ValeenHindi ako nakatulog kagabi after I heard what happened to Drake when he was young. Masakit ang nangyari sa kanya and even just hearing his story ay hindi ko napigilang mapaiyak.Pero hindi rin naman tama na sa akin niya ibinunton noon ang kagustuhan niyang gumanti sa taong nagpahirap sa kanya.I understand his pain pero hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya sa akin. I already forgave him even before I heard his story. Siguro ganun kalaki ang puso ko para ibigay sa kanya ang pang-unawa na kailangan niya. And maybe because I loved him.“Good morning, boss!” bati ko kay Arkin pagdating nito sa opisinaI immediately stood up para ibigay sa kanya ang schedule niya and it seems naman na wala siyang ipapabago kaya ang kape naman niya ang inasikaso ko.“Val? Invited ang law firm natin sa party ng Mommy ni Drake.” Nakatalikod ako sa kanya when he said that kaya agad naman akong lumingon.“Bakit?” “Anong bakit?” Balik-tanong niya sa akin“Bakit tayo invited!” paglilinaw ko habang b
ValeenAgad akong dinala ni Drake sa kwarto niya dito sa mansion at kahit na ayaw kong sumunod ay wala akong magawa sa paghila niya sa akin.Kailangan kumalma ni Drake dahil pag hindi, baka mag-abot silang magkapatid at nakakahiya sa mga bisita ng Mommy nila.“Hindi na ba talaga kayo magkakasundo?” inis na tanong ko dito ng makarating kami sa kwarto.Naupo agad ako sa sofa na nandun at pasimpleng inilibot ang mga mata ko sa kwarto niya. Maayos naman ito. May mga pictures na nakasabit when he was young and may mga diplomas and medals din na nakasabit sa dingding.“I’m sorry, okay! I’m just pissed off sa twing nilalapitan ka ni Yago!” naramdaman kong tumabi siya sa akin sa sofa saka niya inabot ang kamay ko“In case you forgot, we are just pretending, Drake! Hindi mo kailangang magselos or whatsoever dahil wala namang tayo!” ipiniksi ko ang kamay ko sa tindi ng inis ko dito.When will he ever learn to control himself?“I know! Pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilang masaktan kahit
ValeenI guess Drake used his private plane again kaya naman ilang oras lang ay nandito na siya sa harap ko. He called me at tinanong ang room number ni Dad dahil nasa lobby na daw siya ng hospital kaya naman itong puso ko, hindi na naman mapigil ang mabilis na pagtibok.Nagpaalam muna ako sandali kay Dad at sinabing may darating akong bisita. He asked me kung sino pero sinabi ko na kaibigan ko.I waited outside at hindi naman nagtagal ay nakita ko si Drake na iniisa-isang tignan ang mga pinto sa floor na ito. He have a basket of fruits on one hand and a bouquet of flowers on the other.Pinilit kong itago ang kilig dahil sa ngayon gusto ko munang patunayan ni Drake ang sarili niya. And I know pag nakita siya ni Dad, maiintindihan niya na hindi lang ito isang kaibigan.Well maybe he needs to prove himself too to my family kung talagang gusto niya na maging maayos kami.“Babe!” nakangiti niyang salubong sa akin ng matanaw niya ako sa harap ng pinto ng kwarto. Inabot niya sa akin ang b
ValeenMedyo late na akong nagising kinabukasan dahil hindi ako nakatulog agad kagabi. Mukhang namahay pa ako sa kwarto since matagal na din akong hindi nakauwi dito.Naghilamos muna ako at nagsepilyo saka ako bumaba sa dining para mag-almusal only to find out that Drake is already here.“Good morning, babe!” bati niya sa akin kaya inikutan ko siya ng mata lalo pa at kaharap niya si Kuya Vlad.“May lahing intsik ba tong manliligaw mo? Aba e ke aga-aga umaakyat na ng ligaw?” nakasimangot si Kuya Vlad pero si Drake ay cool lang at ni hindi siya pinapansin“Bakit nga ba ang aga mo?” pagtataray ko naman dito “Kasi babe susunduin kita. Babantayan natin ang daddy mo kasi may lakad daw ang Kuya Victor mo!” Drake answered kaya naman bumulong si Kuya Vlad“Feeling kapamilya!” tumayo ito saka ako nilapitan.“Aalis na ako! Ako ang pupunta sa ospital at yang bwista mo, pauwiin mo na sa Maynila!” inis na sabi ni Kuya VladPinandilatan ko ito ng mata kaya naman tinaasan ako nito ng kilay.“What?”
ValeenNakatingin ako sa malungkot na mukha ni Drake matapos kong sabihin na wala naman talaga kaming relasyon para mag-alala pa siya sa akin.Alam ko naman na hindi tamang sabihin iyon sa kanya lalo at nakikita ko naman talaga ang pag-aalala niya para sa akin lalo pa ng makita namin kung paano ihayag ni Allan ang galit niya.“I’m sorry, Drake!” I know my fault and I know I have to apologize for itTumango lang si Drake saka niya itinuloy ang pagkain. Hindi na ito kumikibo kaya alam ko nagtatampo ito sa akin.“I said I’m sorry!”Napatigil ito sa akmang pagsubo saka dahan-dahan niyang ibinaba ang kubyertos niya. He sighed. Malalim. Mabigat.“That’s okay! Totoo naman yun, wala naman talagang tayo. Pero kasi masakit lalo pa pag sinasampal mo palagi sa akin yun!”“Drake…”“Masakit kasi alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko nung wala ka. Actually, sa sobrang miserable, nakuntento na lang ako na tignan ka sa malayo nung nasa States ka.” kwento niya sa akin. I
DrakeHindi ako makapaniwala sa narinig ko kat Valeen na pinapauwi na siya ng Kuya niya ngayong gabi. Naiinis ako kasi gusto ko talaga siyang makasama. I never touched anybody buhat ng umalis siya. Well of course aside from that crazy girl na nakasama ko once na talaga namang nagpasakit ng ulo ko.Since then hindi na ako nakikisalamuha sa mga babae lalo na pag alam kong iba ang gusto sa akin. I am not a perfect person at lalaki ako na madaling matukso kaya bago pa mangyari yun ay ako na ang umiiwas.Gusto kong maging karapat-dapat kay Val sa oras na bumalik ito. I want her to realize na siya lang ang gusto kong makasama.At akala ko ngayong gabi na yun but the hell! Nagpapahatid na siya sa akin dahil utos ng kuya niya.I miss her so much! I want her now pero wala naman akong magagawa! Utos iyon ni Victor at kailangan kong sundin kung ayaw kong madagdagan ang kaaway ko.Papasok na sana ako sa banyo para magbihis ng bigla ay tawagin ako ni Val.“Babe!”Nilingon ko ito and I saw her cal
ValeenMasama ang tingin sa amin ni Kuya Vlad ng madatnan ko ito kinabukasan sa sala. Inihatid ako ni Drake and Oh my God hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha ngayon kasi naalala ko ang ginawa namin kanina ni Drake.Nagising ako ng madaling araw and I saw him looking at me. Hindi na naman namin napigil ang aming mga sarili ang ended up making love until sunrise.Napapitlag na lang ako ng ibaba ni kuya ang tasa ng kape sa centertable ng malakas kaya naputol ang day dreaming ko.“Pinakain ka man lang ba ng isang ito, Alicia?” napapikit ako sa pagtawag sa akin ni Kuya by my second name. Ibig sabihin kasi nun, galit talaga siya“Yes kuya we already ate breakfast!” pagsisinungaling ko kahit pa ang totoo ay gutom na gutom na akoHindi na kasi namin nagawang kumain ng agahan dahil na rin sa kalandian ni Drake kanina. Nagmadali na akong makaligo para makauwi na kami dahil mukhang hindi ako titigilan ni Drake.“Aalis na ako! Susunduin ko sila sa ospital, stay here! Mag-uusap tayo pagbalik ko
DrakeGalit na galit si Victor at Vlad ng mapagtanto naming nawawala si Val. May mga pulis na dito sa bahay nila and they are all waiting na tumawag ang kidnapper since may nakuhang kopya sa dashcam ng sasakyan na edibensya that Val was abducted sa parking lot ng mall.Kakalabas lang ng Daddy nila sa ospital at eto may panibagong problema na naman na kinakaharap ang pamilya.“Bantayan niyo si Allan. Baka may kinalaman siya dito dahil pinagbantaan niya kami ng kapatid ko!” tila kulog ang boses ni Victor na pumuno sa buong sala “We will sir!” sabi naman ng pulis na agad rumesponde sa tawag ng mga FloresNapalingon kami ng biglang may pumasok sa pinto and it was Allan with his worried face.“I heard what happened!” sabi nito kaya hindi ko mapigilang lapitan at kwelyuhan ito“Nasaan si Val?” tanong ko dito“What? Kaya nga ako nagpunta dito kasi nabalitaan ko.”“Nagbanta ka Allan! Pinagbantaan mo ang kapatid ko!” galit naman na sabi ni VictorBinaklas ni Allan ang kamay ko sa kwelyo niya
Valeen It’s Sunday today at and it is Family day. It has been a habit for us na twing Sunday ay kumpleto kami at sabay-sabay kaming kakain ng lunch ng buong pamilya. Pagkatapos naming magsimba kanina ay dumiretso na ako sa kusina para ayusin ang tanghalian namin. Tatlo na ang anak namin ni Drake and we both agreed na tama na iyon as soon as maipanganak ko ang bunso ko. They are all boys at hindi madaling maging nanay sa tatlong batang lalaki na ubod ng pilyo at kulit. Idagdag pa ang tatay nilang nakikisabay sa mga kalokohan nila. Ang panganay ko na si Dylan Glenn is already twenty-four and he is now working in his Dad’s company. Hindi naman ito pilit sa part niya dahil kahit nung bata pa siya ay nakitaan na siya ni Drake ng interes sa negosyo ng mga Samaniego. His Dad is training him dahil wala naman talagang ibang magmamana ng business kung hindi sila ding magkakapatid. Ang pangalawang anak ko na si Dwight Carlos naman ay walang hilig sa negosyo. Siya ang pinakamalok
DrakeVal is already in her ninth month of pregnancy and we are both excited sa pagdating ng panganay na anak namin. Even our families and friends are excited too. Lahat sila nakaabang sa paglabas ni Dylan Glenn. My son is lucky. I mean lahat ng mga anak at magiging anak namin ay maswerte dahil maraming taong nagmamahal sa kanila.At tulad noon, I chose to work from home this month dahil gusto ko na nasa tabi ako ni Val. I don’t like the idea na manganganak siya tapos nasa trabaho ako. Gusto ko katabi ako ng asawa ko. Gusto ko, ako ang magdadala sa kanya sa ospital at gusto ko, ako ang unang makikita niya when she wakes up kapag nakapanganak na siya.“Eh bakit hindi ka sumama sa loob para nandun ka habang nanganganak si Val. I think they allow that nowadays.” suggestion iyon ni Lucian nung huling magkita-kita kami.“I don’t know bro! Siguro tatanungin ko kung gusto ni Val na nandun ako.” but I think it’s really a good idea naman“Pass ako sa ganyan!” sabi ni Hendrix habang umiinom n
Valeen“Sinasabi ko na ba! Unang kita ko pa lang dyan sa babaeng yan iba na ang kutob ko! Ikaw naman Val, pinagtatanggol mo pa! Papano nalang kung nagtagumpay siya sa pang-aakit sa asawa mo? Edi iiyak-iyak ka sana ngayon? Muntik pang mapahamak yang inaanak ko! Paano na lang kung may nangyari diyan? Naku Valeen pasalamat ka at wala talagang nangyari sa inaanak ko! At pasalamat din ang babaeng higad na yan at wala ako dito dahil hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin! Naku talaga naman! Nakakagigil!” “Ganyan ba talaga yang kaibigan mo? Walang preno ang bibig?” bulong sa akin ni Drake habang pinapakinggan namin ang mahabang sermon ni TrishMaayos naman na ang kalagayan ko at nagulat ako ng sumugod dito si Trish ng umaga ng mabalitaan niya ang nangyari kay Manang Josie.“Sigurado ka bang okay na ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Trish “Oo Trish! Okay na ako!” Naupo naman ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.“I’m just glad na okay ka Val!” Niyakap pa ako ni Trish kaya tala
DrakeKanina pa mainit ang ulo ko dahil sa mga nakita kong kapalpakan ng ilang mga tauhan sa site. Idagdag pang mag-isa ako ngayon dito dahil may kanya-kanyang lakad ang apat na itlog kaya ako lang ang nag-handle ng problema.Nadagdagan pa ang inis ko ng tumawag si Rina at sinabing umalis si Val ng hindi siya kasama. Kabilin-bilinan ko kasi kay Rina na kung sakaling aalis ang Ma’am niya ay samahan niya pero kanina daw ay umalis ito kasama si Trish at nagalit pa daw sa kanya ng magpumilit siyang sumama.Alam ko na mali dahil kay Val ko naibunton ang init ng ulo ko kaya naman minabuti ko ng tapusin ang pag-uusap namin at baka may masabi ako na pagsisihan ko bandang huli.Medyo na-late pa ako ng uwi dahil inabot ako ng traffic so I expected na tulog na si Val pagdating ko.Agad naman akong sinalubong ni Rina pagdating ko kaya naman tinanong ko kung kumain na ang Ma’am niya.“Opo sir! Nagpadala po ng pagkain sa kwarto. Pagdating po kasi niya hindi na po lumabas ng kwarto.” Kwento sa ak
ValeenNaging busy padin ako the following days dahil ang pag-aayos naman sa mansion ang inatupag ko. Mas madali naman ngayon kasi marami akong katuwang, idagdag pa si Rina na palaging naka alalay sa akin.“Busy naman masyado ni Buntis!” napalingon ako at nakita ko si Trish na papasok sa pintoTumayo ako at agad akong yumakap dito dahil na-miss ko naman talaga siya dahil ilang araw kaming hindi nagkita.Kasalukuyang sinasabit ni Mang Rene, ang driver namin, ang wedding picture namin ni Drake. Kahapon lang kasi ito dumating at ang asawa ko ang nag-suggest kung saan ilalagay ang life-size na picture namin.Napansin ko na matagal na tinitigan ni Trish ang picture kaya naman siniko ko ito at biniro.“Gandang-ganda ka na naman sa akin!”“Huh?! Ah oo naman! Siyempre!” alanganing sagot ni Trish sabay kamot ng ulo“Problema mo?” tanong ko saka ko siya inayang maupo “Val, yan pala ang asawa mo?” biglang tanong ni Trish kaya kinabahan naman ako sa klase ng pagtatanong niya. Hindi pa rin kasi
ValeenSa mga sumunod na araw ay inasikaso ni Drake ang paglipat namin sa mansion. May dalawang kasambahay na nagpunta dito para alalayan ako sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Kapag naka-settle na kami ay susunod naman naming paghahandaan ang house blessing. Madalas dumalaw sa akin si Trish at natutuwa ako kasi kahit tapos na ang trabaho niya sa amin ay hindi pa rin siya nakakalimot. “Kamusta naman ang pagbubuntis mo?” tanong nito sa akin. Nandito kami sa sala ngayon dahil kakatapos lang hakutin ang ilang box na dadalhin ng dalawang kasambahay sa mansionBukas ay babalik uli sila para muling mag-empake ng mga gamit namin.“Okay naman ako Trish. Sobrang excited na ako na maging Mommy!” “I’m sure magiging mabuti kang Mommy!” sagot naman sa akin ni TrishLumabas naman si Rina sa kusina na may dalang juice at sansirival cake para sa amin ni Trish. “Salamat Rina!” sabi ko ng ilapag niya sa mesa ang tray“Walang anuman po Ma’am. Magluluto lang po ako sa kusina. Tawagin niyo nalang po
DrakeCheck up namin ni Val ngayon sa OB- gyne niya at sobra akong excited dahil malalaman na namin ang gender ng anak namin.Val is on her fourth month of pregnancy kaya naman ngayon kami magpapa-ultrasound.Buhat ng magbuntis si Val ay nagbawas na ako ng trabaho. There was even a time, when she was on her third month that I stayed and worked from home dahil palagi siyang nahihilo at tumindi ang pagsusuka niya.Maliit na sakripisyo lang yun kumpara sa hirap na pinagdadaanan niya and I witnessed that everyday na halos hilingin ko na nga na sana ako nalang ang nakakaranas ng pinagdadaanan niya.It’s a good thing na nandyan si Yago pati na ang apat na kaibigan ko na palaging naka-alalay sa akin. They are all very supportive sa aming mag-asawa.I remembered one time when Val was crying kasi gusto daw niya ng aratiles. What the hell is that? Ni hindi ko nga alam na may prutas palang ganun.I asked my friends but only Lucian and Hendrix knows what it looks like. Saan ko naman hahanapin yu
ValeenI glanced at the clock and it is already nine in the morning at kung hindi pa ako maiihi ay wala pa talaga akong balak bumangon.Wala si Drake dahil nagpaalam siya kaninang alas-sais ng umaga na may kailangan siyang i-meet na client na hindi pwedeng si Yago ang humarap. He promised to be back as soon as matapos ang meeting niya para masamahan niya ako dahil hindi pa okay ang pakiramdam ko.As soon as I got up, naramdaman ko na parang hinahalukay ang sikmura ko. I rushed inside the bathroom at sumuka ako ng sumuka sa lavatory. Wala naman akong maisuka kung hindi puro laway lang. Naiiyak na ako dahil ang sakit na ng lalamunan ko sa pagsusuka na wala naman inilalabas. Nang medyo kumalma na ang tyan ko ay naghilamos na ako at nagsepilyo.I looked at my phone at may message doon si Drake telling me to have breakfast dahil may hinanda siya. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya lumabas na ako sa dining.Inangat ko ang takip ng pagkain at nalukot ang mukha ko ng maamoy ko ang nakahain
Valeen It’s been a month and plantsado na ang lahat ng kailangan para tuluyang maiayos ang mansion.Hands on ako sa pag-aasikaso and it was fulfilling lalo pa at nasunod lahat ni Trish ang gusto ko. Drake sometimes visits kaya lang hindi sila magkatagpo ni Trish. Gusto ko kasing makilala niya ito pero ewan ko kung bakit hindi sila nagpapang-abot.Ilang furnitures na lang ang inaantay namin para tuluyan ng masabi na tapos na talaga namin ni Trish ang pag-aayos dito.“Kailan niyo ba planong lumipat?” tanong sa akin ni Trish habang nandito kami sa den at nagmemeryenda.“Hindi ko pa alam. Siguro pag talagang kumpleto na ang mga gamit dito. Kailangan ko pang iayos yung mga gamit namin sa condo para madala dito.” sagot ko kay TrishAfter our meryenda ay umalis na kami ni Trish sa mansion dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. “Kaya mo bang mag-drive?” nag-aalalang tanong ni Trish sa akin“I don’t know Trish. Kanina naman okay ako pero ngayon parang bumigat ang pakiramdam ko.” sagot ko sa