Home / Romance / The Art of Deception / CHAPTER 2: THE REASON

Share

CHAPTER 2: THE REASON

Author: Ava Marika
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Ackk!”

Dahan-dahang umalis sa pagkakahiga si Silver. Masakit ang ulo niya kaya naman uminom siya ng pain killer pagkatapos ay dumiretso sa sala. Nakita niya ang mga nagkakalat na bote ng alak, mga pagkain at mga pictures sa lapag. Uminom nga pala siya kagabi kaya naman pala siya nagkaroon ng hang-over. Tatawagin niya sana ang mga katulong ngunit napasapo siya sa sariling noo nang maalalang pinag-day off niya pala ang mga ito kagabi dulot ng kalasingan. 

Una niyang pinulot ang mga pictures. Ito ang mga larawan nila ni Jovan na iniyakan niya kagabi. Tiningnan niya isa-isa ang mga pictures at walang alinlangang pinagpupunit ang mga ito. Habang iniisa-isa niya namang pulutin ang mga bote ng alak ay nakita niya ang phone niya sa ilalim ng mesa.

“Anong ginagawa nito rito?”

Binuksan niya ang phone. Nanlaki ang mata niya nang may makita siyang text mula kay Jovan. Agad niyang binuksan nito. 

Stop calling my boyfriend, b*tch!

Halos maihagis ni Silver ang phone nang malamang si Allison pala ang nag-reply. Malamang na nag-drunk call siya kagabi kay Jovan habang kasama nito si Allison. Pinanindigan na talaga ang dalawa ang kababuyan nila.

Naalala niya tuloy ang walang ingat niyang pagdedesisyon kahapon dahil sa galit. Sa totoo lang ay nais niyang bawiin ang sinabi niya sa media pero kumalat na ito. Wala siyang pakialam sa kasikatan sa showbiz dahil may sariling business naman siya. Tinahak niya lang ang landas ng pag-aartista dahil artista rin ang dati niyang boyfriend na si Jovan.

May text din mula sa secretary ni Hadeon. Walang gana niyang binuksan ang message.

Ms. Silvers, pinapapunta ka ni Chairman sa office niya by 10:00pm

Tuluyan ng hinagis ni Silver ang phone niya. Napapikit nang mariin si Silver nang pumasok rin muli sa kaniyang isipan ang kontrata. Bigla-bigla niya na lang itong pinirmahan nang walang alinlangan kaya naman mas lalo niyang hindi mababawi ang sinabi niya. Naisip niya kasi kahapon na kapag nalaman ni Jovan na may iba na agad siya ay ma-re-realize nito ang ginawa nitong panloloko at hihingi ng tawad sa kaniya. Alam niya ring pinagpapantasyahan din ni Allison si Hadeon kaya naman gusto niya ring makita ang itsura nito habang sinasabi niyang fiance niya ang lalaking gusto nito. Bukod doon, ang pangalan ni Hadeon ay matunog din sa media kaya hindi malabong mas marami na ang atensyon ang mapupukaw niya. Kapag nagkataon ay mas mauungusan niya pa si Allison. It's just a simple revenge.

Tinawagan ni Silver ang manager niya upang sabihin na hindi siya makakapagtrabaho dahil masama ang pakiramdam niya. Totoo naman iyon. Masakit naman talaga ang ulo niya dahil sa hang-over. Masyadong naparami ang inom niya't nagawa niya pang tawagan ang ex niya kagabi. 

“Hindi talaga tuloy dahil pina-cancel ni Mr. Hadeon Vittori ang shooting,” wika ng manager niya sa kabilang linya. “Sana talaga lahat e, may fiance na puwede gawin iyon! Anyway, get well soon, Ms. Silver!”

Napakunot ang noo ni Silver dahil sa narinig. Pagkamatay ng tawag ay naunawaan niya kung bakit pina-cancel ni Hadeon ang shooting. Pinapapunta siya nito sa office nito kaya naman tinanggal nito ang balakid sa schedule niya.

I also have the power to do that though. 

It's already 8:47am. Hinintay niya munang mawala ang sakit ng ulo niya bago mag-ayos. Eksaktong 10:00 am ay nasa tapat na siya ng Forestella. Pumasok na siya sa building. Kumaway sa kaniya ang babae sa front desk na nag-assist sa kaniya kahapon kaya naman tinanguan niya ito. 

“Nasa office po si Chairman, Ms. Silvers.”

Sumakay na siya ng elevator. Bago pa man sumara ito ay may humabol na isang babaeng naka lab gown. Maiksi ang buhok ito na bumagay sa bilugan nitong mukha. Mahaba ang pilik mata nito, matangos ang ilong, mamula-mula ang pisngi at bukod doon ay makinis din ang balat nito. Sa tingin niya ay nasa 5'2 lang ang tangkad ng doktor na ito.

Bumukas na ang elevator sa floor kung saan pupunta si Silver kaya naman lumabas na siya. Naghanap muna siya ng restroom sa floor na iyon dahil nakaramdam siya ng pagtawag ng kalikasan. Inayos niya na rin ang make-up niya dahil baka nakikita pa rin ang eye bag niya dulot ng pag-inom hanggang madaling araw kanina.

Naalala niya pa kung saan ang office ni Hadeon kahit na kahapon lang siya nakapunta rito. Hindi niya alam kung bakit siya pinapunta nito pero malamang na tungkol ito sa kontrata nila. 

Kumatok siya isang beses at pumasok na ng tuluyan sa loob. Nakita niya ang pigura ng isang nakaputing babaeng na nakaupo sa sofa. Ito lang ang tao rito, wala si Hadeon. Agad itong lumingon sa kaniya dahil siguro narinig ang pagkatok niya kanina. Ito ang babaeng nakita niya sa elevator kanina

“Oh! Ikaw 'yong babae kanina sa elevator, 'di ba?” nakangiting wika rin ng babae sa kaniya.

Tumango lang si Silver sa babae. Malamang na hindi uso ang magazines at TV sa babaeng ito dahil hindi niya kilala si Silver.

“Then you must be Arcelli Silvers.” dugtong nito. “I am Dra. Lindsay Almojera.” Tumayo ito sabay offer ng kamay sa kaniya. “Hadeon's girlfriend.”

Girlfriend? So, he actually have a girlfriend pero naghahanap siya ng fiancee? What on the earth is happening?

Hindi niya pinahalatang nagulat siya sa narinig. Tinanggap niya na lang ang kamay nito at umaktong parang wala lang.

“Yes, I am Arcelli…” Nginitian niya ito pabalik. “...Hadeon's fiancee.”

Sabay silang napalingon sa pinto nang makita ang kakapasok lang na si Hadeon. Lumingon ito kay Lindsay bago kay Silver. Humalik si Lindsay sa pisngi ni Hadeon kaya naman nanliit ang mata ni Silver. Kung alam lang ni Silver na ganito ang madaratnan niya ay 'di na sana siya pumunta.

“I asked the director of the project you're working on to call off your shoot for today,” paunang sabi sa kaniya ni Hadeon nang makaupo silang lahat. 

“Yeah. I was informed about that, Chairman Vittori,” sagot niya.

“Let me cut to the chase, you've already signed the contract, haven't you?” tanong ni Hadeon.

Tumango lang siya.

Ngumiti na naman sa kaniya si Lindsay. “Nagtataka ka siguro kung bakit siya naghahanap ng fiancee kahit may girlfriend siya, 'no?” anito. “Kahit ako hindi ko gusto 'tong ideya na ito pero wala na kaming ibang pamimilian.”

Sa tingin ni Silver ay pinapunta siya rito upang ipaliwanag sa kaniya kung bakit nag-e-exist ang kontrata nila. Kontratang hindi niya naman talaga binasa.

“Gaya ng sabi ko nga kanina e girlfriend niya ako kaya lang ayaw sa akin ng parents niya,” dugtong ni Lindsay. Mahahata ang pait sa boses niya. “Pati ang grandmother niya ay ayaw rin sa akin.”

Hindi niya na napigilang magtanong. “Bakit naman?”

“Hindi ko alam. ” Tumingin sa itaas si Lindsay para pigilan ang luhang nagbabadyang kumawala sa mata niya. “Kahit na ganoon pinagpatuloy namin ang relasyon namin kaya lang...”

Pansin ni Silver ang mabilis na pagkuha ni Hadeon ng handkerchief sa bulsa nito para ibigay kay Lindsay. They surely love each other. Hindi niya alam na ganito pala ang sitwasyon ng love life ng isang sikat na business man na si Hadeon 

“Pati trabaho ko ay naaapektuhan... kinausap ng mga magulang ni Hadeon ang lahat ng ospital dito sa Pilipinas at sinabing 'wag akong tanggapin—”

Kumunot ang noo ni Silver. “But he's a billionaire...” sabay turo kay Hadeon. “Kaya niyang gawin lahat using his money.”

“Yes, tama ka naman,” sagot sa kaniya ni Lindsay. “Pero 'yong grandmother niya ay may malubhang sakit, ayaw niyang matuloy ang relasyon namin kaya naman pinalabas namin na naghiwalay na kami dahil nag-aalala kami sa health niya.”

Napahinto saglit si Silver. “Kung pinalabas niyo na hiwalay na kayo, hindi naman ba sila nagtataka kung bakit ka pumupunta rito gaya ngayon?”

Sa pakikipag-usap sa dalawa ay nalimutan niya ang sariling problema.

“Binayaran niya ang lahat ng staff dito na huwag ipapaalam sa parents niya kung pupunta ako rito, may contract na binigay si Hadeon sa kanila,” paliwanag ni Lindsay.

So that's all that this Hadeon the billionaire can do?

“So, ang rason talaga kung bakit ka narito ay nabasa mo naman yata sa contract, hindi ba?” tanong sa kaniya ni Lindsay.

Agad siyang umiling. “I didn't read the contract.”

Sinamaan siya ng tingin ni Hadeon. “You didn't read the contract yet it has already been signed?”

Tumango-tango lang si Silver dito. Napahilamos naman sa sariling palad si Hadeon. 

“Okay...” awkward na sabi ni Lindsay. “Mabuti pala't pinapunta ka namin ngayon dito.”

“So, kailangan ka namin para magpanggap na fiancee ni Hadeon nang hindi na maghinala pa ang mga magulang niya,” paliwanag ni Lindsay. “Maganda nga ang naging timing mo sa announce sa media na fiance mo siya dahil noong araw na iyon ay umatras ang babaeng nakausap namin na siyang magpapanggap sana bilang fiancee niya.”

Narinig ko nga iyon kaya nga naisipan ko ang kabaliwang desisyon na ito, e.

Napansin niya ang pagtingin ni Lindsay sa singsing niya.

“I bought this ring,” saad ni Silver rito.

“Oh-yeah,” tumawa nang mahina si Lindsay. “Saktong-sakto rin na may ring ka that time.”

“Oo nga, e,” tanging nasabi niya na lang.

“Pero bakit mo nga pala sinabi na fiance mo siya?” biglang tanong sa kaniya ni Lindsay.

Hindi alam ni Silver kung ano ang isasagot dahil ayaw niyang sabihin kung ano talaga ang dahilan. Nakalimutan niya na ang tungkol doon kanina ngunit pinaalala pa ni Lindsay.

“Of course, she did it for popularity,” matabang na sabi ni Hadeon. “A lot of celebrity did the same thing last month and last year and last last year...”

For popularity? Inulit iyon ni Silver sa kaniyang isipan. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya sinabing fiancee niya si Hadeon pero hindi lang basta basta iyon. Gusto niyang mahigitan si Allison sa attention ng publiko hindi dahil magkaribal sila pagdating sa pag-arte kun'di sa pag-ibig.

Doon lang natapos ang usapan nila dahil sa biglaang pagdating ng ina ni Hadeon. Nauna lang na umuwi si Lindsay dahil ipakikilala pa ni Hadeon si Silver sa ina nito.

“What's your name again?” tanong ni Hadeon kay Silver.

Pinanliitan naman siya ng mata ni Silver. “Arcelli Silvers, Chairman Vittori.”

“Okay, Silvers, remain as composed when you meet my mother as you did in yesterday's interview.”

Alam niyang ang tinutukoy nitong interview ay 'yong sinabi niyang fiance niya si Hadeon. Pinanood niya rin iyon kagabi at kita ang confidence sa mukha niya habang sinasabi iyon.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto. Tumambad sa kaniya ang sikat na cosmetic surgeon na si Samantha Vittori. Sa estilo ng pananamit, make-up at buhok nito ay aakalaing ka-edad niya lang ito. Pinakatitigan siya nito mula ulo hanggang paa at inikutan pa para suriin.

Tumikhim ito at pinaarko ang isang kilay.

“That's her, mom....my fiancee,” dinig niyang sabi ni Hadeon sa ina nito at pinagkadiinan pa ang huling sinabi.

“I'm Samantha Vittori, Marco's mom.” Nilahad ng babae ang kamay nito na siya niya namang inabot.

“Arcelli Silvers—Arcelli Giselle Cregencia.” Pinilit niyang panatilihin ang tindig ngunit kinakain siya ang kaba.  

Kita niya sa isang sulok ng mata niya na pinapatay na siya sa tingin ni Hadeon. Malamang na paglamayan siya agad sa isang pagkakamali niya lang.

“The youngest child of Vanadium and Sergio...Finally, we meet.”

Hindi inakala ni Silver na kilala nito ang mga magulang niya.

“It's my pleasure to meet you po,” balik niyang sabi.

“Ladies, please take a seat," wika ni Hadeon.

“Matagal nang sinabi sa akin ni Hadeon na may fiancee siya, hindi ko naman inaakala na mas mauuna ko pang malaman sa news kung sino iyon bago niya maipakilala sa akin,” maawtoridad na sabi nito. Sa bawat pagbibitaw niya ng salita ay mabibigat iyon kung pakikinggan.

“I-I am sorry about that po—” 

Pinutol ni Hadeon ang sinasabi niya. “The reporters saw her ring, so she has no choice but to tell them.” 

“Son, she can just ignore the question.” Sumimangot ang ina ni Hadeon. “ I just can't believe I didn't meet her first, before your father found out who your fiancee is.”

Napaamang si Silver dahil sa narinig. Mas gusto pala ng ina ni Hadeon na mas maunang makilala nito ang fiancee ni Hadeon bago malaman ng asawa nito. 

“At least you met her first, mom,” wika ni Hadeon pero tinalikuran lang siya ng ina.

“So, how long have you two been engaged?” tanong ng ina ni Hadeon habang nakatingin direkta sa mata niya.

Napatingin si Silver kay Hadeon. Hindi nila napag-usapan ang tungkol doon. Kung nasa contract man iyon ay hindi niya rin nabasa.

Sunud-sunod ang naging paglunok niya bago sumagot, “One—”

“One year?” Lumingon agad ang ina ni Hadeon kay Hadeon. “I believed you had proposed to her two years ago."

“Mom, she was about to say one year and ten months when you cut her off,” pagdadahilan ni Hadeon. 

Agad na nag-iwas ng tingin si Silver kay Hadeon nang ibalik ng ina nito ang atensyon sa kaniya.

“Yes, we have been engaged for one year and ten months,” nauutal na wika niya.

"Oh! Am I that intimidating?” Nagulat si Silver sa biglaang paghalakhak ng ina ni Hadeon. Napansin siguro nito ang pag-utal-utal ng sinasabi niya. “You can call me, Tita Sam, or mom—you're getting married tomorrow, after all.

Hindi siya nakapagsalita agad sa pagkabigla.

Wtf! We're getting married tomorrow?!

“By looking at your face, it seems like you don't like the idea of marrying my son, Arcelli,” direktang sabi sa kaniya nito.

“N-No, Tita Sam. Nagulat lang po ako dahil napakabilis.” Nagkunwaring natatawa si Silver. 

“Napakabilis? No, hija. It's almost 2 years na kayong engaged!”

Tiningnan niya nang makahulugan si Hadeon nang hindi napapansin ng ina nito.

“Mom, we can't have the wedding tomorrow,” pagsali ni Hadeon sa usapan.

Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Silver dahil sa narinig. Her boyfriend cheated on her yesterday, and now she's getting married tomorrow? It doesn't make sense.

“... Perhaps, next week?” dugtong ni Hadeon na ikinagulat ni Silver

Related chapters

  • The Art of Deception    CHAPTER 1: BETRAYAL

    Hanggang tainga ang ngiti ni Silver habang paulit-ulit na ini-imagine ang eksena mamaya sa proposal niya. Hawak niya ngayon ang binili niyang singsing. Plano niyang magpropose sa kaniyang long time boyfriend, even though hindi nila ito isinasapubliko dahil pareho silang artista. Sinuot niya sa kaniyang daliri ang kapareho ng singsing ng binili niya naman para sa kaniya. I-te-text niya sana ito para sabihin na pupunta siya ng condo nito ngunit agad niyang binulsa ang phone niya nang maisip na surprisahin na lang ito.Pumasok na siya sa elevator patungo sa floor kung saan naroon ang unit ng kaniyang nobyo."Will you marry me?" Napangiti siya dahil sa kilig nang makita ang sariling repleksyon sa elevator. Agad niya namang inayos ang tindig nang biglang bumukas ang elevator. Niluwa nito ang isang lalaking nakasuot ng business attire. May hawak itong cellphone nakatapat sa tainga nito."What? She turned down the proposal?!" sigaw ng lalaki sa kabilang linya.Parang pamilyar kay Silver ang

Latest chapter

  • The Art of Deception    CHAPTER 2: THE REASON

    “Ackk!”Dahan-dahang umalis sa pagkakahiga si Silver. Masakit ang ulo niya kaya naman uminom siya ng pain killer pagkatapos ay dumiretso sa sala. Nakita niya ang mga nagkakalat na bote ng alak, mga pagkain at mga pictures sa lapag. Uminom nga pala siya kagabi kaya naman pala siya nagkaroon ng hang-over. Tatawagin niya sana ang mga katulong ngunit napasapo siya sa sariling noo nang maalalang pinag-day off niya pala ang mga ito kagabi dulot ng kalasingan. Una niyang pinulot ang mga pictures. Ito ang mga larawan nila ni Jovan na iniyakan niya kagabi. Tiningnan niya isa-isa ang mga pictures at walang alinlangang pinagpupunit ang mga ito. Habang iniisa-isa niya namang pulutin ang mga bote ng alak ay nakita niya ang phone niya sa ilalim ng mesa.“Anong ginagawa nito rito?”Binuksan niya ang phone. Nanlaki ang mata niya nang may makita siyang text mula kay Jovan. Agad niyang binuksan nito. Stop calling my boyfriend, b*tch!Halos maihagis ni Silver ang phone nang malamang si Allison pala an

  • The Art of Deception    CHAPTER 1: BETRAYAL

    Hanggang tainga ang ngiti ni Silver habang paulit-ulit na ini-imagine ang eksena mamaya sa proposal niya. Hawak niya ngayon ang binili niyang singsing. Plano niyang magpropose sa kaniyang long time boyfriend, even though hindi nila ito isinasapubliko dahil pareho silang artista. Sinuot niya sa kaniyang daliri ang kapareho ng singsing ng binili niya naman para sa kaniya. I-te-text niya sana ito para sabihin na pupunta siya ng condo nito ngunit agad niyang binulsa ang phone niya nang maisip na surprisahin na lang ito.Pumasok na siya sa elevator patungo sa floor kung saan naroon ang unit ng kaniyang nobyo."Will you marry me?" Napangiti siya dahil sa kilig nang makita ang sariling repleksyon sa elevator. Agad niya namang inayos ang tindig nang biglang bumukas ang elevator. Niluwa nito ang isang lalaking nakasuot ng business attire. May hawak itong cellphone nakatapat sa tainga nito."What? She turned down the proposal?!" sigaw ng lalaki sa kabilang linya.Parang pamilyar kay Silver ang

DMCA.com Protection Status