[LUCILLE's Point of View]
"Lucille, kumain ka muna. Heto, nagdala ako ng pagkain. ‘Wag kang mag-alala, hindi 'to galing sa canteen. Binili ko 'to sa isang malapit na restaurant. Five star 'yun! Medyo nakakahiya ngang mag-take out, eh. Mabuti na lang pumayag 'yung manager..."
Tahimik ko lang na pinanuod ang lalaking nagpakilala sa akin sa pangalan na Samuel na ngayon ay naghahanda ng pagkain. Halos hindi na maproseso ng utak ko ang mga pinagsasasabi n'ya dahil pilit kong hinuhuli ang kanyang bawat galaw at anggulo, hoping I'll find something.
His thick, messy brunette hair seemed to be immovable but it complimented his cherubic face. Lagi din s'yang nakangiti despite of his wan complexion. At 'yung bibig n'ya, walang preno. Pinilit kong maghanap ng kahit na ano sa kanya na masasabi kong ‘pamilyar’ sa akin. But there was none.
Dalawang araw n'ya na akong sinasamahan at binabantayan. Actually, wala namang ibang pumupunta sa akin bukod sa doktor, nurse at sa kanya. Ayokong magtanong. Ayokong magsalita hangga't hindi pa ako sigurado sa sasabihin ko. And I'm quite afraid sa mga p'wede kong malaman.
What couldn't be scary for someone who remember nothing?
Dalawang araw na mula nang magising ako and until now there was no sort of spark to my memories. Ang tanging alam ko lang ngayon, Lucille ang pangalan ko at dalawapu't limang taong gulang na ako. Si Samuel, sabi n'ya magkakilala kami. Hindi n'ya direktang sinabi kung anong koneksyon naming dalawa, kung magkaibigan ba kami o magkapamilya.
Pamilya.
Gusto ko sanang itanong sa kanya kung nasaan ang pamilya ko. But considering none had come to see and visit me aside from him, I think I already know the answer.
"Lucille? Okay ka lang?"
Bahagya akong napatalon sa gulat nang maramdaman ang paghawak n'ya sa balikat ko. Pasimple akong umiwas at lumayo. Hindi ko din maintindihan kung bakit hindi ko magawang maging komportable sa kanya kahit na ilang araw ko na s'yang kasama. Not because he looked like a bad person or what. It was quite the opposite, actually. Inosente s'yang tignan. He has sparkling eyes and a smile of a kid kahit na mas matanda daw s'ya ng ilang taon kesa sa'kin. Maybe I'm not just used of trusting people. Maybe.
"Ah, s-sorry. Sige, lalabas muna ako para maging komportable ka habang kumakain. Pupunta lang muna ako sa canteen, okay? Babalik rin ako."
Isang tipid na tango lang ang tanging isinagot ko. Bago s'ya tuluyang umalis, sinigurado n'ya munang nasa tabi ko lang ang mga kakailanganin ko katulad ng tubig at tissue para hindi na ako mahirapan. Inilapag n'ya din sa side table ang pagkain matapos n'ya 'tong ihanda.
"Ayan, kumain ka ng marami ah? Para lumakas ka saka 'yung baby mo." Nginitian n'ya ako saka lumabas ng pinto.
Kumirot ang dibdib ko nang banggitin n'ya ang tungkol sa baby. I am one month pregnant. Isa 'yun sa mga unang sinabi sa akin ng doktor nang magising ako. At sobra akong natakot nang mga sandaling 'yun. I had a car accident with an unborn child inside me. Kahit pa sinabi nilang hindi gaanong naapektuhan ang baby, hindi ko mapigilang matakot at sisihin ang sarili ko. How could I be so careless?
Napayakap ako sa sarili kong tiyan at halos malunod ako sa mga tanong na nasa utak ko. Sino nga kaya talaga ako? Ano ba talagang nangyari sa akin? Bakit parang walang may pakialam sa nangyari? At higit sa lahat... sinong ama ng dinadala ko? Nasaan s'ya? Bakit wala s'ya sa tabi ko?
Gusto ko ng sagot pero natatakot akong malaman kung ano 'yun.
Ewan, magulo. Mahirap.
At the back of my mind, naiisip kong siguro tinadhanang makalimutan ko lahat. For what reason? Maybe— just maybe— the memories I had were worth forgetting.
Hinayaan kong lumapat ang likod ko sa malambot na unan na nakalagay sa aking likuran habang yakap-yakap at pinuprotektahan ang sinapupunan ko. Wala akong ganang kumain.
My mind was clouded with thoughts para isipin ko pa ang pagkain. Natulala na lang ako sa labas ng bintana ng kwarto kung saan makikita ang nagtataasang building sa labas. Ilang minuto din akong nasa ganoong posisyon hanggang sa makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto. Bumalik na agad si Samuel?
I heard the creaking sound of the door being gently opened. Hindi na ako nag-abalang lumingon. Hinintay ko na lang s'yang makalapit sa pwesto ko at marinig ang mahaba n'ya na namang kwento sa simpleng pagpunta lang sa canteen. Sobrang daldal n'ya kasi talaga.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang mabibigat at mabagal n'yang hakbang papalapit. Hindi din s'ya nagsalita o nag-ingay. Then suddenly, a towering figure casted me shadow and the hair at the back of my neck rose in apprehension.
Weird man pero I could feel its deep stare at me.
Unti-unti at marahan akong lumingon. My head was turning slowly with my mouth slightly agape and cautious about my moves. Una kong nakita ang suot n'yang dark blue na suit, which wasn't Samuel's outfit. I raised my stare to the man beside me hanggang sa tuluyan kong makita ang kanyang hitsura.
One pair of deep, blank brown eyes greeted me, giving an odd swirling on the pit of my stomach. Para itong mga mata ng isang mabangis na hayop sa kanyang biktima. It was intimidating, menacing... scary. Pinilit kong ilihis ang tingin ko sa ibang parte ng kanyang mukha pero pilit akong hinila pabalik sa kanyang mga mata.
A gorgeous man with deep, grim eyes was staring at me... assessing me thoroughly as if he's trying to find something within my soul. He was observing me. Judging me, perhaps. For a reason I didn't know.
Then again, I dug in my mind— I looked for memories or familiarity of those gaze pero... wala. Hindi ko mahagilap sa utak ko ang lalaking kaharap ko ngayon.
But my heart... why was it throbbing hard like it actually saw something... desirable?
"S-sino ka?" nangangatal kong tanong dahil parang hinihigop ng malalim n'yang pagtitig ang hangin na nilalanghap ko.
"Why don't you ask yourself?" Nakaramdam ako ng kakaibang lamig nang marinig ko ang kanyang boses. Katulad ng kanyang mga titig, malalim ito at walang emosyon.
When he got no answer from me, umupo s'ya sa gilid ng kama at hinarap ako. Mas malapit na s'ya sa akin at mas nakikita ko na ang bawat detalye ng kanyang mukha. Pointed nose, thick brows, tightly closed plump lips, chiseled jawline. Tinignan ko na lahat ng p'wede kong makita. Pero... hindi ko pa din mahugot sa isip ko ang kahit na katiting na pamilyaridad sa kanya.
"K-kilala ba kita?" tanong ko ulit sa kabila ng pagwawala ng nakakulong sa dibdib ko. Napansin ko ang bahagyang pagtiim ng kanyang panga bagay na mas lalong nagpakaba sa akin. Nagalit ko ba s'ya? Nainis dahil hindi ko masabi kung sino s'ya?
Bigla n'yang itinaas ang kanyang kamay at inabot ang aking pisngi. Sinubukan kong umiwas pero mabilis n'ya itong naabot kaya wala akong nagawa kundi ang pumikit nang lumapat ang kanyang mainit na palad sa aking balat. Nahigit ko ang aking paghinga. May kakaibang sensasyong hatid ang pagdampi ng kanyang kamay sa akin at nagdulot ng mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Lucille..." dinig kong pagtawag n'ya sa akin. It was low and gentle but I could sense authority. "Open your eyes. Tignan mo ako."
It was like a spell. Napasunod n'ya ako without me thinking of what I was doing. Marahan at unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Muli akong nakulong sa kanyang mga titig. Gusto kong umiwas at lumayo pero merong kakaiba sa mga mata n'ya na gusto kong makita. I could see a hint of distinction within those brown orbs.
"I wanted you to keep this in your mind. Never forget who I am. I don't like being forgotten... honey."
H-honey?
"Primo Villazar. I am your husband."
[LUCILLE's Point of View] Primo Villazar... Husband... Gusto kong umiyak nang marinig ko ang mga sinabi n'ya ngunit mas nangibabaw ang pagkalito at kaba sa d****b ko. Asawa ko ‘daw’ s'ya. Pero bakit wala akong maramdamang kahit na katiting na kisap ng... pagmamahal? Shouldn't be husbands talk lovingly to their wives? Shouldn't they make us feel their affection even in their simple words? Pero ang lalaking kaharap ko ngayon... si Primo Villazar na asawa ko... ramdam ko na may mataas at matibay na pader sa pagitan naming dalawa. He was too close but still distant. Hindi ko din maintindihan kung bakit imbes na lumambot ang puso ko sa kanya, mas lalo kong gustong iwasan s'ya. Parang gusto kong umalis at magtago mula sa mga malalamig n'yang mata. Am I scared at him? No. Parang... parang... I don't know. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko gusto ang presensya n'ya. Was
[PRIMO's Point of View] "P'wede mo na bang sabihin sa akin kung ano na namang katarantaduhan ang tumatakbo d'yan sa utak mo?" Tamad akong bumaling ng tingin kay Samuel nang pasimple s'yang bumulong sa tabi ko. Bahagya s'yang nakasimangot sa akin na para bang uutangan ko s'ya. I diverted my gaze back to the nurse who was checking Lucille and dismiss his question. Pinanuod ko na lang muli ang ginagawa ng nurse na kumukuha ng mga stats. "Look Primo, kahit wala kang sabihin sa akin, nakikita kong may tumutubong sungay d'yan sa ulo mo. Kaya bago pa madulas ang dila ko kay Lucille, sabihin mo na kung anong pinaplano mo." I mentally rolled my eyes. "By what you've said, mas lalong hindi ko sasabihin. Ngayon pa lang na wala kang alam nangangati na 'yang dila mo. What more kung may malalaman ka?" pabulong ko ding sagot at hindi inaalis ang tingin ko unahan. "So, meron nga?" Hini
[PRIMO's Point of View] Bumalik ako sa kwarto ni Lucille at nadatnan ang doktor n'ya. Muli lang nitong ipinaalala ang mga gamot at vitamins na kailangang i-take ni Lucille at nagbigay ng mga cautions sa kondisyon n'ya. He also reminded us about the daily checkup schedule. Matapos n'un ay nagpaalam na ang doktor at umalis kasama ang nurse kaya naiwan kaming dalawa ni Lucille. And it was awkward. F*cking awkward. "Go get change. We're leaving after you change your clothes," sambit ko at inabot ang isang paper bag. Nag-aalangan n'ya pa itong kinuha mula sa akin at halos hindi ako binalingan ng tingin. Dumiretso s'ya sa CR na nasa loob ng kwarto at isinara ito. I stood still and waited for her. Habang hinihintay ko si Lucille, biglang bumukas ang main door at sumilip ng bahagya
[PRIMO's Point of View] "Naku, Señor! Nandito na ho pala kayo!" Patakbong salubong sa akin ni Tata Isko suson-suson ang kanyang sumbrerong gawa sa banig nang makababa ako ng kotse . "Nena! Isay! Nandito na si Señor Primo! Madali kayo!" sigaw n'ya pa matapos kong magmano at halos bumakat ang kanyang litid sa sobrang pagsigaw. Ang matandang 'to talaga, hindi na nagbago. Magmula noong bata ako ay sigaw n'ya na ang naririnig ko dito sa rancho. Tahimik ko munang iginala ang paningin ko sa lugar.Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang malawak na kapatagan. Malilim rin sa buong bakuran dahil sa makapal at naglalakihang mga puno sa paligid at pinaganda ng iba't ibang uri ng halaman. Everything was green, calm and refreshing. Napabaling naman ako sa lumang bahay. Nakatayo pa din ang malaking gazebo sa tabi ng ranch house na ginapangan na ng mga flowering vines. Bahagya akong napangiti n
[PRIMO's Point of View] Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at bumungad sa akin ang natutulog na si Lucille. Her head was rested on the edge of her seat while her arms was hugging her middle. Bahagyang natakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha. Out of reflex, hinawi ko ito at kulang na lang ay tampalin ko ang sarili ko. Makailang ulit akong napapikit ng mariin at napahinga ng malalim bago ko naisipang gisingin na s'ya. "Lucille," tawag ko sa kanya pero mukhang hindi n'ya ako narinig. "Lucille," pag-uulit ko at bahagyang ginalaw ang kanyang balikat. Pupungas-pungas n'yang minulat ang kanyang mga mata at tinignan ako. "We're here," saad ko pa bago umalis sa harapan n'ya at hinintay s'yang lumabas ng sasakyan. Marahan s'yang bumaba at puno ng pagkalito ang kanyang mukha habang tinitignan ang paligid. I mentally grinned seeing her worried face. Hinihint
"Ah! Mga paborito 'yan ng Señor. Adobong karne ng kabayo at nilagang baka. Naku! Makakalimot ka kapag natikman mo ang mga 'yan!" Pagmamalaki ni Nana Nena na halatang tuwang-tuwa nang kausapin at magtanong sa kanya si Lucille.Mukhang tama lang talaga na hindi ko sinabi sa kanila ni Tata Isko ang totoong nangyayari. Natural ang pakikitungo nila kay Lucille and that was way more better. Mabait sila Nana at ang lahat ng tao dito. Just like what my Lolo said, a genuine kindness could kill. It was like a good torture for those who deserve it.Walang nagawa si Lucille kundi ang tikman ang mga hinain sa kanya. Siguradong kumakalam na ang kanyang sikmura kaya napilitan na s'yang kumain. Sumubo s'ya ng adobo at nakangiwi itong nginuya bago pilit na ngumiti kay Nana Nena."Oh, hindi ba! Masarap ang mga luto dito sa probinsya kaysa sa Maynila."Tumango-tango s'ya at muling sumubo. Halos magsalubong ang k
[LUCILLE's Point of View]“Delikado,” mahina n'yang sambit at bahagyang pinisil ang aking magkabilang balikat na nakakulong sa kanyang mga kamay.“But I don't want to leave you. I'll stay with you!” daing ko at isang luha ang kumawala sa nag-iinit kong mga mata. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay at nagpakita ng kalungkutan at awa ang kanyang mga mata.“I know. But this is for the best, Lucille. This is for your safety. For your safety."~~~"Lucille?"Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. The room was poorly lighted pero malinaw kong nakikita ang bawat parte ng kanyang mukha. He was looking at me with his thick brows slightly furrowed dahilan para mas lalong bumilis ang aking mabigat na paghinga. Without knowing why, bigla akong napabalikwas at yinakap s'ya.Ibinaon ko ang akin
"S-sorry," hindi ko mapakaling sambit dahil sa sobrang pag-iwas sa tanawing ino-offer ng katawan n'ya. "‘Yung... 'yung manok kasi, e." I bit my lower lip, feeling a pang of conscience for blaming the chicken. Sabagay, kasalanan naman talaga ng manok. Tumaas ang isa n'yang kilay na parang hindi kumbinsido sa dahilan ko. "‘Yung manok ba talaga?" "O-oo! Nagulat ako. I... I was..." Unti-unting bumaba ulit ang tingin ko sa katawan n'yang dinadaluyan ng maliliit na butil ng tubig. I mentally slapped myself and closed my eyes. Nagkunwari akong napuwing at umiwas ng tingin. "N-natakot kasi ako! Kaya... ganun." He clicked his tongue at naglakad palampas sa akin. Lumapit s'ya sa bintana at sinara ito dahilan para bahagyang dumilim ang kwarto. Kumabog ang d****b ko. There was something inside me telling na alam ko ang ganitong scenario. Wait, alam ko ba talaga 'to? Or I was just imagining things? Oh, pl
[PRIMO's Point of View]"Amnesia?!"Bahagya akong napapikit at napatiim ang aking panga dahil sa biglaang pagsigaw ni Barron. Nasa loob pa naman kami ng maliit nyang opisina kaya tila nakulob ang napakalakas nyang boses sa apat na sulok ng silid. Nakakabingi. If I only know na ganito pala ang mangyayari I shouldn't went to this office just to fvcking explain to him this kind of nonsense."Kailangan mo ba talagang ulitin ang sinabi ko at sumigaw?" Naiirita kong balik.Napatayo sya mula sa kanyang swivel chair at naglakad ng pabalik-balik sa harapan ko habang pinapasadahan ang kanyang buhok. Minsan pa'y napapahilamos sya sa kanyang mukha."P-pero bakit? Paano?""Samuel said it's a car accident. Nawalan daw ng preno ang sasakyan nya then she was rushed to the hospital by a concern citizen," tamad kong paliwanag.Bumalik naman sya sa kanyang upuan, kaharap ng sa akin at kunot-noo akong tinignan."Ang ibig mong sabih
[LUCILLE's Point of View]Halos masira ang pinto ng kwarto sa bilis at lakas ng pagkakabukas ko dito. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa sink sa maliit na kitchen dahil sa nagbabantang masamang pakiramdam sa loob ko. When I finally got there, napayuko ako sa sink at doon napasuka. I felt like my tummy was being turn up side down. I was totally helpless. Naduduwal talaga ako.Habang sumusuka, I was quite shock nang maramdaman ko ang mahinang paghimas ng likuran ko at ang paghawi sa buhok kong lumalaylay sa mukha ko. I took a side glance. Agad akong nakarandam ng pamumula ng mukha nang makitang titig na titig ang walang kabuhay-buhay nyang mga mata sa akin."How are you feeling?" mahina at monotono nyang tanong.Bahagya akong napa-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I was the one who asked him to act, at least, as my husband— to make me feel his presence as a partner. Pero ngayong ginagawa nya na, ako naman 'tong naiilang at
"Calm your heating ass down," casual na sambit ni Primo. "Para sa ikatatahimik ng utak mo, I didn't do anything to her. Nagkar'on s'ya ng aksidente. She lost her memories."Pareho silang napabaling sa akin. Hindi ko alam kung sinong titignan kaya napayuko na lang ako."Anong ibig mong sabihin—""Thank you for help. If you don't mind, kailangan ko na s'yang i-uwi. It will rain."Hinatak ako ni Primo papunta sa kabayo n'ya. Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hindi n'ya ito binitawan at sa halip ay tumigil s'ya at nilingon ako.There it goes again. 'Yung mga titig n'ya talaga binibigyan ako ng kakaibang kaba. Kaya... kaya parang ayokong sumama sa kanya.Nilingon ko si Barron na nanatiling nakatayo at nakatingin sa amin. On a second thought, parang gusto ko pa s'yang makasama. Hindi lang para makilala s'ya kundi para na din magtanong ng tungkol sa akin
[LUCILLE's Point of View]Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa pagkakaupo ko sa ilalim ng puno habang nakatulala sa ilog at pinapakinggan ang mahinang tunog ng pag-agos nito.Pinipilit kong pagtagpi-tagpiin lahat ng nalaman ko kanina pero nauuwi pa din ako sa mas marami pang mga tanong. Ang hirap. Para akong sumasagot ng isang pagsusulit na parang never ko namang napag-aralan.Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking sarili nang umihip ang malakas na hangin. Naka-sleeveless dress pa naman ako kaya halos mangatog ang buong katawan ko sa lamig. Napansin ko din ang biglang paglilim ng paligid kaya napaangat ang tingin ko sa langit.Mukhang uulan pa yata.Tumayo ako at nanatiling nakayakap sa sarili ko. Balak ko na sanang bumalik sa farm kaya lang hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik.Nagpaikot-ikot sa kinatatayuan ko at wala akong ibang nakita kundi
[PRIMO's Point of View]"Where is she? Nahanap n'yo na ba? Nasaan na s'ya?"Sunod-sunod kong tanong sa sobrang pagka-aligaga."Señor... hindi pa din ho namin nakikita si Señora Lucille. Naikot na po namin ang buong farm pero wala po talaga s'ya dito," sagot ng isang magsasaka bagay na mas lalong nagpasakit ng ulo ko."Sa... sa ranch house? Sa hacienda? Tinignan n'yo ba? Hinanap n'yo ba s'ya doon?""Oo na po, Señor. Pinuntahan na po nina Tata Isko ang dalawang bahay pero wala daw ho talaga ang asawa n'yo."Napapikit ako at pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang inis anumang oras ngayon. Bwisit! Nasaan na ba ang babaeng 'yun?"Hanapin n'yo s'ya! Maghanap kayo sa lahat ng sulok ng hacienda! Wag kayong magpapakita sa'kin hangga't hindi n'yo nahahanap si Lucille!"Kapwa mabigat ang paghinga at bawat hakbang ko habang papaalis sa harap ng mga magsasakang naghahanap kay Lucille. I know I was being r
[LUCILLE's Point of View]Nangangatog ang tuhod ko habang papalapit ako sa kumpol ng mga kalalakihan sa gitna ng taniman ng kape. Halos bumaon rin ang mga kuko ko sa aking palad dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Hindi din pinalampas ng pakiramdam ko ang mga titig ng mga nadadaanan ko ang ang mahihina nilang bulong.Pero kahit ganon, sinikap kong tumingin lang ng diretso sa taong pakay ko. Nakatalikod s'ya sa akin pero alam ko at sigurado akong s'ya yun. The broad shoulders, tall figure, mascular body. I know it's him.Ilang metro bago ako makarating sa pwesto n'ya at ng mga magsasaka ay napalingon na sa akin ang karamihan sa kanila. Ang ilan ay napayuko at umiwas ng tingin. May ibang nagpaalam at umalis. Hanggang sa umikot paharap sa akin si Primo na s'yang pakay ko.Agad na nangunot ang noo n'ya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang ang sama palagi
LUCILLE's Point of ViewI'm starting to hate my situation.Una dahil pakiramdam ko ay hindi ko talaga kilala ang sarili ko at hindi ko na maintindihan ang mga nagiging kilos ko.Pangalawa, pakiramdam ko ay hindi ko kilala ang lalaking kasama ko bilang asawa at hindi ko na maintindihan ang ikinikilos n'ya pagdating sa akin.Imagine, nagawa n'ya akong hindi kausapin kagabi at pinabayaan akong matulog sa sama ng loob! What kind of husband that will do such thing to his wife? Nakakainis! He's really unbelievable!Tapos balak n'ya pa akong iwan ulit sa ranch house kanina. I'm afraid that he'll do the same thing yesterday na pinabayaan n'ya ako maghapon at magdamag kaya nagpumilit na talaga akong sumama sa kanya papunta sa farm.He was stern to his decision na iwan ako sa bahay kaya ang ginawa ko, nauna na akong pumunta sa farm which eventually made him follo
Time flew fast. Narinig ko na lang na tinawag kami ng emcee para pumunta sa harapan. Pumauna sina Papa at Tito Dante. They were telling something about their friendship and such na halos hindi ko na narinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko lalo na't sa akin na ang sunod na hakbang.When Tito Dante was done talking, he looked at me and nod. Huminga ako ng malalim and faced Lucille with all my might.Kunot-noo n'ya akong tinignan. It was like a warning look pero hindi ko na magawang indahin pa ang nagbabanta n'yang titig."Lucille," I called her and her left brow raised.Inabot ko ang kamay n'ya and kneel down with my one knee as I pull out a small box from my pocket. Bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya at bumukas ang kaninang mahigpit na nakasarang mga labi n'ya. And due to my throbbing heart, I unconciously told her the words I've been practicing for a thousand times."Lucille
[PRIMO's Point of View]I was trying to concentrate on doing reports sa dining table using my laptop pero hindi ko mapigilang isipin ang naging reaksyon kanina ni Lucille.She was really mad dahil umuwi ako ng late. Like heck! She never acted that way. Ni wala nga s'yang pakialam dati kahit abutin ako ng umaga sa office kapag nagtatampo ako sa kanya or whenever I wanted her to miss me. But that's stupid. Masaya pa nga s'ya tuwing hindi n'ya ko nakikita. She never missed me. She hate my existence really bad.Kaya... bakit ganun na lang ang reaksyon n'ya sa'kin kanina?As if she's a worried wife. Tss.Napasandal ako sa backrest ng upuan and groaned silently dahil hindi ko matapos-tapos ang ginagawa ko. Damn that scenario earlier.I was reaching for my cup of coffee sa tabi ng laptop nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako agad sa side kung nasaan