Kabanata 41HELIOS didn't start the engine yet after he fixed his seatbelt.Bigla niyang naalala ang ina. Bata pa siya nang iyon ay mamatay at bata pa rin siya nang huli niyang makita ang mga litrato nun noong kasal sa kanyang Daddy.Other than those wedding photos, he saw nothing. Sayang, kung hindi siya nagmamadali ay titingnan niya ang sinasabi ng yaya niya.Next time, Mom.Siguro ay tuwang-tuwa iyon kay Ammiry kung magkikita ang dalawa. Mahilig daw kasi sa bata ang ina niya.Ammiry…Napabuntong hininga siya. Naisip niyang kumustahin ang pinsan niya.“Any development?” Tanong niya sa pinsan.“Negative. Ang sagot nila, “sino ‘yan? Ang ganda.” Lol.Bwisit.“Mahirap to, insan. Kung gusto ka naman ni Odette, hayaan mo na ang ama ng bata. Wala na tayong magagawa. Napakarami nating myembro. Just be a father to the kid, yun naman ang mahalaga. Hindi mo naman kasalanan kung ganun ang nangyari.”“But it feels like I owe her something, Luc. Ako ang may pakana nun at di ko alam paano ako magp
Kabanata 42PILIT na nilakasan ni Odette ang kanyang loob. Nang iangat siya ni Helios ay iniangat din niya ang katawan niya mula sa pagkakaupo sa sahig.Maluha-luha ang mga mata nito nang tingnan niya pero tinanguan siya.“Let's go,” He said and held her hand.Tuluyan siyang sumama rito habang umiiyak. Malalaki ang hakbang ni Helios kaya napilitan siyang sumabay dito kahit na nangangatog ang mga tuhod niya. Hanggang sa marating nila ang ICU.Mas nauna pa itong sumilip dahil hindi niya kaya kung ano man ang makikita niya. Nang hindi siya makatagal ay lumapit na rin siya, dahan-dahan. Kinakabahan man ay tumingkayad siya para makita ang ginagawa sa loob. Napapalibutan ang anak niya ng mga nurses, at ni Dr. Mariano.Maya-maya ay nakita niyang itinaas ni Ammiry ang kanang kamay.Agad na nakusot ni Odette ang mga mata. Parang nabitin ang mga luha niya sa pagtulo.“H-Helios, n-n-nakita mo?” Kandautal siya.“Yes, Babe.”“T-Totoo ba?” Napatakip siya sa bibig lalo na nang itaas ni Ammiry ang ka
Kabanata 43HINDI makatulog si Odette. Hindi siya komportable na may lalaki siyang kasama tapos ay matutulog siya. Pumikit lang siya kunwari pero hindi niya kayang magtiwala nang husto. Baka siya pakialaman ni Helios.Tumingin siya sa binata na nagbabasa ng diyaryo sa sofa pero nagulat siya dahil tulog na ito at humihilik pa nang mahina. Ang diyaryo nitong hawak ay nasa tyan nakapatong.Napangiti siya.Ano ba ang iniisip niya? Helios is totally harmless. She had proven that so many times. Parati silang napag-iisa na dalawa pero hindi naman siya nito pinagsamantahan. Ngayon pa ba niya iisipin na may gagawin itong hindi maganda sa kanya?Bumaba siya sa higaan para masigurong tulog ito. Lumapit siya at sinipat ito na husto.His shirt was pulled to the other side. Napakunot noo siya sa dibdib nito dahil parang may tattoo ito. It was a letter A, pero korteng dalawang braso. May kasunod pa iyon pero di niya makita.She just ignored it and looked at his face. He was really snoring.Natakpan
Kabanata 44“SIGURADO ka bang ihahatid mo ito sa eskwelahan?” Iyon ang malumanay na tanong ni Ely kay Helios habang hawak nito ang illustration board na ginawa ni Ammiry bago naaksidente.“Opo. Nangako po ako sa kanya na ihahatid ko ito sa teacher niya. E, binibida raw po niya ang Papa niya.”“Nakakahiya man pero masaya siya. Naobliga ka pa tuloy na gawin ito.”“Wala pong problema, lola Ely. Papunta na rin po ako sa office pagkahatid ko.”“Sige. Ako naman ay pupunta sa ospital para samahan ang mag-ina.”“Babalik po ako dun mamayang gabi.”Kinuha niya sa matanda ang illustration board at saka umalis na rin para ihatid iyon sa eskwelahan.Nang makasakay si Helios sa sasakyan ay saglit niyang tiningnan ang family tree. Wala roon nakalagay na ibang litrato. Kay Ely lang, sa isang matanda na mukhang lolo ni Odette. Sa isang babae na kamukha ni Ely, tapos ay si Odette. Sa tabi ng dalaga ay siya tapos ay si Ammiry na.He smiled.Sa ilalim ng puno ay may tricycle na nakadrawing, naroon ang li
Kabanata 45ODETTE suddenly felt dizzy. She can't take this. No. Not today.“Umalis na kayo. Hindi ito ang tamang panahon para kausapin niyo ako, mga demonyo kayo!” Halos magtagis ang mga bagang niyang sabi rito.“And when's the right time?” Tanong ng isang lalaki na nakapostura rin.Hindi mapugti ang titig ng mga ito sa kanya, at gusto niyang makaramdam ng pagkailang, kahihiyan pero bakit? Wala siyang ginawang masama, ang mga ito ang meron. Itinaas lalo niya ang noo para ipakita sa mga ito na wala siyang pakialam.Mukhang may mga sinasabi sa buhay ang mga taong ito. Base sa mga porma ay parang may mga sari-sariling propesyon, na wala siyang balak na alamin kung ano. She's not interested.“Naka-confine ang bata. We have the right to know right away who's the father,” anang lalaking nasa malapit sa kanya.Ito ang masigasig na magsalita, na para bang napaka interesado nito sa anak niya.“Don't use that on me, Mister,” she snapped, “Ako ang magsasabi at hindi ikaw. Sino ka ba? Darating
Kabanata 46HELIOS smiled when Odette answered his video call. Tumambad sa kanya ang mukha nito na may kaunting ngiti.She is effortlessly gorgeous.“Oh my, my girl looks upset. As always…” He chuckled so her eyes widened.Nakapatong sa bedside table ang kanyang smartphone habang siya ay nagpapantalon.“Wala kang saluwal?!” Bulalas nito dahil ang suot lang niya ay ang kanyang button down shirt.“May brief ako,” natatawa niyang sagot.”“Susko!” She said but he laughed.Isinuot niya nang mabilis ang pantalon dahil umiwas ito ng tingin.“How's your day, babe? Kahit sa reply ay ang tamlay mo. Are you okay? Are you jealous?”“Saan?”“That I will go to Avva?”“Hindi, no. Anong oras ka matatapos?”Natawa siya, “See?”Hindi ito umimik pero halatang parang nakasimangot, “Uuwi rin ako kaagad pagkatapos ng speech ko. Idadaan ko si Yaya d'yan ngayon. Sasamahan ka niya. Nand'yan si lola Ely?”“Umuwi na kasi akala ay pupunta ka rito. Sabi ni Dr. Mariano, pwede na si Bibi ilipat. May referral na siy
Kabanata 47MATAPOS na ayusin ni Merla ang mga pagkain na dinala nito sa ospital ay nakangiti itong tumingin sa hospital bed.Nakabaling ang bata sa kabila kaya hindi niya makita ang mukha, pero natitiyak nito na maganda iyon dahil napakaganda naman ng ina. Kaya naman pala hindi matahimik si Helios.“Ang tagal kong hindi nakapag-alaga ng bata, ineng. Natutuwa ako ngayon. Ang huling inalagaan ko sa maniwala ka ay si Helios pa.”“Ang tagal na po kasi ang tanda na niya,” nakangiting sagot ni Odette sa kanya natawa ito nang mahina.“Sinabi mo pa. Magpahinga ka na habang tulog pa ang bata. Ako na muna ang magbabantay.”Tumango si Odette. Magaan ang loob dito ni Merla. Iba ang nakikita nito sa awra ng mukha ng dalaga.“Sanay akong mag-bantay ng bata kahit may sakit.”“Kilala niyo po si Liza? Baka po pumasok, yaya.”“Naku oo. Huwag Kang mag-alala. Itatanong ko din sa nars ang mga ibibigay na gamot. Gigisingin kita.”“Salamat po.”“Sige na para makabawi ka sa puyat.”Sa sofa na rin nahiga si
Kabanata 48BAKIT hindi maampat ang mga luha ni Odette habang nakaharap sa anak niya? Nagpapakain siya kay Ammiry, alas otso ng umaga dahil kakagising lang nito. Sabaw naman ng baka ang ulam ng bata.“Mama, bakit ka po iiyak?” Masuyong tanong ni Ammiry sa kanya.“H-Ha? Hindi. Allergy to, anak.”“Arergy?”“Oo,” aniya rito sabay subo niya rito ng pagkain. Pagkatapos ay kinuha niya ang smartphone niya at tiningnan niya ang number ni Wolf. With what she saw, she must Let that man spend Ammiry’s medication if he was the father.Handa na siyang magpa-DNA.Maya-maya ay bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ng lola Ely niya. Si Merla kasi ay umuwi na bandang alas syete at hindi na hinintay si Helios. And speaking of that man, wala iyong chat sa kanya. Pihadong nasa opisina na iyon o kaya ay nasa kay Avva.“La,” bati niya sa matanda.“Mga apo ko.”Pumasok na iyon kaya sinalubong niya para magmano.“Sinong kasama mo? Nasaan na?”“Umuwi na po, la. Marami pa po sigurong gawain sa mansyon.”“Nak
Epilogue“WELCOME HOME!”Iyon ang malakas na bati kay Odette ng mga tao sa bahay, nang dumating sila mula sa ospital.It's been nine months.Kakauwi lang nila galing sa pribadong ospital kung saan siya nanganak. Yes, nanganak siya sa pangalawa nilang anak ni Helios.It's a baby boy.“Thank you,” aniya sa mga iyon.“Hindi na ito kamukha ni Mommy. This is so me!” Proud na sabi naman ni Helios habang karga ang baby, at si Ammiry ay nakasabit naman sa isa nitong braso, karga rin ang panganay na anak.Sa laki ni Helios, hindi na siya nagtataka na kaya nitong pagsabayin ang dalawa.Nakakalungkot dahil kung gaano naman ito kabilis na magkaroon ng anak, ang kapatid nito ay hindi nabibiyayaan. Nakunan ang surrogate mother na kinuha ng mga iyon, at hindi na umilit pa.“Tingnan ko nga ang apo namin,” sabi ng Tiya niyang madre, na nasa bakasyon ngayon.Lumapit iyon at kinuha ang apo, saka dinala sa karamihan. She smiled. Naroon ang kanyang Papa and lola niya, si Lucas, ang mga kaibigan n'ya, si Le
Special Chapter“ANAK!” malakas na tawag ni Odette kay Ammiry nang magising ito.Eksakto na kalalabas naman niya ng banyo, nakatapis ng twalya.“Morning, babe,” nakangiti niyang sabi rito.Pangatlong araw nila sa mansyon ngayon. Tahimik sila. Tahimik siya. Binisita na sila ni Mang Agosto at natawagan na rin ni Odette ang tiya nito at si lola Ely. Alam ng dalawa na nasa poder niya ang kanyang mag-ina.“Chillax, babe,” aniya saka lumapit dito at hinalikan ito sa labi.“Natatakot ako,” mukhang kinakabahan na sabi nito sa kanya.“You don't have to. Everything is under control. Our baby is just downstairs. She's with a visitor.”“Visitor?”Nagsuot siya ng short at polo, tapos ay nagsuot siya ng sapatos. Panatag na panatag ang kalooban ni Helios kahit na may mga problema siyang nireresolba. Masaya siya na natutulog na katabi ang mag-ina niya. Sa mga susunod, bibigyan na nila ng sariling kwarto si Ammiry. He hired bodyguards for her daughter.Wala siyang pakialam sa kapatid niyang tanong daw
Kabanata 58.2LULAN ng sasakyan papunta sa mansyon ng mga Cervantes, hindi magawa ni Odette na bumitaw sa mga braso ni Helios.Yakap niya ito.Anong klaseng trauma na naman ba ang tumama sa kanya? Kakaaksidente pa lang ng anak niya. Halos hindi pa nga ito nakakapag-umpisa ng therapy nito sa doktor, tapos ay nasunugan na naman sila. Kahit na si Aling Tasya na napakabait naman ay nadamay pa, at ang ibang boarders na isang pamilya rin sa kabilang paupahan. Wala pa naman anak ang mag-asawa roon pero nakaka-trauma pa rin.Hindi mawala sa isip niya ang eksena kanina kung saan nasarhan ng kahoy si Helios sa loob ng bahay. Akala niya ay hindi na ito makakalabas. She was so terrified. Lalo niyang niyakap ang braso nito. Mahal na mahal sila ni Helios. Lahat ng kumot ay ibinalot nito sa kanila ni Ammiry at hindi nito inisip ang sarili.“Hey,” anito sa kanya nang humikbi siya.“Sorry kung hindi kita napatawad kaagad,” umiiyak na sabi niya rito, saka niya ito tiningala.Helios looked at her with s
Kabanata 58.1“PAPA!” pumalahaw ng iyak si Ammiry kaya agad na napatingin si Helios sa anak. Palinga-linga iyon sa paligid at takot na takot.“HELIOS!” umiiyak na sigaw ni Odette sa banyo kaya lumingon ulit siya.Fuck.“Helios! Di ako makalabas!” Odette cried and coughed, “Tulong! Sunog!”Napupuno ng usok ang buong kabahayan. Agad niyang tinakbo ang pintuan bago pa iyon matupok ng apoy. He immediately opened it. Nagimbal siya sa kanyang nakita. Ang palibot ng bahay at maliit na bakuran papalabas ng gate ay umaapoy. Wala silang dadaanan.May mga tao na sa labas na nagsipaglabasan. Ang karatig bahay ay nasusunog na rin.Agad niyang tinakbo ang anak niya at saka niya ito kinarga. Dala niya ang mga kumot para ipang balot niya rito tapos ay tumakbo siya sa may banyo.“Heli…” nasundan ang sigaw na iyon ng pag-ubo.The door won't budge. It was damn locked. Plastik ang pinto ng banyo, at talagang nagla-lock mag-isa ang ganung pinto. Nangyayari iyon madalas sa hotel nila sa San Jose kaya pin
Kabanata 58LAMAN ng isip ni Liza ang kapatid na si Avva habang naka-duty siya sa ospital kinagabihan. Parang iba na ang kilos ng kapatid niya mula nang sabihin niya na inunahan na niya si Helios na magsabi kay Odette ng totoo. That was just the other day.She thought it was the best way to make Odette and Helios fight. Syempre, galit na galit si Odette. She wanted to help her sister and make herself belong. Gusto niya ng isang daang porsyento Ng suporta sa kapatid niya para tuluyan siyang maging ganap na dela Peña sa kanyang pakiramdam. Feeling kasi niya ay may kulang pa. Sa tuwing sinusumbatan siya ng nakatatandang kapatid sa mga naibibigay ng ama nila sa kanya, nag-iisip siya kaagad kung paano siya makakabawi.Akala niya ay tama ang ginawa niya, pero nang malaman ni Avva na patuloy pa rin si Helios sa pagsuyo kay Odette, lalo lang iyong nagalit. Sinisi pa siya ni Avva na kasalanan niya ang lahat at bakit di na raw niya pinatay ang bata.Diyos ko. Hindi naman siya ganun kasama. Nako
Kabanata 57TULALA si Odette sa bubong ng bahay. Ngayon, nag-sink in na lahat sa kanya ang mga nangyari. Sumulyap siya sa orasan.It's been almost four hours since Helios came inside her room, and she just gave herself to him without having second thoughts.Yes, she did.Hindi ito kaagad natapos. Sa una ay masuyo ito pero nang tumagal ay nag-iba. He was wild, and just like the first time, there were marks on her skin again.Ganun siguro talaga si Helios. Nasilip niya ang dibdib niya na puro marka, at dahil maputi siya ay mabilis na magmantsa ang balat niya kahit na kaunting kagat lang.Ang pagkakaiba lang, hindi parausan ang pakiramdam niya ngayon, na parang nilabasan lang ng init ng katawan.Agad na napatakip siya sa mukha. Ano na lang ang sasabihin ni Helios sa kanya? May sasabihin ba ito?“Nakakahiya,” mahinang sambit niya saka marahas na umiling.“There's nothing to be ashamed of, babe.” Anito sa tabi niya kaya tumingin siya.“Normal na maakit ka sa katawan ko at kagwapuhan,” naka
Kabanata 56“HI, Swan princess,” a husky voice greeted Odette, and that made her open her eyes wide.Iyon ang totoong nagpagising sa kanya. Hindi si Wolf ang humahawak sa kanya. At first look, he was like Wolf because she felt that she was in danger, and Wolf was the very last person she saw before she fell asleep, scrutinizing the house.Agad siyang napaupo at napaatras.“A-Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?! Ini-lock ko ang pinto, Helios!” Galit na sabi niya kahit na para siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon.“Oh, sure you did, babe,” nakangiti nitong sagot.Hinawakan nito ang kamay niya pero Agad niyang hinila.“Lumabas ka ngayon din! Paano ka nakapasok dito? Isinara ko nga ang pinto! Ang kulit mo!” Ninenerbyos na sabi niya rito pero mukhang hindi naman ito naaalarma sa kanya.Nakatitig lang si Helios sa mukha niya, kaya hindi niya malaman kung anong gagawin. Ang dibdib niya ay parang mabibiyak sa sobrang kaba niya, pero hindi lang purong panganib ang nararamdaman niya
Kabanata 55PINUPOG ni Odette ng halik si Ammiry nang dumating siya sa bahay. Tawa naman ito nang tawa at masayang-masaya. Tinitingnan na naman nito ang album ng lolo at lola, na kagabi pa nito walang sawang iniisa-isa. Tapos, tinitingnan nito ang mga litrato ni Helios noong bata pa.“Mama, look po. Ako po ito,” turo ni Ammiry sa litrato ni Donya Selena.She smiled and nodded, “Yes, anak. Kamukhang-kamukha mo ang lola mo. Parehas kayong sobrang ganda.”“Pero sino po ang Papa ko?” Bigla nitong tanong sa kanya kaya medyo napatanga siya nang kaunti.“Si…Helios talaga ang Papa mo, anak.”“Si Papa po tagala? Siya po si bad guy?”“H-Hindi,” tanggi niya kahit di niya alam kung paano talaga iyon sasagutin.“Sinong nagsabi na bad guy ang Papa mo?”“Kasi po Iiyak ikaw lagi pag-uusap kayo ni ninang. Bad guy po si Papa.”Agad niya itong nakayap, “Hindi, anak. Mahal ka ng Papa mo. Hindi siya bad guy. You see, inalagaan ka niya sa ospital?”“Love mo po si Papa?”Mas lalo siyang nalito sa isasagot.
Kabanata 54ABSENCE makes the heart grow fonder. Iyon ang kasabihan na palagay ni Odette, ngayon ay totoo. It is an old saying but applicable to what she feels right now. Pakiramdam niya ay mawawala siya sa oras na magtagal na magkalayo sila ni Helios at hindi sila nag-uusap. Pero paano? Handa na ba ang puso niya? Kahapon lang niya iyon nalaman at totoong masakit pa rin ang kalooban niya.Tapos na siya sa pag-aasikaso ng kanyang requirement.“Are you okay, Odette?” Dixon asked so she got back to reality. Nasa harap siya ng lalaki at nagsumite ng mga kailangan, dahil siya lang naman ang may hawak ng mga iyon.“Opo. May kailangan pa po ba?” Matabang na tanong niya rito pero nanatili itong nakatitig sa kanya.“Totoo ba ang narinig ko kanina kina Ronnie? Si Helios ang ama ni Ammiry? Hindi naman sa pagiging tsismoso.”She sighed and nodded, “Aalis na po ako, Prof kung wala na pong kailangan. Kailangan ko pa pong bantayan ang anak ko.” Papaiwas na sagot niya dahil ayaw niyang magkwento pa.