DylanI was pissed right now habang pinapanuod ko si Hera at si Paul na nagsasayaw kasabay ng ibang mga bisita.“Kaya mo pa ba?” napalingon ako kay Willow at nakita ko na nakangisi siya sa akin kaya inirapan ko siya“Stop teasing me!” ani ko kaya tumayo pa siya sabay hila sa akin“Hey!” saway ko sa kanya pero desidido siyang patayuin ako“Kung titignan mo lang sila, mainggit ka talaga! Kaya tumayo ka na dyan at magsasayaw din tayo!” sabi niya pero tumanggi ako“Ayoko!” sagot ko sabay tungga ng alak na nasa harap ko“Tara na! Sisipain kita dyan!” banta ni Willow kaya napatingin ako sa kanyaNapahinga ako ng malalim saka ako tumayo.“Sayang naman yung ibabayad mo sa akin kung hindi ko gagawin yung trabaho ko, tama?!” sabi pa ni Willow saka niya inayos ang damit ko Napasulyap ako kay Hera at nakita ko na nakatingin siya sa gawi namin ni Willow. Biglang may bumbilyang sumindi sa utak ko kaya hinawakan ko sa bewang si Willow at hinila palapit sa akin.“Uy! Ano umeepekto ba?” bulong pa ni
Hera“Hera, bakit mo ginawa yun?” tanong sa akin ni Paul nung magkaroon kami ng pagkakataon na makapag solo sa gardenAlam ko naman ang ibig niyang sabihin at ako man ay hindi ko din alam kung bakit ko iyon ginawa.Alam kong nilagay ko siya sa alanganin when I declared to everyone that he is my boyfriend. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko lalo ung makita ko si Dylan na may kasamang babae.I am hurt kahit pa ipinakilala niya na kaibigan niya lang si Willow but seeing them so sweet while dancing is really hell.“Sorry Paul! I admit, nagselos ako nung makita ko si Dylan na may kasamang babae. I just thought…”“You thought that telling everybody that I am your boyfriend will make you and Dylan even, ganun ba?” putol ni Paul sa sasabihin ko kaya napayuko akoHindi ako proud sa ginawa ko at alam ko na hindi ito nagustuhan ni Paul but still, thankful ako kasi sinakyan niya lang ako.“Sorry!” mahinang bulong ko hanggang sa maramdaman ko ang hawak ni Paul sa kamay ko“You know I am your
HeraMasaya akong sinalubong ni Pilar at Charito nang makarating ako sa tinitirhan nilang bahay.“Kamusta kayo dito?” tanong ko sa kanila “Okay naman po kami, ate!” sagot sa akin ni Pilar “Senyorita Dorina!” napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Lola Choleng na palabas ng kwarto habang inaalalayan ng caregiver niya“Lola! Kamusta po kayo?” sabi ko nang makalapit na sa akin ang matanda“Senyorita, kasama mo ba si Manuel?” tanong niya sa akin kaya napangiti ako dahil nasasanay na ako sa kanyaSa twing makikita niya ako, hindi pwedeng hindi niya babanggitin o hahanapin si Manuel.“Hindi po Lola!” sagot ko kay kumunot ang noo niya“Nagkatampuhan ba kayo?” usisa niya kaya hinawakan ko na ang kamay niya “Hindi po! May pinuntahan lang po si Manuel!” sagot ko na lang dahil sa ilang beses na nagkita kami ni Lola Choleng ay medyo kabisado ko na linyahan niya“Ah! Siguro, inihahanda na niya yung bahay na tutuluyan ninyo pagkatapos ng kasal!” excited na sabi ni Lola Cholen
HeraHindi makapaniwala si Paul nang ilahad ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin for the past months. Mula sa mga nakikita ni Rexene, kay Madam Xena at ang pagkakakilala ko kay Lola Choleng.“So ibig sabihin, bago pa man tayo magkita sa Vigan, alam mo na ang tungkol kay Manuel at ako yun?” tanong sa akin ni Paul and I nodded“I’m sorry, Paul! Hindi ko na sinabi because I don’t want to complicate things.” I honestly said “Kaya pala ni hindi ko nakita ang gulat sa iyo the moment we saw a picture of Dorina in Lolo Manuel’s album!” sabi pa ni Paul “Do you really believe in that reincarnation thing?” tanong sa akin ni Paul and I shrugged my shoulders“Noon hindi! Pero pagkatapos ng lahat ng naranasan ko, and especially meeting Lola Choleng, naniniwala na nga yata ako!” matapat na sagot ko“So, kung noon, tayong dalawa, ngayon tayo na din, then it’s happening! Magkakatotoo na ang pangako ni Dorina!” sagot pa ni Paul sa akinAt ito ang iniiwasan ko kaya ayaw kong malaman niya ang tungko
Dylan“Let’s go!” Napaangat ang ulo ko as I saw Sam walking down the stairs. I stood up and agad ko naman siyang nilapitan para alalayang makababa.Nakilala ko si Sam when I was in Palawan. Taga Manila din siya at nakacheck-in din siya sa hotel kung saan ako tumutuloy.Nagkakwentuhan kami sa isang bar doon ko nalaman na isa siyang modelo. We became friends dahil nag-click kami agad and we decided to see each other again.Hindi pa tapos ang project sa Palawan pero halfway through na ito. Madalas ngang dumalaw si Josh lalo nung nalaman niya na magkaibigan lang naman kami ni Willow.Kapag naluluwas ako ng Manila ay nagkikita kami ni Sam. Hanggang sa nagdesisyon akong ligawan siya. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa napapabalitang masayang relasyon ni Hera at Paul but just the same sinagot naman niya ako agad.Kapag hindi siya busy, pupunta siya ng Palawan para dalawin ako. O kaya naman, kapag nauwicako ng Manila at wala siyang schedule, nagkikita kami at nagde-date.Dinner, watching mo
Dylan“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Sam the moment na marating namin ang harap ng bahay niyaAfter kasi naming mag-usap ni Hera ay nagstay na lang ako sandali and then eventually, inaya ko na si Sam na umuwi.“I’m okay, Babe!” sagot ko but I heard her sigh“Gusto mo bang pag-usapan? You know you can tell me anything!” inabot ni Sam ang kamay ko kaya hinawakan ko naman iyon ng mahigpit“Mahirap ba akong maging boyfriend?” tanong ko matapos kong halikan ang kamay niya“No Babe! Pero hindi din ganun kadali lalo pa at alam ko na, hindi ko pa hawak ng buo ang puso mo.” sagot niya sa akin kaya napatingin ako sa kanyaI can see her lonely eyes and I can’t help but to be hurt. Alam ko na naging unfair ako sa kanya pero tinatanggap niya lang ito.“I’m sorry!” bulong ko saka ko ulit hinalikan ang kamay niya pero umiling siya“Don’t be, Babe! Alam ko naman ang pinasok ko! It’s just that, akala ko, kaya kitang tulungan na maghilom.” “You are helping me Babe! You are..” saad ko dahil alam ko
HeraNanatili akong nakayakap kay Paul dahil na rin sa takot na nararamdaman ko. Kinidnap kami ng mga hindi kilalang tao at sa palagay ko, they want ransom base sa pakikipag usap nila kanina.Binigyan nila kami ng pagkakataon ni Paul na makausap ang pamilya namin. Kailangan nilang patunayan na buhay kami para makakuha sila ng ransom na hinihingi nila.Apat na araw na kami dito at sa palagay ko, nagkaroon na ng negotiation between the kidnappers and our family.“Tara na!” narinig kong utos ng pinakalider kaya naman lumapit sa amin ni Paul ang tatlo mga tauhan nito“Tumayo na kayo!” utos niya sa amin and we didGusto na naming makaalis sa lugar na ito.Naglakad na kami palabas ng safehouse at isinakay kami ni Paul sa isang sasakyan.“Saan niyo kami dadalhin?” Paul asked habang hindi naaalis ang yakap niya a akin“Makakauwi na kayo!” maikling sagot ng lalake sa harap namin“Kaya huwag kayong gagawa ng hindi maganda! Baka maunsyami pa ang pag-uwi ninyo at dito palang patayin na namin kay
HeraSa loob ng dalawang buwan matapos kong makalabas sa ospital ay araw-araw akong dumadalaw sa puntod ni Paul.Pakiramdam ko kasi, kapag nandito ako, parang kasama ko pa rin siya katulad noong nabubuhay pa siya.Dito ko na ginagawa ang mga sketches ko at siguro nga iniisip ng iba na baliw na ako dahil kinakausap ko pa siya, kahit wala naman akong nakukuhang sagot.I remembered how I cried the first time na dumalaw ako sa puntod ni Paul. Nandito din noong panahon na iyon ang parents ni Paul at nakaramdam pa ako ng takot noon dahil iniisip ko na baka sinisisi nila ako sa pagkawala nng anak nila.Pero niyakap ako ng mahigpit ng Mommy ni Paul at nagpasalamat pa siya.“My son will always tell me that he is so happy dahil sa iyo.” sabi ng Mommy ni Paul sa akin “Thank you Hera, for making Paul happy! He had the best life because of you!” Napaiyak ako sa sinabi ni Tita Florence at saka niya ako niyakap.“Paul made me happy too, tita!” sagot ko sa kanyaAfter hugging me ay hinawakan ni
Emmanuel Jacob Santillan(Final Chapter- Part Two)Kabadong- kabado ako habang papasok ang kotse ni Kuya Matthew sa mansion ng mga Samaniego. Siya ang sumundo sa akin sa hotel para dalhin dito to meet my real family. Siya rin ang naging daan para makausap ko ang tunay na Daddy ko at hindi nga maipagkakailang ama ko siya dahil para akong nananalamin.Naalala ko noong unang beses na nakilala ko si Daddy, we both cried kahit na wala pa akong sinasabi sa kanya. Totoo nga siguro ang lukso ng dugo at lalo siyang naging emosyonal noong ilahad ko sa kanya ang nangyari, twenty-four years ago.Galit ang nagtulak kay Isabel Santillan, ang nakilala kong ina, dahil iniwan siya ni Hector, or should I say, Dylan Glenn Samaniego nung minsang maging bihag siya ng mga rebelde sa Tayabas Quezon. She was so enraged dahil paggising niya, wala na si Hector at iniwan na siya.My mother is a nurse pero ayon sa kwento niya, hindi siya nakapag practice sa ospital dahil kailangan niyang manilbihan sa samahan.
Emmanuel Jacob Santillan( Final Chapter - Part one)Inilibot kong muli ang paningin ko sa bahay na nagsilbing tahanan ko sa loob ng labinlimang taon. Ayoko sanang ibenta ito dahil marami kaming masasayang alaala dito ni Mommy pero dahil na rin sa mga huling habilin niya sa akin ay wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya.Naramdaman ko ang tapik sa balikat ko ng aking bestfriend na si Chris. Pinoy din siya at kapitbahay namin dito sa lugar namin sa Los Angeles, California. Nine years old lang ako ng magpunta kami ni Mommy dito sa paniniwalang nandito ang Daddy ko pero noon ko lang nalaman na hindi pala totoo yun.Ang sabi ni Mommy, nabuntis lang siya ng lalaking nakasama niya ng isang gabi and since then, hindi na niya ito nakita. Mahirap lumaki na walang ama pero pinunan lahat ni Mommy ang pagkukulang na iyon.She worked hard hanggang makatapos ako ng college at dahil na rin sa sipag at tiyaga, idagdag pa ang impressive transcript ko sa Business Administration, nakapa
HeraDebut ng bunsong anak namin ni Dylan ay gaya nga ng hiling ko, napagbigyan kami ng babaeng anak at dahil medyo nahirapan ako nung ipanganak ko siya ay nagdesisyon kami ni Dylan that three children will be enough.We named our princess, Isabella Amara Saavedra Samaniego at nakakatuwa din na malaki ang interes niya sa pagdidisenyo. Wella at least hindi nawawala sa pamilya ang linyang ito while my two boys is just like Dylan, business oriented.Nate is already twenty-one years old at graduating na siya this year sa kursong Business Management. He is also a licensed pilot dahil isa ito sa mga naging hobby niya. Bata pa lang siya, he was always fascinated with flying things and if I remember it right, he was only seven years old when he said that one day, he will fly planes!At nagkatotoo iyon and I am very very proud of him!Ang panganay na anak ko na si Adi, I mean si Axel, ay isa na ding ganap na negosyante dahil siya na ang CEO ng mga Samaniego Group of Companies Incorporated. He
One last chapter to go mga loves!!! Thank you so much sa pagsubaybay ninyo sa book 7 and I hope patuloy ninyong suportahan ang iba ko pang mga aklat dito sa GN.May isa pang revelation na gugulat sa inyo mga loves kaya wala pong bibitaw!
HeraMonths have passed at masasabi ko mas sumaya ang mansion sa pagdating ni Nate sa buhay namin.He is our bundle of joy and his Kuya Adi is always excited to go home from school para makita siya.We already enrolled Adi in school and he is now in preschool. Masaya nga ang teacher ni Adi dahil way ahead daw siya sa kanyang edad at sa kanyang mga kaklase.And Dylan is so proud of him and we love him so much.“I will always make you proud, Daddy, Mommy!” sabi pa niya kaya lalong nalulunod ang puso ko sa saya“Amore, I was thinking na magbakasyon tayo this coming summer. Yung tayong pamilya lang.” Sabi ni Dylan isang gabi habang nakahiga kami sa kama matapos kong patulugin si Nate“You have something in mind?” tanong ko naman sa kanya nung tumabi na siya sa akin“I was thinking sa Disneyland since hindi pa nakakapunta doon si Adi!” sagot niya sa akin and I think it’s a nice idea“Hongkong?” tanong ko pa and he nodded “Pwede, and then diretso tayo ng Korea and Singapore! What do you t
DylanNakatulog naman ako ng ilang oras pero pagising-gising ako to check on my wife. She slept soundly last night dahil na rin siguro sa pagod at ganun din si Helious na sa couch natulog.At kapag pumapasok ang mga nurse to check Hera’s vitals ay nagigising ako kaya naman kulangt talaga ako sa tulog but that is very much fine with me dahil alam ko naman na mas mahirap ang pinagdaanan ni Hera throughout the pregnancy pati na sa panganganak.Kung tutuusin, ang alagaan siya ay napakaliit na bagay lang kumpara sa tiniis niyang hirap at sakit.“Good morning!” sabi sa akin ni Hera ng magmulat ito ng mata lalo pa at nakatitig ako sa maamo niyang mukhaSiguro kahit matanda na kami, hindi ako magsasawa na pagmasdan ang mukha ng asawa ko dahil ang mukhang ito ang dahilan kung bakit natuto akong magmahal at a very young age“Good morning! Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko sa kanya matapos kong halikan ang noo niya“Medyo okay na! Gusto ko sanang magbanyo!” sabi niya kaya naman dahan-dahan k
DylanSa sumunod na mga linggo ay nanatili lang ako sa bahay para makabawi ako sa mag-ina ko. Madalas kaming maglaro ni Adi at dahil kailangan daw na maglakad-lakad ng asawa ko ay isinasama ko siya mall o kaya naman ay sa park dahil nag-aaral na si Adi ng mag-bike.Masaya ako dahil kasama ko na ang pamilya ko na matagal kong hindi nakasama. At palagi kong ipinagpapasalamat iyon sa Panginoon dahil hinayaan niya akong makabalik kung saan ako nararapat.“Pagod ka na ba?” tanong ko kay Hera habang nakaupo siya sa upuan na baon namin dito sa parkGusto kasi ni Adi na dito ulit kami magpunta at dahil sa matiyaga kong pagtuturo sa anak ko ay marunong na siyang magbalanse sa bike niya.ang pan“Hindi pa naman, amore!” sagot ni Hera sa akin habang masayang pinapanood ang panganay namin“You like to drink something? May baon akong hot choco!” sabi ko dito pero umiling naman siyaLumuhod ako sa harap niya at hinalikan ko ang tiyan niya kaya naman nginitian ako nito habang hinahaplos ang ulo ko.“
HeraDalawang araw matapos ma-rescue si Dylan sa Tayabas, Quezon ay makakauwi na siya ngayon sa amin. Kinailangan pa kasi niyang ma-confine sa ospital para makabawi siya sa lakas na nawala sa kanya,Nalaman ko na buhat kay Daddy ang pagkakadakip sa kanya ng mga rebelde kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ko at nakabalik na siya sa amin.Nakaabang kami ni Adi sa pinto ng mansion at kasama namin ang buong pamilya para salubungin ang aking asawa.May hinanda namang munting salo-salo si Mommy at ang mga babaeng elders and they all prepared, Dylan’s favorite dishes.Manganganak na ako sa isang buwan at kung seswertehin, I may give birth on Christmas Day.Natanaw ko na ang kotse ni Daddy dahil sila ang sumundo kay Dylan at kasunod naman nila ang sasakyan ni Kuya Mitchell, Josh at Kuya Helious.Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita na bumaba si Dylan mula sa kotse. Nahawakan ko ang tiyan ko at inalalayan pa ako ni Ate Hya lalo pa at pakiramdam ko, mabubuwal ako“Take it easy, Hera!”
MitchellNasa conference room ako and I am having a meeting with the board nang makita ko na tumatawag si Helious. I immediately picked it up dahil naisip ko na baka importante ang tawag na ito.I excused myself from them saka ako tumayo at gumawi sa glass wall ng conference room.“Helious?” sagot ko agad “Kuya, papunta na sila Daddy sa Tayabas! Nakita na si Dylan!” pagbabalita niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng sayaMatagal na naming hinahanap si Dylan at kahit pa marami kaming natatanggap na fake information ay hindi kami tumigil sa pagpunta sa mga lugar kung saan daw siya nakita ng mga informants.Naaawa na din ako kay Hera lalo pa at isang buwan na lang, manganganak na siya sa pangalawang anak nila ni Dylan.Alam ko na matatag si Hera at kung dumating man noon ang pagkakataon na nawawalan siya ng pag-asa na babalik pa si Dylan, pansamantala lang iyon! And I understand dahil tao lang din si Hera at nakakaramdam din ng pagod at sakit lalong-lalo na sa kalagayan niya.“Saan?”