Lutang ang isipan ni Serena pakiramdam niyang ang bilis tumakbo ng oras. Kung may magagawa sana siya na pigilan ito kanina pa niyang pinigilan upang makahinga siya ng maayos…Pero hindi.“Sera, hindi ka pa naliligo?” Si Rozzie, habang nilinisan nga niya ang banyo sa loob ng kanyang silid.“Bakit?”“Ano ka ba Sera? Anong oras na? Kailangan mo nang mag-ayos. Maligo ka na. Tapos bakit ikaw naglilinis niyan, eh may dumarating naman na katulong dito para maglinis. Tsk.”Di na nito hinintay ang sagot niya ng umalis na nga ito sa kanyang harapan.Maliligo? At mag-aayos? Ano na bang oras?Lumabas siya sa banyo at ng tignan niya ang orasan… Para sa kanya maaga pa ito. Saka niya nakita ang paperbag na ipinatong ni Rozzie sa kama niya. Nilapitan niya at iyon ang ibinigay ni Liam para isuot niya mamayang gabi.Napa-iling na lamang si Serena.Pinuntahan niya si Rozzie para nga komprontahin kung iyon ang ibinigay ni Liam.“Ate Rozzie.”Lumingon ito sa kanya na may kasamang pagtaas ng kilay.“Ito ba
Bumalik sa loob ng Manor si Gabriel. Nagkulong sa silid na walang kinakausap hangang sa napag-isipan nga niyang pumunta ng kompanya. Tulong ng mga tauhan na kinuha ni Atlas para nga maitago ang pasa sa mukha ni Gabriel komportable at parang walang nangyari dito noong gabi.May sasabihin sana kaagad si Atlas sa kanya pero pinili na lamang nito itikom ang kanyang bibig dahil nakikita naman niya na wala si Gabriel sa mood nito para mag-isip pa ng kung ano-anong bagay.Natagpuan nga ni Gabriel ang kanyang sarili na muling abala bago nga lumubog ang araw.“Sir Gabriel, heto yung mga dokumento na pinapakuha ninyo.” Inilapag ni Atlas sa harapan nito ngunit hindi muna ito nilingon ni Gabriel dahil sa harapan niya naroroon ang blueprint ng simbahan na ipapatayo niya kapalit ng lumang kapilya.Napatango siya.“Kung hindi ako nagkakamali ngayon ang excavation ceremony ng simbahan na ito. Saint Anne Church…”“Tama po Sir. Nagsimula kaninang umaga at hangang ngayon patuloy parin sila. Bakit Sir na
Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng accidente sa night club minabuti may mga lumabas na hinuhang balita tungkol kay Gabriel. Ngunit lahat ng iyon ay kaagad na pinapatahimik ng kanyang mga tauhan. Hindi siya Politiko at celebrity para matuwa na marami ngang gustong malaman ang buhay niya. Nais niya ng tahimik at pribado. At yun din ang inaasahan niyang mararanasan kung sakali man pagpalain na magkaroon siya ng pamilya.“Sir, malapit na ang Annual Recreation ng kompanya. Nakapag-assign na din ako ng mga organizer at ito ay para sa mga empleyado ng kompanya. Internal and External.” Si Atlas na medyo nga kinakabahan sa pabor na hihingin niya dahil nakausap siya ng dalawang ama-amahan ni Gabriel kung maari isali ang CEO sa aktibidad kapalit nga na mananahimik itong dalawa ng isang linggo na hindi nga puputaktihin si Gabriel ukol sa krisis nito. Kapag ganoon nga walang problema si Atlas sa mga schedule na kailangan nga matapos ng CEO sa darating na linggo.“Good.” Ngumisi si Gabriel. “A
“Atlas…”“Master Gabriel…”“Si Serena… Si Serena kamusta siya?”“Ang huling report na nakuha ko kanina sa mga tauhan ko Sir, wala nang masyadong suliranin na kinakaharap si Miss Serena.”“Hindi iyan ang ibig kong sabihin tungkol sa babaing iyon ang tinatanong ko. Ang sitwasyon niya.”“Si Miss Serena… Wala naman na sinasabi ang mga tauhan na kailangan ikabahala, Sir.”“Mabuti. Ngunit kailangan mo kumuha ng tauhan na magmamatyag sa kanya. Delikado siya sa mga tauhan ng aking ama-amahan. Hindi ko alam ang gagawin nila ngunit pakiramdam ko si Serena ang puntirya nila.”“Sa totoo niyang Sir, nahihirapan na ang mga tauhan na magmatyag ng hindi napapansin dahil sa mga tauhan ng kanyang kasintahan.”“Tauhan ng kanyang kasintahan?”Ibig lang sabihin hindi pangkaraniwang tao ang kasintahan ng dalaga kaya nga nagawang maniwala nito na ito ang tumutulong sa kanila.At nasagot din ni Gabriel ang tanong niyang iyon. Bakit nga ba pinaghinalaan ni Serena na ito ang tumutulong sa kanya. Ang sagot, may
Wala sa loob ng limang minuto nakarating si Gabriel sa gusali kung nasaan si Serena. Sa rooftop siya pumasok at ni isa walang humarang dahil gumawa na ng paraang si Atlas. Kaagad-agad naging VIP client si Gabriel. Sino naman ang magtatangka na pumigil sa kanya lalo na may kailangan siyang makita at ilayo sa lugar na iyon?Nang makapasok siya kaagad na sumalubong sa kanyang pandinig ang malakas na tugtog. Sa hindi siya nagkakamali ito rin ang night club na pinasok niya noong isang araw.Maingay, magulo… Ngunit natutuwa ang mga taong naroroon sa paligid.Isa lang ang nais na makita ni Gabriel, si Serena.Malaki ang lugar. Madaming counter na siyang magbibigay ng alak. Hindi rin impossible na kabilang sa amenities ay mga pribadong silid kung saan sinasagawa ang mga kahayupan ng mga taong may masamang balakid. Ang puso ni Gabriel biglang kinakabahan. Hindi niya mahanap kaagad si Serena. May mga babaing parang katulad nito na nagkakamali siyang si Serena. Nanahimik na lamang siya at kapag
Kahit saan-saan lumusot ang sasakyan na minamaneho ni Gabriel hangang sa makompirma niya na tuluyan niyang naligaw ang mga tauhan ni Liam. Dahil sa ginawa niya naalala niya kung paano nga niya pinaglaruan ang kanyang mga tauhan noong natuto siyang magmaneho sa murang isipan. Buhay pa noon ang kanyang ama at ang iniisip lang niya noon ay kung paano matuto sa mga bagay-bagay. Pero ngayon hinahamon nga talaga siya ng buhay.Hinahamon ng buhay? O sadyang nakikialam lang siya sa buhay ng iba na hindi dapat? Saka paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili kung bakit niya iyon ginagawa ng dahil lang sa dalagang kasama niya ngayon.Muli napa-iling siya sa kanyang sarili. Ewan ba niya kung bakit nga ba. Basta ang alam lang niya parang hindi matitiwasay ang loob niya kapag may nangyari ngang masama kay Serena. Ang nararamdaman niya ngayon ay katulad ng nararamdaman niya noong inako niya ang responsibilidad sa Aquinas Group.Para makasigurado, sa tingin niya mas makakabuti na hindi na muna sila buma
“Serena…” Kuha ulit ni Gabriel ng attention nito na tila ba bigla na naman itong natulala sa kawalan. Kaagad naman ulit sinalubong ng dalaga ang titig ng binata. “Do you want to stay here tonight?”“…” Hindi alam ni Serena kung ano ang isasagot… Ang kanya parang binabangungot parin siya… Nanginginig ang katawan niya matapos nga mangyaring makita niya na mawala sa sarili si Liam.Napapikit si Gabriel ngunit alam niya kailangan niyang habaan ang pag-uunawa niya sa dalaga. Kaya huminga siya ng malalim at maayos nga muli itong nagsalita. “May malapit na hotel dito. Ayan. Lalakarin lang natin. Saka itong sasakyan wala nang gas para makauwi tayo. Hindi rin ako makapaghanap ng maaring tumulong sa atin para nga magparefill ng gas. Kesa nga dito tayo sa sasakyan magpalipas ng gabi mas makakabuti na sa hotel ka na lang matulog. Alam kong hindi rin kita maaring i-uwi sa inyo diba? At baka puntahan ka lang ng boyfriend mong abusado?”Abusado… Napayuko si Serena ng marinig ang salitang iyon. Nguni
Dahil alam ni Serena hindi makakatulog kaagad ang binata kung patuloy siyang nakatindig lang at nakatitig dito daglian siyang pumasok ng banyo. Bumungad sa kanya ang napakalaking salamin… At nakita nga niya ang kanyang sariling refleksyon. Hindi niya na ganoon pala talaga ang hitsura niya dahil hindi man lang niya nakita ang kanyang refleksyon sa salamin noong umalis siya dahil itinangi ni Rozzie na tignan muna niya ang kanyang sarili.Halos manghina siya.Kung alam niyang ganito ang hitsura niya hindi niya makakayang lumabas ng bahay nila. At nagkataon na wala roon ang Kuya Ryan niya.Dahil sa kakaiyak nga niya kanina ang mascara ay nagmukhang isang pangit na guhit… Na kung hindi nga niya titigilan ang sarili sa pagsama kay Liam at sa mga barkada nito… Masisira nga ata ang buhay niya. Gaya na din ng sinabi ng binata sa kanya.Kaagad niyang nilapitan ang lababo, binuksan ang gripo at napahilamos na may gigil sa kanyang palad. Halos muli siyang napaluha na hindi nga malaman kung tulo iy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy