Share

Kabanata 13

Author: LorieMeTangerine
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NAPAATRAS si Stella nang makita niya ang mainit na tagpong iyon sa pagitan ni Zierelle at ni Gabrielle. Parang pinagpira-piraso ang kanyang puso dahil sa eksenang naabutan niya.

Pagkalabas na pagkalabas lamang ni Gabrielle ng faculty nila ay sinundan niya ito upang matingnan kung ano nga bang namamagitan sa dalawa. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito at kahit sa pag-uusap lamang ng dalawa ay nakaramdam na siya ng matinding pagseselos sa kaibigan.

Naiisip niyang siya dapat ang nasa kalagayan ngayon ni Gabrielle. Siya dapat ang kausap ni Zierelle. Siya dapat ang nakakulong sa mga bisig nito at siya dapat ang hinahalikan nito.

Hindi na siya makapag-isip pa ng maayos ng mga panahong iyon, kung kaya’t nasuntok niya ang pader di-kalayuan lamang sa kinalalagyan niya. Nagdilim na ang paningin niya at ang nasuntok pa pala niya ay ang fire alarm kung kaya’t biglang tumunog ito at napansin na niyang nagsilabasan na ang mga co-teachers niya sa faculty at maging ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 14

    NANINGKIT ang mga mata ni Gabrielle habang pinapakinggan ang usapan ng kapwa guro na si Eris at ng kausap nito sa cellphone na tinawag nitong Ashtear. Hindi nito namalayan na napadaan din siya sa gawing iyon ng pasilyo at kinutuban siyang parang may kung anong maling nangyayari kung kaya’t nagkubli siya sa hindi kalayuan at sapat na ang kanyang distansya para marinig niya ang usapan ni Eris at ng babae.Napaangat ang kilay niya nang malamang Veronica pala ang totoong pangalan nito at sigurado siyang nagnakaw lamang ito ng pagkakakilanlan sa isang babaeng guro na ang pangalan ay Eris at dinoktor lamang nito ang ilang dokumento upang mapatunayan nitong ito nga ay si Eris Napabuntunghininga siya.Nakakaawa naman ang babaeng guro na nabiktima ng mapagbalat-kayong babaeng iyon. Sisiguraduhin kong matatapos na rin ang ginagawa mong panloloko sa amin..Kung kaya’t nang makita niya itong kausap si Vanessa ay kinutuban na agad siya na may maitim itong plano sa kanilang e

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 15

    Tiningnan muna ni Gabrielle ang kanyang wristwatch kung mayroon pa siyang oras na maibibigay kay Eris at Brent upang makausap ang mga ito. Sakto na mayroon pa siyang trenta minutos upang magbreak kaya hindi na siya nagdalawang-isip pang ayain ang dalawa upang makapag-usap sila sa labas.Humantong sila sa isang coffee shop na nasa di-kalayuan lamang sa pinapasukang paaralan. Umorder na siya ng kape para sa kanilang tatlo at nagmamadali na siyang umupo upang mabilis silang makapag-usap.“Hindi ko na patatagalin pa ito Brent pero iba talaga ang kutob ko sa Eris na substitute teacher namin noong una ko pa lamang siyang makita. Nagkaroon kasi siya ng pagkakataon na makapasok sa paaralan namin dahil sa maling ginawa niya sayo Eris pati na rin sa ginawa ng isa sa mga kasamahan nila sa kasamahan naming MAPEH teacher na hanggang ngayon ay nawawala pa,” napabuntunghininga muna siya at humigop ng kape bago muling nagsalita.“At tama nga ang aking hinala.

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 16

    "KAMUSTA ka na Julian?” masiglang tanong ni Brent sa kasamahan habang nakaupo siya sa gilid ng higaan nito.“Heto masakit pa rin,” mahahalata ang kalungkutan sa mga mata nito.“Mabuti nalang at sa balikat ka lang napuruhan ng babaeng iyon,” parang may galit sa tinig ni Brent habang sinasabi iyon.Nabuhayan ng loob si Julian nang marinig ang pagkukuwento ni Brent tungkol sa babae,“Nasaan na ang babae? Kamusta siya? Nahuli na ba siya? Sumuko na ba siya?” sunod-sunod ang tanong ni Julian kaya nakahalata naman si Brent.“Teka nga, binaril ka na nga ng babaeng iyon, bakit siya pa ngayon ang inaalala mo?”Napabuntunghininga muna si Julian bago nagkuwento. “Alam kong ayaw niya akong barilin pero wala na siyang ibang maisip na paraan. Tinangka kong maunahan siya at magawa ko ang tungkulin ko bilang alagad ng batas ngunit hindi ko agad nagawa dahil puso ang pinairal ko,”“Julian, kaila

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 17

    "BITIWAN mo ako,” halos may bumara sa lalamunan ni Gabrielle pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hawak pa rin ni Zierelle ang kanyang braso upang pigilan siya sa tangkang pag-alis pero nilakasan niya ang kanyang loob at iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Ginusto niyang harapin ito at kausapin ngunit ayaw niyang gawin dahil nakatingin sa kanila si Stella.Dire-diretso na siyang lumayo sa mga ito at nagpunta sa mesang nasa di-kalayuan. Kung tutuusin, hindi naman ito masyadong malayo dahil kitang-kita niya pa rin ang mga ito at ganoon din ang mga ito sa kanya. Nakaharap pa nga siya sa mesa ng mga ito kaya’t kitang-kita niya kung anong ginagawa ng mga ito.Nakita nga pa niyang sabay na tumawa ang dalawa. Kung kaya’t napasimangot siya at inis na tinawag ang waiter at nag order ng anim na bote ng beer pati isang pinggang manok bilang pulutan.Nakakaasar naman ang lalaking ito. Pipigil-pigilan pa niya ako kanin

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 18

    AAHHHHHHHHHHHHHHH!!!” ang malakas na sigaw na iyon ni Gabrielle ang nagpagising sa natutulog na si Zierelle sa sofa.Marahil nagulat si Gabrielle pagkagising dahil ibang damit na ang suot nito at hindi na ang damit na suot nito noong nagdaang gabi. Kaya’t dali-dali saying nagtungo sa kama kung saan nakahiga ang babae. Nakatalukbong na ito ngayon ng kumot at tila nahihiya sa kanya. Dapat nga siya ang mahiya dahil nasa pamamahay siya ni gabrielle ngunit nabaliktad ang pangyayari.“Gab, show yourself,” kalmado niyang wika habang pilit na hinihila ang kumot na pinagtataguan nito.“N-nahihiya ako,” she stammered.“Why? Narito nga ako ngayon sa bahay mo, hindi ba dapat ay ako ang mahiya sayo?” pangungumbinsi niya pa rito.“Tell me, ikaw ba ang nagbihis sa akin? A-ano bang nangyari kagabi?”Napangiti siya. “Siyempre hindi ako ang nagbihis sayo kundi ang landlady mo. Binastos ka ng isang lalaki s

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 19

    "CHIEF, itutuloy mo pa ba ang date ninyo ngayon ni Stella?” tanong ni Lemuel kay Zierelle.“Kailangan kong ituloy, Lemuel dahil pumayag na kasi ako, ayaw ko namang isipin niyang wala akong isang salita,” napabuntunghininga pa si Zierelle habang sinasabi iyon.“Puwede naman, Chief. Tapos magkunwari kang tumawag si Major at pinapapunta ka sa opisina tapos ako nalang ang papalit sa puwesto mo para maka-date ko naman si Stella,”“Tama ka, Lemuel! Ang galing mo talaga!” napapalakpak pa si Zierelle na parang nanalo sa lotto sa naisip ng kanyang kaibigan.Magsasalita pa sana si Lemuel pero biglang sumigaw si Brent at Julian. Abala na ang dalawa sa paghahanda upang umalis na sila at pupunta sa crime scene.“Chief! May natanggap kaming tawag ngayon lang. May nakitang patay malapit sa ilog! Kainakailangan na nating puntahan!” wika ni Brent.Iyon lang ang tanging nais marinig ng dalawa upang mabilis na rin sila

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 20

    "BESHY! Kamusta ang date ninyo ni Mr. Police Officer?” masiglang tanong ni Gabrielle sa kaibigan nang makasalubong niya ito sa hallway. Nagulat pa siya nang humarap ang kaibigan sa kanya dahil hindi niya maipaliwanag ang emosyon sa mukha nito. Galit naman ang nababanaag niya sa mga mata nito.“Puwede ba, huwag kang magkunwaring masaya ka para sa akin. Hindi na uso ngayon ang plastic,” galit na wika ng babae at itinulak pa siya.“A-anong ibig mong sabihin, Stella?” naitanong niya pa rin dito kahit na hindi na niya alam kung ano ang dapat na isagot sa kaibigan.“Naalala mon ang sabihin ko sayong gusto ko si Zierelle? Bukal ba talaga sa kalooban mon a iparaya siya sa akin?”“Gusto mo bang malaman kung ano talaga ang kasagutan sa katanungan mo?”Tumango si Stella at nakita pa niyang naikuyom nito ang kamao dahil sa tindi ng galit na nararamdaman.“Stella, bestfriend kita, kaya kahit na masaktan ako

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 21

    HUMANTONG si Gabrielle sa sementeryo kung saan palagi siyang pumupunta doon upang maglabas ng hinanaing sa kanyang ina. Dulot na ring ng wala naman siyang kahit na isang tao na mapagsasabihan.Pinalis niya muna ang mga luhang nagsisimula nang pumatak sa kanyang pisngi. “Nay, bakit po ganoon? Ako na nga palagi ang nagpaparaya at nasasaktan pero sa huli ako pa rin po ang naging masama at ang palaging iniiwan,” napabuntunghininga siya. Sobrang sikip na ng dibdib niya dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya.She felt betrayed and worthless. Iniiwan nalang siya palagi ng mga taong pinapahalagahan niya. Isa na roon si Stella na parang basahan nalang kung itapon ang kanilang ilang taon ding samahan bilang magkaibigan.Kahit na hindi niya ito pinapili ay malinaw na malinaw sa kanya na si Zierelle ang pinipili nito. Kahit na nasasaktan siya ay lihim niya nalang na idinadalangin na sana’y piliin din ni Zierelle si Stella upang mapatunayan din nito sa sari

Pinakabagong kabanata

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 70

    abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 69

    “Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 68

    NAKITA na nilang lahat ang mansiyon na nakatayo sa gitna ng isla. Habang nasa laot sila ay nakita na nila sa kanilang largabista ang ilang mga tauhang nakabantay sa labas ng mansiyon. Kaya’t upang hindi kapansin-pansin ang kanilang pagdating sa islang iyon ay lumampas sila sa naturang mansiyon at dumaan sila sa malayo-layo at likurang bahagi ng isla. Kung bibilangin nasa bente rin silang lahat dahil dumagdag pa ang dalawang babaeng kasama nila-sina Zyph at Grechelle. Gabi na rin nang makarating sila sa islang iyon kung kaya’t ipinasya na lamang nila na mag bonfire muna habang nagpaplano kung paanong pagsugod ang gagawin.Nang makagawa na sila ng bonfire pumaikot sila doon. Nagustuhan ng lahat ang atmosphere lalo na ng dalawang babae habang nagbabatuhan silang dalawa ng mga buhangin. Nakita rin nila kung gaano ka-enjoy ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.“Masaya sana kung narito lang tayo upang mag-relax,” napabuntunghiningng wika ni Brent.“Pero hindi, may misyon tayong d

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 67

    Ang mga kaganapan ilang oras bago makipagkita si Detective Lee at ang mga tauhan nito kay Zierelle…WALANG inaksayang panahon si Zierelle dahil naalala niya dati ang usapan nila ni Gabrielle pagkatapos na maligtas ito mula sa mga kidnappers. Nagflashback ang lahat sa isipan niya.“Gab, palagi mong buksan ang location sa phone mo ha. Iyong GPS ba para kahit saan ka magpunta puwede kitang ma-track,” nakangiti niyang sabi sa babae.“Oo naman, sabi mo eh,” ngumiti rin sa kanya pabalik si Gabrielle habang sinunod nito ang utos niya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali siyang nagpunta sa kanilang headquarters upang humingi ng tulong sa dalawang kasamahan kung saan expert si Julian sa ganoong field. Mabuti na nga lamang at mabilis na naging maayos ang kalagayan ng dalawa matapos magtamo ng sugat na kagagawan ni Colonel Rolando Narciso. Nang makarating siya doon ay humahangos pa siya dahil sa sobrang pagmamadali niya kanina. “Julian!” biglang tawag niya at sigaw rito.“Napano ka chief?” nagm

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 66

    NAKARAMDAM si Gabrielle nang sobrang pagkahilo habang lumalapag ang sinasakyan nilang chopper. Hindi kasi talaga siya sanay na sumakay sa mga ganitong uri ng sasakyan dahil tiyak na kung hindi siya mahihilo ay masusuko siya at iyon ay ayaw niyang mangyari noon ngunit gusto niyang mangyari ngayon upang masukahan niya si Gary upang kahit papaano ay makapaghiganti siya mula rito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay tila kay damot ng tadhana. Ni hindi nga siya nasusuka kapag sa mga panahong nasusuka siya. Ba’t ba naman kasi ayaw makisama ngayon ng kanyang sikmura kung saan handa na siyang sukahan ang isang taong karapat-dapat naman talagang masukahan!“Gary, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa amin ng Ate ko? Hindi ka ba marunong maawa? Sa lahat ba ng mga pagsubok na napagdaanan mo ay hindi mo pa rin kayang baguhin ang sarili mo?” pangongonsensya ni Gwyn kay Gary.“Manahimik ka!” sita ni Gary kay Gwyn sabay sampal dito. Hindi naman makapalag si Gwyn dahil hawak-hawak siya ng dalawang l

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 65

    "GARY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba! Saan mo ba kami dadalhin!?” reklamo ni Gwyn habang sapilitan silang pinapaakyat sa chopper. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga lalaking kumakaladkad sa kanila kanina ay mga bagong mukha at tanging si Gary lang ang kakilala niya.Patunay lamang nito na dumarami na ang tauhan ni Colonel Rolando Narciso. Kahit na maraming nalalagas ay marami rin namang handang pumalit at dumagdag sa mga tauhan nito.“Walanghiya ka, Gwyn! Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Colonel ngunit niloloko mo lang siya! Handa ka na palang isuplong kami pinatagal mo pa!” at pagkatapos sabihin iyon ni Gary ay ubod lakas niyang sinampal si Gwyn.Nakita naman ni Gabrielle ang ginawang iyon ni Gary sa kanyang kapatid kung kaya’t agad na nag-init ang kanyang ulo.“Hoy! Huwag na huwag mong padadantayin iyang kamay mo sa kapatid ko dahil nakasisiguro talaga ako na ako ang makakatapat mo!” sigaw ni Gabrielle habang pumapalag. Hindi naman siya makalapit nang ganoon kabilis dahil hindi na

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 64

    Kabanata 64"MGA inutil na mga pulis iyan! Pinairal na naman nila Ang kanilang katangahan! Nasorpresa silang lahat nang malaman na ako ang founder at boss ng Crying Ladies!" Tumawa pa si Colonel Rolando habang sinasabi iyon.Nakitawa na rin si Gary dahil nagtagumpay na naman sila sa mga binabalak nila. Bumalik-tanaw sandali SI Colonel Rolando kung paano nila nalusutan at natakasan ang mga pulis. Pakiramdam niya talaga ay napakasuccessful niya dahil kahit na si General ay naisahan niya upang mailigtas si Major Rosales na siyang kanang kamay niya. Alam na niya agad na nahuli si Major Rosales at sasailalim na sa interrogation kung kaya't mabilis siyang napapunta sa interrogation and investigation room dahil may kutob siyang kailangan na niyang mailigtas SI Major Rosales . Syempre, dahil may posisyon siya sa kanilang departamento hindi na kwinestyun pa ng mga ito ang kanyang panghihimasok at pangingialam kahit na wala naman siyang Kaugnayan doon.Dati ay Isa na siyang miyembro ng Theatre

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 63

    “GRECHELLE, dito talaga tayo matutulog?” nakangiwing wika ni Zypherine sa bagong kaibigang nakilala lang sa kalye.Pinasadahan niya ng tingin ang kinalalagyan nila ngayon na mistulang isang abandonadong bahay. Hindi pa naman siya sanay na hindi komportable ang pamumuhay. Lalo pa’t madilim ang lugar na iyon ngayon at tanging ang liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kanila.Narinig niyang napabuntunghininga ang kanyang kausap. “Magtiis nalang muna tayo sa ngayon, Zyph. Wala naman tayong mapuntahan, ayoko namang bumalik sa shelter dahil baka mahanap ako roon ng tatay ko,” simulang pagkukuwento nito sa kanya.Nagtaka siya sa mga binitawan nitong salita. Ngunit bago pa siya ulit makapagtanong ay agad na itong tumayo at may kung anong kinuha. Maya-maya pa’y lumiwanag na ang buong paligid. At doon na lamang niya nakita ang kabuuan ng lugar kung saan sila ngayon naroroon. Isa nga iyong abandonadong bahay na tila maliit na bungalow lang. Mayroon namang bubong na yero ngunit kitang-kita ang mada

  • That Summer...the Rain Pours   Kabanata 62

    GULAT silang lahat pagkatapos na makita ang ganoong ipinakitang ugali ni Colonel Rolando kung saan tinutukan nito ng baril si Major Rosales habang hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi agad sila nakapagsalita lahat dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Makikita ang takot sa mukha ni Major Rosales dahil sa galit na ipinakita ni Colonel Rolando.“Madami na talagang sindikato ngayon ang nambibiktima ng mga kapwa nila tao. They are making other life miserable. At iyon ang hindi ko hahayaan. Ikaw Rosales, alam kong hindi ka nagsasalita at hindi mo manlang ipagkakanlulo ang iyong boss kasi alam mong ililigtas ka niya,” this time, nakangiti na si Major Rosales habang sinasabi iyon pagkatapos ay tinanggal na nito ang pagkakatutok ng baril kay Major at dumiretso na ito ng tayo. “At dahil hindi mo ipinagkanlulo ang boss mo, ililigtas ka niya,” wika ni Colonel Rolando sabay ngumiti ng nakaloloko. Ngunit bago pa makapag-react ang lahat ay mabilis nang kinalabit ni Colonel ang hawak nitong bari

DMCA.com Protection Status