Chapter 45.1
Pumunta kami sa harapan ng bahay kung nasaan ang patio. Hindi masyadong malakas ang hangin kaya hindi ko ramdam ang lamig kahit pa gabi na. Ang tahimik ng paligid kaya mas lalo lang 'yong nakadagdag sa ikinukubli kong kaba.
Umupo ako sa isang upuan at pinagmasdan ang dilim na nasa harapan ko. Nararamdaman kong unti-unting nanghihina ang tuhod ko kaya mabuti na 'yong sigurado. Nanatili namang nakatayo sa gilid ko si Wyatt at hindi ko alam kung saan siya nakatingin o kung ano man ang reaksyon niya.
Napabuntonghininga ako nang lumipas ang ilang minuto pero wala pa din akong naririnig mula sa kaniya. Marahas akong lumingon at tumingala sa kaniya.
"Alam mo—"
"That day—"
Pareho kaming natigilan nang sabay kaming magsalita at sabay ring lumi
Chapter 45.2"Eloise..." Tawag niya sa akin gamit ang basag niyang boses. Marahas kong pinahid ang mga luhang hindi ko napansin na kanina pa pala tumutulo sa pisngi ko."No... You told her about it, yet you couldn't even tell me.""Because already have too much in your plate."Pagak akong natawa. "Oo nga naman 'no? Ano nga ba ako sa'yo? Pampalipas oras! Maaalala mo lang kung kailan mo gusto! At ako naman 'tong si tanga, kumapit ako sa katiting na pag-asang sobrang labo naman!" Umiling-iling siya sa akin habang tuloy-tuloy naman ang pagbagsak ng mga luha ko."You knew that I love you, Eloise," saad niya. Kumirot ang puso ko."Ganyan ka ba magmahal ha? Sabihin mo nga sa akin, ganyang klase ka ba magmahal?"&n
Chapter 46.1"You're just like her when you were little."Napalingon ako kay Daddy nang sabihin niya 'yon. Kasalukuyan kaming nakatayo malapit sa dalampasigan habang pinagmamasdan si Wyatt at Lauren na naglalaro sa tubig.It's been days since we talked that night and it's been days since he's been going to our house and bond with Lauren. I still haven't tell Lauren about her true relationship with Wyatt. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi kay Lauren siguro kasi may pangamba ako. Baka talaga ako 'yong hindi handa sa pwedeng mangyari at hindi ang anak ko.Umiwas ako ng tingin kay Daddy at ibinalik ang tingin sa dalawa na ngayon ay naghahabulan na. Ilang araw na din ang nakalipas magmula no'ng niyakap ako ni Daddy at simula no'n panaka-naka na kaming nag-uusap. Kahit kunti lang naman ang pinag-uusapan namin at hindi
Chapter 46.2Bago ko pa man masagot ang huli niyang sinabi sa akin, naputol na ang tawag.Napapikit ako at kaagad ko iyong pinagsisihan nang bigla na lang lumitaw ang imahe ni Wyatt na nakahubad. Ipinilig ko ang ulo ko at kinalma ang sarili.Muli kong nilingon sila Lauren at gano'n na lang ang tahip ng dibdib ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha namin ni Wyatt.Umawang ang labi ko at hindi kaagad makagalaw dahil sa pangyayari. Nagakatitigan lang kami at kung hindi pa ako natauhan ay baka gano'n lang ang eksena namin maghapon. Kaagad akong umiwas ng tingin at napaatras."Nasaan si Lauren?" Tanong ko sa kaniya nang mapansing hindi niya kasama ang anak ko.Napangisi naman siya at bahagyang inilayo ang sarili mula sa akin. Laking
Chapter 47.1The next day, while I was preparing Lauren's uniform I heard the honk of a car outside our house. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko si Wyatt na palabas ng sasakyan niya. Alas sais pa lang ng umaga pero nandito na siya. Kaagad din akong umalis sa may bintana nang bigla na lang siyang tumingala at tumingin sa gawi ko. Abot langit ang kaba ko at nanginginig ang mga kamay ko.Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili ngunit ilang segundo lang din ay kaagad akong nabigo. Iniisip ko pa lang na makikita ko na naman siya ngayong umaga ay parang hindi na mapakali ang boung sistema ko. Dapat ay hindi na ako mabigla sa mga ganitong pangyayari dahil talaga namang pupuntahan niya ang anak niya dito, hindi ko nga lang maintindihan ang sarili ko. Huminga ako nang malalim at napapitlag nang bigla kong narinig ang mababang boses niya.Umawang ang labi ko at daha
Chapter 47.2Parehas kaming napasinghap ni Wyatt sa deretsang tanong ni Lauren. Nakita ko ang paglunok ng lalaki bago siya lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang saya at tuwa na kumikinang sa mga maiitim niyang mga mata sa kabila ng kaba. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Lauren at ngumiti rito. Hinawakan niya ang pisngi nito at boung pagmamahal na tinitigan."I— I am your Daddy, sweetie," nanghihinang saad niya at kaagad na niyakap si Lauren. Kita ko ang bigla ni Lauren na unti-unti ring nawala at napalitan ng pag-iyak."Daddy!" Umiiyak na pagtawag niya kay Wyatt. Kumirot ang puso ko sa sobrang saya para sa kanilang dalawa."Yes, sweetie. I'm your Daddy," saad ni Wyatt. Hinalikan niya ang sentido ni Lauren ng ilang beses. "Daddy's not going nowhere anymore, princess. I'll stay, hm? I love you.
Chapter 48.1Pagkatapos naming sunduin si Catelyn sa airport, napagdesisyonan naming puntahan si Lauren sa school niya. Malapit na rin naman mag-lunch kaya isasabay na namin siya. Sigurado rin akong miss na niya ang ninang Catelyn niya.Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Pinanatili ko ang mata ko sa labas ng bintana, hawak-hawak ang kamay kong medyo nanlalamig. Hindi na kami nakapag-usap ni Catelyn kanina pero paniguradong nakukuha na niya kung ano ang nangyayari."Love?"Lumingon ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Wyatt at nagmamaneho. Tumitingin-tingin siya sa akin at may tinatagong ngiti ang mga labi. Namula ang pisngi ko nang may matanto. Mabilis kong inalis ang tingin sa kaniya at napapikit sa sobrang kahihiyan. Bakit ka ba kasi lumingon?"Jusko! Magkakahiyaan pa ba ka
Chapter 48.2"Okay, thank you."Pagkaalis ko sa kwarto, pumunta ako sa kwarto ko. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Isinout ko ang uniform namin sa hotel. Naglagay rin ako ng kaunting make-up sa mukha ko para hindi ko dugyot tingnan doon, itinali ko rin ang may kahabaan kong buhok.Nang makontento sa itsura ay lumabas na ako ng kwarto dala ang itim kong handbag. Pagkababa ko ay walang tao sa sala maging sa patio ng bahay nang makalabas ako. Hahakbang na sana ako paalis nang makita kong may paparating na itim na mamahaling sasakyan. Hindi ko pa man nakikita ang driver ng kotse, alam ko na kung sino ang nagmamay-ari no'n.Si Wyatt.Hindi nga ako nagkamali nang huminto sa harapan ko ang sasakyan. Bumaba ang bintana sa passenger seat at dumungaw roon ang ulo ni Wyatt na nakaupo sa driver's se
Chapter 49.1Pagkapasok ko sa loob ng bahay, halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Catelyn."Gaga ka!" Gulat kong saad habang nakahawak sa tapat ng dibdib ko na sobrang lakas ng kabog. Ang gaga ay tumawa lang sa akin at sinilip ang sasakyan ni Wyatt na papalayo na."Ano 'yan ha?" Tanong niya at tiningnan ang hawak kong bulaklak. Itinago ko 'yon sa likuran ko at tumikhim dahil sa hiya."Wala...""Tsk." Umismid siya at tiningnan ako ng maigi. "Sinaktan ka niya ng sobra noon, at maging si Lauren ay lumaking walang kinikilalang ama dahil sa nangyari noon. I'll not against of whatever your decision will be but I want you to think it throughly. Inaalaska kita sa kaniya pero hindi ibig sabihin no'n one hundred percent boto na ako sa kaniya. He h