot ang phone at pinatay ang tawag. Napalunok siya at nagtago sa gilid ng pinto. Ang pintig ng kan'yang puso ay rinig na rinig. Tumutulo ang pawis niya sa kan'yang leeg habang pinapakinggan ang yapak na nagtungo malapit sa pinto. Niyakap niya ang phone at taimtim na nagdasal na sana ay hindi pumasok si Violet sa silid.Pero parang hindi pa siya pinapatawad ng langit sa nagawa niyang kasalanan dahil mabagal na nagbukas ang pinto. Halos manigas si Ivana sa takot nang tuluyang bumukas ang pinto. Mas tinakpan niya ang bibig at tumigil sa paghinga. Titig na titig siya sa babaeng nasa harapan niya. Dahil nasa likod siya ng pinto, hindi pa siya nakikita ni Violet.Para kay Ivana, mas nakakatakot pa ang sitwasyong ito kaysa noong nalaman ng parents niya na kabit siya ni Dmitri. Ivana didn't know Violet. Ang mas kinakatakot niya ay kamag-anak ito n

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 295

    Careful and slowly, Ivana got out of the office. Since Violet was using flashlight, hindi siya nahihirapang sundan ito. Ang tanging problema lang ay nahihirapan siyang mangapa sa dilim dahil ang daanan niya ay hindi na naiilawan.Violet used an elevator na siyang ikinahinto ni Ivana sa paglalakad. Using the other elevator, she opened it a little later. She waited for a bit and when it opened, nauuna na si Violet sa paglalakad. Hindi pa rin nito napapansin si Ivana na kanina pa nakasunod. Due to Ivana always escaping her parents kapag kailangan, nasanay na siyang kumilos nang halos walang nagagawang anumang ingay.Violet continued walking until she reached the end of an hallway which was the way to the backdoor. Nagtago si Ivana sa dilim nang lumingon si Violet sa kan'yang direksyon. Violet went outside. Nang makalabas ay saka sumilip si Ivana sa pinto. She saw Violet touching a wall. Mayamaya lamang ay isang tunog ng pagkaskas ang pumainlang nang ang bahagi nv dingding ay nag-slide pa

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 294

    "Violet Fascis?" ang tanong ni Ivana matapos marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid. Nakangusong tumango si Carolina at hinarap ang kan'yang ate."Yes. At after they talked, an announcement that Papa bought the Blanco Corporation was revealed. Knowing that kamag-anak ni Sullian ang dating C.E.O ng Blanco Corporation, tayo siyempre ang mapapasama. Para tayong mga supporter ng kriminal." Umirap si Carolina. "Gosh, gusto ko ns talagang lumayas sa pamilya na ito."Inis na nagdabog si Carolina at lumabas sa office ni Victor. Meanwhile, Ivana bit her lip at gumawa ng isang desisyon sa kan'yang isipan. Ten o'clock in the evening. Ivana was wearing black hat and black long trench coat. Nasa labas siya ng Blanco Corporation na sarado na ngayon. She had to be careful though, dahil naglilibot na ang mga guwardiya ngayong oras. Makakaabot sa kan'yang ama ang balita na nag-espiya siya kung siya'y sakaling mahuli siya.Aurelius family was the one of the most prestigious families. Although

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 293

    Kumunot ang noo ni Ivana at hindi makapaniwalang tiningnan ang kan'yang kuya. "What the fuck you mean? Don't tell me, you like Shianna after all?"Frustrated na tumango si Vincent at naupo sa couch. Samantala, salubong naman ang kilay na kinagat ni Ivana ang kan'yang kuko. Her family was messed up. Her parents were part of the underworld tapos ito, Vincent had a fucking fake engagement with Freya. Katatapos pa nga lang ng issue ni Ivana with Dmitri tapos ito naman."Ah fuck." Hinagod ni Ivana ang kan'yang buhok at saktong dumating ang dad nila. Sunod na dumating si Allegra na mukhang galing pa sa party with her friends. May pink fur pa ito sa balikat na pinarisan ng white long halter dress. Sabay na naupo si Victor at Allegra at tinaasan si Vincent ng kilay."Dad," frustrated na wika ni V incent. "You know I am planning to buy a startup company. Bakit naman Blanco Corporation ang binili mo at biglaan pa? That company is not fit to us—""So ano ang gusto mong gawin ko, Vincent?" Sineny

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 292

    She wasn't ready to tell Vincent and Carolina ang totoo. She would confront her parents first.Ivana looked up at the sky na makulimlim pa rin. Mapait siyang ngumiti. Why she felt something was going to happen? Ivana loved her family dearly, kahit hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula dito. All this time, her parents forced her to become this perfect daughter na kahit sinumang tao ay hindi kakayanin. Ivana didn't desire the company anymore. Ang nais na lamang niya ay sumayaDahil nakakapagod ding maghangad ng bagay na hindi mo makukuha. At nakakapagod din na gawin ang mga bagay na hindi mo nais para lang sa iba. Pleasing people was exhausting. It was messing up her mind. Ivana didn't want to please anyone dahil in the end, wala ring mangyayari sa buhay niya.Pinunasan ni Ivana ang tumulong luha sa kan'yang pisngi. Nagpaalam na sila ni Dmitri kay Solei na nagpaalam na ring babalik sa trabaho."So what's your plan after this?" tanong ni Ivana matapos nilang makasakay ng kotse. Nilin

  • The Billionaire's Crazy Obsession   Chapter 291

    Awtomatikong napahawak si Ivana sa kamay ni Dmitri nang lumapit sa kanila si Solei. Kumakabog nang malakas ang kan'yang puso. Pero palihim na rin siyang naiiyak dahil kaharap niya ang babaeng naging kasalo niya kay Dmitri. Solei was the woman she hurt the most.Suminghap si Ivana at napakagat-labi. Pilit niyang binaling ang kan'yang paningin kay Solei na kalmanteng inilahad ang kan'yang palad. Napatitig si Ivana sa kamay ni Solei bago mabagal itong tinanggap. Nangilid ang kan'yang mga luha lalo na nang hinatak siya papayakap ng babae."I'm sorry," usal ni Ivana at niyakap pabalik si Solei. "I'm really, Solei. I should have never done that. I'm sorry. You don't deserve all what I've did."Lumuluha na si Ivana nang lumayo siya kay Solei. Akala niya ay wala lamang ito kay Solei dahil kanina pa ito tahimik, pero nang makita niya itong luhaan ay halos tumalon ang kan'yang puso. Mapait na ngumiti si Solei at sinulyapan si Dmitri."Gusto kong maging masaya at makalaya sa nakaraan, kaya as mu

DMCA.com Protection Status