Sa mansion na bahay ni Maximo Montanelli, dito nakaconfine ang pinskamatanda na Montanelli sa kanilang lahat. Si Marlon Montanelli na 91 years old, sa sobrang tanda na nito, ay machine na lang ang bumubuhay sa kaniyang buong katawan. Dito siya binabantayan at pinangangalagaan nina Maximo at ang pangalawang anak nitong si Marius. Nasa pangangalaga siya ng panganak na anak nito dahil naniniwala sila na tatagal ang buhay nito kapag kapiling nito ang panganay niyang anak. At ang panilya ng panganay niya ang may pinakamagagaling na mga tauhan kaya imposibleng malooban sila o kaya may pumatay na lang basta sa matanda."May balita na ba kay kuya Massimo?" tanong ni Marius sa pinakamataas na butler sa mansion nila. Ilang beses nang hindi pumupunta sa mansion nila si Massimo at iyon ang pinagtataka niya. Simula kasi nang malaman ni Massimo na nacoma ang lolo nila, ay hindi na umuwi si Massimo. Palagi na lang itong nasa mansion ng kanilang tiyuhin na si Mexion."Wala pa po, Lord Marius. Simul
"Bakit ang tagal mo?" tanong ng nanay ni Celina nang makapasok sila sa VIP pool. Meroon silang sariling malaking swimming pool at hot pool. May mga pagkain din sila na nakalagay sa malaking table. Naliligo na sa swimming pool si Meaxiana at Magnus. Sila Massimo at Celina na lang ang hinihintay nila. "Bagay sa'yo! Sigurado akong magkakaroon ka na ng boyfriend ngayon!" Sobrang excited nang expression ni Celine sa kaniyang anak, pero kita sa mukha ni Massimo na hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Celine. "Mom, alam kong excited ka, pero pwede bang huwag mo na lang muna isipin ang pagkakaroon ko ng jowa? Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend.""Anak, nasa tamang idad ka na para magkaroon ng boyfriend." Habang sinasabi iyon ng kaniyang nanay, ay nakita ni Celina na umupo si Massimo at pinapanood sila Meaxiana."Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng problema, Mom." Tumawa si Celine sa kaniyang anak, pero agad ding nawala dahil biglang nagring ang cellphone ni Celina. Kaya nagpaala
[Dad, where's Massimo? Kasama mo ba siya? I need to talk to him.] Tanong ni Maxio sa kaniyang ama sa pamamagitan ng ear piece. "Palabas ako sa pool. I am finding him. Gather all the men here. Also, protect your sisters and mother. Hindi 'yun kakayanin ni Magnus mag-isa." [I ordered Magnus na pumunta na sa yacht.] Nakahinga ng mabuti si Mexion dahil sa sinabi ni Maxio. Iyon lang naman ang gusto niyang mangyare. Ang maging maayos at ligtas ang pamilya niya. "Ok good." [Dad, hanapin mo agad si Massimo dahil hindi ko siya macontact kanina pa. Lolo needs him.] Biglang napatigil sa pagtatakbo si Mexion nang marinig niya ang katagang lolo. Nagkaroon agad siya ng masamang pakiramdam na may nangyareng masama sa kaniyang ama. "What happened to him?" [We received a text from Marius. He wants all of us to be there. Sa tingin ko may nangyareng masama kay Lolo. Lahat tayo nakapagpaalam kay Lolo maliban lang kay Massimo, Dad. So you have to find him and bring him to Lolo as soon as possible.
"Huwag no na akong pahirapan!" Sigaw ng lalaki habang hinihila si Celina papasok sa isang kwarto na hindi alam ni Celina kung ano ang nasa loob. Para mapatagal ang kanilang pagpapasok sa loob, ay binibigatan ni Celina ang kaniyang katawan. Para mahirapan ang lalaki na hilahin siya. "Bilisan mo! Tigang na tigang na ako sa'yo! Kanina pa ako nagpipigil.""Napakabagal mong babae ka!" Dahil sa sobrang inis ng lalaki, ay hinila nito si Celina ng malakas palapit sa kaniya para sana buhatin ang babae, pero agad na kinagat ni Celina ang kamay nito ng madiin. Kaya napadaing sa sakit ang lalaki sabay bitaw sa kamay niya.Doon nagkaroon ng chance si Celina na makatakbo. Lahat ng lakas niya, ay ginamit niya para lang makalayo siya sa lalaking 'yun, pero napasigaw siya sa sobrang sakit nang masabunutan siya ng lalaki.Hinila siya ng lalaki palapit habang hawak hawak ang buhok niya. Kaya hindi maiwasan ni Celina na mapadaing sa sobrang sakit. Nararamdaman niya na parang matatanggal lahat ng buhok ni
Nagising si Celina na masakit ang ulo, pero ang una niyang napansin, ay ang kaniyang nanay na nakaupo sa kanan niya."Mom?" mahinang sabi ni Celina na narinig agad ni Celine. Kaya agad siyang lumapit kay Celina para tignan ang mukha ni Celina."Kumusta ka na? May nararamdaman ka ba? Ok ka lang ba?" Sunod sunod na tanong ng nanay niya. Kaya hindi agad nakasagot si Celina. Naramdaman din niya kasi ang kirot ng buong katawan niya nang subukan niyang gumalaw. "Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"Tinignan ni Celina ang paligid at nasa kwarto niya siya ngayon. Ano ang nangyare? Nawalan ba siya ng malay? Sinubukan alalahanin ni Celina ang nangyare kung bakit siya nahimatay at doon niya naalala si Massimo. Si Massimo ang nagligtas sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na nangyare iyon sa kaniya. Muntikan na siyang mawalan ng pagkababae niya. Kung hindi dumating si Massimo sigurado siya na may ginawa na ang lalaking iyon sa kaniya. Nasaan na nga ba siya? Gusto siyang makita agad ni Celina. K
Celina's Point of View"Here hold this," sabi ni Meaxiana sabay ibinigay sa akin ang tray na may nakalagay na carbonara at juice. Sinabi kasi niya sa akin na hindi pa kumakain si Massimo kaya naisipan ko na kuhaan siya ng pagkain just in case na kausapin niya ako. Sinabi niya rin sa akin na wala pang kinakausap si Massimo. Kaya ang nasa isip ni Meaxiana, ay hindi rin ako kakausapin ni Massimo, pero kailangan ko siyang makausap at kailangan niya ring makakain. Sana kausapin niya ako."Iwan na kita rito, dahil ayaw ni Massimo ng may tao sa labas ng kwarto niya... Kumatok ka na lang kapag handa ka nang kausapin siya." Tumungo ako bilang sagot sabay umalis na siya. Inaamin ko na kinakabahan ako, dahil nahihiya ako kay Massimo. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kaya hindi ko alam kung handa na ba akong makita siya, pero gustong-gusto ko na makita ang mukha niya. Huminga ako ng malalim sabay kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto ni Massimo. Nil
Dalawang taon na ang nakakalipas, pero naghihintay pa rin si Celina ng tawag ng kaniyang pinakamamahal na Massimo. Ang sabi ni Massimo, ay babalikan siya nito, at kapag nangyare 'yun, ay bubuo na sila ng sarili nilang pamilya. Pero hanggang ngayon, ay hindi pa rin nagpaparamdam ang lalaki sa kaniya.Ang gusto niya lang naman, ay maging masaya at makasama si Massimo, pero parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Ilang taon na siyang nagmomove-on, pero hindi pa rin niya makalimutan si Massimo. Sinabi man ni Massimo na hintay siya, pero mas pinilit pa ni Celina na kalimutan siya. Dahil hindi naman niya alam kung babalik pa si Massimo o hindi na. Gusto niyang maging handa kung sakaling dadating ang panahon na 'yun, pero umaasa pa rin si Celina na dadating at babalik sa kaniya si Massimo.Nakangiti si Celina habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Massimo. Ito pa yung araw na masaya silang dalawa at wala pang nakakaalam na may relasyon sila. Ilang beses ipinalangin ni Celina na sana
"Mom?" mahinang tawag ng batang 5 years old na Celina sa kaniyang Ina. Bumaba ang bata sa kaniyang kama at lumabas ng kaniyang kwarto. Napatigil siya sa paglalakad dahil natatakot siya sa dilim. Wala kasing bukas na ilaw kaya sobrang dilim ng bahay nila.Dahan-dahan siya sa paglalakad papunta sa kwarto ng kaniyang magulang. Nang bubuksan niya na ang pintuan, ay narinig niya ang malakas na sigaw ng kaniyang ina sa loob ng kwarto."Recardo! Buksan mo ang mga mata mo parang awa mo na!" sigaw nang sigaw ang kaniyang ina na imulat ng lalaki ang kaniyang mga mata. Kanina pa rin umiiyak ang ina niya at hindi ito tumitigil. Unang beses niya pa lang makita na umiiyak ang nanay niya, pero hindi niya inakala na iiyak ito ng malakas at nanginginig.Nakita ni Celina na nakahilata ang kaniyang ama sa sahig at ang ina niya na nakaluhod sa gilid ng kaniyang ama. Naliligo sa sariling dugo ng tatay niya ang tatay niya kaya napaatras siya sa takot."Celina! Isarado mo ang pintuan. Pumunta ka sa kwarto