Paulit-ulit na minamasahe ni Alea ang palad habang binabaybay nila ang daan patungo sa eksklusibong condominium. Sinusubukan niya'ng huwag lumingon sa katabi dahil lalo lamang tumitindi ang kabang nadarama niya. Subalit hindi niya mawari kung saan nagmumula ang tila pisi na humihila sa kan'ya para sulyapan ito. Magkasalubong ang kilay ni Calvin na animo'y galit sa sasakyang nasa unahan. Ang mga kamao nito'y halos pumuti na sa higpit nang pagkakahawak sa manibela. Mabilis na ibinalik ni Alea ang tingin sa daan. Malalim siyang huminga. Paano niya sasabihin dito ang kalagayan gayong tila galit ito ngayon sa kan'ya? Kung tutuusin nga ay siya dapat ang magalit dito dahil ilang araw itong walang paramdam. Gayunpaman, tila walang puwang sa puso niya ang galit o tampo para dito. Huli man, ang mahalaga ay dumating si Calvin. Ang kaba'ng nadarama niya ay nadagdagan nang matanaw niya na ang mataas na gusali kung saan sila nanunuluyan. Hudyat iyon na kailangan niya nang sabihin sa lalaki ang
Mabigat pa ang mga mata ni Alea ngunit iminulat niya na ito. Mababaw ang kan'yang naging pagtulog. Siguro ay hindi man lang iyon umabot ng isang oras. Madilim pa sa labas nang sumilip siya sa terasa. Gayunpaman, binilisan niya ang pagkilos. Kinuha niya ang natirang pagkain sa ref at ininit ito. Hindi sila maaaring gumayak nang walang laman ang tiyan. Bumalik siya sa kwarto at marahan na ginising ang kapatid. "Bakit ate? Maaga pa," ungot nito. "Aalis na tayo. Babalik na tayo sa Isla Irigayo." Alam niyang napag-usapan na nila ni Calvin kagabi na mananatili sila ni Mayumi sa poder nito, ngunit pumayag lamang siya upang matigil na ang lalaki. Sa totoo lang ay hindi niya sigurado kung ano ang klase ng pamumuhay na madadatnan nila sa Isla Irigayo gayong hindi na nila kasama si Pio o Calvin na ngayon. Ang gusto niya lamang ay malayo sa lugar na ito. Bukod sa banta ni Mr. Lee sa kanilang buhay ay hindi niya rin kakayanin na masira ang relasyon ni Calvin sa nobya nito dahil lam
Tatlong katok sa pintuan ang nagpamulat kay Calvin mula sa pagkakapikit. Nakasandal siya sa sofa sa loob ng kwartong kinuha niya para kay Alea sa isang kilalang ospital. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang isang lalaking mayroong bilugang salamin. Pormal itong nakasuot ng longsleeve polo. Bakas sa mukha ang pagtataka nito. "G-good morning po sir. Ito na po ang pinapadala n'yo." Iniabot ng lalake ang paperbag kay Calvin. Kinuha iyon ni Calvin at nagpasalamat. Pinapasok niya ang lalaki na nag-alangan pa nang makita ang nakahigang si Alea at mayroong swero sa kamay. Nagising na si Alea kanina subalit naging histerikal ito sa kagustuhang lumabas na upang hanapin ang kapatid. Tinurukan ito ng pampatulog. "Ilan taon ka nang personal assistant ko, Jake?" tanong ni Calvin. Dali-daling ibinaling ng personal assistant kay Calvin ang tingin nito. "Kung simula po noong estudyante pa lamang ako ay halos sampong taon na," tila kinakabahan nitong sagot. "So, I guess you can keep
Malalim na ang gabi subalit wala pa din si Calvin. Labis nang nag-aalala si Alea. Lubhang napakahirap na wala siyang magawa bagkus ay maghintay dito. Pinakisuyo n'ya sa personal assistant nito, na si Jake, na tawagan ang binata pero hindi ito sumasagot. Ang huling update nito ay on the way na ang mga otoridad para i-rescue si Mayumi. "Kumusta na kaya ang kapatid ko?" Hindi siya mapakali. Mababaliw na yata siya kung maghihintay lamang siya doon. Maingat siyang bumangon. Maliksi pa din naman siyang kumilos, kun'di nga lang sa gamot na idinaan sa swero na kailangan niyang ubusin sa loob ng isang araw, baka discharge na siya. Marahil ay kasama siya sa magrerescue sa kapatid. "Ma'am, saan po kayo pupunta? Bawal po kayo lumabas," tarantang humarang sa pintuan ng kwarto si Jake. Lagot siya kay Calvin kapag umalis si Alea. Para silang nagpapatintero. Kung saan siya daraan ay hinaharangan ni Jake. "Sir Jake, maglalakad-lakad lang po ako." Sinabihan na s'ya nito kanina na Jake
âNangangailangan ng counseling ang kapatid mo. Matinding trauma ang sinapit niya, na kapag pinabayaan ay baka mas lalong lumala.âAng sinabing iyon ng psychiatrist na tumingin kay Mayumi ang bumabagabag sa isipan ni Alea. Kung aalis siya sa poder ni Calvin, paano niya maipapagamot ang kapatid?Wala siyang pera bukod sa dalawang libong piso na siya sanang pamasahe nila pauwi sa Isla Irigayo. Itoây tira mula pa sa perang iniwan ni Calvin sa kanila noon. Patunay na labis-labis ang kayaman ng binata. âNi sinkong duling ay wala silang binayaran sa hospital bill. Tiyak niyang inabot iyon ng daang libo o baka mas higit pa. Kung malalaman lamang ng mga kapitbahay niya sa squatter area ang patungkol kay Calvin ay siguradong sasabihan siya nitong ânakabingwit siya ng jackpotâ.Mula sa kalsada ay ibinaling niya ang tingin sa kapatid na nakasandal sa kanâyang balikat. Tulala itong nakatingin sa kawalan at mahigpit ang pagkakahawak sa braso nâya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito subalit kagay
Lumipas ang ilan segundong katahimikan, ngunit hindi sumagot si Alea.âAko ba ang ama ng dinadala mo?â pag-ulit ni Calvin.Alam ni Alea na itatanong iyon ni Calvin, gayunpaman ay hindi niya napaghandaan ang isasagot. Magsisinungaling ba siya o sasabihin ang totoo?âKailangan ko baâng sagutin âyan?â balik niyang tanong dito.Hinawakan niya ang handle ng sliding door upang buksan ito nang hawakan siya ni Calvin sa braso. Lumingon siya dito at sinalubong ang nagtatanong na mga titig ng binata.âYouâre almost 10 weeks pregnant. Tama sa bilang ng araw simula nang may mangyari sa atin. So youâre right, maybe you donât need to answer it. Sorry that I asked, when Iâm sure that I am your first,â aniya.Ibinaling ni Alea ang tingin sa halaman na naroon. Sandaling bumilis ang tibok ng kanâyang puso sa litanya ng kaharap. Oo, ito ang kanâyang una, ang unang mabigat na pagkakamaling nagawa niya sa buhay.âPapanagutan ko ang bata kaya huwag kaâng mag-alala,â dugtong nito.Nilunok ni Alea ang sarilin
Matagal na pinagmasdan ni Alea ang bagong tuping damit. Hindi niya mawari kung sa cabinet o sa bag nâya ba iyon dapat ilagay.Sa paglipas ng lagpas isang buwan ay gumaling na si Mayumi. Bumalik ang sigla nito. Paminsan ay sinusumpong pa din ito ng takot ngunit hindi malala tulad nung una.âAte, tulala ka dâyan,â saad ni Mayumi, na hindi niya namalayan pumasok na pala sa kwarto mula sa panonood ng telebisyon sa salas.âTapos na ba âyung pinapanood mo?â Hanggaât maaari ay ayaw niyang bigyan nang alalahanin ang kapatid.Tumayo siya at kinuha ang mga bagong damit na dinala ni Jake sa kanila nang isang araw. Ayon dito ay galing daw iyon kay Calvin. Inilagay nâya iyon sa cabinet.Nang nagdaang mga linggo ay naging maalaga si Calvin sa kanila, higit pa sa kung paano sila nito alagaan noon sa isla. Marahil, dahil na din sa kalagayan ni Mayumi at sa batang nasa sinapupunan nâya.Ipinagpasalamat nâyang hindi na nito muling inungkat ang usapan patungkol sa plano nâyang pag-alis sa poder nito.âPi
âI hired a private investigator to know whatâs going on with my brother and my fiance. Nang nakaraang buwan ko pa nalaman na mayroon silang relasyon.âHindi makapagsalita si Alea sa ikwenento ni Calvin. Nakatutok lamang siya sa mga mata nito nang makita ang nagdaang sakit doon.âI donât have a good relationship with my other sibling, Pancho, pero hindi ko inaasahan na maging kay Bret ay magiging ganon din pala. Hindi naman kami close pero hindi ko akalain na magagawa niyang sulutin ang nobya ko,â puno ng hinanakit na dagdag nito.Bumaba na ang emosyon ni Alea at pilit na inuunawa ang nararamdan ng kausap.âAyokong makialam pero sa tingin ko mas mabuting kausapin mo si Eunice tungkol dâyan, lalo na ngayon na magkakaanak na kayo.âLumalim ang pagkunot ng noo ni Calvin. Animoây isang maling opinyon ang sinabi nâya.âHanda kong panagutan ang bata, pero hindi siya,â anito.âAlam ko, pero sana huwag mong kalimutan na nagmamahalan kayo nang binuo nâyo ang bata. Obligasyon mo na bigyan din ito
Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.âItay! Papunta na ako dâyan!â humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kanâya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kanâyang ama. Nakatingin lamang ito sa kanâya, subalit ang kanâyang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kanâyang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kanâyang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.âBabe. Babe, wake up.âHalos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin
Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.âBaby, sorry.âAkma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.âAre you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?â nagtatakang tanong nito. âHuh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,â palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.âAkin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.âImbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.âHindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah
Mataas na ang sikat ng araw nang magising sâya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kanâyang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kanâyang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kanâya na animoây wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na sâya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa sâya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na sâya dito. Tumambad sa kanâya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya paây iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.âAlea, anong ginagawa mo dito?âMalungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kanâyang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para baâng mayroong nagtutulak sa kanâya na sumunod dito.âBakit hindi ka sumasagot?â Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kanâya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.âSamahan ko na po kayo maâam,â pagpupumilit nito na tinanggihan nâya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animoây batang ayaw magpaiwan.âAko po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.âSa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung sâya lang ay baka maligaw pa sâya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m
âSa wakas bumalik na din ang alaala ng anak sa labas,â pagak itoâng tumawa na animoây hindi alintana ang bagsik ng galit na pinapakita ng kanâyang mukha.âWalang hiya ka!â nangangalaiti niyang saad.Sinalubong nito ang namumula niyang mga mata dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.âGusto ko pa nga sanang ulitin ngayon ang ginawa ko saâyo. Baka sa ikalawang pagkakataon, magtagumpay na akong patayin ka,â dagdag nito.Hindi na siya nakapagpigil at marahas itong tinulak dahilan para matumba ito sa sahig.âBakit? Ganâyan na ba kalala ang inggit mo saâkin, ha?â sigaw niya dito.Ngumisi ito pagkatapos ay tumayo at inambahan siya ng suntok na tumama sa gilid ng kanâyang labi.âBakit ako maiinggit sa isang kagaya mo?â Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba walang dapat ikainggit sa kanâya.âThen why are doing this?âHindi siya gumanti ng suntok kahit pa kating-kati na sâyang gumanti dito.âDahil ninakaw mo ang dapat ay sa akin! Dapat sa akin pinamana ni dad ang kompanya at
âSir ayos lang po ba kayo?â tanong sa kanâya ng manager ng resort nang mahigpit siyang kumapit sa hamba ng pintuan papasok sa opisina.Inalalayan siya nito at tinawag ang isa sa mga tauhan para kumuha ng tubig.Biglang may mga pamilyar na eksena ang pumasok sa kanâyang isipan. Pilit niyang inaalala ang mga iyon lalo paât hindi pa buong bumabalik ang alaala niya bago mapadpad sa Isla Irigayo.Tinanaw niya ang mataas na lugar sa âdi kalayuan na nagpa-trigger nang pananakit ng kanâyang ulo. Matagal niya iyong tinitigan kasabay nang matinding pagkahilo at bigla ay nawalan siya nang ulirat.âKahit sana dumaan ka man lang,â saad niya sa nakakabatang kapatid sa ama na si Bret sa kabilang linya. Sinabi nitong hindi ito makakapunta sa resort para gunitain ang death anniversary ng ama dahil baka hindi na ito umabot sa gig na pupuntahan.âBumisita na ako sa puntod,â anito bago ibinaba ang tawag.Bumuntong hininga siya at mag-isang inakyat ang 400 steps na pinagawa noon ng kanâyang ama para matan
Hindi pumasok sa isipan ni Calvin na isantabi muna ang kasal nila ni Alea dahil higit iyon na mas mahalaga sa anumang bagay, ngunit mapilit ang babae. Katwiran nito na hindi rin nito gusto na mayroong bumabagabag sa isipan niya sa araw mismo ng kasal.Sa huli ay wala na din naman siyang nagawa nang kausapin na nito ang wedding coordinator na i-cancel muna ang araw ng pag-iisang dibdib nila. Mabuti na lamang ay hindi pa nila naipapamigay ang mga imbitasyon.âTawagan mo ako kapag nakarating ka na doon,â bilin ni Alea sa kanâya matapos nitong isara ang maliit niyang maleta.Ito ang nag-empake ng damit niya para sa dalawang araw na pananatili sa resort. Pakiramdam niya nga ay baka bumalik din siya kaagad matapos ang isang araw. Hindi niya yata kayang matulog nang hindi katabi ang mag-ina.Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ito na mabusising inaayos naman ang laman ng kanâyang bag.Hinawakan niya ang beywang nito at kinabig paupo sa kanâyang mga binti.âHindi pa nga tayo kasal pakiramda
Tila nasa cloud nine pa din si Calvin matapos ang biglaang proposal niya kay Alea. Ang totoo ay matapos siyang sagutin nito ay bumili na kaagad siya ng singsing. Alam niyang ang babae na ang makakasama sa habangbuhay at wala nang dapat paâng hintayin na tamang panahon para pakasalan ito, ngunit hindi niya naman gusto na ma-pressure ito lalo paât nagsisimula pa lang itong mag-aral kaya natagalan nang ilang buwan bago niya binalak na alukin ito ng kasal.Nang gabing sinundo niya ito at nakita niya paâng tinanggap nito ang yakap ng abogadong si Arim ay nakadama siya ng selos. Tiwala naman sâya sa pagmamahal nito, hindi lang siya komportable na dumidikit dito ang lalaki.Subalit nang biglaan siyang hagkan ni Alea ay nawala lahat ng pangamba niya. Para baâng sa bawat araw ay nakikita niya kung paano magmahal ang nobya. Hindi niya maiwasan isipin na hindi pa nito naibibigay ang lubos na pagmamahal pero parang siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, paano pa kaya kung buo na nitong ipada