Share

Chapter 49

Valeen

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto dala ang pag-asa na makakatakas ako dito sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Yago.

Mula dito sa taas ay narinig ko na may kausap ito sa telepono kaya naman dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan.

May nakita akong tubo kaya naman agad kong kinuha iyon para magamit kong panlaban kung saka-sakali.

“Ano? Papanong nangyari na buhay pa siya? Akala ko ba malinis ang trabaho?”

Natigilan ako. Sino ang kausap ni Yago? At sino yung sinasabi niyang buhay pa? Diyos ko huwag naman sana si Drake! Sinaktan na ba niya ang kapatid niya?

Nagtago ako habang abala pa si Yago sa pakikipag-usap. Mahigpit kong hinawakan ang bakal na dala ko. Kung kailangan kong saktan si Yago para matigil ang kabaliwan niya ay gagawin ko.

“Mga tanga talaga kayo! Papaano yan ngayon? Diba sinabi ko sa inyo na siguraduhin niyong patay si Yago?”

Nakinig ito sandali sa kausap niya.

“E sino yung taong nakuha sa sasakyan niya?”

“Mga tanga talaga kayo! Sundan niyo kung saang ospital
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status