Maxine “Bakit ba lukot na naman yang mukha ng boyfriend mo?” nakangising bulong sa akin ni Sophia sabay sulyap kay Xavier na hindi maipinta ang mukha hanggang ngayon Nakasakay na kami sa private plane na maghahatid sa amin pabalik ng Manila at buhat kahapon pagkagaling namin sa reception ng kasal ay kibuin dili ko si Xavier dahil naiinis ako sa kanya. “Ikaw naman kasi Max, gusto mo palang magfood trip hindi mo inaya! Ayan tuloy nagalit sayo!” natatawang sabi ni Thea so I guess alam niya ang ikinagalit sa akin ni Xavier kahapon “Foodtrip?”’walang ideya naman na tanong ni Sophia “Naku yang si Max, hindi pala type ang pagkain sa reception kahapon, ayun lumabas at kumain ng pares habang yung isa, tulirong-tuliro na sa paghahanap!” Nanlaki pa ang mata ni Sophia sabay tawa kaya naman napalingon pa ang mga boys na panay naman din ang kwentuhan sa gawing harap namin. “Diyos ko Max! Kaya naman pala! Kilala mo naman yang si Xavier sa sobrang pagka-OA kaya dapat hindi ka biglang maw
XavierNasa isang restaurant ako ngayon for a very early meeting kasama ang ilang members ng board ng MGC. Dapat pupunta ako ngayon sa ospital para makita si Dad but nagkaroon ng biglaang meeting kaya inuna ko muna ang pagpunta dito.Nasa restaurant na si Aurora at panay ang kamusta niya kay Daddy. Sinabi ko naman ang kalagayan nito and she just wished my Dad well. I can feel that she is still trying to seduce me pero natuto na ako sa pagkakamali ko noon at ayaw ko ng maulit pa ito. She still asks if she can see me or can we go out kahit pa noong panahon na wala na kami ni Max pero tinanggihan ko ito. I wanted to be clean in Max’s eyes. Gusto ko wala na akong skeletons in the closet na matatawag. Because I love her so much!I excused myself habang wala pa ang mga kausap namin and went to the restroom. Pagbalik ko ay kumpleto na ang mga ka-meeting ko at nagsimula na kami agad.“Ako na ang pupunta sa US to personally handle the problem.” bilang CEO ng kumpanya ay wala akong magagawa
MaxineIsang buwan na buhat ng makaalis si Xavier papuntang US and since then ay hindi ko sinasagot ang messages niya sa akin. I even blocked his number lalo nung malaman ko na kasama niya si Aurora sa biyahe niya.Ang sakit sa kalooban that we ended up like this at kahit mahirap, hahayaan ko na siya. Ayoko ng magpakatanga at ang priority ko na lang sa ngayon ay ang anak ko.Tama, anak ko! Akin lang ang anak ko at hindi namin siya kailangan!Tumindi ang pagsusuka ko sa umaga at sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko namalayan na nakapasok pala si Mommy sa kwarto ko.“Are you pregnant?” napatda ako paglabas ko ng banyo dahil hindi ko inaasahan na nasa labas pala si Mommy“Maxine!” sigaw ni Mommy kaya naman napayuko na lang ako dahil wala na akong choice kung hindi umamin“Y-yes Mommy! Two months!” sagot ko ditoHindi nagsalita si Mommy kaya naman inangat ko ang ulo ko para makita ko ang reaksyon niya.“Sino ang tatay niyan?” medyo kalmado pa si Mommy and I swear nag-ipon ako ng la
MaxineApat na buwan na ang tiyan ko at hindi ko mapigilang ma-excite habang papalapit ng papalapit ang araw na makikita ko ang anak ko. Ang bunga ng pag-ibig ko para kay Xavier na sinayang lang niya.Hanggang ngayon ay wala akong balita sa mga taong naiwan ko sa nakaraan at para sa akin ay mabuti na din iyon. Ayoko ng makarinig ng kahit na ano patungkol sa pamilya ko.Hindi na din ako gumagamit ng social media at may bago akong cellphone na binili and only Tita Flor knows my number. She assured me too na kahit pamangkin niya si Emman ay wala siyang sinabi tungkol sa akin pati na din kay Samuel, ang kapatid ni Sig.Masaya na ako sa buhah ko ngayon. Although nararamdaman ko ang kakulangan ng pamilya, minabuti ko ng hindi intindihin iyon. Basta nandito ang anak ko, sapat na sa akin yun.Malapit ko ding matapos ang painting na ginagawa ko ngayon. Sabi ni Andeng kahit daw malungkot ako, masya pa rin daw ang nakikita niya sa ginagawa kong painting. Mother and child ang painting ko at p
XavierNandito kami ngayon sa office ni Marcus at gaya ng dati, kwentuhan at kulitan ang nagaganap sa aming magkakaibigan.Marcus is sharing his experience about Ria’s pregnancy. Pinalabas daw siya nito sa kwarto dahil nabahuan ito sa kanya and Lucian can relate to that dahil na-experience niya rin ito kay Thea.Hindi ko magawang makitawa sa kanila dahil naaalala ko si Maxine. Ganito din kaya siya? Is she craving for some food? Paano kapag may gusto siyang kainin? Sino ang nagbibigay o humahanap noon para sa kanya?Naalala ko ang sinabi noon ni Drake noong maghanap siya ng aratiles. Kailangan niyang makakuha noon dahil baka pumangit daw ang anak niya.Although alam ko naman na kwentong kutsero lang yun, the fact that Maxine might be craving for something really hurts me lalo kapag naiisip ko na hindi niya iyon nakukuha.Isang buwan na akong naghahanap at hindi ko pa nasasabi iyon sa mga kaibigan ko dahil nahihiya akong aminin ang pagkakamali ko. Pero this time, I guess I need to tell
Maxine“Kamusta kayo dito? Ay halata na ang tiyan mo!” masayang sabi ni Tita Flor sa akin as soon as makababa siya ng speedboat“Tita!” nakangiti namang sabi ko nang salubungin ko ito saka ko siya niyakao ng mahigpit“Okay po kami dito, Tita! Kamusta po ang biyahe niyo?” I asked saka ako kumapit sa kanya habang naglalakad kami papasok sa resthouseHapon na din kasi kaya minabuti na ni Tita na sa loob na kami ng bahay dumeretso.“Medyo maalon ang dagat! Pero salamat sa Diyos nakarating ako ng maayos!” nakangiting sabi nito“Ilang araw po ba ang summit ni Samuel?” tanong ko kay Tita as we settled ourselves at the sofa“Ma’am eto na po ang kape!” sabi naman ni Andeng saka nito inilapag sa harap ni Tita ang tasa“Tatlong araw siya doon kaya siguro mga dalawang araw ako dito!” sagot naman ni Tita Flor matapos niyang magpasalamat kay Andeng“Mabuti naman po tita! Miss ko na po kayo!” niyakap naman ako ni Tita and I felt calmness, na para bang si Mommy ang kayakap koKahit masama ang loob k
MaxineAraw ng check-up ko ngayon sa unang doktor na pinuntahan namin ni Tita Flor bago ako manirahan sa resthouse ni Sig sa CamSur. I am so excited, pati na si Andeng at si Tita Flor dahil anim na buwan na ang tiyan ko. Just the same hindi pa rin ako nagpapa-ultrasound dahil mas gusto ko na surprise ang maging dating ng gender reveal ng anak ko.Namili na ako ng ilang gamit ng baby na unisex online dahil sa iniiwasan ko pa ring lumabas ng bahay. Isang buwan na ako dito pero wala pa ring nakakaalam na nandito ako sa bahay nila Sig.“Ready ka na?” nakangiting tanong sa akin ni Samuel nang makababa na ako sa hagdan habang nakaalalay naman sa akin si Andeng“Oo Samuel! I’m sorry at naabala ka pa! Sinabi ko naman kay Tita na magta-taxi na lang kami ni Andeng.” nahihiya talaga ako kasi si Samuel pa ang makakasama namin ngayon ni Andeng for my check-upMay event kasing dinaluhan si Tita Flor kaya naman nag-volunteer si Samuel na samahan ako. “Kabisado mo naman si Mommy! Alam mo na hindi
MaxineUnti-unti kong idinilat ang mata ko the moment I regained my consciousness. Wala akong makita kung hindi puti and that’s when I realized that I am in a hospital.Nakita ko ang swerong nakakabit sa akin kaya lalo akomg nag-panic. Naalala ko din ang nangyari kanina kaya agad ko naman hinipo ang tiyan ko dahil dinugo ako “Ang baby ko!” mahinang sabi ko and I heard Andeng’s voice as I felt her hands holding mine“Maxine relax ka lang! Okay lang ang baby mo! Ligtas siya!” Napaiyak ako upon hearing her answer. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may nangyari sa anak ko dahil sa kapabayaan ko.Nakapikit pa rin ako hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. “Gising na ba siya?” agad kong nabosesan si Tita Flor kaya naman dumilat akong muli para makita siyaNagtangka akong bumangon at tinulungan naman ako ni Andeng matapos iayos ang kama ko para makaupo ako.“Tita…” nanghihinang sabi ko nang makalapit na siya sa akinNiyakap ako ni Tita kaya naman napaiyak ak