Chapter 43.2
Ilang minuto lang ay huminto ang yate, nakiramdamdam ako sa paligid hanggang narinig ko ang mga yabag papunta sa kwartong ginagamit namin ngayon. Nang tumingin ako sa may pintuan ay nakatayo na roon si Wyatt.
"We're here," saad niya. Tumango naman ako at umupo ng maayos. Kinuha ko ang bag sa gilid ng kama at kakargahin na sana si Lauren nang naunahan na ako ni Wyatt sa pagkarga sa kaniya.
Sumunod ako sa kaniya palabas hanggang sa hagdanan pababa ng yate. Nauna siyang bumaba at susunod na sana ako nang huminto siya, kaya napahinto na rin ako. Nilingon niya ako at inilahad ang isang libreng kamay sa akin. Isang kamay na naman ang gamit niya sa pagkarga sa anak ko. Hindi ko na sana tatanggapin ang kamay niya pero napahawak ako sa kamay na 'yon nang bigla na lang humampas ang malakas na alon at umalog ang hagdanan.
&nb
Chapter 44.1"Are you going to always run away from me Eloise? When are you going to face this?" He lifelessly asked me. His eyes are already bloodshot.I was the one who's taken aback now. I gulped the bile in my throat and looked away. I can't find the exact words to tell him what I badly want to say to him. How could he say those words when in fact he's also at fault here?"How about you?" I asked him and I'm so thankful that I finally found my voice to speak. "When are you going to accept the fact that you can no longer have the both of us? That what you did six years ago were the reason why we're at this situation right now? Nagmakaawa ako! Pero ano'ng ginawa mo? You pushed me away and leave me nothing but pain.""If you only tell me the truth that day, but you didn't tell me about her!" saad niya habang nakaturo sa direks
Chapter 44.2"Hindi pa po eh," sagot naman niya.Tumango ako at naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig nang mapansing tanging orange juice lang ang meron. Binuksan ko ang ref at kinuha ang isang pitsel ng tubig. Kamuntikan ko nang mabitawan ang babasaging pitsel nang marinig ang boses ni Lauren na tinatawag si Wyatt. That 'mister' thing will really give me a heart attack anytime soon."Are you gonna join us?" Excited na tanong ni Lauren sa kaniya.Huminga ako ng malalim at humarap sa kanila. Naglakad ako pupunta sa mesa habang iniiwasang mapatingin kay Wyatt at tumayo sa gilid kung saan nakaupo si Lauren. Kinuha ko ang baso ni Lauren at sinalinan ito ng malamig na tubig."Ah—" agad na pinutol ni Daddy ang sasabihin niya."Join us, Wyat
Chapter 45.1Pumunta kami sa harapan ng bahay kung nasaan ang patio. Hindi masyadong malakas ang hangin kaya hindi ko ramdam ang lamig kahit pa gabi na. Ang tahimik ng paligid kaya mas lalo lang 'yong nakadagdag sa ikinukubli kong kaba.Umupo ako sa isang upuan at pinagmasdan ang dilim na nasa harapan ko. Nararamdaman kong unti-unting nanghihina ang tuhod ko kaya mabuti na 'yong sigurado. Nanatili namang nakatayo sa gilid ko si Wyatt at hindi ko alam kung saan siya nakatingin o kung ano man ang reaksyon niya.Napabuntonghininga ako nang lumipas ang ilang minuto pero wala pa din akong naririnig mula sa kaniya. Marahas akong lumingon at tumingala sa kaniya."Alam mo—""That day—"Pareho kaming natigilan nang sabay kaming magsalita at sabay ring lumi
Chapter 45.2"Eloise..." Tawag niya sa akin gamit ang basag niyang boses. Marahas kong pinahid ang mga luhang hindi ko napansin na kanina pa pala tumutulo sa pisngi ko."No... You told her about it, yet you couldn't even tell me.""Because already have too much in your plate."Pagak akong natawa. "Oo nga naman 'no? Ano nga ba ako sa'yo? Pampalipas oras! Maaalala mo lang kung kailan mo gusto! At ako naman 'tong si tanga, kumapit ako sa katiting na pag-asang sobrang labo naman!" Umiling-iling siya sa akin habang tuloy-tuloy naman ang pagbagsak ng mga luha ko."You knew that I love you, Eloise," saad niya. Kumirot ang puso ko."Ganyan ka ba magmahal ha? Sabihin mo nga sa akin, ganyang klase ka ba magmahal?"&n
Chapter 46.1"You're just like her when you were little."Napalingon ako kay Daddy nang sabihin niya 'yon. Kasalukuyan kaming nakatayo malapit sa dalampasigan habang pinagmamasdan si Wyatt at Lauren na naglalaro sa tubig.It's been days since we talked that night and it's been days since he's been going to our house and bond with Lauren. I still haven't tell Lauren about her true relationship with Wyatt. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi kay Lauren siguro kasi may pangamba ako. Baka talaga ako 'yong hindi handa sa pwedeng mangyari at hindi ang anak ko.Umiwas ako ng tingin kay Daddy at ibinalik ang tingin sa dalawa na ngayon ay naghahabulan na. Ilang araw na din ang nakalipas magmula no'ng niyakap ako ni Daddy at simula no'n panaka-naka na kaming nag-uusap. Kahit kunti lang naman ang pinag-uusapan namin at hindi
Chapter 46.2Bago ko pa man masagot ang huli niyang sinabi sa akin, naputol na ang tawag.Napapikit ako at kaagad ko iyong pinagsisihan nang bigla na lang lumitaw ang imahe ni Wyatt na nakahubad. Ipinilig ko ang ulo ko at kinalma ang sarili.Muli kong nilingon sila Lauren at gano'n na lang ang tahip ng dibdib ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha namin ni Wyatt.Umawang ang labi ko at hindi kaagad makagalaw dahil sa pangyayari. Nagakatitigan lang kami at kung hindi pa ako natauhan ay baka gano'n lang ang eksena namin maghapon. Kaagad akong umiwas ng tingin at napaatras."Nasaan si Lauren?" Tanong ko sa kaniya nang mapansing hindi niya kasama ang anak ko.Napangisi naman siya at bahagyang inilayo ang sarili mula sa akin. Laking
Chapter 47.1The next day, while I was preparing Lauren's uniform I heard the honk of a car outside our house. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko si Wyatt na palabas ng sasakyan niya. Alas sais pa lang ng umaga pero nandito na siya. Kaagad din akong umalis sa may bintana nang bigla na lang siyang tumingala at tumingin sa gawi ko. Abot langit ang kaba ko at nanginginig ang mga kamay ko.Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili ngunit ilang segundo lang din ay kaagad akong nabigo. Iniisip ko pa lang na makikita ko na naman siya ngayong umaga ay parang hindi na mapakali ang boung sistema ko. Dapat ay hindi na ako mabigla sa mga ganitong pangyayari dahil talaga namang pupuntahan niya ang anak niya dito, hindi ko nga lang maintindihan ang sarili ko. Huminga ako nang malalim at napapitlag nang bigla kong narinig ang mababang boses niya.Umawang ang labi ko at daha
Chapter 47.2Parehas kaming napasinghap ni Wyatt sa deretsang tanong ni Lauren. Nakita ko ang paglunok ng lalaki bago siya lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang saya at tuwa na kumikinang sa mga maiitim niyang mga mata sa kabila ng kaba. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Lauren at ngumiti rito. Hinawakan niya ang pisngi nito at boung pagmamahal na tinitigan."I— I am your Daddy, sweetie," nanghihinang saad niya at kaagad na niyakap si Lauren. Kita ko ang bigla ni Lauren na unti-unti ring nawala at napalitan ng pag-iyak."Daddy!" Umiiyak na pagtawag niya kay Wyatt. Kumirot ang puso ko sa sobrang saya para sa kanilang dalawa."Yes, sweetie. I'm your Daddy," saad ni Wyatt. Hinalikan niya ang sentido ni Lauren ng ilang beses. "Daddy's not going nowhere anymore, princess. I'll stay, hm? I love you.