Share

Kabanata dalawampu't tatlo

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Sumagi nalang sa isip ko bigla ang nangyari kagabi. Tiningnan ko ang aking katawan na ngayon ay may suot nang isang kulay puti na oversized T-shirt. Si Karlos siguro ang nag-suot sa akin nito. Nahiya naman akong ngumiti na parang kinikiliti.

Binuklat ko ang kumot para matingnan kung may suot ba ako sa ibabang parte ng katawan ko. Nagulat nalang ako na may panty na pala ako. Si Karlos na naman 'to. Napasapo nalang ako sa noo ko na kinikilig. Umagang kinikilig.

Bumangon na ako at saka tumayo para hanapin si Karlos. Lumabas ako ng kuwarto at naamoy ko 'yong amoy ng sibuyas at bawang na ginigisa. Tapos nakita ko si Karlos na nakatalikod ngayon habang nagluluto. Kinikilig na naman ako. Nakasuot ito ng kulay puti na sando at boxer short. Ang laki ng mga muscles n'ya. Ngayon ko lang nahalata. Malaki ang pinagbago ng katawan n'ya ngayon kumpara dati.

“Gising ka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status