I am still in the hospital for a week. Doctor Li did not check on me every other day siya pumupunta para suriin ako at makahingi ng personal updates sa mga nurses ko.Ngumiti lang ako ng tipid kay Sandler habang kinakausap ako ni Doctor Li tungkol sa condition ko. It’s friday today kaya bumisita si Sandler. I know how busy he is because he just came back from the convention.Marami siyang inaasikaso, but he will find time to visit me. She's with Louise pero lumabas muna para magbanyo kaya naiwan kami ng kapatid niya sa kwarto.Lumabas din ang mga nurses ko para bigyan kami ng privacy. Nakaupo si Sandler habang nagbabalat ng orange para sa akin. Nakasandal lang ako sa headboard ng kama habang nanunuod ng TV."P'wede ka nang lumipat sa ibang hospital, Ava. I have contacted the Santiago Medical Hospital about this. Tatawagan nila si Doctor Li para ma-i-transfer ka na. I am not comfortable that you are staying here," sabi niya na nagpakunot ng noo ko."Why?" I whispered.He looked at me.
I believe something is wrong with me because I observe myself whenever he's around. Noong una, hindi ko pinag-isipan ng mabuti, pero umabot na sa limang beses kaming nagkita, iba ang kabog ng dibdib ko.Nahihirapan pa rin ako na mag-focus. I am still repeating questions kasi hindi ko naka-catch up agad or minsan magsasalita ako na nasabi na pala kanina pa ng kausap ko."Hanggang kailan ba ako ganito?" I whispered and sounded like I am stressed with my situation.Nilingon niya ako saglit bago ibalik ang tingin sa mga bulaklak. Every morning, Doctor Li would visit my room to check on me. Sinasamahan niya na rin ako na magpahangin sa garden. This is the fifth time that I am with him in the garden area.May ibang mga pasyente pero malayo naman sa amin."Some patients recover their memories after two months or more. May iba na taon. It depends on your body," sagot niya at sumimsim ng kape na hawak nito kanina pa.Huminga ako ng malalim. Medyo atat na akong bumalik sa dati at may kaba na ba
BAWAT galaw ko ay pino at aral. Tila ba ayoko na may makita siyang mali sa kinikilos ko at gusto kong perfect ang lahat. I am so conscious that I even touch my shirt repeatedly, masiguro ko lang na maayos iyon. What the hell is wrong with me? "Are you okay?" He looked at me weirdly. Umiling ako at sumunod lang sa kanya. "So... welcome to my penthouse," He said huskily. It gives me a shiver down my spine. Ganoon ang epekto niya sa akin lately, and I don't know if I hate myself for being like this. His penthouse amazed me. It was huge for a person to live here alone. I could even tell that the furniture and figurines were expensive. Paano? It has a touch of gold. It's white but with gold accent. The walls and stairs are made of glass! Nakita ko iyon sa mga napapanuod kong video ng mga bahay ng mayayaman sa internet. Of course, Doctor Li will not gonna buy fake things. Marami silang pera kaya sisiw lang ang bumili ng mamahaling gamit. "My helpers come here every Sunday to clean
NAKATULOG ako kahit na hindi naman ako puyat. Marahil ay sa lambot ng kama kaya nahatak ako sa pagtulog. Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog no'n pero hindi naman kasi ako ginising ni Blaze.Inasikaso ko na lang ang gamit ko at nagpalit ng damit. I planned to bring some of my clothes here pero iniisip ko pa kung paano. Kung commute ba or ipapa-deliver ko. Hindi rin kasi ako sanay sa mga damit na nakalagay sa closet.Masyadong mamahalin at hindi ganitong mga damit iyong sinusuot ko. Most of the clothes are revealing."Ang igsi..." bulong ko habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin.I chose a simple one, yet the cut was too high for me. Panay ang hila ko ng tela pababa dahil kapag tumuwad ako ng kaunti ay makikita na yata iyong puwitan ko.Bumuntong-hininga ako at tinignan ang ibang damit na nasampay sa closet. Susuotin ko ba talaga ang mga 'yan habang nandito ako?"Ava?"Napatuwid ako ng tayo at napatingin sa pinto."Yes?"Kasunod niyon ay ang pag-ikot ng seradura at
SINUNOD ko siya at tingin ko naman na dapat ko iyong gawin para gumaling ako agad at makabalik sa normal kong buhay. After that awkward dinner, ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan namin. Ito iyong matutulong ko sa kanya ngayon dahil libre naman lahat ng pagtira ko."I will let you do this once pero hindi na sa susunod. That's my chef's job."I agreed. Ang yaman niya, may sarili siyang chef. Iyong gigising ka na lang para kumain. Ginagawa ng ibang tao ang lahat para sa 'yo. Natatakot pa akong mabasag ang mga pinggan dahil baka hindi ko 'yon mabayaran.Mamaya higit pa sa alam ko iyong presyo ng bawat baso at plato niya. Kulang pa iyong nasa bangko ko para ipambayad. Hindi ko na siya nakita matapos niyon. Siguro nagpapahinga na sa kuwarto.I decided to spend the entire night sa k'warto. Wala rin naman akong makakausap kasi nga kami lang dalawa dito at mukhang busy na siya. I took a warm bath before going to bed. Nagtagal ako sa bathtub kasi super relaxing. Nakaidlip nga ako
NANATILI akong nakaupo ng tuwid habang marahang inaalis ni Blaze ang benda sa ulo ko. Lagi na lang na kapag nariyan siya ay ang awkward ng paligid."Can you open the TV?"Natigil ito saglit sa pag-alis ng benda ko at ramdam kong napatingin siya sa akin. Ang mga mata ko ay nananatiling nasa harap ang tingin.I just wanted some noise so I couldn't feel the awkwardness in the air.Hindi siya nagsalita pero sumunod siya sa gusto ko na buksan ang TV. Turkish drama pa nga yata ang palabas pero okay na rin dahil may subtitle.Binalikan niya iyong ginagawa niya at nanatili akong tahimik. I can feel his breathing. Kinakabahan ako dahil ang lakas ng tibok ng puso ko at nag-aalala na baka naririnig din niya ‘yon.I don’t know what to do if he notice that I am nervous. Pinipilit ko na huwag ipahalata iyon.Natigil ako sa paghinga dahil sa mas lumapit siya sa akin. Saglit akong napakiling sa ibang direksyon."Don't move…" He whispered.Napagalaw kasi ako. I bit my lower lip and obeyed him. Pinahir
I can't remember when was the last time I felt this kind of nervousness. Iyon bang takot akong mahuli sa kasalanan na aking ginawa. Nanghihina ako pero frustrated at the same time. Sitting on the ground for how many minutes still won't make me calm. I could feel my body shaking, and I couldn't think straight! "Ava?!" Nagulat ako sa malakas na sigaw mula sa labas. Medyo nawalan pa ko ng balanse ng tumayo. Even though I am familiar with the voice, I still found myself looking at the peephole. I sighed in relief when Blaze was outside and waiting for me to open the door. Mabilis kong binuksan ang pintuan. "A-" Hindi natapos ang sasabihin niya dahil bumukas agad ang pinto. Nakakunot pa ang noo niya at mukhang problemado ng pagbuksan ko. He didn't say a word and quickly entered his penthouse without breaking our eye contact. I stepped back and heard a click which means he closed the door. "Are you okay?" That was the first word he said. I don't know why he asked me or maybe... maybe
HE'S not here, and his staff didn't know his whereabouts either."I am here to do my job, Ms. Ava. I don't know where Mr. Li is."Umalis ako sa kusina na bagsak ang balikat. It was my last resort to ask him because I can't see any trace of Blaze in his penthouse. Nagkulong na lang ako sa kuwarto. Ako na rin naglinis ng sugat ko at nagbasa para makatulong sa analytical skills ko dahil nahihirapan ako na makapag-isip ng maayos o ma-digest lahat ng information kaya di rin ako makapagdesisyon.Another two days passed, and I was used to always looking at his room, thinking that he was there or perhaps he slept there and went to work in the morning. Iyong hindi ko na napansin kasi sobrang aga rin niyang umalis.Panay ang buntong-hininga ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Before, I hated being alone but got used to it because I had no choice. Everyone has already left. It's been years and now I'm starting to feel what I felt before when I lose my parents. Mag-isa na naman ako.Is it p
I swallowed hard. "I'm confessing, Ava. Right here... In front of you. I like you," he said without leaving his eyes to mine. Nakaka-magnet ang mga mata niya at kahit sinasabi ng utak ko na umalis sa harap niya at iwasan ang malamlam na mga mata nito ay hirap kong magawa. Ang tindi ng kabog ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko. In just a snap, tinawid niya ang ilang pulgada na distansya namin. Hindi ko malaman saan ipipirmi ang mga mata dahil sobrang ilang ko sa kanya. "Do you want me to show how much I like you? I can see that you still don't believe me..." he said huskily. Wala akong masabi dahil nagbuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko. Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig kahit kunot ang noo. Maya-maya pa ay napaurong ako dahil mas humakbang siya palapit sa akin at nanuot na sa ilong ko iyong panlalaki niyang pabango. I got goosebump when he touched my chin. Awtomatiko ko iyong tinampal sa gulat at habol ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nabut
HINDI ko agad maproseso ang lahat ng sinabi ni Sandler sa akin. Nakadalawang ulit pa siya sa akin na nahuli ang bunsong kapatid ni Blaze.Kabado ako lalo na ang buong atensyon ni Blaze ay nasa amin na. He's really listening to our conversation!I swallowed hard."A-are you sure? Blaze is the youngest--"He cut me off. Umiling ito."Look. This is their illegitimate child, Ava. They hide him because he's a black sheep in the family. Here, read this," sabi nito at inabot sa akin ang cellphone na karugtong ng balita na binabasa ko kanina.Pigil hininga ako habang binabasa iyon pero nagulat ako ng biglang nawala ng cellphone na hawak ko."Stop damaging our reputation in her mind. I don't have a half-brother at lalo na lulong sa droga. Get up, Ava. Don't listen to this guy, and let's go home," nagtangis ang bagang niya at madilim ang anyo ng hilain ako patayo.Unang beses iyon na pinuwersa niya ako na para bang nawala ito sa huwisyo. Naalarma ako lalo na si Sandler na tumayo at hindi na map
I don't have the chance to answer his call. Nag-iwan na lang ako ng text kay Sandler to tell him I'm on my way. Nang huminto ang sasakyan sa parking ay binalingan ko siya.Nag-aalangan ako na sabihin sa kanya na huwag nang sumama sa loob or kung kakain siya ay sa iba naman siguro siya uupo?Abala ito sa pag-alis ng seatbelt at napansin yata na nakatingin ako."Spill it.""You're going to eat alone, right? I mean--""Yes. Don't worry, I will not disturb you on and your date, if that's what you want," suplado nitong sabi at binuksan ang pinto. Hindi man lang ako binigyan ng chance na sumagot. Sumunod ako sa kanya at medyo nairita dahil sa pagsusuplado sa akin.Ganunpaman, inantay niya ako para sabay kaming maglakad. Now that I'm with him, ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin.He can steal any woman's glance, and captured their hearts. He's like a walking Greek god. Iyong tipong kayang-kaya niyang paluhurin ang lahat.I cleared my throat.Nakaramdam ako ng awkwardness habang tuma
I have no appetite for dinner yet I still tried to eat even just a little. Hindi na rin naman niya ako pinilit na kumain ng marami. Marahil ay sapat na sa kanya na pumayag ako sa gusto niyaThe following day, I woke up because of Sandler's call. Alas-siete pa lang ng umaga ay tumawag na siya just to check if he can still call me through my number."I'm really sorry! I don't mean to wake you up this early. I just want to make sure that your phone will still ring. Maybe, I'm just paranoid.""It's fine. Babangon na rin naman ako. Hindi na ko naka-reply din kagabi. I fell asleep. But yeah... let's meet at Marriot Hotel for lunch."I can sense Sandler's happiness over the phone."Yeah! Yeah... Let's see each other later. I won't take much of your time. Have breakfast, and whenever you want to talk to me, you can call or text me anytime, Ava.""Yup, I know. Thank you Sandler..." maos kong sabi bago ito nagpaalam at ibinaba na ang telepono.Naghanda ako para sa lakad ko mamaya. Hindi ako sum
WALA akong ganang kumain matapos ang lahat. I locked myself in my room while listing the things that I need to request to get a new copy. Ang hassle sa totoo lang. My birth certificate, diploma, everything... nawala na.He's home.Hindi na ko nag-abala na lingunin ang pinto nang kumatok siya. Pasado alas-nuebe na. Kauuwi lang kaya niya?"Sorry to disturb you, but I heard you haven't eaten dinner yet?"Hininaan ko ang volume ng pinapanuod kong movie bago ko siya binalingan na pumasok na pala sa loob at may bitbit nang tray. Nanuot tuloy sa ilong ko iyong aroma nang pagkaing dala niya."I brought you dinner. Bakit hindi ka kumakain?" Blaze asked softly, which I feel so weird.Para akong may kausap na ibang tao. Blanko ang ekspresyon ko nang tignan siya."I'm full," paos kong sabi.Pinanuod ko siya na nilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya umuwi. Basa ang buhok niya at halatang katatapos lang maligo. He's wearing a muscle-tee and cotton shorts. Napako ang mga mata ko sa mus
"BAKIT?" tanong nito dahil nakatitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagka-ilang sa kanya."Pinakialaman mo ba 'yong phone ko?" I asked while looking at him.Tinawanan lang ako nito pagkatapos ay binalik ang mga mata sa daan."No. Why would I? I kept that thing in my drawer," simpleng sagot lang nito.Saglit ko pa rin siyang pinagmasdan habang nanliliit ang mga mata at mukhang naramdaman niya 'yon kaya sinulyapan niya pa ako ulit."Why? What's the problem?"Tamad akong bumaling sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Hindi pa nga yata ako magaling. Hindi ko kasi matandaan na nilagay ko sa block list ang numero ng pamilya ni Sandler."I remember some memories now, but is it possible that there's an occurrence that I still can't remember?""There's a possibility since hindi pa naman talaga matagal no'ng huli kang naoperahan. Katulad ng sabi ko sa'yo noon, it may time time. Maybe months... or years."Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita. Kung ganito ang sitwasyon ko na hindi
KAHIT alam ko na kung anong nangyari sa unit ko ay hindi pa rin ako makapaniwala ngayong nakita ko ang mga pictures. It's really true! Nasunog ang condo ko.Para akong sinikmurahan at tinamaan agad ng matinding lungkot. I work hard, so I could pay for it and have a comfortable life pero sa isang iglap... nawala lahat.Nag-unahan na sa pagpatak ang aking mga luha. NAnghihinayang ako sa mga napundar ko at hiundi lang iyon. Kundi ang mga gamit ko... mga ala-ala ko kay papa maging no'ng bata pa ako. Lahat 'yon naglaho na?I was crying my heart out when the door opened. Mabilis akong tumalikod para maitago ang mga luha kaso ay halatado dahil sa bawat paghikbi."Are you okay? What happened?" tanong ni Blaze at ang boses ay may bahid ng pag-aalala.As much as I wanted to hide it from him, it was pretty obvious, especially that he was beside me."Why are you crying?" tanong pa niya habang nakadungaw sa akin pero ako ay panay ang talikod para maitago sa kanya ang luha. Nahihiya ako na makita n
HINDI ako pinatulog ng antisipasyon dahil unang beses akong lalabas ulit simula ng nanatili ako sa penthouse niya. I am not used to be with him outside. Kaya hindi ko ma-imagine ang sarili kung anong itsura ko mamaya na kami lang dalawa ang magsisimba.I am wearing a white below the knee dress and it matched with my white doll shoes too. Natigilan ako dahil hindi ko alam kung anong isusuot ko para matakpan ang aking ulo na may bandage pa. I'll catch the attention of other people if I'll go out like this."Huwag na lang kaya ako umalis?" I sighed in disappointment.I really want to visit the church today, but I don't feel my look.Napalingon ako sa katok sa pinto and niluwa roon si Blaze na may bitbit na malaking box."I'm sorry to disturb you. I just want to give you this," anito at minuwestra ang box na bitbit.Tumayo ako para salubungin siya at inabot nito sa akin iyong box."What's this?" I asked and tried to shake the box to guess what was inside—medyo mabigat siya.I somehow felt
UMIWAS ako sa kanya at ilang araw ko na rin itong ginagawa. Posible pala 'yon kahit dito ako nakatira. Hiyang-hiya ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko nang magdeklara siya.I shut my eyes. I can't even believe it. For me, it feels like Blaze found a new toy in me. Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa ng pamilya niya sa papa ko? Tapos heto ako at walang magawa kundi sumunod sa gusto niya kaya nandito ako ngayon sa poder niya?Trip pa niya ako ngayon?I sighed and slowly opened the door. Sumilip muna ako kung may ibang tao and when I am sure that there's none. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at dire-diretso sa dining area. I know that he's done eating his lunch. Pasado ala-una na kaya malamang kumain na siya.Simula nang huling pag-uusap namin ay hindi na iyon nasundan dahil sinikap kong nasa kuwarto palagi. Thankful nga lang na hindi niya ako kinukulit.Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala ngang tao at may pagkain na.Bawat galaw ko ay may pagmamadali dahil ayoko na m