Share

Kabanata 3

Author: MM16
last update Huling Na-update: 2024-01-26 11:14:37

Kabanata 3

NAPATINGIN si Odette sa pintuan ng kwarto niyang bumukas, halos bente minutos ang nakalipas. Lalo siyang napahikbi nang makita ang lola niya na umiiyak.

Pumasok iyon at lumapit sa kanya, naupo sa papag niya, “Halika.” Anito sa malumanay na boses kaya agad siyang tumayo mula sa pinagkukublihan niyang sulok.

Niyakap siya nito at hinaplos ang likod ng ulo niya, “Pasensya ka na, apo. Hindi ko sinasadya na magsalita ng ganun. Pinag-iingatan kita dahil ikaw na lang ang meron ako, na alaala ng Mama mo. Napakasakit na mamatayan ako ng anak, at gusto ko ikaw ay maging maayos ang lagay. Kahit na napakalayo ng Aklan, pinilit kong makapag-ipon ng pamasahe para makuha lang kita. Hindi ko matanggap na magiging disgrasyada ka,” napaiyak na sabi nito sa kanya.

“Wala po akong boyfriend, lola…” Hagulhol ng dalagita kaya naitikal siya nito at tiningnan siya sa mukha.

“Paano? Hindi ka naman magbubuntis na wala kang nobyo. Sabihin mo na kung sino para alam ko ang gagawin.”

Umiling siya rito dahil wala naman talaga siyang sasabihin. Alam ng Diyos na hindi siya nagsisinungaling, at wala siyang itinatago.

“Paano ka nabuntis kung wala?” Dismayado na tanong pa ni Ely.

“S-Si Liza po, la. Hinikayat niya ako na sumapi sa isang samahan.”

“Anong samahan?!” Bulalas nito.

“Hindi ko po alam, lola. Sabi lang, kapag sumapi ako, bibigyan ako ng pang-allowance kapag wala tayong pera, tutulungan daw ako na makapag-enroll tapos kapag daw naka-graduate na ako ng College, tutulungan ako na magkaroon ng trabaho. Pero la,” napahikbi siyang muli, “Nung gabi na sabi ko may research kami, ang punta ko po talaga ay kay Liza. Isinama niya po ako sa isang lugar. Tapos la… may mga lalaki…”

“Diyos ko.” Napapikit na usal nito.

Lalo itong umiyak at niyakap siyang muli, “Ginahasa ka ba nila?”

Tumango siya.

“Ang kawawang apo ko,” hagulhol nito.

Alam niyang naniniwala ito sa kanya dahil hindi naman siya sinungaling talaga.

“Magbihis ka,” mabilis na utos nito sa kanya kaya napatanga siya.

“Pupunta tayo sa istasyon ng pulis at magre-report tayo. Pupuntahan natin iyang Lisa na sinasabi mo.”

“Ayoko po, lola…” aniya rito.

“Bakit? Hindi pwede na ganito, Odette.”

“Mayaman sila, lola. Wala tayong laban.”

“Kahit na. Anong walang laban. Lalaban tayo. Magsasampa tayo ng kaso. Mga walang hiya sila!” Umiiyak na sabi nito kaya hindi siya umimik.

Sumunod siya sa utos ni Ely na magbihis siya. Nagsuot lang siya ng isang cotton pants at isang t-shirt. Magkasama silang mag-lola na lumabas. Sobra siyang naaaawa sa lola niya kaya palihim niya itong tinitingnan.

Pumunta sila sa istasyon ng pulis at nagpa-blotter.

“Ang tagal na nito, neng. Bakit ngayon ka lang nag-report. Isang buwan na itong sinasabi mo. Sino ito, anak kamo ni Judge dela Peña?” Muling tumingin ang pulis sa record.

“Oo, bakit? May problema ba kung anak siya ng huwes?” Matapang na tanong ng lola Ely niya sa lalaki.

“Wala naman, lola. Gusto ko lang itanong kung sigurado ba siya na talagang itong anak ni Judge ang nagsama sa kanya. Lumalabas sa blotter niya na isang fraternity ang sinalihan niya. May initiation na tinatawag. Maraming lalaki sa Maynila ang namamatay sa ganito. Hindi ka ba aware tungkol dito? Itinuturo ito sa eskwelahan ha.”

“Sandali. Bakit parang sa tono niyo Mamang pulis ay pinagmumukha niyong kasalanan ng apo ko ang lahat. Dapat ay wag na kayong magsalita kung parang kumakampi kayo sa taong dawit dito porke anak ng huwes,” matapang na sabi ni Ely.

Noon nakita ni Odette ang pangalan ng lalaki sa uniporme nitong suot.

Dela Peña.

Wala silang aasahan sa lalaking ito. Kaapelyido ito ni Judge dela Peña.

“Hindi naman sa ganun, lola. Malaki na kasi ang apo niyo. Dapat aware na siya sa mga ganito at hindi na naloloko.”

“Magsalita ka pa at pati na ikaw ay isasama ko sa reklamo!” Banta ni Ely.

Hindi na umimik ang pulis.

“Ano ‘yan, Sgt?” Tanong ng isa ring pulis kaya napatingin siya sa may pinto.

“Wala po, Chief. Nagpapa-blotter po sina Lola tungkol sa isang rape case. Dawit yata ang anak ni Judge dela Peña.”

“Anak ng tiyo mo?”

Nagkatinginan silang mag-lola.

“Kahit sino pa ang dawit, sige irecord mo at gagawan natin ng aksyon kung gusto nilang itinuloy sa kasuhan o mag-aregluhan. Karapatan nila yun,” maagap na sagot ng may edad na pulis, saka ngumiti sa kanya.

Hindi siya ngumiti. Yumuko lang siya at nag-iwas ng tingin.

“Babalik kami sa kasuhan. Gusto ko lang na magkaroon ng record ang nangyari sa apo ko. Hindi naman siya nagsabi sa akin kaya ito natagalan. Pero kung nagtapat siya kaagad, maaga pa lang ay nandito na kami at di na aabot pa ng isang buwan,” masungit pa na sabi ng lola niya at ni nagpasalamat ito ay hindi.

Hinila siya nito papalabas. Ramdam din niya ang diskriminasyon ng lalaki na iyon sa kanilang mag-lola dahil hikahos sila sa buhay.

“Pamangkin pala kaya kala mo kung sino,” inis pa na daldal ni Ely sa kanya.

“Saan na po tayo, la? Pagod na po ako.” Amin niya rito at nang tingnan siya nito ay habag ang nakita niya.

“Saglit na lang, apo. Iyong Lisa na lang ang pupuntahan natin. Uuwi na rin tayo at itatawag ko ito sa Tiya Bibeng mo.”

Tumango siya, “Sakay tayo la ng tricycle.”

Ganun nga ang ginawa nila. Kinse minutos lang naman ang byahe papunta sa bahay nina Judge dela Peña.

Sa pagbaba nila malapit sa isang kurbada ay natanaw kaagad niya ang isang mala-mansyon na bahay, na puno ng pailaw kahit hindi naman pasko.

Napalunok siya ng laway. Ano nga ba ang laban nila sa isang tulad ni Liza, isa pa ay wala naman siyang testigo ni isa. Sina Eva at Queen, alam niyang hindi sa kanya kakampi.

Naagaw ang atensyon ng dalagita nang makakita siya ng isang lalaki na lumabas sa gate ng mga dela Peña.

Napatanga siya roon. Napakagwapo ng lalaki, na sa liwanag ng paligid kahit na gabi ay kitang-kita niya. Napakatangkad nun at parang may dugong banyaga, pero ang kulay ng balat ay hindi puti, mala-tsokolate.

“Helios! Come back here!” A beautiful woman stomped her foot as she followed the man.

Hindi iyon pinansin ng lalaki at nagmamadali iyon na sumakay sa puting mamahaling pickup. Saka nun pinasibad iyon na parang hangin.

“Saan ang bahay, Odette?” Untag sa kanya ng lola Ely niya at wala sa isip na naituro niya ang magarang bahay, kung saan may nakatayong babae sa may gate.

“Iyan ba ang Liza?”

“Hindi po, lola.”

“Ineng, magandang gabi.” Agad na sabi ng lola niya sa babaeng gigil pa.

Lumapit agad ang matanda.

“Wala akong limos!” Agad na sabi ng babae sa mataray na paraan saka iyon tumalikod at nagmartsa papasok ng bahay.

Doon niya nakita si Liza na palalabas naman sana kaya napamadali siya.

“Liza!” Bulalas niya sa babae na parang nadismaya sa kanya pero napakunot noo kapagkuwan.

“Excuse me?” Tanong nun.

“Gusto kitang makausap, Liza.”

“I don't know you. Who are you?” Iritadong tanong nito kaya napatingin sa kanya ang lola niya.

“Liza,” naiyak na sabi niya, “Liza naman…”

“Limusan mo na para lumayas na!” Galit na singhal ng babae na naunang lumabas kanina, habang papasok na iyon sa pinto ng mansyon.

“Yaya! Give these people some alms. Gabing-gabi na namamalimos pa.” Irap ni Liza.

“Hindi ako namamalimos! Nandito ako para kausapin ka!”

“Ano ito?” Tanong ng isang maawtoridad na lalaking lumabas sa may kung saan.

Napatingin siya sa matandang iyon.

“I don't know these people, Dad. They're calling me and said they wanted to talk to me.”

“Get inside,” utos ng lalaki sa anak na mataray naman na tumalikod, kasama ang isang irap.

“Kayo ba si Judge Dela Peña?”

“Wala akong sasagutin sa tanong niyo, Ale. Ang mga pumupunta rito, may appointment.”

“Hindi po kami magpapa-appointment dahil ang anak niyo ay may malaking kasalanan sa akin. Dinala nila ako at ipinagahasa sa mga lalaki. Ngayon, buntis po ako!” Garalgal ang boses na sabi niya rito pero tila ba hindi man lang ito nagulat sa sinabi niya.

“If you want to file a complaint against one of those girls, file. Haharapin nila kayo. Ngayon, kung isisisi mo sa kanya ang katangangahan mo, mukhang hindi tama yun. Baka naghahanap ka ng idadawit sa problema mo, huwag ang angkan ng mga dela Peña, ineng. Kilala ko ang mga pobre na tulad niyo, naghahanap ng areglo at kwarta. Mga inutil kayo at walang ambag sa gobyerno,” sabi ng lalaki kaya tila siya nanlumo.

Napakawalang hiya ng lalaking ito.

Tumulo ang mga luha niya at hindi siya nakahuma. Napayuko na lang siya dahil alam niyang wala ng pag-asa.

“Magdahanzdahan kayo sa pananalita niyo. Di komo makapangyarihan ka ay pwede kang manghamak ng tao. Kung ikaw man ang huwes, nakakaaawa ang mga tulad naming dukha dahil siguradong ang timbangan mo ay mas mabigat para sa mga taong may salapi. Mukha kang kwarta!” Singhal naman ng lola niya rito saka siya nito inakay papaalis.

Napahikbi siya nang yakapin siya ng lola Ely niya. Sobrang sakit ng kalooban niya at parang naramdaman niya na sumasakit ang kanyang puson.

“Lola, ang sakit po,” d***g niya rito saka siya namilipit at halos mapahiyaw siya sa sakit.

“Lola…” iyak niya kaya hinila siya nito sa may poste para maliwanag.

Tiningnan niya ang kanyang green na cotton na pantalon at nakita niyang parang may marka ng mantsa sa may hita niya.

“Nakunan ka!” Bulalas ng lola Ely niya, “Tulong! Tulungan niyo kami! Dinudugo ang apo ko! Sigaw nito habang umiiyak, saka napatakbo papabalik sa malaking gate pero kitang-kita ni Odette na pinagsarhan lang ito ng huwes.

Umiiyak na nahawakan niya ang mantsa sa kanyang pantalon at naiyak siya nang makita ang dugo sa mga kamay niya.

Ano ba ito? Anong nakunan? Bakit siya nireregla kahit buntis siya? Ito ba ang pinag-aralan nila sa Science na miscarriage?

Umiyak siya lalo. Ayaw niyang maging ina pero mas lalong ayaw niyang mamatayan ng anak!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
bigla kang hindi kilala odette ng liza na yon at mata pobre silang pamilya nya
goodnovel comment avatar
Jassie Samson
nakaka excite na kwento at maganfa basahin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 4

    Kabanata 4“YOU are all very lucky because this year, the famous Royal Cervantes Incorporated will accept interns,” nakangising sabi ng kanilang propesor na nakatayo sa likod ng podium, “not just ordinary internship but, apprenticeship. Ibig sabihin ay kikita kayo sa isang taon ng inyong OJT sa Royal Cervantes.”Nakangiti si Odette habang nakikinig. Sa kanyang isip ay nagkakalkula na siya ng kanyang kita. This is a blessing. Para na rin siyang may trabaho.“You have to do your best and act as a real employee of that company. Mahirap na mapahiya tayo, guys. This is a great opportunity. Minsan lang ito nagbibigay ng ganitong pribilehiyo kaya napakaswerte ng inyong batch.”“Magkano po, Prof?” Agad niyang tanong kaya nagkatawanan ang mga kaklase niya.“Ito talagang si Odette, mukhang pera,” biro naman ni Prof Dixon sa kanya, “Hayaan niyo na ‘yan, ha. Alam niyo naman na may binubuhay ‘yan. Maanong sagutin na kasi ako para ako na ang bahala sa expenses.”Naghiyawan ang mga kaklase niya napa

    Huling Na-update : 2024-02-07
  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 5

    Kabanata 5“HERE'S your home, Pa!” Helios talked in his mind as he placed the urn inside the glass cabinet, inside the chapel.“Here's your last wish. We're here. Nandito na tayo sa palasyo mo.He's back from the U.S. He just fixed everything before returning to the Philippines, where his father wanted for them to stay.Iyon ang huling kahilingan ni Feliciano habang nagpapagamot iyon, at nasa huling mga sandali na ng natitirang buhay sa mundo.Namulsa siya matapos na maisara ang salaming pinto ng cabinet.Nakatitig siya sa lalagyan ng abo ng kanyang ama. Halos napapabuntong hininga rin siya. This is the end of his career as a happy-go-lucky guy. His father suddenly left him in the middle of nowhere. He wasn't ready yet to manage everything. Isinaksak siya ng kanyang dalawang nakatatandang mga kapatid sa mga seminars, pag-aaral, at kung anu-ano pang bagay para siya ay matuto.Tatlo silang magkakapatid, ang panganay ay isang ampon, habang dalawa silang tunay na magkadugo. To make the lo

    Huling Na-update : 2024-02-07
  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 6

    Kabanata 6NATATAE na naiihi. Iyon ang tamang deskripsyon sa kanyang nararamdaman ngayon. Nasa harap siya ng lumang salamin, na antigo na. Suot niya ang kanyang OJT uniform. She was in white. Mas pinili niya ang palda kaysa sa pantalon na marine uniform.“Ang ganda mo po, Mama,” iyon ang sabi ng batang nakaupo sa isang butas na sofa.Tumingin siya anak na hawak ang laruan nitong telepono. She smiled. Kanina pa siguro ito nakatingin sa kanya pero hindi niya napapansin.Naghihintay sa kanya si Ammiry para magsabay na sila sa eskwela. Hinihintay lang nila ang kanyang service na traysikel, na minamaneho ni Mang Agosto.Malayong kamag-anak nila si Mang Agosto. Nalaman lang nila iyon nang sila ay lumipat na sa Maynila.“Ang ganda-ganda nga ng Mama mo kung hindi siya mukhang trumpo sa harap ng aparador,” sagot naman ni Ely sa kanyang anak kaya napalabi siya.Natawa lang naman sa kanya ang kanyang lola pero nakamasid din na husto sa kanya.“Parang tunay na, apo,” anito sa kanya kaya napangiti

    Huling Na-update : 2024-02-07
  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 7

    Kabanata 7HELIOS inhaled deeply as he surveyed the entire room. Violeta was in front of him, smiling. Tahimik ang babae na nakamasid sa kanya.“Welcome po, PH,” magalang na sambit nito sa kanya kaya tumango siya.Violeta is no longer treated as an ordinary employee. Pamilya ang naging trato rito ng kanyang namayapang ama. Kapatid ito ng ex-girlfriend ng kanyang Daddy, pero dahil mabuti ang naging paghihiwalay ng dalawa, nanatili si Violet sa kanilang kumpanya.“Ito ang naging opisina ni Dad, di ba?” Tanong niyang nakapamulsa.“Opo. Ipinag-request niya na i-renovate ito nang siya ay may sakit na. He was preparing for your management.”Management, yes. He nearly sighs but nodded. He doesn't know how to run a billion worth company but what's his choice? Ngayon ay masa-sample-an na ang lahat ng mga seminars at pag-aaral na kanyang sinalihan at ginawa.Kung alam lang niya na darating sa ganitong punto, sana ay matagal na niyang pinagbigyan ang kahilingan ng kanyang ama, na aralin na niya

    Huling Na-update : 2024-02-18
  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 8

    Kabanata 8HIS watch alarmed after thirty minutes of sitting in front of Lucas. Ito ang nangangasiwa sa organisasyon nila ngayon. Lucas is his cousin and the vice president, next to him.“This is the plan for the brotherhood seminar. At least sana dun, makarating ka insan.”Napahinga nang malalim si Helios. Up until now, he still feels so guilty, tolerating improper initiation to those who joined before.Ngayon, hindi na siya pumapayag sa initiation na may pananakit at pag-gamit ng babae. Nang siya ay mag-mature, tila nag-iba ang kanyang isip. Para makapasok sa AKP, community service ang ginagawa ng mga gustong maging miyembro. Naglilinis ang mga iyon sa mga masukal na lugar, sa mga daluyan ng tubig na barado, sa mga nangangailangan ng mga tulong at kung anu-ano pa.He decided to change the rules and regulations when so many accidently died because of hazing. Nang maging talamak ang pagkamatay ng mga sumasapi sa isang frat, naalarma ang buong sistema ni Helios. Hindi pa iyon nangyari

    Huling Na-update : 2024-02-19
  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 9

    Kabanata 9HELIOS was firmly standing with hands in his pockets. A woman was standing inside his lift. May naligaw na magandang babae sa kanyang elevator.Pinasadahan niya ito ng tingin, simpleng tingin na sa isang tingin lang ay alam niyang isa ito sa mga i-interviewhin niya bilang OJT. And she is a woman, no, a young lady. She was wearing a black skirt. Lalo itong pumuti sa kulay ng palda, at bagay na bagay dito ang damit. She was so neat, in a ponytail and a seawoman's hat.She blinked, eyes were wet yet it didn't make her beauty look less. Masama na makakita siya ng isang babaeng maganda bukod sa kanyang girlfriend, pero maganda talaga ang batang nasa harap niya.Hindi ito ngumiti sa kanyang pagtataka, at papaiwas ang mga mata na ibinaling sa ibang bagay, saka ito nakatungo na naglakad papalabas. She was aloof. He took a step forward and didn't mind her, though his eyes literally moved to the side.Her face looked quite familiar to him.Pumihit na rin kapagkuwan ang ulo niya para

    Huling Na-update : 2024-02-20
  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 10

    Kabanata 10HINDI alam ni Odette kung paano siya uuwi. Sa sobrang sama ng loob at kahihiyan niya ay umalis na siya pagkatapos ng interview. There was no reason left for her to stay inside that building.Masama ang nangyari sa kanya sa building na iyon. Ano pa ang dahilan at tatanga siya sa loob, kung makikita niyang nagsasaya ang lahat habang siya ay nagluluksa sa kanyang pagkabigo?Masaya naman siya sa para sa mga kasamahan na papasa sa interview pero hindi niya kayang makiharap at ngumiti. Pihadong iiyak lang siya.She was so down. Sa halip na tumungo sa kung saan ay dumiretso siya sa eskwelahan ni Ammiry. Mas mabuti pa ang hintayin niya na lang ang anak niya, kaysa sa tumunganga siya kung saang lugar.She weakly sat on the cemented bench. Humaba ang leeg niya para tanawin ang anak niya sa loob ng classroom. Alas onse onse ang labasan nina Ammiry, at nasa isang oras na lang naman ang ipaghihintay niya. Nag-text siya sa lola Ely niya na siya na ang susundo sa bata. Wala na siyang sin

    Huling Na-update : 2024-02-21
  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 11

    Kabanata 11ODETTE looked up at the building again. Papasok sila sa entrance at tumigil sa may gwardiya.“Good afternoon po, Sir. Pinababalik po ako para sa interview,” aniya sa lalaki.“Ikaw lang ang pwedeng pumasok. Ang mga kasama mo ay hindi.”“I-Ito pong anak ko?” Tanong niya saka inakbayan si Ammiry.“Ayoko po dito sa labas, Mama. Gusto ko po kasama ka,” anito kaagad.“Mabait naman po ito at uupo lang po ito sa loob,” aniya sa tono na nakikiusap.“Di ba at galing ka na rito kaninang umaga? Bakit pabalik-balik ka pa?”“Tumawag na lang po kayo sa secretary ni Mister Cervantes para po siya na lang ang tanungin niyo,” parang inis na sagot ni Ronnie sa lalaki, “Para po hindi kami ang tanungin niyo dahil hindi rin po namin alam kung bakit siya pinababalik ng boss.”Nakurot niya si Ronnie sa tagiliran.Eksakto naman na natanaw niya ang secretary na nasa itaas kaninang umaga. Naglalakad iyon sa lobby, may dalang mga papel.“Vi!” Anang gwardiya, “Itong estudyante aakyat daw sa presidente

    Huling Na-update : 2024-02-22

Pinakabagong kabanata

  • The Badass Fraternity Lord   Epilogue

    Epilogue“WELCOME HOME!”Iyon ang malakas na bati kay Odette ng mga tao sa bahay, nang dumating sila mula sa ospital.It's been nine months.Kakauwi lang nila galing sa pribadong ospital kung saan siya nanganak. Yes, nanganak siya sa pangalawa nilang anak ni Helios.It's a baby boy.“Thank you,” aniya sa mga iyon.“Hindi na ito kamukha ni Mommy. This is so me!” Proud na sabi naman ni Helios habang karga ang baby, at si Ammiry ay nakasabit naman sa isa nitong braso, karga rin ang panganay na anak.Sa laki ni Helios, hindi na siya nagtataka na kaya nitong pagsabayin ang dalawa.Nakakalungkot dahil kung gaano naman ito kabilis na magkaroon ng anak, ang kapatid nito ay hindi nabibiyayaan. Nakunan ang surrogate mother na kinuha ng mga iyon, at hindi na umilit pa.“Tingnan ko nga ang apo namin,” sabi ng Tiya niyang madre, na nasa bakasyon ngayon.Lumapit iyon at kinuha ang apo, saka dinala sa karamihan. She smiled. Naroon ang kanyang Papa and lola niya, si Lucas, ang mga kaibigan n'ya, si Le

  • The Badass Fraternity Lord   Special Chapter

    Special Chapter“ANAK!” malakas na tawag ni Odette kay Ammiry nang magising ito.Eksakto na kalalabas naman niya ng banyo, nakatapis ng twalya.“Morning, babe,” nakangiti niyang sabi rito.Pangatlong araw nila sa mansyon ngayon. Tahimik sila. Tahimik siya. Binisita na sila ni Mang Agosto at natawagan na rin ni Odette ang tiya nito at si lola Ely. Alam ng dalawa na nasa poder niya ang kanyang mag-ina.“Chillax, babe,” aniya saka lumapit dito at hinalikan ito sa labi.“Natatakot ako,” mukhang kinakabahan na sabi nito sa kanya.“You don't have to. Everything is under control. Our baby is just downstairs. She's with a visitor.”“Visitor?”Nagsuot siya ng short at polo, tapos ay nagsuot siya ng sapatos. Panatag na panatag ang kalooban ni Helios kahit na may mga problema siyang nireresolba. Masaya siya na natutulog na katabi ang mag-ina niya. Sa mga susunod, bibigyan na nila ng sariling kwarto si Ammiry. He hired bodyguards for her daughter.Wala siyang pakialam sa kapatid niyang tanong daw

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 58.2

    Kabanata 58.2LULAN ng sasakyan papunta sa mansyon ng mga Cervantes, hindi magawa ni Odette na bumitaw sa mga braso ni Helios.Yakap niya ito.Anong klaseng trauma na naman ba ang tumama sa kanya? Kakaaksidente pa lang ng anak niya. Halos hindi pa nga ito nakakapag-umpisa ng therapy nito sa doktor, tapos ay nasunugan na naman sila. Kahit na si Aling Tasya na napakabait naman ay nadamay pa, at ang ibang boarders na isang pamilya rin sa kabilang paupahan. Wala pa naman anak ang mag-asawa roon pero nakaka-trauma pa rin.Hindi mawala sa isip niya ang eksena kanina kung saan nasarhan ng kahoy si Helios sa loob ng bahay. Akala niya ay hindi na ito makakalabas. She was so terrified. Lalo niyang niyakap ang braso nito. Mahal na mahal sila ni Helios. Lahat ng kumot ay ibinalot nito sa kanila ni Ammiry at hindi nito inisip ang sarili.“Hey,” anito sa kanya nang humikbi siya.“Sorry kung hindi kita napatawad kaagad,” umiiyak na sabi niya rito, saka niya ito tiningala.Helios looked at her with s

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 58.1

    Kabanata 58.1“PAPA!” pumalahaw ng iyak si Ammiry kaya agad na napatingin si Helios sa anak. Palinga-linga iyon sa paligid at takot na takot.“HELIOS!” umiiyak na sigaw ni Odette sa banyo kaya lumingon ulit siya.Fuck.“Helios! Di ako makalabas!” Odette cried and coughed, “Tulong! Sunog!”Napupuno ng usok ang buong kabahayan. Agad niyang tinakbo ang pintuan bago pa iyon matupok ng apoy. He immediately opened it. Nagimbal siya sa kanyang nakita. Ang palibot ng bahay at maliit na bakuran papalabas ng gate ay umaapoy. Wala silang dadaanan.May mga tao na sa labas na nagsipaglabasan. Ang karatig bahay ay nasusunog na rin.Agad niyang tinakbo ang anak niya at saka niya ito kinarga. Dala niya ang mga kumot para ipang balot niya rito tapos ay tumakbo siya sa may banyo.“Heli…” nasundan ang sigaw na iyon ng pag-ubo.The door won't budge. It was damn locked. Plastik ang pinto ng banyo, at talagang nagla-lock mag-isa ang ganung pinto. Nangyayari iyon madalas sa hotel nila sa San Jose kaya pin

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 58

    Kabanata 58LAMAN ng isip ni Liza ang kapatid na si Avva habang naka-duty siya sa ospital kinagabihan. Parang iba na ang kilos ng kapatid niya mula nang sabihin niya na inunahan na niya si Helios na magsabi kay Odette ng totoo. That was just the other day.She thought it was the best way to make Odette and Helios fight. Syempre, galit na galit si Odette. She wanted to help her sister and make herself belong. Gusto niya ng isang daang porsyento Ng suporta sa kapatid niya para tuluyan siyang maging ganap na dela Peña sa kanyang pakiramdam. Feeling kasi niya ay may kulang pa. Sa tuwing sinusumbatan siya ng nakatatandang kapatid sa mga naibibigay ng ama nila sa kanya, nag-iisip siya kaagad kung paano siya makakabawi.Akala niya ay tama ang ginawa niya, pero nang malaman ni Avva na patuloy pa rin si Helios sa pagsuyo kay Odette, lalo lang iyong nagalit. Sinisi pa siya ni Avva na kasalanan niya ang lahat at bakit di na raw niya pinatay ang bata.Diyos ko. Hindi naman siya ganun kasama. Nako

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 57

    Kabanata 57TULALA si Odette sa bubong ng bahay. Ngayon, nag-sink in na lahat sa kanya ang mga nangyari. Sumulyap siya sa orasan.It's been almost four hours since Helios came inside her room, and she just gave herself to him without having second thoughts.Yes, she did.Hindi ito kaagad natapos. Sa una ay masuyo ito pero nang tumagal ay nag-iba. He was wild, and just like the first time, there were marks on her skin again.Ganun siguro talaga si Helios. Nasilip niya ang dibdib niya na puro marka, at dahil maputi siya ay mabilis na magmantsa ang balat niya kahit na kaunting kagat lang.Ang pagkakaiba lang, hindi parausan ang pakiramdam niya ngayon, na parang nilabasan lang ng init ng katawan.Agad na napatakip siya sa mukha. Ano na lang ang sasabihin ni Helios sa kanya? May sasabihin ba ito?“Nakakahiya,” mahinang sambit niya saka marahas na umiling.“There's nothing to be ashamed of, babe.” Anito sa tabi niya kaya tumingin siya.“Normal na maakit ka sa katawan ko at kagwapuhan,” naka

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 56

    Kabanata 56“HI, Swan princess,” a husky voice greeted Odette, and that made her open her eyes wide.Iyon ang totoong nagpagising sa kanya. Hindi si Wolf ang humahawak sa kanya. At first look, he was like Wolf because she felt that she was in danger, and Wolf was the very last person she saw before she fell asleep, scrutinizing the house.Agad siyang napaupo at napaatras.“A-Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?! Ini-lock ko ang pinto, Helios!” Galit na sabi niya kahit na para siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon.“Oh, sure you did, babe,” nakangiti nitong sagot.Hinawakan nito ang kamay niya pero Agad niyang hinila.“Lumabas ka ngayon din! Paano ka nakapasok dito? Isinara ko nga ang pinto! Ang kulit mo!” Ninenerbyos na sabi niya rito pero mukhang hindi naman ito naaalarma sa kanya.Nakatitig lang si Helios sa mukha niya, kaya hindi niya malaman kung anong gagawin. Ang dibdib niya ay parang mabibiyak sa sobrang kaba niya, pero hindi lang purong panganib ang nararamdaman niya

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 55

    Kabanata 55PINUPOG ni Odette ng halik si Ammiry nang dumating siya sa bahay. Tawa naman ito nang tawa at masayang-masaya. Tinitingnan na naman nito ang album ng lolo at lola, na kagabi pa nito walang sawang iniisa-isa. Tapos, tinitingnan nito ang mga litrato ni Helios noong bata pa.“Mama, look po. Ako po ito,” turo ni Ammiry sa litrato ni Donya Selena.She smiled and nodded, “Yes, anak. Kamukhang-kamukha mo ang lola mo. Parehas kayong sobrang ganda.”“Pero sino po ang Papa ko?” Bigla nitong tanong sa kanya kaya medyo napatanga siya nang kaunti.“Si…Helios talaga ang Papa mo, anak.”“Si Papa po tagala? Siya po si bad guy?”“H-Hindi,” tanggi niya kahit di niya alam kung paano talaga iyon sasagutin.“Sinong nagsabi na bad guy ang Papa mo?”“Kasi po Iiyak ikaw lagi pag-uusap kayo ni ninang. Bad guy po si Papa.”Agad niya itong nakayap, “Hindi, anak. Mahal ka ng Papa mo. Hindi siya bad guy. You see, inalagaan ka niya sa ospital?”“Love mo po si Papa?”Mas lalo siyang nalito sa isasagot.

  • The Badass Fraternity Lord   Kabanata 54

    Kabanata 54ABSENCE makes the heart grow fonder. Iyon ang kasabihan na palagay ni Odette, ngayon ay totoo. It is an old saying but applicable to what she feels right now. Pakiramdam niya ay mawawala siya sa oras na magtagal na magkalayo sila ni Helios at hindi sila nag-uusap. Pero paano? Handa na ba ang puso niya? Kahapon lang niya iyon nalaman at totoong masakit pa rin ang kalooban niya.Tapos na siya sa pag-aasikaso ng kanyang requirement.“Are you okay, Odette?” Dixon asked so she got back to reality. Nasa harap siya ng lalaki at nagsumite ng mga kailangan, dahil siya lang naman ang may hawak ng mga iyon.“Opo. May kailangan pa po ba?” Matabang na tanong niya rito pero nanatili itong nakatitig sa kanya.“Totoo ba ang narinig ko kanina kina Ronnie? Si Helios ang ama ni Ammiry? Hindi naman sa pagiging tsismoso.”She sighed and nodded, “Aalis na po ako, Prof kung wala na pong kailangan. Kailangan ko pa pong bantayan ang anak ko.” Papaiwas na sagot niya dahil ayaw niyang magkwento pa.

DMCA.com Protection Status