ValeenNapaatras ako ng makita ko na lumuhod si Drake. Napalingon pa ako sa mga taong nandito sa paligid ang they were all smiling at us.“Babe?” Drake called my attention kaya naman napatingin ako sa kanya and there he opened a box which has a ring inside it“I don’t want to prolong it anymore, Babe! Masyado na tayong nagsayang ng oras at panahon, so now I am asking you, will you please take me? Will you accept me, and love me?”Huminga ng malalim si Drake pero hindi nito inaalis ang mata sa akin.“Will you marry me Valeen Alicia Flores?”Hindi ako nakapagsalita. I was so surprised dahil hindi ko inaasahan na magpo-propose siya ngayong gabi. Ni hindi ko nga alam na pati ang pamilya ko ay nandito.“Babe…” Napatingin uli ako kay Drake na para bang naiinip na sa sagot ko. Of course I want to marry him. Wala na akong ibang gustong makasama kung hindi siya lang, habangbuhay.“Y-yes! Yes! I will marry you!” sagot ko dito habang nag-uunahan ang luhang bumagsak sa pisngi koAgad na isinuo
DrakeAgad kong binuksan ang laptop ko kung saan naka-connect ang hidden cctv’s dito sa bahay. May mga naka-install na dito na kita naman pero dahil hindi ako mapanatag noon ay nagpasya akong magdagdag ng mga cameras na wala ni isa sa mga tao dito sa bahay ang nakakaalam.Kaninang umaga ay nagtataka ako kung bakit hindi pa bumababa si Val mula sa kanyang kwarto gayong alam naman niya na ngayon uuwi ng Davao ang pamilya niya.Hindi na ako nakatiis dahil naiinip na din ang Daddy niya kaya minabuti ko nang akyatin ito sa isa sa mga guest rooms sa taas.“Babe?” tawag ko mula sa labas at nang hindi siya sumagot ay pinihit ko na ang door knob dahil hindi naman iyon naka-lock“Babe?” tawag ko ulit habang pinapakiramdaman ko ang banyo pero walang ingay na galing doon at nang buksan ko ito ay wala ding taoNakaramdam na ako ng kaba pero pinilit kong kumalma hanggang sa masulyapan ko sa dresser ang isang papel. Nilapitan ko iyon at agad kong binuklat at nabasa ko na sulat iyon para sa akin.Dr
ValeenDahan-dahan akong lumabas ng kwarto dala ang pag-asa na makakatakas ako dito sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Yago. Mula dito sa taas ay narinig ko na may kausap ito sa telepono kaya naman dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan. May nakita akong tubo kaya naman agad kong kinuha iyon para magamit kong panlaban kung saka-sakali.“Ano? Papanong nangyari na buhay pa siya? Akala ko ba malinis ang trabaho?” Natigilan ako. Sino ang kausap ni Yago? At sino yung sinasabi niyang buhay pa? Diyos ko huwag naman sana si Drake! Sinaktan na ba niya ang kapatid niya?Nagtago ako habang abala pa si Yago sa pakikipag-usap. Mahigpit kong hinawakan ang bakal na dala ko. Kung kailangan kong saktan si Yago para matigil ang kabaliwan niya ay gagawin ko.“Mga tanga talaga kayo! Papaano yan ngayon? Diba sinabi ko sa inyo na siguraduhin niyong patay si Yago?”Nakinig ito sandali sa kausap niya.“E sino yung taong nakuha sa sasakyan niya?”“Mga tanga talaga kayo! Sundan niyo kung saang ospital
ValeenKinabukasan ay nagpunta kami ni Drake sa police station kung saan naka-detain ang pekeng Yago. Kailangan kasi naming mag-file ng complaint laban sa kanya st kay Alice na kasabwat niya which is still at large hanggang ngayon.Iniharap sa akin ang pekeng Yago at positibo ko naman siyang kinilala. Ayon kay General Santorin ay nagsalita na din daw ang impostor. Ayon sa kanila ay malapit na kaibigan nga ito ni Yago. He is Jake Torres. Nagkaroon sila ng away ni Yago at doon na pinagplanuhan ni Jake ang lahat. Ang buong akala niya ay si Yago ang namatay sa aksidente at doon na pumasok sa isip niya na kunin ang katauhan nito.Nagpa-plastic surgery siya at ginaya ang mukha ni Yago at pinagplanuhang iligpit din si Drake para masolo niya ang kayamanan ng mga Samaniego.After my statement ay dumeretso kami sa ospital kung saan nandun si Yago. He smiled at us and from there alam ko na tapos na ang hidwaan ng magkapatid.“Kamusta ka na?” tanong ko nang makalapit ako kay Yago. Naging kaibi
ValeenAfter a month ay halos okay na ang preparation namin sa kasal ni Drake. Masaya kami dahil kinaya naman ng mga wedding planners ang gusto niya. Sa simbahan ang kasal namin and the reception will follow sa malaking pavillion na pag-aari nila Drake dito sa Davao. Everything is set at hinihintay na lang namin ang gown na dinisenyo sa Bella Philippines.Sobrang ganda ng design ng gown when I saw it on 3D at hindi ko na mahintay na makita iyon sa personal.Nasa Manila ngayon si Drake dahil may inasikaso ito sa negosyo kaya mag-isa lang akong nagpunta ngayon sa mananahi para icheck ang damit na gagamitin naman ng mga kasali sa wedding entourage namin. Isang buwan pa naman and they assured me na aabot naman iyon sa takdang oras.Palabas na ako ng shop ng maramdaman ko na nagri-ring ang phone ko. I got it from my bag and I was surprised nang makita ko that it was Yago.“Hello? Yago?” “Alie!” nakaramdam ako ng takot dahil kakaiba ang dating ng boses niya“Yago? Are you okay?” tanong k
ValeenSa ikatlong araw ng burol ay dumating ang pamilya ko na agad naman sinalubong ni Drake at Yago. Drake introduced his brother to my family at magalang namang bumati si Yago sa kanila.Lumapit sila sa ataul ni Tita Glenda and paid their respect bago sila maupo. Naupo ako sa tabi ni Daddy at tinanong ko if he is felling well.“I’m fine, iha! Ikaw kamusta kayo ni Drake dito? Nakakapagpahinga naman ba kayo kahit papano?” balik tanong ni Dad sa akin“Opo naman, Dad. I make sure na nakakapagpahinga po at nakakakain kami ng maayos ni Drake. Medyo lutang pa po kasi siya nung mga nakaraang araw.” kwento ko kay Dad habang nakatingin ako sa nobyo ko. He was talking to Vlad at masaya ako dahil close na talaga silang dalawa.“Of course, iha! It’s never easy to loose someone!” Dad said and I totally agree with him“I know Dad!” “May schedule na ba ng libing?” tanong ni Kuya Victor sa akin “Sa makalawa na Kuya. May iniintay pa kasi silang kamag-anak and I think mamayang gabi po darating.” s
DrakeHindi ko maintindihan kung bakit ganon ang ipinapakita sa akin ni Val buhat kaninang umaga. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin at sa twing nilalapitan ko siya para makapag-usap kami ay umiiwas siya. Buhat kanina ay hindi ko siya masolo. Palagi siyang nakabuntot kay Mia at pag lalapit ako ay gagawa siya ng paraan para umiwas sa akin. Nagkaroon lang ng pagkakataon na makaharap ko siya nang kumain kami ng tanghalian. Nakatabi siya kay Yago at kay Mia habang katabi ko naman si Hayes. Sumalo naman sa amin si Ivy, ang babaeng nagpapasakit ng ulo ko ngayon.Ni hindi ako halos tinitignan ni Val at madalas na sila ni Yago at Mia ang magkausap.“Anton.” napatingin ako kay Ivy dahil siya lang naman ang bukod tanging tumatawag sa akin ng ganunHindi ko sana siya papansinin dahil naiinis ako. Kung tutuusin ay pwede naman siyang hindi sumama kay Diego pauwi. But since pamilya pa rin siyang maituturing ay wala naman akong magagawa kahit ayaw ko siyang makita.Masalimuot ang nakaraan
ValeenMaaga akong gumising ngayong araw na ito dahil ngayon ang libing ni Tita Glenda pero mas maaga paring nagising sa akin si Drake kasi wala na siya sa tabi ko ng magmulat ako ng mata.Palabas na ako ng kwarto ng makita ko na palabas din si Ivy sa kwartong katapat ng kay Drake. Ilan bang kwarto ang ginagamit ng babaeng ito? Sa pagkakatanda ko kasi ang gamit niya ay yung nasa dulo ng pasilyo. Doon ko nga sila narinig na nag-uusap ni Drake.Nakangiti ito sa akin and I can’t help but to roll my eyes. Alam kong rude pero hindi ko mapigil ang sarili ko na ipakita sa kanya ang galit ko.“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung saan kumukuha ang babaeng ito ng lakas ng loob na harapin ako sa mga oras na ito“Ano ba ang pag-uusapan natin? Libing ngayon ni Tita, hindi ba pwedeng ipagpaliban yan?” mataray na sagot ko kay IvyShe smiled at me and I swear konti nalang ay balak ko ng ingudngod ang babaeng ito para mabura ang plastikadang ngiti niya sa akin.“I’m afr
Valeen It’s Sunday today at and it is Family day. It has been a habit for us na twing Sunday ay kumpleto kami at sabay-sabay kaming kakain ng lunch ng buong pamilya. Pagkatapos naming magsimba kanina ay dumiretso na ako sa kusina para ayusin ang tanghalian namin. Tatlo na ang anak namin ni Drake and we both agreed na tama na iyon as soon as maipanganak ko ang bunso ko. They are all boys at hindi madaling maging nanay sa tatlong batang lalaki na ubod ng pilyo at kulit. Idagdag pa ang tatay nilang nakikisabay sa mga kalokohan nila. Ang panganay ko na si Dylan Glenn is already twenty-four and he is now working in his Dad’s company. Hindi naman ito pilit sa part niya dahil kahit nung bata pa siya ay nakitaan na siya ni Drake ng interes sa negosyo ng mga Samaniego. His Dad is training him dahil wala naman talagang ibang magmamana ng business kung hindi sila ding magkakapatid. Ang pangalawang anak ko na si Dwight Carlos naman ay walang hilig sa negosyo. Siya ang pinakamalok
DrakeVal is already in her ninth month of pregnancy and we are both excited sa pagdating ng panganay na anak namin. Even our families and friends are excited too. Lahat sila nakaabang sa paglabas ni Dylan Glenn. My son is lucky. I mean lahat ng mga anak at magiging anak namin ay maswerte dahil maraming taong nagmamahal sa kanila.At tulad noon, I chose to work from home this month dahil gusto ko na nasa tabi ako ni Val. I don’t like the idea na manganganak siya tapos nasa trabaho ako. Gusto ko katabi ako ng asawa ko. Gusto ko, ako ang magdadala sa kanya sa ospital at gusto ko, ako ang unang makikita niya when she wakes up kapag nakapanganak na siya.“Eh bakit hindi ka sumama sa loob para nandun ka habang nanganganak si Val. I think they allow that nowadays.” suggestion iyon ni Lucian nung huling magkita-kita kami.“I don’t know bro! Siguro tatanungin ko kung gusto ni Val na nandun ako.” but I think it’s really a good idea naman“Pass ako sa ganyan!” sabi ni Hendrix habang umiinom n
Valeen“Sinasabi ko na ba! Unang kita ko pa lang dyan sa babaeng yan iba na ang kutob ko! Ikaw naman Val, pinagtatanggol mo pa! Papano nalang kung nagtagumpay siya sa pang-aakit sa asawa mo? Edi iiyak-iyak ka sana ngayon? Muntik pang mapahamak yang inaanak ko! Paano na lang kung may nangyari diyan? Naku Valeen pasalamat ka at wala talagang nangyari sa inaanak ko! At pasalamat din ang babaeng higad na yan at wala ako dito dahil hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin! Naku talaga naman! Nakakagigil!” “Ganyan ba talaga yang kaibigan mo? Walang preno ang bibig?” bulong sa akin ni Drake habang pinapakinggan namin ang mahabang sermon ni TrishMaayos naman na ang kalagayan ko at nagulat ako ng sumugod dito si Trish ng umaga ng mabalitaan niya ang nangyari kay Manang Josie.“Sigurado ka bang okay na ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Trish “Oo Trish! Okay na ako!” Naupo naman ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.“I’m just glad na okay ka Val!” Niyakap pa ako ni Trish kaya tala
DrakeKanina pa mainit ang ulo ko dahil sa mga nakita kong kapalpakan ng ilang mga tauhan sa site. Idagdag pang mag-isa ako ngayon dito dahil may kanya-kanyang lakad ang apat na itlog kaya ako lang ang nag-handle ng problema.Nadagdagan pa ang inis ko ng tumawag si Rina at sinabing umalis si Val ng hindi siya kasama. Kabilin-bilinan ko kasi kay Rina na kung sakaling aalis ang Ma’am niya ay samahan niya pero kanina daw ay umalis ito kasama si Trish at nagalit pa daw sa kanya ng magpumilit siyang sumama.Alam ko na mali dahil kay Val ko naibunton ang init ng ulo ko kaya naman minabuti ko ng tapusin ang pag-uusap namin at baka may masabi ako na pagsisihan ko bandang huli.Medyo na-late pa ako ng uwi dahil inabot ako ng traffic so I expected na tulog na si Val pagdating ko.Agad naman akong sinalubong ni Rina pagdating ko kaya naman tinanong ko kung kumain na ang Ma’am niya.“Opo sir! Nagpadala po ng pagkain sa kwarto. Pagdating po kasi niya hindi na po lumabas ng kwarto.” Kwento sa ak
ValeenNaging busy padin ako the following days dahil ang pag-aayos naman sa mansion ang inatupag ko. Mas madali naman ngayon kasi marami akong katuwang, idagdag pa si Rina na palaging naka alalay sa akin.“Busy naman masyado ni Buntis!” napalingon ako at nakita ko si Trish na papasok sa pintoTumayo ako at agad akong yumakap dito dahil na-miss ko naman talaga siya dahil ilang araw kaming hindi nagkita.Kasalukuyang sinasabit ni Mang Rene, ang driver namin, ang wedding picture namin ni Drake. Kahapon lang kasi ito dumating at ang asawa ko ang nag-suggest kung saan ilalagay ang life-size na picture namin.Napansin ko na matagal na tinitigan ni Trish ang picture kaya naman siniko ko ito at biniro.“Gandang-ganda ka na naman sa akin!”“Huh?! Ah oo naman! Siyempre!” alanganing sagot ni Trish sabay kamot ng ulo“Problema mo?” tanong ko saka ko siya inayang maupo “Val, yan pala ang asawa mo?” biglang tanong ni Trish kaya kinabahan naman ako sa klase ng pagtatanong niya. Hindi pa rin kasi
ValeenSa mga sumunod na araw ay inasikaso ni Drake ang paglipat namin sa mansion. May dalawang kasambahay na nagpunta dito para alalayan ako sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Kapag naka-settle na kami ay susunod naman naming paghahandaan ang house blessing. Madalas dumalaw sa akin si Trish at natutuwa ako kasi kahit tapos na ang trabaho niya sa amin ay hindi pa rin siya nakakalimot. “Kamusta naman ang pagbubuntis mo?” tanong nito sa akin. Nandito kami sa sala ngayon dahil kakatapos lang hakutin ang ilang box na dadalhin ng dalawang kasambahay sa mansionBukas ay babalik uli sila para muling mag-empake ng mga gamit namin.“Okay naman ako Trish. Sobrang excited na ako na maging Mommy!” “I’m sure magiging mabuti kang Mommy!” sagot naman sa akin ni TrishLumabas naman si Rina sa kusina na may dalang juice at sansirival cake para sa amin ni Trish. “Salamat Rina!” sabi ko ng ilapag niya sa mesa ang tray“Walang anuman po Ma’am. Magluluto lang po ako sa kusina. Tawagin niyo nalang po
DrakeCheck up namin ni Val ngayon sa OB- gyne niya at sobra akong excited dahil malalaman na namin ang gender ng anak namin.Val is on her fourth month of pregnancy kaya naman ngayon kami magpapa-ultrasound.Buhat ng magbuntis si Val ay nagbawas na ako ng trabaho. There was even a time, when she was on her third month that I stayed and worked from home dahil palagi siyang nahihilo at tumindi ang pagsusuka niya.Maliit na sakripisyo lang yun kumpara sa hirap na pinagdadaanan niya and I witnessed that everyday na halos hilingin ko na nga na sana ako nalang ang nakakaranas ng pinagdadaanan niya.It’s a good thing na nandyan si Yago pati na ang apat na kaibigan ko na palaging naka-alalay sa akin. They are all very supportive sa aming mag-asawa.I remembered one time when Val was crying kasi gusto daw niya ng aratiles. What the hell is that? Ni hindi ko nga alam na may prutas palang ganun.I asked my friends but only Lucian and Hendrix knows what it looks like. Saan ko naman hahanapin yu
ValeenI glanced at the clock and it is already nine in the morning at kung hindi pa ako maiihi ay wala pa talaga akong balak bumangon.Wala si Drake dahil nagpaalam siya kaninang alas-sais ng umaga na may kailangan siyang i-meet na client na hindi pwedeng si Yago ang humarap. He promised to be back as soon as matapos ang meeting niya para masamahan niya ako dahil hindi pa okay ang pakiramdam ko.As soon as I got up, naramdaman ko na parang hinahalukay ang sikmura ko. I rushed inside the bathroom at sumuka ako ng sumuka sa lavatory. Wala naman akong maisuka kung hindi puro laway lang. Naiiyak na ako dahil ang sakit na ng lalamunan ko sa pagsusuka na wala naman inilalabas. Nang medyo kumalma na ang tyan ko ay naghilamos na ako at nagsepilyo.I looked at my phone at may message doon si Drake telling me to have breakfast dahil may hinanda siya. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya lumabas na ako sa dining.Inangat ko ang takip ng pagkain at nalukot ang mukha ko ng maamoy ko ang nakahain
Valeen It’s been a month and plantsado na ang lahat ng kailangan para tuluyang maiayos ang mansion.Hands on ako sa pag-aasikaso and it was fulfilling lalo pa at nasunod lahat ni Trish ang gusto ko. Drake sometimes visits kaya lang hindi sila magkatagpo ni Trish. Gusto ko kasing makilala niya ito pero ewan ko kung bakit hindi sila nagpapang-abot.Ilang furnitures na lang ang inaantay namin para tuluyan ng masabi na tapos na talaga namin ni Trish ang pag-aayos dito.“Kailan niyo ba planong lumipat?” tanong sa akin ni Trish habang nandito kami sa den at nagmemeryenda.“Hindi ko pa alam. Siguro pag talagang kumpleto na ang mga gamit dito. Kailangan ko pang iayos yung mga gamit namin sa condo para madala dito.” sagot ko kay TrishAfter our meryenda ay umalis na kami ni Trish sa mansion dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. “Kaya mo bang mag-drive?” nag-aalalang tanong ni Trish sa akin“I don’t know Trish. Kanina naman okay ako pero ngayon parang bumigat ang pakiramdam ko.” sagot ko sa