Share

Chapter 30

Celina's Point of View

"Wow," mahinang sabi ko nang makita ko ang sobrang malaking barko sa harapan ko. Kulay puti ang kulay ng barko at nakikita ko sa itaas na may malaking slide. Madami ring bintana na kung nasaan ang mga kwarto ng mga pasahero.

Naisip ko bigla na kung magkano ang binayad ni Uncle Mexion para lang sa aming lahat. Sigurado ako na napakamahal nito dahil mayayaman na tao lang naman ang nakakasakay sa mga ganitong bagay.

Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ito. Ang akala ko makikita ko lang ang mga ganitong barko sa pelikula, pero ngayon nasa harapan ko na at mapapasukan ko pa. Hindi ako mahihiya kung ako lang ang mamamangha ngayon sa nakikita ko, dahil first time kong makakita ng ganitong kalaking barko. Alam ko naman na hindi mamamangha ang mga Montanelli sa ganito dahil nakasakay na sila rito ilang beses na. Baka nga may sarili pa silang barko sa sobrang yaman nila.

"Stay close to me, and please don't do anything stupid. Ayaw kong mapahiya sa ibang tao." Kum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status