I didn't expect that the moment he dropped the call, he was now on his way to my condo. Naabutan niya akong hindi naman na nagsusuka pero masakit ang ulo."You look really sick!" He snapped."Pasok ka muna..." maos kong sabi at nilakihan ang bukas ng pinto."Did you take meds? Baka sira ang manok na niluto mo? Maybe the condiments?" sunod-sunod na tanong nito."Huh?"Narinig ko siya pero hindi ko alam ang isasagot. Para akong lutang. Tinignan niya ako ng may pag-aalala."Magpa-check up ka na. I am scared that you got food poisoned."Umiling ako at lumapit sa sofa. Hindi ko na siya nayaya na umupo at nauna pa nga ako sa kanya. I need to lay down my back for a moment. Hindi ko kaya magtagal ng nakatayo."Uminom na ko ng gamot," sagot ko na malayo sa sinabi niya. Ipinikit ko ang mg mata."Are you scared in the hospital? Bakit ayaw mo? Ilang beses ng masama ang pakiramdam mo. And now, kung food poisoned 'yan. Dapat matignan ka agad ng doktor."Umungol lang ako at hindi na nakipagtalo sa k
I was accompanied by Sander's mom the next day. Louise and Sandler called this morning to check on me bago kami nagpunta sa hospital. Nalulunod ang puso ko sa tuwa dahil sa suporta ng pamilya. Habang buhay ko yatang tatanawing utang na loob itong mga tulong nila. Waang katumbas na kahit ano ang ginawa nila para sa akin. "Can I come with her?" Tita asked the nurse when they wanted me to enter the doctor's office. Tapos na lahat ng test at babasahin na ng doktor iyon para sa akin. Napatingin ang nurse kay Tita. "Itatanong ko po kay Doc," aniya bago kami iwan. "Okay lang ako, Tita. Kaya ko po kahit ako lang mag-isa," sabi ko dahil alam kong nag-aalala lang siya kaya gusto nitong sumama. Hinawakan niya ang kamay ko. I couldn't look her in the eyes as she noticed my hands were cold because of nervousness. "Are you sure?" she asked softly. "Miss Dizon?" Nilingon ko ang nurse na tumawag sa akin sabay baling kay Tita. "Kayo lang daw po sabi ni Doc." "Okay lang po. Ako na," ulit ko. M
DOKTOR siya at alam niya kung sino ang makakatulong sa akin kaya niya ako ni-re-refer kay Blaze. Parang katulad din sa amin na ipinapasa nila sa akin ang ilang legal case na kung saan doon ako magaling at marami nang naipanalo.Hindi mag-sink in sa utak ko na darating ang panahon na kakailangan ko siya. Kakailanganin ko ang tulong ng isa sa miyembro ng pamilya ng pumatay sa tatay ko.Inaayos ko pa nga ang kaso ni Papa pero heto at hindi ko na maipagpapatuloy muna dahil sa sakit ko at ang mahirap pa doon ay kayang gumamot sa akin ay ang tulad niya?I gritted my teeth.Kaya imbes na bumaba ako sa tapat ng tower ay nanatili ako sa bus para bumaba naman sa malapit pang hospital sa tower."Ms. Ava Dizon?"Tumayo ako nang tinawag ako ng nurse."Pasok na po," sabi ng secretary ng doctor.I need to check if another doctor can do the operation for me. Hinding-hindi ako pupunta sa hospital nang mamatay tao.How dare their family build a business like that when they are the ones who killed peopl
NAGMATIGAS ako. Hindi ko sila sinunod. Sa ilang araw na hindi ako nagpunta sa hospital na 'yon ay inabala ko ang sarili sa pagtawag sa mga hospital para magtanong kung sino ang neurosurgeon na available para sa operation ko pero ni isa ay wala."No. You can stay there and take rest. Hindi mo kailangan pumasok. Louise and Kael can handle the cases. Huwag mo ng isipin iyon," ani ni Sandler during our video call.I requested to go to work despite my situation. Hindi ko masyadong inisip iyong kondisyon ko kasi gusto kong maiba ng paligid. Ayoko na sa condo at lalo yata akong magkakasakit."Why? Do you think you can work with that kind of state? Hindi ka na ba nagsusuka at sumasakit ang ulo mo?""Medyo..." mahina kong sagot at iniwas ang tingin. Nakasandal ako sa sofa habang kausap ko siya. Bukas ang TV at hinahayaan ko lang ang ingay na galing doon dahil pakiramdam ko mababaliw ako sa tahimik ng condo. Ngayon lang ako nagtagal ng ganito.I don't want to disturb my friends or si Tita dahi
KUNG magpapagamot ba ako sa kanya, magagalit kaya ang magulang ko sa akin? Nakakatawang tanong dahil alam kong patay na sila pero nahihiya ako na hihingi ako ng tulong sa kaaway. Sa taong dahilan kung bakit wala akong tatay.I silently wished that this was just a dream. Iyong bangungot na p'wede akong magising. Hirap pa rin kasi akong tanggapin ang sitwasyon ko at ang pride ko ang humaharang sa akin para magpa-opera.May plano pa akong kalabanin ang pamilya niya pero heto ako at lalapit sa kanya?Last night was the hardest decision I made when I finally decided to consult him about my sickness. Sabi ng doktor ay huwag akong magpaka-stress. Iwasan ko iyon at umiyak dahil baka lumala naman ang kondisyon ko.Ang hirap naman gawin dahil emosyon ko ito. I can't control what I feel because I am in this kind of situation. Kahit na sinong tao ang tanungin, pareho lang kami ng mararamdaman.Nagkatinginan kami ng guard ng hospital. Pagkuwa'y lumapit na siya sa akin."Maam, kailangan niyo po ng
WALA siya nang pumasok ako. Ganunpaman, hindi nawala ang grabeng kaba ko. I slowly sat down on the vacant chair. May isa pang pinto at tingin ko naman ay naroon yata siya. I am sure that I will wait for him here dahil iyong pangalan niya ay naka display sa ibabaw ng lamesa. Doctor Axl Blaze Li Neurosurgeon My hands are sweating. Nakatitig lang ako sa sahig. Para bang ayaw kong iangat ang mga mata ko. I closed my eyes and trying to calm myself down. "Good afternoon, Ava." I opened my eyes when I heard a man's deep tone of voice. Iyong para akong nakikinig sa DJ sa radyo. My heart thump like crazy. Dahan-dahan pa akong bumaling sa kanya. His dark brown eyes met mine, giving me a shiver down my spine. I was lost for words. He gave me a cold stare at nakita ko iyong tila ba may warning na ang binibigay niyang tingin sa akin. Makapal ang kilay niya. Matangos rin ang ilong at makipot ang labi. Malinis ang mukha niya at ni isang bigote yata ay wala akong nakita. He could pass as a gre
THERE are still evil people living in this world and this doctor is living proof that they are here. Napakasama niyang tao. I can't imagine how their life is. I bet they are all miserable."You have just revealed the truth. Don't you know that? If you and your family are innocent, why bother to ask me to stop digging more regarding the case? Why? Kasi totoo, hindi ba? You are scared that one of the members of your family might end up in jail and now you are using your power to stop me? You are pathetic."I looked at his eyes with so much anger. Titig na titig din siya sa akin at pilit kong nilalaban ang intensidad niyang tingin dahil ayoko sa lahat ang magpapatalo.Ramdam ko iyong pamumula nang buo kong mukha sa galit. Unti-unti ko na naman nararamdaman ang sakit ng ulo ko."Wala akong inaamin, Ava. I don't want any gossip and don't taint my family's name. Matagal nang sarado ang kaso at dapat mong tanggapin kung anong resulta. Whatever you do, you're not gonna win."I gritted my teet
THE food looks appetizing. Though it makes me hungrier, I am still contemplating whether to eat that or not as it was served by my enemy. Bakit ganoon, lahat na lang siya ang kailangan ko.I hate that I really need him. I badly need him."If you feel uncomfortable eating because I'm watching, then I'll go now. I assigned two exclusive nurses for you in the meantime while I am away. I won't be able to see you tomorrow but I make sure to get updates to check on your conditions. Sa ngayon, dito ka muna para mabantayan ka. If you wish to go home, we'll let you sign the waiver because at this rate and as your doctor it is not advisable for you to go home yet. Hindi pa at lalo na wala kang ibang kasama."Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at binaling ang mga mata sa labas ng bintana. Hinayaan ko siyang magsalita at wala na kong lakas na makipagdiskusyon. Kinakain din ako ng hiya dahil unti-unti kong na-a-absorb na kailangan ko nga siya at naiinis ako na wala akong magawa."I'll leave
I swallowed hard. "I'm confessing, Ava. Right here... In front of you. I like you," he said without leaving his eyes to mine. Nakaka-magnet ang mga mata niya at kahit sinasabi ng utak ko na umalis sa harap niya at iwasan ang malamlam na mga mata nito ay hirap kong magawa. Ang tindi ng kabog ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko. In just a snap, tinawid niya ang ilang pulgada na distansya namin. Hindi ko malaman saan ipipirmi ang mga mata dahil sobrang ilang ko sa kanya. "Do you want me to show how much I like you? I can see that you still don't believe me..." he said huskily. Wala akong masabi dahil nagbuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko. Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig kahit kunot ang noo. Maya-maya pa ay napaurong ako dahil mas humakbang siya palapit sa akin at nanuot na sa ilong ko iyong panlalaki niyang pabango. I got goosebump when he touched my chin. Awtomatiko ko iyong tinampal sa gulat at habol ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nabut
HINDI ko agad maproseso ang lahat ng sinabi ni Sandler sa akin. Nakadalawang ulit pa siya sa akin na nahuli ang bunsong kapatid ni Blaze.Kabado ako lalo na ang buong atensyon ni Blaze ay nasa amin na. He's really listening to our conversation!I swallowed hard."A-are you sure? Blaze is the youngest--"He cut me off. Umiling ito."Look. This is their illegitimate child, Ava. They hide him because he's a black sheep in the family. Here, read this," sabi nito at inabot sa akin ang cellphone na karugtong ng balita na binabasa ko kanina.Pigil hininga ako habang binabasa iyon pero nagulat ako ng biglang nawala ng cellphone na hawak ko."Stop damaging our reputation in her mind. I don't have a half-brother at lalo na lulong sa droga. Get up, Ava. Don't listen to this guy, and let's go home," nagtangis ang bagang niya at madilim ang anyo ng hilain ako patayo.Unang beses iyon na pinuwersa niya ako na para bang nawala ito sa huwisyo. Naalarma ako lalo na si Sandler na tumayo at hindi na map
I don't have the chance to answer his call. Nag-iwan na lang ako ng text kay Sandler to tell him I'm on my way. Nang huminto ang sasakyan sa parking ay binalingan ko siya.Nag-aalangan ako na sabihin sa kanya na huwag nang sumama sa loob or kung kakain siya ay sa iba naman siguro siya uupo?Abala ito sa pag-alis ng seatbelt at napansin yata na nakatingin ako."Spill it.""You're going to eat alone, right? I mean--""Yes. Don't worry, I will not disturb you on and your date, if that's what you want," suplado nitong sabi at binuksan ang pinto. Hindi man lang ako binigyan ng chance na sumagot. Sumunod ako sa kanya at medyo nairita dahil sa pagsusuplado sa akin.Ganunpaman, inantay niya ako para sabay kaming maglakad. Now that I'm with him, ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin.He can steal any woman's glance, and captured their hearts. He's like a walking Greek god. Iyong tipong kayang-kaya niyang paluhurin ang lahat.I cleared my throat.Nakaramdam ako ng awkwardness habang tuma
I have no appetite for dinner yet I still tried to eat even just a little. Hindi na rin naman niya ako pinilit na kumain ng marami. Marahil ay sapat na sa kanya na pumayag ako sa gusto niyaThe following day, I woke up because of Sandler's call. Alas-siete pa lang ng umaga ay tumawag na siya just to check if he can still call me through my number."I'm really sorry! I don't mean to wake you up this early. I just want to make sure that your phone will still ring. Maybe, I'm just paranoid.""It's fine. Babangon na rin naman ako. Hindi na ko naka-reply din kagabi. I fell asleep. But yeah... let's meet at Marriot Hotel for lunch."I can sense Sandler's happiness over the phone."Yeah! Yeah... Let's see each other later. I won't take much of your time. Have breakfast, and whenever you want to talk to me, you can call or text me anytime, Ava.""Yup, I know. Thank you Sandler..." maos kong sabi bago ito nagpaalam at ibinaba na ang telepono.Naghanda ako para sa lakad ko mamaya. Hindi ako sum
WALA akong ganang kumain matapos ang lahat. I locked myself in my room while listing the things that I need to request to get a new copy. Ang hassle sa totoo lang. My birth certificate, diploma, everything... nawala na.He's home.Hindi na ko nag-abala na lingunin ang pinto nang kumatok siya. Pasado alas-nuebe na. Kauuwi lang kaya niya?"Sorry to disturb you, but I heard you haven't eaten dinner yet?"Hininaan ko ang volume ng pinapanuod kong movie bago ko siya binalingan na pumasok na pala sa loob at may bitbit nang tray. Nanuot tuloy sa ilong ko iyong aroma nang pagkaing dala niya."I brought you dinner. Bakit hindi ka kumakain?" Blaze asked softly, which I feel so weird.Para akong may kausap na ibang tao. Blanko ang ekspresyon ko nang tignan siya."I'm full," paos kong sabi.Pinanuod ko siya na nilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya umuwi. Basa ang buhok niya at halatang katatapos lang maligo. He's wearing a muscle-tee and cotton shorts. Napako ang mga mata ko sa mus
"BAKIT?" tanong nito dahil nakatitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagka-ilang sa kanya."Pinakialaman mo ba 'yong phone ko?" I asked while looking at him.Tinawanan lang ako nito pagkatapos ay binalik ang mga mata sa daan."No. Why would I? I kept that thing in my drawer," simpleng sagot lang nito.Saglit ko pa rin siyang pinagmasdan habang nanliliit ang mga mata at mukhang naramdaman niya 'yon kaya sinulyapan niya pa ako ulit."Why? What's the problem?"Tamad akong bumaling sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Hindi pa nga yata ako magaling. Hindi ko kasi matandaan na nilagay ko sa block list ang numero ng pamilya ni Sandler."I remember some memories now, but is it possible that there's an occurrence that I still can't remember?""There's a possibility since hindi pa naman talaga matagal no'ng huli kang naoperahan. Katulad ng sabi ko sa'yo noon, it may time time. Maybe months... or years."Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita. Kung ganito ang sitwasyon ko na hindi
KAHIT alam ko na kung anong nangyari sa unit ko ay hindi pa rin ako makapaniwala ngayong nakita ko ang mga pictures. It's really true! Nasunog ang condo ko.Para akong sinikmurahan at tinamaan agad ng matinding lungkot. I work hard, so I could pay for it and have a comfortable life pero sa isang iglap... nawala lahat.Nag-unahan na sa pagpatak ang aking mga luha. NAnghihinayang ako sa mga napundar ko at hiundi lang iyon. Kundi ang mga gamit ko... mga ala-ala ko kay papa maging no'ng bata pa ako. Lahat 'yon naglaho na?I was crying my heart out when the door opened. Mabilis akong tumalikod para maitago ang mga luha kaso ay halatado dahil sa bawat paghikbi."Are you okay? What happened?" tanong ni Blaze at ang boses ay may bahid ng pag-aalala.As much as I wanted to hide it from him, it was pretty obvious, especially that he was beside me."Why are you crying?" tanong pa niya habang nakadungaw sa akin pero ako ay panay ang talikod para maitago sa kanya ang luha. Nahihiya ako na makita n
HINDI ako pinatulog ng antisipasyon dahil unang beses akong lalabas ulit simula ng nanatili ako sa penthouse niya. I am not used to be with him outside. Kaya hindi ko ma-imagine ang sarili kung anong itsura ko mamaya na kami lang dalawa ang magsisimba.I am wearing a white below the knee dress and it matched with my white doll shoes too. Natigilan ako dahil hindi ko alam kung anong isusuot ko para matakpan ang aking ulo na may bandage pa. I'll catch the attention of other people if I'll go out like this."Huwag na lang kaya ako umalis?" I sighed in disappointment.I really want to visit the church today, but I don't feel my look.Napalingon ako sa katok sa pinto and niluwa roon si Blaze na may bitbit na malaking box."I'm sorry to disturb you. I just want to give you this," anito at minuwestra ang box na bitbit.Tumayo ako para salubungin siya at inabot nito sa akin iyong box."What's this?" I asked and tried to shake the box to guess what was inside—medyo mabigat siya.I somehow felt
UMIWAS ako sa kanya at ilang araw ko na rin itong ginagawa. Posible pala 'yon kahit dito ako nakatira. Hiyang-hiya ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko nang magdeklara siya.I shut my eyes. I can't even believe it. For me, it feels like Blaze found a new toy in me. Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa ng pamilya niya sa papa ko? Tapos heto ako at walang magawa kundi sumunod sa gusto niya kaya nandito ako ngayon sa poder niya?Trip pa niya ako ngayon?I sighed and slowly opened the door. Sumilip muna ako kung may ibang tao and when I am sure that there's none. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at dire-diretso sa dining area. I know that he's done eating his lunch. Pasado ala-una na kaya malamang kumain na siya.Simula nang huling pag-uusap namin ay hindi na iyon nasundan dahil sinikap kong nasa kuwarto palagi. Thankful nga lang na hindi niya ako kinukulit.Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala ngang tao at may pagkain na.Bawat galaw ko ay may pagmamadali dahil ayoko na m