“How the hell was the fund released without our knowledge? My wife is the representative of Doña Carmelita. Paano nailabas ni Keith ang pera?” gigil na sabi ni Jace sa manager ng Crown Bank.It was just a few minutes past eight in the morning subalit naroon na agad sa bangko sina Jace at Lara. Kaninang madaling-araw, tumawag si Eli sa kanila at sinabing nai-award na ang fund kay Keith bling CEO ng LDC. Kaya naman naroon na agad ang mag-asawa maaga pa lang.It was to contest the decision of the bank.“P-pasensiya na po kayo. Mr. Lagdameo, pero may representative po si Mr. Montano na nagpunta dito bago kami mag-close ng transactions kahapon.""She? Sinong she?" si Jace ulit, umigting na ang panga. Sandaling tumipa sa laptop nito ang manager at ipinakita ang CCTV footage ng babaeng nagpunta sa bangko kahapon at kinuha ang fund ng LDC. Awtomatikong napamura si Jace nang mamukhaan ang babaeng tinutukoy ng bank manager. It was Divina. Hidni siya pwedeng magkamali. "Nagpakilala siyang sekr
“How are you feeling, Lola?” ani Jace kay Carmelita nang sila na lang dalawa ang naiwan sa private suite na kinuha ng binata para sa matanda. Umuwi sandali si Lara upang kunin si Cami. Kaya naiwan ang binata sa ospital upang bantayan ang matanda. Nai-transfer na sa regular suite si Carmelita dahil stable na ang lagay nito ayon sa mga doktor.“I’m fine, Jace. Salamat sa pag-aalaga kina Lara at Cami habang wala ako. I’m sure Lara was a mess while I was out,” anang matanda.Bahagyang ngumiti si Jace. “Don’t mention it, Lola. I will always take care of them, including you,” anang binata.Tumango-tango ang matanda. “Thank you, Jace. Thank you.”“You’re always welcome. Lola, while you were still unconscious, Lara and I decided that we will bring you to Washington para mas matignan ang kalagayan mo roon. Nakausap ko na ang doktor mo, they said once they give you the discharge papers we can fly you back to Washington immediately.”Sandaling natigilan si Carmelita, bumigat ang dibdib. Alam ng
“Saan ka pupunta, Keith?” mataas ang boses na tanong ni Divina sa anak nang makitang nagbibihis ito, tila may balak na lumabas sa kanilang lungga.Hindi sumagot si Keith, nagpatuloy sa pagbibihis. “I need a gun,” anang binata sa ina. Agad na nagsalubong ang kilay ni Divina. “A gun? What for?”“You don’t need to know, just give me the fcking gun!” singhal ni Keith sa ina.He is done. He is done waiting kung kailan niya ulit makukuha sina Lara at Cami. And now that they are going back to Washington, lalong dapat siyang kumilos bago pa mahuli ang lahat.Nagitla naman si Divina sa inasal ng anak. “Yelling, really?” Divina scoffed, unfazed by her son’s tirade. “Bakit, akala mo ba, pagbibigyan kita kapag sumigaw ka? I have faced dangers far worse than your anger, Keith. Hindi mo ko matatakot sa pagsigaw-sigaw mo,” anang matandang babae, prenteng humigop ng kape mula sa hawak nitong mug.Pasado alas-sais pa lamang ng umaga. It’s too early for a discussion. Pero anong magagawa niya, naglili
“Jace, ako na lang ang bahala sa pag-uwi ni Lola sa ospital,” ani Lara sa asawa habang patungo sila sa ospital. Ngayong araw madi-discharge si Carmelita sa ospital at mamayang gabi naman ang balik nila sa Washington via a chartered flight na kinuha ni Jace para sa kanila. It will be a long day and Jace needs to go back to San Ignacio dahil may importanteng kliyente itong kakausapin tungkol sa mga kabayo nito. Kaya naman kanina pa inuudyukan ni Lara ang asawa na umuwi na at siya na lang ang bahala sa abuela.“Just meet up with Mr. Devereux para maayos ang transaction ninyo bago ka sumama sa amin. I know how important he is to you as a client sa farm. Para rin hindi na tayo mahirapan mamaya sa pag-eempake,” dugtong pa ni Lara, ang mga mata nasa harapan ng sasakyan. “It’s okay, love. Iuwi na lang natin muna sa bahay si Lola. I’ll just use the chopper pauwi sa farm. Ayokong mahirapan ka sa pag-asikaso kay Lola,” sagot naman ni Jace, inabot pa ang kamay ng asawa bago iyon marahang pinisi
Nasa helipad na ng LDC si Jace at hinihintay ang pagdating ng chopper na magdadala sa binata sa San Ignacio nang tumunog ang kanyang cellphone.Mabilis iyong hinugot ni Jace sa kanyang bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. It was Carlo.“Yes, Carlo,” ani Jace sa kausap sa kabilang linya.“Mr. Lagdameo, where are you?” nagmamadaling tanong ni Carlo kay Jace.“Nandito ako sa LDC. Hinihintay ko ang chopper. I need to be in San Ignacio in an hour. Why?”“Kasama mo ba si Ms. Lara?”Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace, bahagyang sumulyap kay Eli na noon ay kasama ng binata na naghihintay sa chopper. He doesn’t want to entertain the worry that has risen in his chest all of a sudden. Subalit sa boses ni Carlo na nagmamdali, pakiramdam niya’y may sasabihin itong masamang balita.Nagbuga ng hininga si Jace bago sumagot. “No. Iniwan ko sa siya sa ospital kasi siya ang nag-aayos ng discharge papers ni Lola Carmelita. Tell me Mr. d’Angelo, what is this all about?” anang binata, seryoso.“My
“Ikaw ba si Omar?” tanong ni Divina sa lalaking lulan ng pulang sedan na nakaparada sa bungad ng daan na papasok sa cottage.Tumango ang lalaki, nagtanggal pa ng shades. Sa mata pa lang ng lalaki, alam na agad ni Divina na may lahi itong arabo—kumpirmasyon sa clue na ibinigay sa kanya ni Mr. Khan kanina nang tawagan niya ito na kailangan niya ng tulong sa pag-alis sa kanyang safe house.Ang sabi ni Mr. Khan ay ipapadala nito ang pinakamagaling nitong tao na nasa Pilipinas. And Omar was like how Mr. Khan has described him. Cold, young yet dangerous. Just like what she needed.“Nice to meet you. I’m Divina. Natitiyak kong sinabi na ni Mr. Khan sa ‘yo ang nais kong mangyari,” anang matandang babae.“Itinawag na niya pero hindi lahat ng detalye. Sumakay ka na para makabalik tayo agad sa siyudad,” ani Omar.Agad na tumalima si Divina, tahimik na sumakay sa passenger’s seat ng sedan bago isinuot ang kanyang makapal na shades. Ilang sandali pa, pinaharurot na ni Omar ang sasakyan pabalik sa
Maingat na ipinarada ni Keith ang sasakyan sa garahe ng mansiyon ng mga De Guzman. Malayang naipasok ng binata ang kotse sa solar dahil kasama niya si Lara sa passenger’s seat. He instructed her not to make any objections and to keep her demeanor calm despite his gun poking on her side the whole time. Lara was cooperative. Ni hindi naghinala ang security team sa mansiyon that Lara was being held hostage by Keith.“Mabilis lang tayo rito, Lara. Kukunin lang natin si Cami at aalis din tayo. Doon muna tayo sa probinsiya mananatili habang inaayos ko ang mga papeles natin paalis ng Pilipinas. We cannot go out the legal way anymore. But I promise that I will take you and Cami out of the country. Basta gawin mo lang ang lahat ng inuuutos ko, walang masasaktan,” umpisa ni Keith bago, tinanggal ang tali sa paa ng dalaga. “I will go down first at sabay tayong papasok sa loob ng mansiyon. Don’t do anything stupid,”paalala pa ng doktor bago tuluyang lumabas ng sasakyan at umikot sa pwesto ni Lara
Ngumisi si Keith, nagustuhan ang isinagot ni Lara. “Madali ka palang pasunurin kapag si Cami ang pinag-uusapan. Sa susunod alam ko na ang gagawin ko,” anang binata, muling ngumisi bago tuluyang lumapit kay Lara.Sandaling ibinaba ni Kieth si Cami at kinalas ang tali sa kamay ni Lara. Humahagulgol na niyakap ni Lara ang anak pagkatapos. Agad namang yumapos si Cami sa ina, ibinuro ang mukha sa dibdib nito. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ng dalaga ngayong hawak niyang muli ang anak. Ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay mag-isip ng paraan upang matakasan si Keith.“M-Mommy, Papa Keith hurt Uncle Coco u-upstairs,” sumbong ng anak sa kanya.Pinigil naman ni Lara ang mapahikbi at lalong hinigpitan ang yakap sa anak. She wanted to check on Coco, god knows she really does kaya lang, mas dapat niyang unahin ang pagtakas nilang mag-ina.Hindi siya makakapayag na magtagumpay si Keith sa balak nito. Now that she has her daughter in her arms, mas maayos na siyang makakapag-isip ng paraan
Sa bench sa labas ng mall nagtungo ang dalawa. Unang inaya ni Kiel si Erin sa isang coffee shop. Subalit may naamoy na kakaiba si Erin sa loob niyon kaya mabilis na humindi nag dalaga. Si Erin na ang nag-suggest na sa labas na lang sila ng mall mag-usap. Mayroong bakanteng bench sa di-kalayuan kaya doon nila napiling umupo at mag-usap.“I’m sorry,” umpisa ni Kiel. “I was a bloody jerk when we talked. I shouldn’t have said those things to you.”Erin scoffed. “What you did was inexcusable, Kiel. Nakipagkita ako sa ‘yo dahil sa trabahong tinanggap ko mula sa fiancée mo. Your personal questions were out of the line.”“I know, that’s why I want to apologize. Alam kong mali ako, Erin,” anang binata nagbuga ng hininga.The past two days had been tough for him. He was struggling to divide his time with work and with the things Michelle left him in-charge of. Idagdag pa na lagi niyang naiisip na puntahan na lamang si Erin sa condo nito upang personal na humingi ng paumanhin. Dahil ayaw pansin
Latag na nag dilim subalit hindi pa rin malaman ni Erin kung ano ba ang gusto niyang kainin para sa dinner. Kaninang lunch pa siya nagke-crave ng mga kakanin, hindi lang niya alam kung saan siya kukuha. Mula nang lumabas siya ng ospital four days ago, bumalik na ang kanyang appetite. Hindi na rin siya gaanong nahihilo. The supplements she had been taking were of a great help. Kung hindi nga lang ba siya pinilit ni Lily na ituloy-tuloy na lang ang kanyang leave hanggang sa susunod na linggo upang makapahinga siya nang husto, baka pumasok na siya sa opisina.But after that meeting with Kiel, hindi na siya ulit pumasok pa sa opisina. She needs rest. Her body craves for it, she can feel it. Or maybe her growing baby is demanding it. But whatever the real reason is, determinado si Paige na gawin ang lahat ng kanyang magagawa upang protektahan ang kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman mas marami nang naka-delagate na trabaho kay Lily ngayon. Mabuti na lang at talagang masipag at maaasahan sa t
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu
Agad na napabangon sa kanyang kama si Erin nang muling makaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Tinakbo ng dalaga ang CR at muling nagduduwal sa sink. She stayed there for a few minutes bago siya tumigil nang pakiramdam niya wala na siyang maisusuka pa.Nanghihinang naglakad palabas ng banyo ang dalaga at nagtungo sa sala. Doon niya ibinagsak ang nanghihinang katawan sa couch at naghabol ng hininga.Ikatlong araw na iyon na sa tuwing gumigising siya sa umaga, she had the urge to throw up everything she ate from last night.She doesn’t want to worry but she is beginning to worry. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong klaseng matagal na pagkakasakit. She’s taking supplements, everything there is! Kaya nagtataka ang dalaga dahil gano’n na lang ang epekto ng stress at fatigue sa kanya ngayon.Stress and fatigue, ‘yon ang naiisip niyang sanhi kung bakit siya nagkakagano’n ngayon. She had been resting for the past few days. Tumatawag na lang siya kay Lily for updates. Staying at home a
"Lily nasaan na 'yong papers ng Dove Realties? I believe I left it here yesterday. Bakit wala na?" ani Erin habang panay ang kanyang halughog sa tambak na mga papeles na nasa kanyang table.Pasado alas-dos na ng hapon subalit hindi pa nanananghalian ang dalaga. May hinahabol siyang meeting sa Dove Towers which is an hour away from her office. Idagdag pa na susuungin niya ang traffic sa mainit na hapon na iyon. Maisip pa lang niya ang magiging biyahe niya mamaya, natetensyon na siya. And now she is all the more panicked dahil hindi niya makita ang dokumentong kailangan niya! "Ma'am nandito po sa drawer ninyo sa kabilang cabinet, sa may outgoing box," kalmadong sagot ng sekretarya, kinuha na ang dokumento mula sa nakahiwalay na filing cabinet at inabot iyon sa amo. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Erin. "Bakit nandiyan?" "Ma'am, kayo po ang naglagay diyan kagabi bago tayo umuwi. Sabi niyo pa nga po, dapat d'yan niyo ilagay 'yan para madali ninyong mahahanap ngayon," pagpapaal