Samantala sa condo ni Azrael ay nagngingitngit ang kalooban ni Angel. Hindi niya matanggap na iniwan siya ni Azrael na mag-isa sa condo na iyon at sumama sa kakambal niya."Ugh!" sigaw ni Angel mula sa loob ng condo. "Hindi ako makakapayag na ikaw ang manalo, Ain. Kukunin ko ang dapat sa akin."Umupo si Angel sa sofa at nag-iisip kung ano ba ang dapat gawin. Dahil alam niya na ngayon ay nagsasama si Ain at Azrael sa iisang bobong.Bumukas ang pinto ng condo ni Azrael at may pumasok na mga kalalakihan."Sino kayo?" tanong ni Angel sa kanila."Assistant po ako ni Sir Azrael. Pinakukuha niya sa akin ang mga gamit niya. Kasama ng gamit ni Miss Ain," sambit ng assistant ni Azrael."Nasaan sila ngayon?" tanong ni Angel."I am sorry, miss. Pero hindi ko po sasabihin sa inyo kung nasaan sila ngayon. Iyon din kasi ang bilin ni Sir Azrael. Dito na lang daw po kayo. Since wala namang gumagamit sa unit na ito."Natahimik si Angel sa sinabi ng assistant ni Azrael. Nang makaalis na ang assistant ni
Pumasok ako sa opisina at tinignan ng masama ang kakambal ko."What are you doing here?" tanong ko kay Angel."Visiting Azrael and oh, we have a date later," ngisi nitong sambit."Hindi ako naniniwala sa iyo. May usapan kami ngayon na susunduin namin si Ange.""Oh, thats. I am sorry. Pero may date kami ngayon."Pumunta ako sa harapan nito at hinawakan ang braso nito. Hinila ko ito paalis sa swivel chair ni Azrael at itinulak sa papuntang sahig. Bumukas ang pinto ng opisina ni Azrael."What are you doing, Ain?" sigaw ni Azrael.Nagulat ako sa sigaw nito. Nanubig ang mga mata ko. And I saw how Angel smirk."Hinila niya ako, Az. Itinulak niya ako. Sabi ko lang naman na gusto kitang dalawin. Nagalit na agad siya sa akin," umiiyak na saad ni Angel.What a good actress. Napatingin ako kay Azrael. May galit akong nababanaag sa mga mata nito.Galit ba ito? Dahil sinaktan ko ang kakambal ko? Galit ba ito? Gusto ba nitong sumama sa kakambal ko?Lalapit sana sa akin si Azrael ng umatras ako. Tum
Ange POV"No, hindi totoo iyan!" histerikal nitong sigaw."That is the truth, Angel. Tanggapin mo na lang na hindi ka mahal ni Azrael. Dahil si Ain talaga ang mahal ng lalaking mahal mo.""Hindi! I can see his eyes. He love me. Nandyan lang si Ain. Kaya hindi niya ako nakikita. Kaya hindi niya nasasabing mahal niya ako. I am the one he love, not Aingelle."Kinagat kagat nito ang kuko sa kamay nito at humarap sa akin."Help me, Ange. Kailangan na mawala si Aingelle. Para mahalin ako ni Azrael."Nanlalaki ang mga mata ko. "Nahihibang ka na ba. Because of that stupid love. Sasaktan mo ang kapatid natin!" sigaw ko.Hinawakan ko ang braso nito. Napadaing ito. Pero kalaunan ay ngumisi din."Wala akong kapatid na mang-aagaw, Ange. Alam ko din naman na may galit ka kay Ain. Kaya magtulungan tayo.""No, wala akong galit kay Ain. I love her. Mahal ko ang kapatid natin. Hindi ako gagawa nang ikakapahamak niya."Ngumisi ito. "Wag na tayong maglokohan, Ange. Alam kong may lihim ka na galit kay Ain
Aingelle POVNakatingin ako ngayon sa lalaking nasa harapan ng laptop ko. Abala ito sa mga paper works nito. Isang taon na din mula ng umuwi ako sa bansa at walang oras na di kami nag-uusap gamit ang internet.Nakatitig lang ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Nginitian lang niya ako. Pero noong nakaraang buwan ay napadalaw ako sa kanya ng wala sa oras. Dahil nagkasakit ito. Inalagaan ko ang lalaking mahal ko. Kaya may nangyari ulit sa amin noon.Bigla akong karamdam ng pangngangasim ng sikmura. Hanggang sa napatakbo ako sa banyo at sumuka. Isang buwan ko na itong nararamdaman pero pinagwalang bahala ko lang."What happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin."I am okay, baby. Don't worry about me," ngitian ko lang ito."How about school?" tanong nito sa akin."Guess what, I am going to graduate.""Congrats, baby. I am so proud of you.""Dapat lang," nakanguso kong sambit."Baby, gusto ko sanang umuwi ka sa graduation ko.""Titignan ko ang schedule ko. Hindi ako ma
"SAKAY!" sigaw sa akin ng isang lalaki na nasa loob ng van.Nagulat ako at may takot na naramdaman. Tatakbo na sana ako ng mahagip nito ang aking braso, at sapilitang isinakay sa van."Bitawan nyo ako, please," pagmamakaawa ko sa kanila."Ano ka sinuswerte."Nanatiling tamihik ako sa isang tabi. Hindi ko alam kong saan nila ako dadalhin. Hindi ko sila kilala. Bawat nadadaanan namin ay hindi ako pamilyar.Hindi ko alam kong saang lugar ito. Niyakap ko ang aking sarili. Dahil baka kung ano ang gawin nila sa akin. Lalo pa't buntis ako. Hindi ko mapigilan ang umiyak.Tumingin ako sa labas ng bintana ng van na kasalukuyang sinasakyan namin ngayon. Pero wala akong makita ni kahit ano. Kahit bahay ay wala.Natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin. Lalo na't wala akong kalaban-laban ng mga taong ito.Natatakot din ako sa maaaring mangyari sa anak ko."Sino ba kayo?!" tanong at sigaw mo sa kanila."Tumahimik ka!" sigaw pabalik sa akin ng nasa unahan.Nanatili akong tahimik. Hanggang sa nakar
3rd POVNagluluksa ngayon ang buong angkan ng Samonte. Dahil sa pagkawala ng isa sa kanilang pamilya. Hindi makausap ng magkapatid na Ange at Angel ang kanilang ina. Hindi matanggap ng kanilang ina na wala na ang isa niyang anak.Lumabas si Angel, dahil hindi niya kayang tignan ang kalagayan ng kanyang ina. Masakit din sa kanya na nawala ang kanyang kapatid. Hindi niya intensyon na patayin ang kapatid. Ayaw ni Angel nalaman ng kanyang pamilya na siya ang dahilan kung bakit nandoon si Aingelle. Kung bakit namatay ito.Samantala, hindi alam ng Pamilya Samonte na mayroong dalawang taong gustong kumausap sa kanila. Pero naghahanap lang ang dalawang tao na iyon ng pagkakataon. Umalis din ang dalawa tao na iyon. Dahil nakilala ng dalawa ang taong maysala."Saan tayo pupunta?" tanong ng lalaki sa kasama niya."Hindi ligtas ang babaeng nakita natin," ani ng babae sa lalaking kasama."Paano mo naman nasabi iyon.""Nakita ko ang taong may kakagagawan noon sa kanya. Nandoon sa loob. Pati iyong t
Azrael POVNasa opisina ako ngayon. Hinihintay ko ang Private Investagator na kakausapin ko, para makatulong sa paghahanap ng hustisya kay Aingelle. Isang linggo na mula ng mawala si Aingelle. Hindi ko matanggap na ganun ganun na lang mawawala ang babaeng mahal ko and my unborn child.Nalaman ko din na buntis si Aingelle. Kaya gagawin ko ang lahat, upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Aingelle. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng swivel chair ko. Dahil masakit pa ang ulo ko.Nagising ako kanina na masakit ang ulo ko. Dahil sa ininum ko kagabi. Nagpakalasing ako, dahil hindi ako makatulog. Nasa condo ako namin ni Aingelle. Ayaw ko pa sanang umalis kanina. Kung hindi lang dahil din sa kakausapin ko ngayon.Rinig kung bumukas ang pinto ng opisina ko. Napahilot na lang ako sa bridge ng ilong ko."Good morning, ser," bati nito sa akin."Good morning, have a seat."Umupo ito sa visitor chair. Binuksan ko ang isang drawer ko at ibinigay iyon sa kanya. Sumandal ulit ako at pinagtagp
Azrael POVDumalaw muli ako sa puntod ni Aingelle. Halos dito na ako tumira sa sementeryo. Araw-araw akong dumadalaw sa puntod ni Aingelle. Dahil ngayon ang alis ko papuntang Isla."Aalis muna ako, love. Pangako, pagbalik ko. Bibigyan kita ng hustisya. Magpapahinga muna ako sandali."Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon."Anong balita?" tanong ko sa kanya."Nakuha ko na ang mga dapat mong malaman, boss.""Sige, magkita tayo," saad ko dito.Sinabi ko dito kung saan kami nagkikita. Kaya pumunta na ako sa restaurant.Pagkarating ko sa restaurant ay nandoon na ang P.I na inupahan ko. Umupo ako sa table na nakalaan sa aming dalawa. Nasa tagong lugar iyon, upang di kami mahalata."Ito na, Sir."Ibinigay nito sa akin ang isang brown envelop. Alam ko kung ano ang laman noon. Kaya binuksan ko iyon sa harapan nito.Nakita ko ang laman. Dalawang lalaki ang lumapit kay Aingelle noong araw na kinidnap ito. Isang itim na van, kung saan isinakay ang fiancee ko."Ito lang?" tanong ko