Home / Romance / The Bachelorette / Chapter 3 - Lines

Share

Chapter 3 - Lines

last update Last Updated: 2020-08-26 12:25:35

Napapitlag ako nang biglang mag-vibrate ang aking cellphone, kasabay noon ang pagtunog ng ringtone ko na “Ice Blue Tone.”

Nag-register sa caller id ang pangalan ni James. Napatitig ako rito nang matagal. Sinilip ng katabi kong si Liz ang screen ng hawak kong cellphone. Afterwards she stared at me intently.

“Easy couz. Si James lang naman pala 'yang tumatawag sa ‘yo. Bakit parang namumutla ka? Para ka namang nakakita ng multo riyan?” pagpuna niya sa akin gamit ang nagtatakang mga mata.

Tuliro kong sinagot ang tawag ni James. Tumayo ako at lumayo muna mula sa kinauupuan ng aking mga pinsan.

“Hello Hon!” bungad ko sa aking fiancé.

“I've been calling you since last night. Hindi ka kasi nakapag-message sa akin kung nakauwi na ba kayo sa condo ni Liz,” buong pag-aalalang saad ni James. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko siya nagawang tugunin.

“Pasensya na Hon, kung hindi ko nagawang sagutin ang tawag mo. Sobrang ingay kasi sa LK Hub kagabi at saka baka nasa dance floor pa rin kami nina Liz no'n,” pagdadahilan ko sa kanya.

“I was worried, akala ko may masama ng nangyari sa ‘yo. Anong oras ka nakauwi sa bahay n'yo?” tanong pa niya. Napakurap-kurap ako habang naghahanda ng isasagot.

“Maayos naman kaming nakauwi kagabi rito sa condo ni Liz, mayamaya ay uuwi na rin ako sa bahay,” tugon ko sa kanya habang pabalik-balik ako ng lakad sa living room.

Ang lakas ng tibok ng puso ko nang mga sandaling iyon. Magkahalong nerbiyos at pagka-guilty ang nararamdaman ko.

“Who's driving you home?”

“Baka sumabay na ako sa sasakyan ni Belle.”

Nagkaroon ng dead air sa pagitan naming dalawa. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay kong may tangan na cellphone. Sinabayan pa ito ng pangangatal ng labi ko.

Stop fidgeting Denise! I chanted to myself. Relax lang at baka mas lalong makahalata si James na may nagawa kang kasalanan sa kanya kapag masyado kang kinakabahan.

I tried to compose myself before I decided to break our growing silence “How's your flight?” pangungumusta ko sa kanya.

“It's fine,” kaswal niyang sagot.

“Anong oras ba magsisimula 'yong convention?” Pinilit kong umakto ng natural sa kabila ng malakas na pagkalabog ng dibdib ko.

“The opening program will start at two in the afternoon. The convention proper will commence tomorrow,” his well-versed reply.

“Are you going to miss me?” tanong pa niya.

Umusbong ang ngiti sa labi ko. Kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman kong kaba.

“Of course Hon!” awtomatiko kong tugon. Sinundan iyon ng mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya.

“It's a good thing that you did not accompany me to the airport this morning. Baka mamaya maisipan ko pang i-cancel ang flight ko at hindi na lang tumuloy rito,” malambing pa niyang wika. Napahinga na naman ako nang malalim.

Mas lalo akong nakukunsensya kay James. He didn't deserve this. Napakabait niya sa akin! For the past five years hindi ko naging issue sa kanya ang pambababae. Pinangalagaan niya nang mabuti ang aming relasyon.

“Next month naman ikakasal na tayo Hon. We'll spend more time together.”

Hindi ko na mapigilan ang mabilis na pagdaloy ng mga luha ko.

Napapasinghap na rin ako dala ng aking labis na emosyon. Tila may kung anong nakabara rin sa lalamunan ko. Mukhang napansin ito ng kausap kong si James.

“Are you crying Hon?” nababahalang pag-u-usisa niya mula sa kabilang linya.

“I just miss you Hon. Come back soon, okay?” garalgal na ang boses ko habang sinasabi ko iyon sa kanya.

My voice was shaking as I said goodbye to him. Hanggang sa magpaalam na rin si James sa akin at naputol na iyong tawag ay hindi na tumigil sa pagtulo ang mga luha ko sa aking magkabilang pisngi.

Tahimik akong naupo sa sofa habang humahanap ng tissue mula sa loob ng aking sling bag.

“Wala pang isang araw na nakakaalis si James, grabe ka na makaiyak couz!” Belle teased me even though she looked worried.

Wala na si Liz doon sa puwesto niya kanina. Nakaamoy ako ng pinipiritong bacon. Marahil ay nagluluto na siya ngayon sa kanyang kusina para sa aming magiging agahan. Tinanaw ko si Belle gamit ang pagod kong mga mata.

“Hayaan mo na couz two weeks lang naman siyang mawawala at pagbalik niya ilang linggo na lang ang bibilangin ay ikakasal na kayo,” excited niyang wika.

Hindi ako nakaimik. Kung pwede ko lang talagang ipagtapat sa kanya ang totoong pinagdaraanan ko ngayon. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit habang nag-u-umpisa na namang pumatak ang mga luha ko.

Bago kami kumain ng agahan ay nag-shower muna ako. Pinahiram muna ako ni Liz ng damit na pamalit at binigyan ng spare underwear. Mga bandang 10:30 AM na kami umalis ni Belle mula sa condo unit ng aming pinsan.

Pagkabalik ko sa bahay namin sa Madisson Estates ay naabutan ko si Mommy na kasalukuyang nanonood ng TV sa sala. Humalik ako sa kanyang pisngi bago ko siya tinabihan ng upo. Maaliwalas ang kanyang mukha at matamis na ngiti ang iginagawad sa akin.

“Kamusta ang party mo kagabi hija?” interesante niyang tanong sa akin. Napaawang ang labi ko. Ang alalahaning muli ang nagdaang bridal shower ko ay labis na nagpapabigat ng kalooban ko.

Naalala ko na naman tuloy bigla si JD. Nanumbalik na naman sa gunita ko ang maamo niyang mukha, ang mga halik at ungol niya.

“Nagpunta naman po ang halos lahat ng mga inimbitahan ko,” maagap kong tugon.

I tried to find ways to divert my attention. Mabilis kong itinuon ang mga mata ko sa pinapalabas sa telebisyon. Kahit papaano ay naibsan ang pagkaasiwa ko.

“Mabuti kung gano'n, sana ay makapunta rin silang lahat sa araw ng kasal n'yo ni James.” Tinanguan ko na lang si Mommy. Nagpaalam na rin ako sa kanya na magpapahinga muna ako sa aking silid.

Pagdating ko sa loob ng aking kwarto ay nahiga ako agad sa kama. Pirming nakatulala lang ako sa kisame. Kahit anong pilit kong kalimutan ay kusang nagbabalik sa alaala ko ang bawat eksena na pinagsaluhan namin ni JD kagabi. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang malamyos na paraan ng paghagod ng mga kamay niya sa aking likod. Ang bawat pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko. Ang mapupusok niyang mga halik sa labi ko na labis na nagpapabaliw sa akin.

Napapikit ako nang mariin. Ano na ba 'tong nangyayari sa akin? Hindi dapat ako ma-attract ng ganito sa kanya dahil ikakasal na ako!

Ngunit kahit na ipikit ko pa ang mga mata ko at pilitin siyang alisin sa isipan ko, memories of my sensual cries everytime he thrusts his manhood inside me kept echoing in my head.

Naisipan kong maligo ulit at magbabad sa shower. Baka kahit papaano ay maibsan nito ang kung ano mang init na nararamdaman ko para kay JD.

Hindi pa ako nasiyahan doon, naligo pa ako sa bathtub. Ilang beses ko ng sinabunan ang sarili ko. Ngunit sa kabila noon alam kong walang kahit anumang shower gel o mamahaling sabon pa ang makalilinis sa makasalanang marka na iniwan sa pagkatao ko ng ginawa kong pangloloko sa fiancé ko.

Makalipas ang dalawang linggo ay unti-unti na akong nakabalik sa nakasanayan kong buhay. Besides it was my only choice. Kailangan ko nang ibaon sa limot ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Joaquin Del Mundo.

Araw-araw kaming magka-video call ni James habang nasa Singapore siya. Masyado rin akong naging busy sa opisina kaya hindi ko na lang din namalayan na uuwi na pala ang fiancé  ko sa darating na Sabado.

Sinundo ako ni Belle gamit ang kanyang sasakyan na Mazda 3 sa parking lot ng Empire East building. May usapan kasi kaming magdi-dinner na magpipinsan.

“Excited ka na ba sa pagdating ni James?” tanong niya sa akin habang abala siya sa pagkabig ng manibela. Papalabas na kami ngayon ng main gate.

My mouth twitched into a smile. “Siyempre naman, two weeks din kaming hindi nagkita,” magiliw kong tugon.

“Ang bilis ng panahon, in two weeks time you'll be a married woman! Papayagan ka pa kaya ni James na gumala kasama namin ni Liz?” natatawa niyang pag-u-usisa.

Napailing ako. “Kung ikaw siguro ang kasama ko walang problema. Pero kung si Liz lang ang kasama ko, hindi ako sigurado.” Napahalakhak ako nang malakas.

Bandang alas otso ng gabi kami dumating sa Buffet 999. Naabutan namin si Liz na nag-iintay roon. Nagpa-reserve na siya ng lamesa para sa aming tatlo. Kahit weekdays ay marami pa ring customer ang kumakain dito. Sikat ang restaurant sa pagkakaroon ng wide variety of choices ng mga international cuisine.

Classy ang ambiance ng lugar. There were several crystal chandeliers hanged on the ceiling. The dark blue sofas on each side of the rectangular glass table were seemed to be made up of expensive and high-grade upholstery materials.

You'll have that kind of feeling that you were inside an elegant ballroom of a five star hotel. Food for servings were orderly placed on silver casseroles that were beautifully lined-up on top of the large buffet table.

Nang tinawag ang numero namin ay pumunta na kami ng mga pinsan ko sa buffet na nakahain. Halos mapuno ang plato ko sa dami ng mga dish na kinuha ko.

“Denise ang lakas mo naman kumain! Hinay-hinay lang couz.” Pagpansin sa akin ni Liz.

Nagulat din ako sa aking sarili. Ilang minuto pa lang kasi ang nakalilipas ay napangalahati ko na ang laman ng plato ko. Hindi ko alam kung bakit takam na takam ako sa pork barbecue at shrimp tempura samantalang kakatapos ko lang kumain ng cordon bleu at sushi.

Hindi pa ako nakuntento roon, tila wala pa rin akong kabusugan. Nakailang rounds pa ako ng balik sa buffet table. Pagkaubos ko sa mga main dish na laman ng plato ko ay dumiretso na ako ng punta sa kinaroroonan ng dessert table. Sobrang sarap ng chocolate mousse cake at sansrival nila rito. Parang gusto ko ngang bumalik ulit dito bukas after office!

Mga bandang alas diyes ng gabi na ako nakauwi sa bahay, si Belle ang naghatid sa akin.

Kinabukasan, pagkagising ko ay kinuha ko agad sa loob ng closet ko iyong violet na long gown na gagamitin ko mamayang gabi para sa gaganaping Investor’s Night ng aming kumpanya.

Balak ko pa ring pumasok ng half day ngayong araw sa opisina dahil marami akong pag-aaralang request budget na naka-pending sa aking desk. Medyo maaga naman akong nagising kaya may oras pa ako para makapaghanda sa pagpasok sa office.

Ilang sandali pa ay napatakbo ako nang mabilis sa loob ng banyo. Tila bumabaliktad ang sikmura ko. Matagal din akong nagsuka roon.

Naghilamos muna ako at nagsepilyo bago muling bumalik sa kama. Pagkaupo ko rito ay inalala ko kung ano kaya sa mga nakain ko kagabi ang naging sanhi ng pagsama ng aking tiyan.

Mahinang katok ang narinig ko mula sa labas ng pintuan bago tuluyang pumasok si Mommy sa loob ng aking kwarto. Nakabihis na siya ngayon ng corporate attire, mukhang maaga siyang aalis upang pumasok sa opisina. Tinanaw niya ako gamit ang nag-aalala niyang mga mata. Napansin niya siguro na hindi pa rin ako nakabihis.

“Hija, hindi ka ba papasok?” kuryoso niyang tanong.

“I'm not sure Ma,” tugon ko habang hawak ko ang aking tiyan.

“Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko ngayon. Baka hindi ako natunawan sa mga kinain namin nina Liz kagabi,” dugtong ko pa. Tinabihan niya ako ng upo.

“Huwag ka na muna sigurong pumasok sa opisina. I'll just tell your dad that you are not feeling well. Mas maganda na rin iyong makapagpahinga ka para naman makapunta ka sa Investor’s Night mamayang gabi,” aniya. Marahan niyang hinaplos ang aking kaliwang pisngi.

Ilang minuto pa lang na nakaaalis si Mommy ay nakaramdam na naman ako ng pagduruwal. Napaupo na ako sa tiles na sahig ng banyo habang nilalabas ko ang laman ng aking tiyan. Napakapit ako nang mahigpit sa bowl.

Lahat na yata ng kinain ko sa Buffet 999 kagabi ay naisuka ko na. Namamasa na rin ang mga mata ko dahil sa sama ng lagay ng sikmura ko. Kumuha agad ako ng tissue upang pahirin ang bibig ko.

Napasandal ako sa pader ng banyo. Ngayon lang ako ulit nakaranas ng ganito. I could remember feeling this way after I had an extreme hangover few months ago. Hindi naman kami uminom ng alak ng mga pinsan ko kagabi. Sa katunayan nga ang huling pag-inom ko ng alak ay noong bridal shower ko pa.

One week na ring delay ang menstruation ko. Hindi kaya?

Buntis ako?

Mabilis kong iwinaglit sa isipan ko ang nakakatakot na sitwasyong iyon.

Imposible! Isang beses lang naman namin iyon ginawa!

Hindi maaaring mabuntis ako noong gabi na 'yon. I think that my supposed to be scheduled period for the previous week had been delayed because of stress. Sobrang busy ko kasi sa opisina ngayong linggo. Nangyari na naman ito sa ‘kin noon, halos dalawang linggo pa ngang na-delay ang menstruation ko.

Seconds passed, I tasted the acid trying to escape from my mouth. What the hell! What is happening to me?

Nagsuka na naman ako nang nagsuka sa loob ng banyo. Nang mahimasmasan ako ay nag-toothbrush ako ulit at naghilamos.

Bumaba na ako sa kusina. Nagpahanda ako sa personal maid kong si Emily ng corn soup. Baka kapag nainitan ang sikmura ko ay kumalma na ito.

Habang sumusubo ako ng soup ay tinawagan ko sina Liz at Belle sa Messenger. Nag-video call kaming tatlo. Si Liz ay kakatanggal pa lamang ng suot na Minnie Mouse sleeping mask, mukhang kakagising pa lang niya. Samantalang si Belle ay nasa loob na ng backseat ng sasakyan nila at naka-office attire na; papasok na siguro sa opisina.

“Guys, can you do me a favor?” natataranta kong wika sa kanila habang tinatanaw ko sila mula sa screen ng cellphone ko.

Napakusot-kusot pa si Liz sa kanyang mga mata. Mayamaya pa ay naghikab ito bago itinuon ang buong atensyon sa screen.

“May problema ba couz? Hindi ka ba papasok ngayon sa opisina?” nagtatakang tanong ni Belle sa akin. Tutok ang mga mata niya sa camera. Napahinga ako nang malalim bago ko itinuloy ang mga nais ko pang sabihin.

“Pwede n'yo ba akong bilhan ng PT?”

Tila naalimpungatan pa si Liz, napapikit-mulat muna siya ng makailang beses bago ako panlakihan ng mga mata. Inayos niya nang mabuti ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone. Si Belle naman ay halatang gulat na gulat din. Hindi siya agad nakapag-react.

“What the f*ck are you talking about Denise?” deretsahang utas ni Liz sa akin. Mukhang nabigla ko yata siya. Bagong gising pa naman.

“Have you done it with James? When?” mapag-usisang tanong naman sa akin ni Belle.

Wala silang kakurap-kurap na dalawa na nakaharap sa camera. Mukhang hinihintay nila nang mabuti ang magiging sagot ko.

“Guys, could you just buy me that PT and bring it to me immediately?” nagmamadali kong hiling.

“Mamaya na natin ito pag-usapan, dito sa bahay.” Bumubuka pa lamang ang bibig ni Liz ay pinindot ko na agad ang end call.

Malaki ang ngisi ni Liz pagkabungad pa lamang niya sa labas ng pintuan ng kwarto ko. May hawak siyang isang paper bag sa kanyang kaliwang kamay.

“So, James can't seem to wait on the night of your wedding day huh?” Agad ko siyang hinila papasok sa loob ng aking kwarto. Kasunod niya sa paglalakad si Belle na mukhang nagugulumihanan pa rin sa mga nagaganap. Nakabihis na ito ng puting t-shirt at itim na jeggings mukhang tuluyan na itong umabsent sa kanyang opisina. Inaya ko silang maupo sa aking kama.

“Huwag kayo masyadong maingay ah, baka marinig ng mga maids namin!” I reminded them.

Liz just shrugged her shoulders and faced me with a mocking face. “Ikakasal na naman kayo! Okay lang naman 'yon na mag-advance na kayong dalawa! Parang dry run n'yo na yan sa honeymoon n'yo.”

Napapailing na lamang ako sa mga pinagsasabi ng pasaway kong pinsan.

Inabot sa akin ni Liz iyong brown paper bag na may tatak na Watsons. Maingat ko itong binuksan. Tahimik lamang na nagmamasid ang dalawa kong pinsan. Inilabas ko ang pregnancy test cassette mula sa metallic cellophane nitong lalagyan.

“Paano ba gamitin 'to?” I asked with full curiosity. Habang inosente kong itinataas sa ere ang kulay puting PT cassette.

“Kailangan lang ng urine sample mo, pagkatapos ay ipapatak mo ang ilang drops no'n diyan sa pregnancy test cassette na hawak mo. Kapag two lines ang lumabas ibig sabihin no'n ay buntis ka. Kapag isang linya naman ibig sabihin negative,” tuloy-tuloy na pagpapaliwanag ni Liz.

“Mas accurate ang resulta niyan kung madaling araw mo 'yan gagawin. Pero pwede na rin naman ngayon. Marami naman kaming PT na binili,” si Belle.

Liz was pouting her lips while staring tauntly at Belle. “Bakit alam mo 'yon Belle. Have you tried it by yourself?”

Ginantihan siya ng matalim na irap ng katabi.

“You can Google it!” the response of Belle as she laughed sarcastically.

Dagli akong pumasok sa loob ng cr upang makapag-test na ako. Nanghina ako nang may lumabas na dalawang linya.

Inulit kong muli ang pregnancy test. Pigil-hininga kong hinintay ang magiging resulta hanggang sa unti-unti na namang lumilinaw ang ikalawang linya sa pangalawang PT cassette na ginamit ko. Hindi pa rin ako nakuntento nag-try pa ulit ako sa ikatlong beses.

Naubos ko na ang sampu na PT kit na dinala ko rito sa loob ng cr. Nagbabakasakali pa rin kasi ako na baka may factory defect o pumalpak lamang iyong mga nauna. Halos mahilam na ang mata ko dahil sa walang humpay na pagdaloy ng mga luha ko. Ibinaba ko ang cover ng toilet bowl at kaagad akong naupo roon. Sapo-sapo ko ang aking noo habang wala akong tigil sa pag-iyak.

Two lines talaga!

At isa lang ang ibig sabihin no'n...

Buntis ako!

Related chapters

  • The Bachelorette   Chapter 4 - Runaway

    "Couz, okay ka lang ba riyan?""Ano couz magiging ninang na ba ako?" Mahihimigan ng pananabik ang sunod-sunod na paraan ng pagtatanong na iyon nina Liz at Belle. Sa tingin ko ay nakasandal sila ngayon sa labas ng pinto.Marahan akong lumabas habang pinupunasan ko ng tissue ang mga mata ko. Nag-aalalang tingin ni Liz ang sumalubong sa akin. "Why are you crying?" maagap niyang tanong habang inaalalayan ako sa aking braso.

    Last Updated : 2020-08-26
  • The Bachelorette   Chapter 5 - The General Manager

    Ayon kay Liz tatlong araw pagkatapos ng bridal shower ko ay bumalik na raw si JD sa Cebu. Well, I also have done my research about my child’s father. Through the internet, nalaman ko na pagkatapos pala niyang maka-graduate sa US four years ago ay sa Cebu na talaga siya namalagi para pag-aralan nang husto ang pamamahala ng hotel na pagmamay-ari ng kanilang pamilya - angMidland Hotel. Naging maayos naman ang naging flight ko papuntang Mactan-Cebu International Airport. Mayroong coaster vanna nakaabang sa mga guest na magmumula sa airport papuntang Midland Hotel. Sa bilang ko ay nasa walo kaming guest na nasa loob nang nagsimulang magbiyahe ang van paalis ng airport. Buwan na kasi ng Hulyo kaya hindi na kasing dami noon

    Last Updated : 2020-08-26
  • The Bachelorette   Chapter 6 - Arranged

    “Henry, pakisabi sa sekretarya ko na i-cancel ang meeting ko sa mga taga-Avaya Land Corporation,” ma-awtoridad na pag-uutos ni Joaquin sa kanyang bodyguard. Mabilis namang tumango ang kausap.“Please tell her that an emergency came up,” pagpapatuloy pa niya gamit ang seryosong mga mata.Bahagyang kumalma ang kaninang mabigat na emosyon ko. Ngunit alam kong hindi pa muna ako dapat magpakampante. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa magiging pag-uusap naming dalawa.

    Last Updated : 2020-08-26
  • The Bachelorette   Chapter 7 - Party

    Labis ang nararamdaman kong pagtutol sa planong iyon ng daddy ni Joaquin. Seryoso ang reaksyon ng lahat habang kumakain na kami ng tanghalian. Gusto kong sabihin sa kanila ang tunay na saloobin ko ngunit hindi ko maituloy-tuloy ang pagsasalita dahil sa takot kong mapagalitan ng mga magulang ko.I grew up in a conservative family. For years, my parents were protecting their good image in the eye of their business partners. Kaya naman malaking eskandalo para sa aming pamilya ang naging sitwasyon ko ngayon. Hindi na ako magtataka kung ang pagpapakasal ko sa tatay ng ipinagbubuntis ko ang isang epektibong solusyon na maiisip nila.

    Last Updated : 2020-09-15
  • The Bachelorette   Chapter 8 - The Marketing Manager

    Natigil ang malagkit na pagtitinginan nina Joaquin at noong babae nang sinimulan na ang Invocation na pinamunuan ng isang pastor. Nagsitayo ang lahat para makiisa sa pagdarasal. Pagkatapos ng opening prayer ay nalunod na naman ako sa malalim na pag-iisip tungkol sa kung anong mayroon sina Joaquin at ang babaeng katitigan niya kanina.Those passionate stare from the two will make anyone who witnessed it thinks that they are into a sensual relationship. Hindi nga kaya karelasyon siya ni Joaquin?

    Last Updated : 2020-09-15
  • The Bachelorette   Chapter 9 - Vomit

    She was married! Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabing iyon ni Manang Maria. Kung tama nga ang kutob ko na may relasyon silang dalawa ibig sabihin lang no’n ay... Kabit ni Lucy si Joaquin! Masyado ng imoral ang mga bagay na pumapasok ngayon sa isip ko. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ayokong magpaka-stress pa dahil doon. Siguro ay kailangan ko na lang hayaan na lumabas ang katotohanan sa tamang panahon.Bandang alas sais ay

    Last Updated : 2020-09-15
  • The Bachelorette   Chapter 10 - Dismay

    Ang presensya ni Manang Maria rito sa loob ng penthouse ni Joaquin ang nagsilbing distraction ko. Kahit mahirap, wala akong ibang dapat gawin kundi ang piliting mag-move on at tanggapin na lang na hindi talaga siguro kami ni James ang nakatadhana para sa isa't isa."Naibalita sa akin ni Henry na lasing na lasing daw si Sir kagabi."Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Manang; abala siya sa pagsasalin ng orange juice sa aking baso. Agad akong tumango."Opo, n

    Last Updated : 2020-09-15
  • The Bachelorette   Chapter 11 - Dinner

    Pagkatapos ng misa ay nagtulos kami ng kandila sa gilid ng basilica. May ilang nagtitinda ng kandila ang nag-aalok ng padasal sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Sinulog ritual. Pagkalabas namin ng simbahan ay nilakad namin ni Manang ang daan papuntang Plaza Sugbo; hindi ito kalayuan mula sa basilica. Dito raw matatagpuan ang isang chapel kung saan naroroon ang replica ng makasaysayang Magellan’s cross. Nakakahanga dahil na-preserve talaga ng lungsod ang history ng lugar na ito sa kabila ng modernisasyon ng makabagong panahon. Dahil sa ginawa naming pamamasyal kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman kong pagkainis kay Joaquin ka

    Last Updated : 2020-09-15

Latest chapter

  • The Bachelorette   Special Chapter

    Joaquin Del Mundo“Putsa talo!” matunog na mura ng katabi kong si Jeff. Malaki ang ngisi ni Mark habang pinapasadahan ng tingin kami isa-isa.Mga kaklase ko sila noong highshool sa isang international school. Kahit na sa ibang bansa ako nag-aral ng kolehiyo ay hindi pa rin nito natibag ang matibay naming samahan.

  • The Bachelorette   Epilogue

    Ang isang linggong bakasyon ko ay tumagal pa. Halos magtatatlong linggo na ako ngayon dito sa Cebu. Ipinasyal ako ni Joaquin sa iba pang sikat na tourist destination dito. After our trip, we both stayed at Midland Hotel’s penthouse.I could clearly remember the day when I stepped in again on the penthouse. Sobrang salungat iyon sa naging emosyon ko nang nilisan ko ito ilang taon na ang nakalilipas. Kung noong umalis ako ay puno ng galit ang aking puso ngayon naman ay walang pagsidlang kaligayahan ang nadarama ko.

  • The Bachelorette   Chapter 33 – Ten Thousand Roses

    Sabi nila ang isang tao raw na malapit nang mamatay ay nakakakita ng mga yumao nilang kamag-anak.Siguro nga patay na ako dahil sa pagrehistro naman ng imahe ni Daddy ngayon sa harapan ko nang ako’y muling dumilat. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Dinampian niya gamit ang

  • The Bachelorette   Chapter 32- Sorrow

    Hindi ko na alintana ang ginagawang pagtawag sa pangalan ko nina Troy at Elisse. Mabilis akong nagtatakbo pabalik ng ospital. Panay pagdausdos ng mga luha ko sa tuwing inaalala ko ang mga huling salitang binitiwan ni Mommy sa akin kanina.Halos hawiin ko ang mga taong nakakasalubong ko makarating lang ako agad sa elevator ng ospital. Ngunit hindi pa ito nakakababa sa groundfloor nang makarating ako. Dahil dito ay tinakbo ko kaagad ang kinaroroonan ng hagdanan.

  • The Bachelorette   Chapter 31 - Darkness

    “Denise?” Tila mapupugto ang aking hininga pagkabanggit ni Joaquin sa pangalan ko.“Why are you calling?” nag-aalala pa niyang tanong. I cleared my throat. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para makapag-usap kami ng maayos. Pero tila unti-unti akong nawawalan ng lakas na ituloy pa ang mga sasabihin ko.

  • The Bachelorette   Chapter 30 – Distance

    Maingat ang paraan ng paghalik ni Joaquin sa akin. Tila nanantya sa mga susunod niyang gagawin. My mind was clouded with different things. Bakit nangyayari ito? Bakit niya ako hinahalikan?Tinulak ko siya nang malakas. “Joaquin what are you doing?” naiinis kong utas.Hindi siya

  • The Bachelorette   Chapter 29 – Dance With My Father

    Pagkakain namin ni Christian ng lunch ay bumalik na ako sa aking opisina. Tumambad sa akin ang napakaraming for approval na folder na nakapatong sa ibabaw ng office table ko.“Rose,” pagtawag ko sa aking sekretarya.

  • The Bachelorette   Chapter 28 - Walk Out

    Maingat kong itinaas mula sa aking likod ang zipper ng suot kong pink pleated dress. Pagkaraan ay nag-retouch na ako ng aking make-up. Alas singko ako nag-out sa opisina kanina. Umuwi muna ako ng bahay para makapagpalit ng damit. Sa loob ng limang taon ito ang maituturing kong “first formal date.”Nagpa-reserve ng dinner si Christian sa Sofitel. Alas siyete ang usapan naming dalawa kaya naman agad na rin akong bumaba pagkatapos kong mag-ayos.Pagdating ko sa sala ay tumaas ang kilay ko nang makita kong bihis na bihis ang aking anak. Nakasuot siya ng asul na polo shirt, itim na pantalon at itim

  • The Bachelorette   Chapter 27 - New Guy

    Mabilis ko silang nilapitan. Mabibikas ang pagkabigla ni James sa mga nagaganap. Sapo niya ang isang pisngi na tinamaan ng malakas na suntok ni Joaquin. Sa kabila noon matatalim na titig ang ipinipukol sa kanya ng kaharap. Patakbong dinaluhan ni Lauren si James na labis ding nabigla sa mga nangyayari.Akmang susuntukin ulit ni Joaquin si James ngunit naunahan siya ng huli. Inundayan ni James ng isang solidong suntok si Joaquin sa pisngi. Mukhang napuruhan niya ito. Pumutok ang ibabaw ng labi ni Joaquin dahil dito.

DMCA.com Protection Status