Home / Romance / Tempting the Uncle: A Deal of Desire / Chapter 2: Will he agree to marry me?

Share

Chapter 2: Will he agree to marry me?

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-03-19 15:32:54

JALENE’S Pov

Palaisipan man kung paano nalaman ni Uncle Frank ang buong pangalan ko, tumango pa rin ako.

“A-ako nga ho, Uncle”

“Don’t call me Uncle sabi!”

“Pero uncle po kayo ni JV. Kaibigan ko siya kaya—”

“Hindi kita kaanu-ano! Damn it!”

Nagbaba ako nang tingin. “Sorry po,” sabi ko na lang.

Saktong umilaw ang hawak kong cellphone. Nang makita ang pangalan ni Nanay ay tinaas ko iyon. “Sandali lang po, Uncle, sagutin ko lang po.”

“I said—” Hindi na natapos ni Uncle Frank dahil umalis na ako sa harapan niya. Lumayo ako para sagutin iyon. May problema sa pandinig ang Nanay ko kaya kailangan kong lumayo.

“Nay, kung ang pag-uwi ko na naman—”

“Talagang kailangan mo nang umuwi rito, Jalene,”  putol ng kanyang Tiyahin sa  sasabihin ko. “Isinugod sa ospital ang Ate at kakatawag lang sa akin ng pinsan mo, pinapauwi ka na.” Saglit na nawala ang Tiyahin sa kabilang linya, pero narinig ko ang pagsinghot niya. “M-mukhang hindi maganda ang kalagayan ng iyong inay. Kaya umuwi ka na ngayon din.”

“T-Tiyang,” tanging sambit ko nang mapagtanto ang ibig niyang ipahiwatig.

“Ano? Uuwi ka ba o hindi? Ikaw rin. Baka pagsisihan mo ang lahat.”

“U-uuwi po ako ngayon, Tiyang. Paki-bantayan naman po nang maigi si Nanay. Make sure na maayos siya hanggang sa makarating ako. Pakiusap,”

“Sige-sige. Sasabihin ko sa pinsan mo, para mai-relay din sa Nanay mo.”

“M-marami pong salamat.” 

Hindi na ako nagsayang ng panahon. Umalis ako sa party na iyon. Nagpadala na lang din ako ng text kay JV na uuwi dahil sa nangyari kay Nanay. Kabado ako sa mga sinabi ng aking Tiyahin, sa totoo lang. Kakaiba ang mga pahiwatig niya kaya hindi ko pwedeng balewalain.

Nagbihis at kumuha lang ako ng ilang damit sa apartment ko bago ako pumunta ng terminal pauwi sa amin. Mga limang oras lang naman ang biyahe. Pero para sa akin, matagal. Kaya madalang akong umuwi talaga ng probinsya namin. Nababagot ako sa ganoon kahabang biyahe.

Sa ospital na ako dumeretso. Agad kong tinanong sa information kung saan ang silid na ikuukupa ni Nanay.

“M-maraming salamat ho,”  ani ko nang sabihin niya ang kinaroroonan ng aking Nanay. Kabado na ako noon dahil sa dami ng text ng aking tiyahin. 

Naabutan ko si Tiya Glory sa labas na umiiyak. Kaya naman napatingin ako sa pintuan.

“T-Tiyang…”

Nag-angat nang tingin ang tiyahin ko nang marinig ang boses ko. Agad na niyakap niya ako.

Ang Tiyang Glory ko kasi ang pinaka-close ng Nanay. Kaya ganito na lang ang reaksyon niya sa nangyari.

“Sige na, pumasok ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Ate.” 

Tumango ako sa kanya.

Para akong hinahabol noon dahil sa bilis na pagtibok ng aking puso. Walang sinabi si Tiya kaya hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko sa loob.

Dahan-dahan pa ang ginawa kong pagbukas. Pero hikbi agad ng aking pinsan ang naririnig ko. May nagsasalita pero pabulong lang at mukhang hirap kaya tinulak ko na nang malapad ang pintuan. Napatingin sa akin si Ate Hemery, na aking pinsan. May sinabi ito kay Nanay na ikinatingin niya sa aking gawi.

Lumapit sa akin ang pinsan ko at bahagyang pinisil ang aking braso. Lumabas na rin siya para bigyan kami ng chance na makapag-usap na mag-ina.

Ngumiti si Nanay pero hindi ko makita ang kasiyahan sa mukha niya. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa kalagayan na ganyan? 

Hinawakan ko ang kamay niya nang makitang umangat iyon. 

“N-Nay,” 

“M-masaya akong makita ka sa huling oras ng buhay ko.” Naramdaman ko ang pagpisil niya.

“H-hindi ako masaya, Nay. Mas gusto kong naririnig ang boses na pumupuno sa silid ko.” Napiyok na nga ako. “Kaya bumangon ka dyan, Nay.”

Ngumiti lang siya sa akin. Pero hindi ko magawang tumugon, umiyak na lang ako nang umiyak.

“A-alam kong hindi na ako magtatagal sa mundong ito, Anak. Kaya sana, matupad na ang matagal ko nang hinihiling sa ’yo, ang pakasalan mo ang anak ng aking kaibigan.”

Sa huling mga sandali ng buhay ng ina, ang maikasal pa rin ako sa anak ng kaibigan niya ang ginigiit niya. 

Matagal na niyang inaawit ito sa akin. Ito nga ang dahilan kung bakit ako lumuwas pa-Manila. Dahil ayaw kong ikasal. Ang bata ko pa para makulong sa kasal na hindi ko gusto. 

“P-pero, Nay. Hindi pa ho ako handa sa bagay na iyan. Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad.”

“M-magagawa mo naman ang bagay na iyan kahit kasal ka  na sa kanya.”

Umiling-iling ako. “Ang daming pwedeng huling hiling, bakit ito pa?”

“D-dahil dito, magiging panatag ako. Mangako ka sa akin na pakakasalan mo ang nag-iisang anak ni Don Francesco Alva.”

Bahagyang umawang ang labi ko sa narinig na pangalan. Iniisip kong mali ako ng narinig kaya naman inulit ko.

“Don Francesco Alava ho ba ng Lasaroma City?”

Marahang tumango si Nanay kaya hindi ako makapaniwala. 

“A-at gusto niyo ho akong maikasal kay Frank Alva?”

Muling tumango si Nanay kaya napabitaw ako sa kamay niya. 

Tama nga ang narinig ko mula sa kanya. 

All these years, tinanggihan ko si Frank Alva? My God! Isa pa naman siya sa pangarap kong masungkit!

“B-bakit ngayon niyo lang ho sinabi ang buong pangalan ng kaibigan niyo, Nay?”

Magkahalong tuwa at saya ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Kung alam ko lang sana, baka hiwalay na si Frank at ang girlfriend niya.

“B-bakit parang kilalang-kilala mo na si Frank, anak?”

“Hindi na ho mahalaga, Nay. Ang mahalaga, pumapayag na ho akong maikasal sa kanya.”

Kita ko ang pagluwag nang hininga ni Nanay. Ganoon ba talaga kahalaga sa kanya ang kasalang ito? Pero paano niya nakilala ang mayamang Don na iyon?

Pinakuha ni Nanay ang cellphone niyang luma at may pinatawagan. At boses ng isang matanda nga ang aking narinig. Pero agad ko ring binigay iyon kay Nanay. 

Ramdam ko nang malapit na ngang malagutan nang hininga si Nanay, pero kakaibang saya ang nakikita ko sa mga mata niya. Basta magsimula iyon nang matapos silang mag-usap ng lalaking iyon sa cellphone. Iniisip ko nang si Don Francesco iyon. Ano kaya ang naging relasyon nila at paano umabot sa ganitong arranged marriage?

Akala ko, ako na lang ang hinihintay ni Nanay, hindi pa pala. Hindi ko inaasahang makita si Don Francesco at Frank Alva na papasok sa silid ni Nanay.

Para makapag-usap ang mga ito niyaya ako ni Uncle Frank na lumabas ng silid. At sa hagdan na malapit ako dinala ni Frank.

“Were you surprised by our arrival? Alam mo ba kung bakit kami nandito?” sunod-sunod niyang tanong na ikinatitig ko sa kanya.

Mukhang alam na ni Frank ang hiling ni Nanay. Papayag ba siyang magpakasal sa akin? Paano ang nobya niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
payag na payag Kang ikasal Kay Frank Jalene
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author..
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Buti nlang Jalene pumayag ka ng maikasal kay Frank .
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   HLMHF—Chapter 1

    France’s POV“S-SAAN ang kwarto ko?” Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig. “O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyado ako. Kahit na anong paliwanag ni Denmark na walang nangyari sa amin, hindi siya naniwala, kaya ayon, nauwi sa kasalan. At ito, ang unang

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   Her Love Marked Him First (France and Denmark)

    Title: Her Love Marked Him FirstCharacters: - Frances Alva- Denmark MondragonBLURB:Mula noon, minahal na talaga ni Frances Alva si Denmark Mondragon. Dalagita pa lang siya, alam na niya kung ano ang magiging bahagi ni Denmark sa buhay niya—ang lalaking pag-aasawahin niya balang araw, ang magiging ama ng mga anak niya, ang taong tadhana ang inilaan para sa kanya.Ngunit sa kabila ng lahat, walang pagtingin sa kanya si Denmark. Sino ba siya sa mata nito? Kapatid lang siya ni Kai, kaibigan nito, at ganoon lang ang tingin nito sa kanya. Hanggang doon lang.Hindi niya akalain na ang tadhana mismo ang magbibigkis sa kanilang dalawa. Isang iglap, isang pagkakamaling hindi sinasadya, naabutan sila ng kapatid sa iisang kama, at nauwi sa isang kasalang mali na sa simula pa lang… dahil may ibang mahal ang binata.Ngayon, nakatali na sila sa biglaang kasal. May pag-asa pa kaya siyang mahalin ni Denmark? O mauuwi lang ito sa pusong sugatan?

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB-Chapter 54

    Kai’s POVNAPATAYO ako nang mabasa ang text mula kay Dino na nasa paligid lang si Geneva. Nakapag-piyansa siya kaya wala akong magagawa. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng pera sisiguraduhin kong makukulong siya this time, mabulok sa bilangguan. Kaya ise-setup ko siya kapag nagkataon na makita ko siya ngayon. Bago lumabas para tawagan ang magulang ng asawa, nagtingin-tingin ako sa paligid. Hindi ko makita si Geneva. Pero ilang sandali lang ay may pinadala si Dino na picture ni Geneva at kung ano ang suot niya ng mga sandaling iyon. Planado na ang lahat ng ito. Pero hindi ko akalaing mapapadali ang lahat. Lahat ng naging kilos ni Geneva, alam namin at may kuha kami na video with audio kaya wala na siyang takas. Ang problema lang, nalaman ni Nina ang plano. Nag-alala ako bigla, mabuti na lang at kasama niya ang kapatid kong si France at Denmark. Si Denmark, may alam siya sa plano kaya tahimik lang siya nang samahan ang asawa ko. Pero nag-update siya kay Dino at sinabing kasama ni

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB-Chapter 53

    “Hindi. Gusto kong makita si Kai mismo.” Hindi naman si Kai ang gusto kong makita, si Geneva.Kanina pa nagngingit-ngit sa galit ang kalooban ko. Ayaw ko lang mag-isip nang sobra dahil sa ipinagbubuntis ko.Sa text pa lang na iyon, marami na akong narating. What if totoo nga ang sinabi ni Geneva? Gustuhin ko mang sitahin kanina si Kai pero hindi ko magawa dahil nandoon ang magulang niya. Ayokong malaman nila ang bagay na iyon kaya gusto kong kausapin sana si Kai. Saka busy rin ako kanina kakabantay ng babaeng iyon.Alam ko namang nakasunod si France at Denmark. Hinayaan ko lang silang dalawa. Naririnig ko ngang nagbabangayan ang dalawa na naman.At habang papalapit ako sa room 502, binalot ang dibdib ko ng kaba. Natatakot ako sa makikita. Kailangan ko ng sagot mula kay Kai din. May ebidensya naman ako kaya hindi siya makakatanggi sa akin if ever. Pero may katanungan pa sa isipan ko. Bakit parang kalmado lang nang pumasok si Kai sa sasakyan? At bakit sinabi ni Denmark na may pumasok

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB- Chapter 52

    Nina’s POVSeryosong nakatitig ako kay Kai nang pumasok ako. Pinaghila niya ako ng upuan na nakangiti pero hindi ko magawang tugunin iyon.Paano ba naman kasi, paulit-ulit sa isipan ko ang nabasa ko mula kay Geneva— na kaya lang ako pinakasalan ni Kai para sa anak namin. At kapag nakapanganak na ako, kukunin niya raw ang bata at itatago sa akin.“Are you okay, baby?” untag niya na ikinatango ko.“N-nainis lang ako sa banyo dahil sa haba ng pila.”“Oh. Dapat sinabi mo, baby. Kilala ko ang owner ng restaurant na ito. Pwede tayong–”“Okay naman na ako. Tapos na.” Ngumiti ako pero alam kong hindi umabot sa aking mga mata. “Saan ka nga pala nanggaling? Ang tagal mo.”“Oh, may inayos lang na problema sa labas after kong makausap ang parents mo.”“Anong problema naman?”Matagal bago nakasagot ang asawa. “Nothing serious,” aniya, sabay lagok ng wine na nasa kopita.Nang maalala ang narinig sa banyo, kinuha ko ang kopita na iyon na ikinagulat ni Kai. Pero parang huli na dahil konti na lang ang

  • Tempting the Uncle: A Deal of Desire   UBMB — Chapter 51

    Nina’s POVAGAD kong kinuha ang post it ko na may lista ng mga gagawin namin today, pati ang mga aasikasuhin na rin. Uunahin namin ang pag-asikaso ng mga gown. Ilang beses nang na-cancel dahil naging abala si Kai sa opisina. Ngayon lang siya nabakante.“Okay ka lang ba talagang bumiyahe ngayon, baby?” nag-aalalang tanong ni Kai sa akin.“Opo. Dalawang linggo na po kaya akong nakapagpahinga.” Ito nga ‘yong nilagnat ako dahil sa na-miss nga namin ni Kai ang isa’t-isa.Natawa si Kai sa sinabi ko. “Ikaw ba? Hindi ka na busy?”“Hindi na po,” panggagaya niya sa aking boses.Kinurot ko siya sa tagiliran. “Tara na nga. Para makauwi tayo agad.”Magkahawak kami nang bumaba. Nakangiti ang Mommy niya nang balingan kami. Nginuso kasi kami ni France. Nililinisan kasi niya ang kukuno ng ina. Madalas, si France lang ang nagpe-pedicure at manicure sa ina. Hilig kasi niya talaga ito siguro. Ito nga ang nagsu-suggest minsan sa ina na maglinis. Ako nga, kung hindi raw ako buntis, siya raw ang maglilinis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status