Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad, kaya nagtataka na ang kaibigan ko dahil sa inaasal ko.
“Hoy, Solene?! Kanina ka pa lakad nang lakad diyan, paikot-ikot, o 'di kaya uupo tapos tatayo. Ano bang problema mo?” tanong ni Danica, ang best friend ko mula noong bata pa 'ko.Huminga ako nang malalim bago ako umupo. “Ngayon kase 'yong result sa internship ko, hindi ko alam kung tanggap ba o rejected,” sagot ko.I clasped my hands. Kinakabahan talaga ako kanina pa! Gustong-gusto ko mag-intern sa isang sikat na hotel, ang Hotel De La Crème. Chain of Hotels. Halos sa lahat ata ng Countries sa buong mundo nakatirik 'yang Hotel De La Crème na 'yan, kaya gustong-gusto ko riyan mag-OJT.“Here! Nako, friend!” narinig kong sigaw ni Raquel.Hindi naman ako mapakali nang makita ko siya papasok sa cafetria at naglalakad papunta sa upuan namin. Habang naglalakad siya kumakabog naman ang dibdib ko sa kaba. Baka hindi ko magustuhan ang resulta.“Eto na!” Binuksan ko ang puting sobre na hawak ko sa harapan ng mga kaibigan ko na sina Danica, at Raquel.Napalunok ako nang ilang beses bago ko hinila palabas ng sobre. Fuck! Halos mawalan ako ng hininga.“Tangina!” napamura kong sabi dahil sa nakita ko.Pareho naman nagulat si Danica at Raquel sa naging reaksyon ko. Ako rin! Gulat na gulat ako sa resulta!Tumayo naman si Danica at dinaluhan ako rito. “Patingin nga, Sol,” aniya at kinuha ang papel na hawak ko kanina. Tumunganga lang ako dahil hindi ako makapaniwala. “Hala!” ani Danica.“Bakit, friend? Why?” usyoso ni Raquel.“Rejected!” sigaw ni Danica at mabilis ko naman siyang sinabunutan dahil tumingin ang ibang babae sa amin at nakita ko ang pagbungisngis nila.Pinasa naman ni Danica ang papel kay Raquel at tulad ng reaksyon ni Danica, gano'n din ang naging reaksyon ni Raquel. Sino ba naman ang hindi magugulat?Napamura ako sa isip ko habang tinitingnan ang ibang tao sa canteen. 'Yong iba nakangiti, 'yong iba nagtatatalon sa saya, 'yong iba rin tulad ko ay malungkot. Hays, parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak dito.“Paano nila ako ni-reject? Shit! Ang dami kong internship na ginawa! Hongkong, Thailand, Cambodia, Canada?! Tapos mga kinuha nila mga puro paganda lang ang alam?!” sigaw na sabi ko sa mga kaibigan ko.“Excuse me?!” sabi ni Abbygail.Tumingin naman ako sa kaniya nang nakataas ang kilay. “What the heck is your problem?” mataray na tanong ko.“Ako ba 'yong pinatatamaan mong puro paganda lang?” tanong niya at saka tumawa. “Well, at least ako tinanggap sa Hotel De La Crème!” pagmamayabang niya.Nabulunan naman ako sa sinabi niya. “Eh, bobo ka pala talaga. Nag drop name ba ako? Masyado kang feelingera, echoserang frog!” sabi ko. Inirapan ko naman siya at tinalikuran ko na, baka mag drama na naman 'yon.Tinapik-tapik naman ako ni Danica at Raquel.Lintek na Hotel De La Crème 'yan! Ang ayos ng mga experience ko, ni isa walang gusot. Alam kong eto ang pinakamalaking hotel, at pinakamaunlad sa buong mundo pero hindi ba nila ike-credit mga experience ko?“Sol, hayaan mo na. Expected naman natin na mahirap makakuha ng internship doon, ang laki kaya ng hotel no'n, laking sakop,” sabi ni Raquel.Umirap naman ako. “Mahirap makapasok? Eh si Abbygail nga na ilang beses nagpabalik-balik sa college, hindi makaalis dahil sa mahina ang ulo pero nakapasok siya. Ang sabihin mo, may mali lang talaga,” naiinis na bulong ko dahil baka marinig na naman ng echoserang frog 'yon.Nakita ko naman ang ibang babae na nagtatalon sa tuwa habang hawak 'yong sobre nila. Sa tingin ko ay mga pasado ang mga h*******k na 'to. Kilala ko ang mga 'to, eh. Hindi nga makatapak kahit Singapore lang, tapos dito pasado? Matangkad kase, makinis, sexy, at higit sa lahat, malaki ang boobs at puwet! 'Yan ang common sa kanila na kinukuha nila!Napatingin naman ako sa blouse kong lupaypay at wala man lang lumolobo kahit kaunti, hindi rin katangkaran at higit sa lahat kutis filipina talaga. Halos magwala ako rito sa loob ng cafeteria dahil sa sobrang inis ko!“I have an idea!” bulong ni Danica habang humahagikgik.Tinaas ko naman ang kilay ko at tumingin sa kaniya. “Ano? Siguraduhin mong brilliant 'yan,” sabi ko.Hawak pa rin nila akong dalawa magkabilaan. Baka akala nila magwala ako rito, no way. Naiinis lang ako kase first time kong ma-reject sa internship ko, tapos dito pa sa branch nila sa Pilipinas. Kaya nga ako nag-intern kase alam kong magandang experience ang Hotel De La Crème pero isa pa lang bangungot. Maayos naman ang naging interview ko kahapon, ah? Ang alam ko, sure na sure na akong makakapasok ako dahil sa sagot ko. Confident kumbaga. Pero ngayon? Hays, ayoko na!Ininguso ni Danica ang isang lalaking pinalilibutan ng mga maaasim at sosyalerang social climber. Tuwang-tuwa naman ang mga babaeng hinihipuan niya, 'yong iba naman ay kahit may nakakakita ay nilalamas niya ang dibdib nila at tuwang-tuwa naman ang china-chansingan niya. Buwisit! Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanila! I hate them all! Mga walang magawa sa buhay at aksayado ng pera dahil araw-araw may party sila, inuman o 'di kaya nasa penthouse. Paano ko nalaman? Eh, syempre sikat nga sila!“What do you mean?!” naiinis na bulong ko kay Danica.Nagulat naman si Danica dahil parang kaunti na lang makakabugbog na 'ko. “Uy, chill ka lang, bes. Ang tinutukoy ko, 'di ba sila 'yong onwer ng 150 branches all over the world ng Hotel De La Crème? Why don't you try to seduce him? Use him? You know?” suhestiyon ni Danica.Nailuwa naman ni Raquel ang iniinom niyang juice kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya. Humahagalpak siya sa tawa na animo'y may nasabing joke si Danica. “The fuck, Danica? Seriously? Seduce him? Si Solene?!” natatawang tanong niya.Sinabunutan ko naman siya dahil alam ko na ang tinutukoy niya.I haven’t had a boyfriend in my entire life even though I’m 19. Kahit nga first kiss wala ako, eh. Pero I have a crush, he's my professor back then. Matanda siya sa 'kin, I think he's matured enough to handle a relationship, kaya kung siya ang manliligaw sa 'kin, sasagutin ko agad-agad! That's because I like him.Inirapan ko sila. “As if naman na gagawin ko 'yon? No, yuck. Tingnan mo nga, kung sino-sino hinihipuan niya in public, nananakmal pa ng dede tapos gusto mo i-seduce ko? Damn, iw,” nandidiring sabi ko.Pero kung puwede ko naman gawan ng paraan sa pamamagitan ni Hendrix Suarez, a.k.a Mr. Manyakol, baka puwede naman gawan ng paraan? Like what Danica said, use him! Gano'n!“I have an idea!” nangingiting sabi ko habang ang mga mata ko ay diretso lang kay Hendrix.“Papahawak mo dede mo?” diretsong tanong ni Raquel kaya nabatukan ko siya.“Gaga! Hindi!” naiilang na sabi ko. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. I'm virgin! Never been touched, never been kissed.“Oo nga naman, wala naman siyang mahahawakan diyan, eh,” ani Raquel kaya inirapan ko siya.Nakita ko naman na nginisian ako ni Hendrix kaya naman inirapan ko rin siya at inalis na ang titig ko sa kaniya. Baka naman assumerang frog din siya, isipin niya na ang lahat may gusto sa kaniya. No, no, no. Ako? Ayoko! I really hate that guy!Alam mo 'yong feeling na 'yon? Kahit na wala siyang ginagawa, basta na lang ako naiirita sa kaniya. Nakakainis lang kase siya, lahat na lang ng ginagawa niya nakakainis na. Naiinis lang ako, kase wala lang. Talagang nakakainis lang siya!Kinuha ko ang cellphone ko at agad na sinearch ang pangalan niya. Alam ko famous 'to eh, kaya nga maraming social climber ang nakaaligid sa kaniya. Dami niyang friends, pero 'yong iba uto-uto lang talaga sa kaniya kaya gano'n.'Yong kaklase nga namin na magna cum laude eh uto-uto, ang talino niya pero bobo pagdating sa ganito. Lalo na kay Hendrix, lahat ng katangahan sinalo ni Penelope. Siya lang naman ang taga gawa ng assignments, and projects ni Hendrix, basta ang kapalit ay sex o 'di kaya ay kiss. Yuck!I immediately searched his name on social media. And what I expected, he's totally famous! He has 100k followers, damn it.I viewed his profile at agad akong nairita dahil wala siyang damit doon,but he looks hot! Kung iba 'to, panigurado sasabihan ng dugyot, eh. He's famous, simpleng profile picture lang, hundred thousand reacts and million of commentors na ang pumupuri sa kaniya. Eh ako nga, 2 years ago na ang profile ko 50 lang ang inabot na reacts. But anyways, hindi naman tungkol doon kung gaano ba siya ka-famous or what, I need him para makapasok ako sa hotel nila.Okay, alam ko na. Magpapakilaka ako sa kaniya at magpapatulong para matanggap ako sa OJT na 'yon sa hotel nila.Ngumiti ako habang tinitingnan siya. Yari ka sa 'kin mamaya, Hendrix Suarez, also known as Mr. Manyakol.Hindi naman siya mahirap hanapin, dahil kahit saan siya magpunta may mga nakasunod sa kaniya na mga alalay niya. Bukod pa ro'n ay may kaibigan siyang dalawang mayaman din, si Azi and Art. Magpinsan ata sila? 'Yon ang alam ko.Pagtapos ng klase ko ay agaran akong sumunod sa kanila, kung nasaan siya at ang mga alalay niya. Ang akala ko ay uuwi na sila pero tumambay pa talaga sila sa cafeteria, halos ubusin nila ang laman ng tinda rito dahil sa long table nila.'Di naman ako nagpahalata na sinusundan sila, kaya nilabas ko ang librong nasa bag ko habang tumitingin sa kaniya nang palihim. Nang maramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya ay tumingin din siya sa akin kaya mas sinubsob ko pa ang mukha ko sa libro. Shet naman!Naramdaman kong tumayo siya at lumapit dito kaya kinakabahan ako. Ilang beses akong lumunok ng laway ko, feeling ko mauubos ko 'to.“Excuse me, Miss? Are you following me, or what? Baka kase humandusay na lang ako bigla, kasi balak mo akong barilin,” aniya.Ibinaba ko ang libro na hawak ko. “Kapal mo, singkapal ng librong binabasa ko,” sabi ko sa kaniya.Tumingin siya sa libro ko at natawa. “You're reading?” tanong niya.“Damn, obviously? Hindi mo ba nakikita, ha? Are you fucking blind?” mataray na tanong ko at nilakihan ko talaga ang mga mata ko.“You're such a talented, huh? Can anyone read the book upside down?” aniya sabay tingin sa librong binabasa ko. “This is the new guinness world record,” ani Henrix at ngumiti. Alam ko naman ang mga pekeng ngiti, eh. 'Di ako maloloko nito.Tiningnan ko naman ang binabasa ko at bigla akong nahiya dahil baliktad pala 'to! Kaya pala ganiyan siya! Buwisit! Nahiya ako bigla, sana lamunin na lang ako ng lupa.“Shit!” mahinang bulong ko at saka tarantang nilagay ang libro ko sa bag ko.Damn, damn, damn! Mabilis akong tumakbo at narinig ko naman ang halakhak niya. Shit! Even his laughter, nayayabangan ako! Buwisit, lahat na lang ng tungkol sa kaniya mayabang para sa 'kin. Basta I hate him, hanggang mamatay ako!Wha's wrong with me?! Normal lang naman sigurong mainis ako nang bonggang-bongga sa buwisit na 'yon, 'di ba? Eh, syempre kase mayabang siya tapos playboy, puro sex lang ata nasa isip niyan at laplapan!He looks naive, pero manyakis siya! Lahat ata ng posisyon sa kama alam niya. Sa mga kuwento pa lang ng mga nakakama niyang babaeng tuwang-tuwa pa sa ginawa niya, malamang alam ko na ang lahat ng baho niya. Pati iyon naiinis ako sa kaniya, buwisit! Dapat wala akong pakialam tungkol doon pero pinoproblema ko ngayon ang tungkol sa kaniya. Gusto ko lang naman mapalapit sa kaniya so he can help me para makapasok ako sa hotel nila!Naghintay na lang ako sa parking lot hanggang sa mag alas sais na, nilalamok na ako rito hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito kakahintay sa kumag na 'yon. Hindi naman ako mag-e-effort kung hindi importante 'to, 'no. Ano ba siya? Sinusuwerte? Baka akala niya fan na naman niya ako na mauuto niya.Iba ako sa lahat. Kung ang iba nadadala niya sa itsura niyang mala anghel pero may tinatagong manyak! Pero ako? Hindi. Saludo ang middle finger ko para sa kaniya.Ang kapal naman niyang paghintayin ang isang tulad ko rito. Halos mag alas siete na wala pa rin sya, naiinis na ako! Sobrang nilalamok na ako rito. Baka naman nakipag-chukchakan pa siya sa loob ng cr, balibalita pa naman dito na kayang-kaya niya kahit sa loob lang ng cr. Yuck! Ang cheap. Kung ako? Hindi ako papayag na gano'n na sa cr lang. Eww. “Hindi ko naman sinasabi na papayag akong makipag-ano sa kaniya 'no. Ang ibig kong sabihin, kung ako sa magiging boyfriend or asawa ko gagawin ko 'yon! Pero hindi sa isang Hendrix Suarez na acting CEO nga sa mga branch nila rito sa Pilipinas pero so cheap naman pagdating sa babae,” pagkakausap ko sa sarili ko. Tingin ko mababaliw na ako kakahintay rito sa kotse niyang Bugatti, mas mahal pa ata 'to kaysa sa bahay namin. Biruin mo tumatagingting na 13.4 Million itong kotse niyang Bugatti La Voiture Noire. Hindi naman ako gano'n ka stalker para malaman ang complete specs ng kotse niya. Basta gano'n sila kayaman! Barya lang siguro sa kaniya 'y
Nangingiti ako habang papasok ako sa school. Hays, sarap pala mabuhay kapag may puppet kang isang acting CEO na pinagkakaguluhan ng lahat.Hindi ko akalain na ang isang mayabang na si Hendrix, eh magiging uto-uto pala pagdating sa akin? Tutuklip pa talaga siya. Walang magagawa ang yabang niya sa 'kin dahil hindi 'yon uubra.“Hindi ako naniniwala na may sex tape ako,” nakangising sabi niya nang nakasalubong ko.Nakakapagtaka, huh? Wala 'yong mga alalay niyang kumag na social climbers slash maaasim. Mas lalo akong napangisi. Lagi akong handa, kaya naisip ko na mare-realize niya ito at ipipilit niyang wala siyang sex tape sa akin. Pero mas brainy ako kaya nagsabi ako kay Danica.Kinuha ko 'yong flaah drive na gagamitin namin for presentation mamaya. Napuyat pa ako dahil inulit ko 'to, gago ba naman 'tong Suarez na 'to, hinagis 'yong flash drive ni Danica kahapon.“Here,” sabi ko sabay pakita ng flash drive. “Kung gusto mo, i-open ko 'to sa may monitor sa bulwagan para testingin natin 'y
Nakatulala ako habang tinitingnan paalis si Sir Duke. Hindi talaga ako makapaniwala na pinuri niya ako, at isa pa nahawakan ko ang kamay niya for the first time! Hindi ko pa 'yon nagagawa noon, dahil sa palagi na lang siyang wala sa klase and sa malayo ko lang siya natatanaw.“Do you like Duke?” I came back to my senses when Hendrix who was next to me spoke. “Huh? Anong pinagsasabi mo, Hendrix?” Peke akong tumawa nang tingnan siya. “Hindi kaya 'no,” I denied.He smirked. “Now you deny it? What you say is different from what you show, Sol.” He chuckled.Namula naman ang pisngi ko. “Eh ano naman ngayon kung gusto ko siya? Is that a big deal, Hendrix?” tanong ko.Tumaas ang kilay niya. “Ano naman ang nagustuhan mo kay Duke?” Wala talagang respeto, ang tanda kaya ni Sir Duke sa 'min tapos tinatawag niya lang na Duke? Huwag niyang sabihin na dahil acting CEO siya at anak siya ng isa sa mga pinakamayaman na tao sa buong mundo kaya kayang-kaya niya kahit pa Professor namin noon? “It's no
Excited akong pumasok sa Hotel De La Crème, dahil ngayon ang unang araw ko para sa internship ko ro'n. Tuwang-tuwa naman sila Mommy at Daddy sa naging resulta para sa internship ko. Buti 'di ako binigo ni Hendrix, kung hindi ay hindi ko na lang alam ang gagawin ko sa kahihiyan. Lalo na't pinagmayabang ko nang nakapasok ako ro'n sa hotel nila. Naglagay lang ako ng highligh na make-up, at saka ko pinusod ang buhok kong mahaba. Dahil baka ayaw nila ng buhaghag na buhok dito. Nagsuot ako ng uniform ng Hotel De La Crème at naglagay ng scarf, para malaman na intern din ako rito.Na-assign naman ako sa top floor, doon pa sa pinakadulo. Hindi ko alam kung anong meron doon at lahat sila iniiwasan ang ma-assign doon. Naglakad-lakad ako sa buong floor, at namamangha ako sa disenyo ng hotel na 'to. Sobrang sosyalin ng hotel na 'to, pinaka-engrandeng hotel 'to sa buong Pilipinas. Lahat dito ay mga professional. Kaya aakto rin ako na parang professional, para hindi ako pagalitan ng Manager.Napab
Nahihiya ako habang sinusundan si Sir Duke. Halos manginig na ako sa sobrang kilig habang kasama siya ngayon. Hindi nga ako makapaniwala na inaaya niya ako mag coffee.“S-sir, puwede po ba ang ganito? Baka po b-bawal ang lumapit sa isang manager,” nahihiyang sabi ko.“Allowed naman kayo, and break time naman ngayon. So why not?” Tumango siya at saka ngumiti.'Di pa rin ako makapaniwala na sinabihan niya ako ng attractive kanina. Ayoko maging assuming pero sa akin ba siya na-aattract? Si Hendrix naman kase, kung sino-sino ang tinatanggao dito sa hotel basta maganda at sexy. Ang daming magaganda rito, more attractive than me paano naman nasabi ni Sir Duke na attractive ako? “Did Hendrix do something to you, Sol?” tanong ni Sir Duke.Nasa may ground floor na kami at nandito kami para mag coffee dahil inaaya niya ako.“W-wala naman po, Sir.” Umiwas ako ng tingin.Pero may ginawa sila ni Kaith na morning session kanina. Tumaas ang kilay niya na animo'y hindi naniniwala na walang ginawa
“Saan ba banda rito 'yong bahay niyo?” tanong ni Hendrix habang nagmamaneho. Hindi ko siya sinagot. Hinahalungkat ko 'yong mga laman ng drawer niya rito sa kotse, gusto ko lang malamam kung ano'ng laman nito. May laman na condom, wax, suklay at kung ano-ano pa pero puno siya ng condom.“Solene! Huwag mong pakialaman mga gamit ko!” suway niya habang tinatapik ang kamay ko. “Solene! Ano ba?!” naiiritang sabi niya.Sinarado ko ang drawer at saka umayos ng upo. “Fine! Tatahimik na 'ko. 'Di na nga ako mabunganga, babawalan mo pa 'ko,” nagtatampong sabi ko sa kaniya.Suminghap siya. “Para kang bata. Kung 'di ka maingay, nangingialam ka naman ng gamit,” pagsesermon niyang sabi.'Di ako sumagot. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas, medyo traffic at masikip ang kalsada. Kaya pala 'di siya nagalaw at nakuha na niyang manermon.“Tapos kung kailan kinakausap kita, hindi mo ako kakausapin? You're unbelievable, Solene Galvez,” aniya kaya napairap ako.Pareho kaming tumahimik. Ayoko na lang
Huminga ako nang malalim at inayos ang aking suot na scarf ngayon.Hindi ako makapaniwala sa aking sarili. “Nandito talaga ako sa harap ng suite ni Hendrix the monggoloid?” ani ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung kakatok pa ba ako o hindi. Sumilip ako sa peephole ng kaniyang pinto at wala naman akong maaninag na kahit ano... I can only see his fancy room, maraming mga mamahaling abubot sa kaniyang cabinet. May nakita rin akong gamit na pambabae... mga babae bang kinakama niya araw-araw?! Ang laswa pala tingnan. Magulo at gusot-gusot ang kaniyang kama na tila ba kakatapos lang sa isang madugong labanan. Well, hindi ko na kailangan sabihin kung ano ba 'yon dahil halata naman na kakagaling lang nilang gumawa ng milagro.Para naman mas dama ko ang paglilibot ng paningin ko sa kaniyang kuwarto ay tumingkayad pa ako at humawak sa kaniyang pinto. Pero... Bakit naging itim ang nakikita ko?“What the heck? Nasira yata ang peephol—Fuck!” napasigaw ako nang biglang bumukas ang pintuan. At ang b
Today is Saturday.My eyes were still closed when I reached for my phone that had been ringing for a while. I was too lazy to get out of bed, because I was so tired. I don't have any other day-off kung hindi ang Sunday. “Hello?” pagsagot ko sa tawag. Nakapikit pa rin ang mata ko habang hinihintay kong sumagot ang nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung sino ba 'tong tumawag na ito, at sinira pa talaga ang tulog ko. “Hello?!” naiiritang pag-uulit ko. “Ang aga-aga tatawag-tawag ka tapos hindi ka rin naman pala sasagot!” nabubuwisit na singhal ko sa kabilang linya.He chuckled even though there was nothing funny in the words I said. Baliw ba 'to?“I've been waiting here outside your house since seven o'clock. It's eight o'clock, Galvez. You are thirty-minutes late for your shift,” anang isang familiar na boses.Kahit tinatamad ay napabalikwas ako ng pagkakahiga at napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko na napansin kung sino man ang tumawag sa akin, basta ko na lamang itong iniwan sa aking ka
“How many times do I need to tell you na kapag magkausap tayo, ayoko ng may iba kang pinagkakaabalahan.” Napasulyap naman ako sa kaniya sabay tingin sa phone ko. Aba, pati paglalaro ng mobile games hindi na rin puwede? Napaka demanding naman nitong si Hendrix. Kung 'di lang niya ako tinutulungan, malamang ay kinutos ko na 'to.Ngumiti ako nang peke at binitawan ang phone ko sa table na nasa harap lang namin. “Pasensya na, ah?” sarkastiko kong sabi at sumandal na lang sa couch.“Teka lang pala. 'Yong daddy mo hindi ko pa nakikilala—”I cutted him. “Hindi mo na siya kailangang makilala dahil hindi naman kita boyfriend!” giit ko.Bumuntong-hininga siya umayos ng upo. “Masama bang magpakilala? Kahit kaibigan lang?” I glared at him. “At kailan pa ba tayo naging magkaibigan, Hendrix? Masyado ka na yatang nag i-imahinasyon,” natatawang sabi ko.Imbis na tumawa ay padabog siyang tumayo. “So ano bang ginagawa mo rito? Kung 'di pala tayo magkaibigan?”Tumayo rin ako at nag pamaywang, at saka
“Dito mo pa talaga naisipan mag dumi, ha?” pigil hiningang ani Hendrix paglabas ko sa banyo.Nakangiti akong lumabas sa cr habang hawak pa rin ang kinakabag kong tiyan. Guminhawa naman ang pakiramdam ko matapos kong malabas ang sama ng loob ko.“Salamat, ah?” nakangiting sabi ko at naglakad palapit sa kaniya.“Don't go near me, please,” nakapikit niyang sabi habang nakatakip pa rin sa ilong. “Para kang naglabas ng imburnal, anong klaseng dumi ba 'yonh idinumi mo?” nandidiring sabi ni Hendrix.Padabog akong umupo sa sofa niya at tiningnan siya nang masama. “Kinabag lang ako dahil ininom ko 'yong coffee ni binili ni Duke—” “Didn't I told you na 'wag ka na ulit uminom ng coffee? Ganiyan ka ba kakulit?” bakas sa tono ni Hendrix ang inis. “Kaya mo tiisin sa harap ni Duke 'yang sumasakit sa'yo, tapos sa 'kin ka tatakbo para humingi ng tulong?”Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. “Hoy, hoy, hoy! Hindi ba't ikaw naman 'tong nagsabi na tutulungan mo 'ko? So, bakit ka nagrereklamo ng
“What happened to you, anak?!” sigaw ni Mommy. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa itsura ko ngayon. “Hays, Ma. Ilang beses ko ba uulitin sa'yo na nag-ayos lang naman ako, wala naman nagbago. Ako pa rin 'to,” nakangisi kong sabi at ngumuya ng kinakain.Ang akala niya kasi kinidnap ang anak niya kanina at pinagpapalo ako ng pamaypay niya. Kaya gulat na gulat ako at 'di ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya 'yong nangyari, na tinutulungan ako ni Hendrix na mag-ayos ng sarili ko. At ang ayoko pa ay kinikilig siya sa mga sinabi ko! Na kesyo nagpapaganda raw ako sa mokong na 'yon.“Sigurado ka ba na walang namamagitan sa inyong dalawa ni Hendrix?” pag-uulit na tanong ni Mommy.Huminga ako nang malalim at ngumiti ng peke. “Ma, kahit pagbaligtarin mo pa ang mundo hindi ko siya magiging boyfriend o asawa. Maniwala ka sa 'kin, Ma.” Humagalpak ako sa tawa. “Magmamadre na lang ako kung sakaling mangyari 'yon.” Umiling-iling naman si Mommy at tinuloy na lang ang pagkain niya ng alm
“Marami bang tao sa bar?” Suminghap ako at pinagkiskis ko ang mga palad ko para kumalma. “B-baka makita ko si Sir Duke ro'n, at sabihan akong isang party girl? O kaya naman pagkamalan niya ako na isa sa mga babae mo?” Tumingin ako kay Hendrix na diretso lamang ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha. I can only see his face because of the city lights. Sumimangot ako at bumalik ulit ako sa pagmumuni. “Well, gentleman si Sir Duke kaya malamang ay wala siya ro'n, hindi ba?” sabi ko sabay sulyap ulit kay Hendrix na wala pa rin ekspresyon hanggang ngayon. “Ano bang problema mo bakit nakasimangot ka diyan mula kanina?” naiinis kong tanong sa kaniya.Imbis na sumagot siya sa tanong ko ay ipinaharurot niya ang kotse. He drive as fast as he can. Hanggang sa makarating kami sa isang ekslusibong club. I-pinark niya ang kaniyang sasakyan sa parking lot. Maraming magagarbong sasakyan ang pumarada rito. At sa tingin ko super duper exclusive ngang club na it
Mahaba na raw ang bangs ko, at nasasabit ko na 'to sa likod ng tainga ko hindi na katulad dati. Pero inadvice-an nila ako na pahabain ko na lang daw ito, since nagmumukha raw akong bata kapag meron lang bangs. At saka nila ako pinayuhan na bumili na lang daw ako ng flats na sandal, at kung kaya rin daw ng paa ko ay sumuot na rin daw ako ng 2 inches na sandals imbes na vans at nike ang sinusuot kong sapatos. Mayroon din silang inaabot sa 'kin na maraming paper bag na Chanel ang tatak at Louis Vuitton. Nakita kong isang mamahaling dress at mga sandals na talaga namang mamahalin! At may mga purse pang kasama. Sabi nila ay galing daw lahat ng ito kay Hendrix.They also trimmed my hair para raw bumagay naman ito sa bangs ko, at para naman hindi daw ako magmukhanh sadako sa sobrang straigh ng buhok kong mahaba. Mas maganda rin daw kung icu-curl nang kaunti ang buhok ko para magmukha raw akong matured, kaya gano'n nga ang ginawa nila. Pasado alas nueve na ng gabi nang matapos kami. Nilagya
“Talaga bang ganiyan ka kumain?” tanong ni Hendrix habang pinapanood akong nilalantakan ang burger na inihatid dito sa kaniyang suite.Day-off ko ngayong araw, at ani Hendrix ay nagpapunta siya ng stylist dito upang ayusan ako. Mula buhok, hanggang pananamit daw!“Bakit ba?” Tumigil ako sa pagkain at binitawan sa plato ang burger at saka siya tinitigan nang nakataas ang dalawang kilay ko.Umiling siya. “Grabe ka kasi kumain parang 'di normal. Mostly mga babaeng kilala ko hinay-hinay lang sila sa pagkain, ikaw salaula ka eh,” ani Hendrix.Huminga ako nang malalim at saka siya nginitian nang peke. “Ano bang pakialam mo kung paano ako kumain, ha? At wala rin pala akong pakialam kung mahinhin sila kumain, hindi naman ako masiba kumain—”Humalakhak siya. “Anong hindi masibang kumain, Solene. Nakakatatlong burger king size ka na.” Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang kinakain ko. “Ang akala ko sasabihin mo sa 'kin nagiging mataba na 'ko,” sabi ko habang ngumunguya.“Solene! Don't talk whi
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Raquel ay dali-dali akong bumaba sa kotse, at saka ako patakbong pumasok sa bahay nila.Nadatnan ko si Art at Raquel na nasa sala. They having a good time. They watching a movie while cuddling each other.“Care to explain?” nakakrus ang kamay ko sa aking dibdib habang nakasandal ako sa hamba ng pintuan. Mukha namang nagulat si Raquel nang makita ako, animo'y nakakita ng multo. Habang si Art ay nakangiti lang sa akin at nasa loob ng kaniyang pants ang isang kamay niya.Tumingin muna si Raquel kay Art bago siya magsalita. “Sol...” She sighed heavily. “Art and I were dating for almost a year...” She smiled at me. Art held Raquel's waist kaya sinundan ko ito ng tingin.“Why don't Danica and I know anything about this?” nakataas kilay na tanong ko. “Kung kani-kanino ka pa naman namin shini-ship tapos in a relationship ka pala, siraulo,” natatawang sabi ko sabay iling ng ulo ko.“We hid our relationship at school and at social media. Actually, ginu
Kinabukasan, pumasok ako sa hotel na wala man lang tulog. Hindi na kailangang itanong kung bakit. Malamang dahil 'yon sa nangyari kahapon, takang-taka nga ako sa sarili ko kung bakit naiisip ko si Hendrix? Eh, hindi naman 'yon big deal para sa kaniya since he kissed a lot of girls na nagkakandarapa sa mukha niya.Well, aaminin ko... Maging ako ay napatulala sa Godly features niya. Ngayong araw ay todo-iwas ako sa kaniya. Pati nga ang nakasanayan kong dinadaanan araw-araw ay iniwasan ko, nag-iba ako ng direksyon para hindi kami magkasalubong Ayaw kong mag krus ang landas naming dalawa. I tried my best to ignore him!“Solene!” I heard a familiar voice. I don't know why do I feel nervous. Kaya maman binilisan ko ang paglalakad ko at pumasok sa elevator.Humarap ako patalikod at nakita kong si Sir Duke pala 'yon na malawak ang ngiti. Lakad at takbo naman ang ginagawa niya para lang maabutan ako sa elevator.“S-sir Duke! Good morning!” may halong kabang bati ko sa kaniya nang nasa loob k
Sobra akong namula dahil sa nangyari. Bakas na bakas pa rin ang pinaghalong gulat at hiya sa mukha ko. Narinig ko ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao na nasa loob ng clothes shop na ito.Pero ako? I'm like a very red tomato! And I don't know if what I'm going to react to what happened. All I know is that I was shocked! Literal na shocked. That's my first damn kiss! At ano? Mapupunta lang 'yong unang halik ko kay Hendrix Suarez? Natataranta ako at nababalisa. “A-ano... Ano pupunta muna ako sa r-restroom. Babush,” nauutal-utal na paalam ko at dali-dali akong nagtungo sa restroom. Tumingin pa ako kay Hendrix bago tuluyang tumakbo papunta sa restroom.He's just smirking. Ano pa nga bang ine-expect ko sa isang playboy, womanizer, cheater, o kahit ano pa! Kung sino-sino na ngang nahalikan niya, ang kapal naman niyang idagdag ako sa collection ng mga nakaw niyang halik!Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Bakit... Bakit parang may kakaiba sa tiyan ko? Kumakabog din