"My God." Nagkatinginan ang tatlong ginang. Napatingin sila muli kay Allegra na tinaasan sila ng kilay."He's not here." Umismid si Laro. "Hindi namin siya dadalhin dito.""Isa pang pagsisinungaling ay puputulin ko ang dila mo." Matalim siyang tiningnan ni Allegra. "Uulitin ko, nasaan ang anak ko?""Tsk." Laro clenched his jaw. Umasim din ang kan'yang mukha bago nilagpasan si Allegra na walang takot na sinulyapan si Adam at ang tatlong ginang. Sumunod silang lahat kay Laro na huminto sa first floor kung nasaan ang operating room."He's here, ang anak mo." Humalukipkip si Laro. "Ano masaya ka na?""Magiging masaya lang ako kapag nahuli kung sino ang nanakit sa anak ko." Nang-uusisa na tiningnan siya ni Allegra na nilipat sa kabilang bisig ang dalang handbag. "I wonder, isa kaya sa inyo ang sumubok na pumatay sa anak ko?""Napahamak din si Shianna, Allegra." Huminga nang malalim si Midel. "Huwag kami ang sisihin mo—""Na siyang hindi ko puwedeng paniwalaan dahil alam ko na kahit kayo mi
The sound of the machine became louder to her ears. Umangat ang kamay ni Allegra at unti-unting bumaba sa leeg ni Shianna. Hahawakan niya sana ito nang biglang bumalik ang dalawang nars."Mrs. Aurelius?" ang takang usal ng dalawa at inobserbahan ang katawan ni Shianna at ang monitor kung may nagbago ba. Nakahinga sila nang maluwag."Kami na po ang magbabantay sa kan'ya, iyon din ang utos ni Mister Henrick.""Hindi ba siya bibisita rito? Napahamak lang naman ang kan'yang apo."Nagkatinginan ang dalawang nars. Tumayo sila sa kanang gilid ni Shianna at tinitigan si Allegra. "Hindi na po sakop ng aming nalalaman ang desisyon ni Sir Henrick.""Pero puwede ko pa ring tanungin kayo?" Makahulugang ngumiti si Allegra. "Marami akong gustong malaman."Napagpasyahan ng ginang na umupo sa single seater couch. Hinawakan niya ang kamay ni Shianna at pinalis ang mga luha nito."Ilang beses nang na-admit si Shianna rito?""Hindi po namin maaaring sabihin ang records ni Shianna. Confidential po iyon—"
"Maevel, a witness of the incident is found dead at her family's house basement," ang wika ng asawa ni Cecilia habang pinaglalaruan ang isang chess piece. Nakaupo siya sa upuang round glass table na makikita sa terasa ng Viacera House. Kaharap niya si Laro na iniisip kung anong piyesa ng chess ang papagalawin niya.Laro smirked. "Oh, rest in peace to her."Dinampot niya ang queen na chess piece upang kainin ang isang pawn. Tumayo siya matapos tumunog ng kan'yang phone. Sinagot niya ang tawag at natahimik nang marinig ang balitang kan'yang tinanggap."Ma-di-discharge na si Shianna ngayon. She will hold a press conference according sa demand ng Aurelius Family.""Pero kaka-discharge niya pa lang. Hindi magandang iharap siya agad sa media."Mahinang natawa si Javier na asawa ni Cecilia sa narinig. Tumayo siya at itinumba ang mga piyesa. Tinapik niya ang balikat ni Laro na napalingon sa kan'ya habang pinapakinggan ang sinasabi ng isa pa nilang half-brother na asawa ni Midel."Okay.""Nata
The car stopped after a few minutes. Sinalubong ng media ang sasakyan na pinalibutan ng mga guwardiya. Si Laro ang unang lumabas na sinundan ni Javier. Inayos ni Laro ang kan'yang coat bago naglakad papasok sa isang hotel. Dito gaganapin ang press conference tungkol sa insidenteng nangyari.Tulad ng dati, inignora ni Javier at Laro ang mga tanong at pag-i-intriga na ibinabato sa kanila ng media. They entered the building at sinalubong sila ng dalawang hotel staff na iginiya sila sa loob isang banquet hall. A constant flashing of cameras welcomed them as they entered the hall. Unang tumama ang paningin ni Laro at Javier kay Shianna na diretsong nakatingin sa kanila. Katabi nito si Allegra Aurelius at si Estella na napatingin din sa dalawang bagong dating."I want nothing but the truth, Shianna," usal ni Allegra sa dalagita. "Please remember kung ano ang nangyari sa anak ko. Dahil sa'yo, wala pa rin siyang malay until now.""Don't pressure her, Mrs. Aurelius." Sinamaan ng tingin ni Este
Napatingin si Shianna sa reporter na unang nagtanong. Matagal niya itong tinitigan bago ngumiti.Tiningnan ni Allegra si Shianna na tumingin kay Papa. Sinulyapan niya ang Viacera Head na seryosong nakatingin din sa apo nito."This can't be…" ang usal ni Allegra na galit na ikinuyom ang kamao. Muli niyang nilingon si Shianna na napasulyap din sa kan'ya."Isang assassination attempt ang nangyari. Vincent and me were almost killed kung… hindi kami prinotektahan ni Maevel, paniguradong wala na kami.""Pero namatay siya sa kan'yang tahanan.""And it was because nalaman niya kung sino ang nag-assasinate."Napatango ang mga reporter habang si Allegra ay napapakunot ng noo sa naririnig."I apologize sa lahat ng nakaalam sa nangyayari. W-We were too careless. Dapat ay nagdala kami ng bodyguards sa event ng Millhive Academy. Kung naging matalino lang kami, paniguradong walang mangyayaring assassination attempt.""Kilala mo ba ang taong behind sa assassination attempt? Sino sa palagay mo ang tao
"Hindi ka makakatakas sa lunggang ito!" Binitiwan siya ni Allegra at matalim siyang tiningnan. Tila'y hindi niya alam ang inanunsyo sa kan'ya."P-Pakiusap, tigilan mo na po 'to." Nagtago si Shianna sa likod ni Estella na dumating. "Si Vincent… gising na po siya."Ngayon lang natigilan si Allegra sa narinig. Naningkit ang kan'yang mga mata bago nilingon ang kan'yang mga tauhan at nagtungo sa isang itim na kotse. Nasilayan ang kan'yang mukha na napuno ng pag-asa bago niya naisarado ang pintuan ng kan'yang sasakyan."M-Mom… Gusto ko ring makita si Vincent," ang usal ni Shianna na nauna nang naglakad patungo sa isa sa sa mga kotse ng Viacera. Naupo si Shianna sa backseat nito at napahinga nang malalim matapos maayos na matitigan ang dami ng media personnel na nandito ngayon.Na nakakita sa kadramahan ng kanilang buhay.Pinunasan ni Shianna ang luhang tumakas sa kan'yang mga mata bago idiniretso ang paningin sa daanan. Kumikirot ang kan'yang puso dahil sa nangyayaring ito. Kung may kakayah
"A-Anak!" Hinawakan ni Allegra ang balikat ni Vincent pero tinabig lamang siya nito. Matalim siyang tiningnan ng kan'yang anak."S-Sino ka?"Napatakip ng bibig si Shianna sa kan'yang nasasaksihan. Napatingin siya sa bukas na pintuan nang makita na dumating ang ibang Viacera members. Bago pa ito mapatingin kay Vincent ay madali niyang sinara ang pintuan at ni-lock ito. Muli niyang binaling ang atensyon kay Vincent na walang emosyong nakatitig kay Allegra habang ang huli ay maiiyak na at malapit nang mag-panic."I'll g-go call a doctor." Hindi niya hinintay ang pagpayag ni Allegra at lumabas na sa silid. Naabutan niya si Estella, Midel, at Cecilia na nais makiusyoso sa kalagayan ni Vincent."Maaaring kalaban natin si Mrs. Allegra pero wala tayong karapatan na guluhin ang privacy nila ni Vincent." Nilagpasan ni Shianna ang tatlong ginang. "Tatawag ako ng doctor, huwag kayong papasok sa s-silid.""Shianna." Nagtaka si Midel pero pinanood na lamang niya ang dalagita na lumayo. Nakita niyan
Lumuluhang tumango si Shianna. Hinayaan niyang magwala si Allegra na kan'yang naiintindihan naman. Kung hindi lamang dumating ang kan'yang ina at sila Midel ay paniguradong nakakulong na lamang ang dalaga kasama si Allegra na handa na siyang saktan."Diyos ko, Shianna!" Niyakap ni Estella si Shianna at inilayo kay Allegra na nais na ring saktan ang ginang. Kagat-labi na iniwas ni Shianna ang kan'yang paningin kay Allegra bago nagpatangay sa kan'yang ina na hinatak siya paaalis. Iyon ang huling alaala niya noong araw na iyon. Ang mga sumunod na panahon ay parang isang flash lamang sa kan'ya.Wala siyang maintindihan."You're already fine." Niyakap ng batang si Aran Domillio si Cayer na awkward na nakatingin kay Shianna. It's been a week, at parang kahapon lamang nangyari ang lahat."It's good seeing na maayos na ang kalagayan mo, hijo." Tipid na ngumiti si Samuel na mukhang bata pa noon. "Maligayang pagbabalik. Shianna, ikaw, bat hindi mo batiin si Cayer?"The other Viacera members loo
Mrs. Mauricia stood from her seat. Gayundin si Nero na napatingin kay Judas. Nagkatinginan ang dalawa at madilim na ngumiti si Nero habang si Judas ay nang-uuyam siyang nginitian. Shianna walked to them at lumapit kay Kael na nagbabasa ng diyaryo habang nakadekuwatro sa couch. Nilapag nito ang diyaryo sa kan'yang tabi at naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang yosi at sinindihan ito. The large had four long couches. Nasa front side si Kael at nasa left side naman si Nero at Mauricia. Across Kael's seat where were Shianna and Ivana were seated. Katabi naman ni Cayer si Judas on the right side.Isa-isa munang tiningnan ni Kael ang lahat bago nagsalita. Inilabas niya ang isang sealed plastic bag from his coat at ipinakita ito sa lahat. Kumunot ang noo ni Shianna nang makita ang itin na panyo. Sunod na inilabas ni Kael ang sealed bag na may strands of hair. "These two had matched. I did a DNA test and it's positive. It matched Violet.""So what to do with that black ha
Pinulot ni Judas ang evidences na nasa table at napahawak sa kan'yang baba nang pinagmasdan niya ang mga ito. Kumunot ang kan'yang noo at seryosong tiningnan si Shianna. "Saan niyo nakuha ang mga 'to? These papers" —sinulyapan niya ang mga papeles na nasa table, sunod ay ang larawan— "and these photos. Ebidensya ang lahat ng ito! Who owned these?" He licked his lips at napailing. Nilapag niya ang mga larawan at hinarap si Shianna na kay Ivana naman ang atensyon. Kinagat ni Ivana ang kan'yang labi at napabuntong-hininga. Diretso niyang tiningnan si Judas sa mga mata. "Ako ang kumuha ng mga litratong iyon at ng documents. I got those from Blanco Corporation na nasunog kanina lamang."Natahimik si Judas at sinulyapan si Cayer. Cayer was his mother's secretary. Although nagulat siya na makita itong kasama pa rin ni Shianna, wala naman dito ang atensyon niya. Wala rin siyang balak sabihin kay Harriet ang totoo. Mapapahamak lang si Shianna kung sakali."I'll be honest." Namulsa si Judas. "V
"Nagkasunog daw sa Blanco Corporation?"Napaangat ng tingin si Lorah matapos marinig ang sinabi ni Judas. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nag-aalmusal. Alas-kuwatro pa lamang nang umaga ngunit nakaligo na siya at mag-aalmusal na lamang. Umupo si Judas sa metal chair sa harapan ng counter at nilingon si Lorah na parang walang narinig. Judas smirked. "I heard you have a meeting with Violet Fascis? Ano'ng pinag-usapan n'yo?""It's none of your business." Nagsalubong ang mga kilay ni Lorah at uminom ng malamig na tubig. Nilingon niya si Judas. "What the hell is happening to you? Pati ba naman meeting ko with Violet ay pinapakialaman mo.""That's because Violet Fascis is Sullian's cousin?" Kumunot ang noo ni Judas at sinulyapan ang kasambahay na naglagay ng breakfast sa harapan niya. "You know the Fascis reputation at tayo rin ang nag-lead ng laban against sa kanila. So you don't have reasons to talk with her—"Galit na ibinagsak ni Lorah ang kutsara sa counter at nagtitimpi na pinagmasd
Ivana covered her mouth. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na yapak papalapit. Halos mapatili siya sa takot at dali-daling dinampot ang phone at pinatay ang tawag. Napalunok siya at nagtago sa gilid ng pinto. Ang pintig ng kan'yang puso ay rinig na rinig. Tumutulo ang pawis niya sa kan'yang leeg habang pinapakinggan ang yapak na nagtungo malapit sa pinto. Niyakap niya ang phone at taimtim na nagdasal na sana ay hindi pumasok si Violet sa silid.Pero parang hindi pa siya pinapatawad ng langit sa nagawa niyang kasalanan dahil mabagal na nagbukas ang pinto. Halos manigas si Ivana sa takot nang tuluyang bumukas ang pinto. Mas tinakpan niya ang bibig at tumigil sa paghinga. Titig na titig siya sa babaeng nasa harapan niya. Dahil nasa likod siya ng pinto, hindi pa siya nakikita ni Violet.Para kay Ivana, mas nakakatakot pa ang sitwasyong ito kaysa noong nalaman ng parents niya na kabit siya ni Dmitri. Ivana didn't know Violet. Ang mas kinakatakot niya ay kamag-anak ito n
Careful and slowly, Ivana got out of the office. Since Violet was using flashlight, hindi siya nahihirapang sundan ito. Ang tanging problema lang ay nahihirapan siyang mangapa sa dilim dahil ang daanan niya ay hindi na naiilawan.Violet used an elevator na siyang ikinahinto ni Ivana sa paglalakad. Using the other elevator, she opened it a little later. She waited for a bit and when it opened, nauuna na si Violet sa paglalakad. Hindi pa rin nito napapansin si Ivana na kanina pa nakasunod. Due to Ivana always escaping her parents kapag kailangan, nasanay na siyang kumilos nang halos walang nagagawang anumang ingay.Violet continued walking until she reached the end of an hallway which was the way to the backdoor. Nagtago si Ivana sa dilim nang lumingon si Violet sa kan'yang direksyon. Violet went outside. Nang makalabas ay saka sumilip si Ivana sa pinto. She saw Violet touching a wall. Mayamaya lamang ay isang tunog ng pagkaskas ang pumainlang nang ang bahagi nv dingding ay nag-slide pa
"Violet Fascis?" ang tanong ni Ivana matapos marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid. Nakangusong tumango si Carolina at hinarap ang kan'yang ate."Yes. At after they talked, an announcement that Papa bought the Blanco Corporation was revealed. Knowing that kamag-anak ni Sullian ang dating C.E.O ng Blanco Corporation, tayo siyempre ang mapapasama. Para tayong mga supporter ng kriminal." Umirap si Carolina. "Gosh, gusto ko ns talagang lumayas sa pamilya na ito."Inis na nagdabog si Carolina at lumabas sa office ni Victor. Meanwhile, Ivana bit her lip at gumawa ng isang desisyon sa kan'yang isipan. Ten o'clock in the evening. Ivana was wearing black hat and black long trench coat. Nasa labas siya ng Blanco Corporation na sarado na ngayon. She had to be careful though, dahil naglilibot na ang mga guwardiya ngayong oras. Makakaabot sa kan'yang ama ang balita na nag-espiya siya kung siya'y sakaling mahuli siya.Aurelius family was the one of the most prestigious families. Although
Kumunot ang noo ni Ivana at hindi makapaniwalang tiningnan ang kan'yang kuya. "What the fuck you mean? Don't tell me, you like Shianna after all?"Frustrated na tumango si Vincent at naupo sa couch. Samantala, salubong naman ang kilay na kinagat ni Ivana ang kan'yang kuko. Her family was messed up. Her parents were part of the underworld tapos ito, Vincent had a fucking fake engagement with Freya. Katatapos pa nga lang ng issue ni Ivana with Dmitri tapos ito naman."Ah fuck." Hinagod ni Ivana ang kan'yang buhok at saktong dumating ang dad nila. Sunod na dumating si Allegra na mukhang galing pa sa party with her friends. May pink fur pa ito sa balikat na pinarisan ng white long halter dress. Sabay na naupo si Victor at Allegra at tinaasan si Vincent ng kilay."Dad," frustrated na wika ni V incent. "You know I am planning to buy a startup company. Bakit naman Blanco Corporation ang binili mo at biglaan pa? That company is not fit to us—""So ano ang gusto mong gawin ko, Vincent?" Sineny
She wasn't ready to tell Vincent and Carolina ang totoo. She would confront her parents first.Ivana looked up at the sky na makulimlim pa rin. Mapait siyang ngumiti. Why she felt something was going to happen? Ivana loved her family dearly, kahit hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula dito. All this time, her parents forced her to become this perfect daughter na kahit sinumang tao ay hindi kakayanin. Ivana didn't desire the company anymore. Ang nais na lamang niya ay sumayaDahil nakakapagod ding maghangad ng bagay na hindi mo makukuha. At nakakapagod din na gawin ang mga bagay na hindi mo nais para lang sa iba. Pleasing people was exhausting. It was messing up her mind. Ivana didn't want to please anyone dahil in the end, wala ring mangyayari sa buhay niya.Pinunasan ni Ivana ang tumulong luha sa kan'yang pisngi. Nagpaalam na sila ni Dmitri kay Solei na nagpaalam na ring babalik sa trabaho."So what's your plan after this?" tanong ni Ivana matapos nilang makasakay ng kotse. Nilin
Awtomatikong napahawak si Ivana sa kamay ni Dmitri nang lumapit sa kanila si Solei. Kumakabog nang malakas ang kan'yang puso. Pero palihim na rin siyang naiiyak dahil kaharap niya ang babaeng naging kasalo niya kay Dmitri. Solei was the woman she hurt the most.Suminghap si Ivana at napakagat-labi. Pilit niyang binaling ang kan'yang paningin kay Solei na kalmanteng inilahad ang kan'yang palad. Napatitig si Ivana sa kamay ni Solei bago mabagal itong tinanggap. Nangilid ang kan'yang mga luha lalo na nang hinatak siya papayakap ng babae."I'm sorry," usal ni Ivana at niyakap pabalik si Solei. "I'm really, Solei. I should have never done that. I'm sorry. You don't deserve all what I've did."Lumuluha na si Ivana nang lumayo siya kay Solei. Akala niya ay wala lamang ito kay Solei dahil kanina pa ito tahimik, pero nang makita niya itong luhaan ay halos tumalon ang kan'yang puso. Mapait na ngumiti si Solei at sinulyapan si Dmitri."Gusto kong maging masaya at makalaya sa nakaraan, kaya as mu