(Venal POV)“Wag kayong mag-alala Master Dryzen, ginagawa ng security team ang lahat para sa kaligtasan ng mga tauhan natin. At sa tingin ko, kailangan niyo na atang magpahinga.”Ang itinugon niya sa akin isang nakakamatay na titig. But he gets up from his seat and turn his back to me. Napatitig sa labas ng bintana na halos kinakain na ng dilim ang liwanag.His silence means yes. At kailangan na talaga niyang magpahinga muna sa buhay negosyo na meron siya dahil kung hindi baka di niya makontrol ang init ng ulo nito.Lumapit na rin ako sa lalagyan ng kanyang suit, kinuha ito, saka pumunta sa kinalalagyan niya. Isinuot sa kanya ang suit, at humarap sa akin para ayusin ng bahagyang ang nagusot na damit nito.Nauna siyang lumabas ng pinto. Sumunod kaagad ako at tumango sa mga tauhan na naghihintay. Nagsikilos upang ihanda ang lahat sa pag-uwi niya.Habang nasa elevator tahimik lamang kaming nakasunod kay Master Dryzen, habang siya malayong nakatitig sa labas. Malakas ang ulan, kaya di nga
(Venal POV)Nang umangat muli ang paningin ko sa direksyon nila. Manliligaw ba ni Miss Dahlia?Sana naman hindi ako nagkakamali. Sa impormasyon na dumating sa akin, ni minsan walang karelasyon at sumubok manligaw kay Miss Dahlia. Ngunit ano ito?“Sir, tignan niyo to…” Pukaw ng dalawang babae uma-assist sa akin. Di ko pa nga nakikita ng husto detalye, umiling na ako sa kanila. Kaya muli nila akong tinalikuran.Nang tumunog ang phone ko. Nagulat ako kung sino itong tumatawag sa akin… si Master Dryzen.“Where the hell are you Venal…” Hindi isang tanong, kundi isang babala na may hindi ako nagawa. Sigurado ang tungkol sa inaasahan niyang inumin ngayong hapunan niya.“Master Dryzen, your target, I think there’s a little complication to deal with her. She is with a man.”Narinig kong ngumisi si Master Dryzen at di man lamang sa akin tumugon. Ibinaba niya ang tawag.Di ko alam ang umiikot sa isipan niya ngayon. Ngunit inalarma ako ng tauhan ko, na papunta sa kinalalagyan ko si Master Dryzen
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, klaro sayo ang pinag-usapan natin. Kaya kailangan mo makipag-cooperasyon sa kanila.” Paalala sa akin ni Cedrick. “Kung hindi tayo makakarating sa tamang oras ng hapunan ni Master Kai, alam mo na ang mangyayari. So, be obedient to cooperate with them.”Ang tanging magagawa ko lang sa sinabi ni Cedrick, titigan siya ng masama. Di ko talaga inaasahan na magkakaganito ang sitwasyon ko. Kailangan ko tapusin ang kabaliwan nilang ginagawa sa aming pamilya. Kaya wala na akong nagawa ng kinaladkad nila ako. Hindi ko magawang makapagsalita at magreklamo, dahil nga halata namang nagmamadali sila.“Maligo ka na muna Miss, within four minutes. Para mapadali, hayaan mong tulungan ka nila. Pakiki-usapan ko na lang si Cedrick na dagdagan ang oras na binigay niya. Kala naman niya madali lang ayusan ang isang kagaya mo. Halata namang mahihirapan kami.” Saka tuluyang umalis sa harapan ko si Lucas. Bahagyang napahilot na lang ako sa aking leeg. “Miss Dahlia…” Isa sa mga babae
(Dahlia POV)Napakaganda ng lugar. Yung ilang customer din ng gusali, napansin ang pagdating namin. Medyo mapaghusga ang titig na ipinupukol nila sa akin. Oo, alam ko hindi ako bagay dito. Sa may gusto kasing makipaglaro sa akin. Matatangihan ko ba ang gusto niya kung mahirap lang naman ako at walang kalaban-laban sa kanya?Pumasok kami sa isang elevator. Kami lang dalawa ni Cedrick at naiwan ang mga tauhan na sumusunod sa amin kanina. Hangang sa binasag ni Cedrick ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.“If I were you Miss Dahlia, be polite and mind your manners kapag nasa harapan ka ni Master Kai. Para hindi siya magka-interest masyado sayo.”“Paalala ba yan Cedrick?” Matanda siya sa akin. Halata naman.“Kind of concern to you Miss. You don’t know who he is.”“Mayabang lang naman. Yun ang pagkakilala ko sa kanya. Saka wag kang mag-alala di talaga ako nagkaka-interest sa mga mayayabang. At kung akala mo madadala ako ng boss mo sa ganitong mga bagay, hindi.”Nakita ko sa dingding an
(Dahlia POV)Kinuha nito ang isang wine glass at pina-ikot ikot lang sa loob ang laman nito. Titig niya, hindi talaga mawala-wala sa akin.“At saka, uulitin ko ang sinabi ko. Wala akong interest sayo. Kung magka-interest ka man sa akin, wala kang chansa.” Direkta ko na ngang sinabi, kahit ang kapal ng mukha ko.Tumawa na parang nabaliw ng tuluyan ang kausap ko.Lasing na ba kaagad siya? Sabagay yung sinabi ko, nakakalaki ata ng ego.“Mr. Carter, makinig ka. Lupa ako, langit ka. Kahit kailan di hahalik ang langit sa lupa. Nagkakaintindihan ba tayo? Saka kung nakikita mo akong laruan, umayos ka. Hinding-hindi ako papayag.” Kuha ko ng breadknife at walang takot na itinuro yun sa kanya.“You amuse me so much, my dear.”“Tumigil ka!” Bigla kong tusok ng kutsilyo sa aking pagkain. Ako ang napapikit. Huminga ng malalim. Saka tumayo sa kinaka-upuan ko.“Banyo lang ako.”Walang kagana-ganang lumayas ako sa harapan ng umag. Buti na lang di ako pinigilan pero nakabuntot lang naman sa akin ang da
(Venal POV)Palihim kaming pumasok ng mga tauhan ko. Halata sa paligid ang mga tauhan ng Grand Alpha. May dumaan sa akin na isang maintenance, at nakilala ko ito kung sino. Binigay niya sa akin ang isang remote device kung saan na-itanim na nga ang bomba. Ang magsasanhi ng kaguluhan at sunog sa gusali.Umakyat kami ng tauhan ko kung saang palapag naroroon si Miss Dahlia. Di ako nagkamali na mas mahigpit ang securidad sa palapag. Ngunit dahil sa suot naming pang-security ng hotel, hinayaan kami nitong makapasok. Simpleng solution para maiwas na mabisto.Nang sinabi ni Kevin, umalis si Miss Dahlia sa harapan ng Grand Alpha, papunta ito sa restroom. Napangisi ako. Pagkakataon na maari naming dukutin ito. Napasensyas ako sa mga tauhan na ihanda ang sarili. Saka nga ng makarating si Miss Dahlia sa pupuntahan nito, tama lang dahil nauubusan na din kami ng oras, susugod na dito si Master Dryzen.Pinindot ko ang remote at napakalakas na pagsabog ang nangyari sa di kalayuan sa amin. Nagkagulo
(Venal POV) Paglabas ko sa silid ni Master Dryzen, ngumisi sa akin si Lilith. Alam kong narinig niya ang mga sinabi ni Master Dryzen. Tumigil ako sa tapat niya.“Klarong narinig mo ang kailangan ngayon ni Master Dryzen, ang tungkol sa mga dadalo sa Royal Auction.”“Klaro.” At masaya siyang ngumiti saka tinalikuran ako. Napahilot na lamang ako sa aking leeg. Alam ni Lilith na delikadong magkaroon ng relasyon kay Master Dryzen, bakit niya ipipilit ang kanyang sarili? Pero di ko pa kailangan matakot para sa kanya, since nga di pa naman siya pahalata masyado kay Master Dryzen.Senenyasan kong lumapit sa akin ang isang tauhan.“Magpatawag ka ng doktor sa silid ni Miss Dahlia.” Saka ako pumanhik sa hagdan papunta sa silid ni Miss Dahlia.Binuksan ang pinto ng dalawang tauhang babae, sa pagpasok ko tahimik ang boung silid. Ngunit nadatnan kong inabala na ni Lilith ang sarili alisin ang mga alahas ni Miss Dahlia.Sa tingin ko mali ang narinig niya. Malinaw ang inutos ko na ang asikasuhin niy
(Dahlia POV)Napa-unat ako ng aking kamay ng magising ang kaluluwa ko. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. At kahit nga pilit, ngumiti ako. Dahil umaga na naman at dapat lang sinisimulan ng maganda ang umaga. Sa pagmulat ko, kisame ng silid ko ang bumungad sa akin. Saka ako napabalikwas ng bangon.Panaginip lang ba ang nangyari sa akin kahapon?Napasapo sa aking noo, at naglakad-lakad sa silid ko. Yung damit ko, isang sleeping dress ng isang maarte at mayaman na babae. Saan ko ba ito nakuha? Hangang sa nagsibalikan ang mga alaala ko.Yung tungkol sa café ni Grandma.Yung tungkol sa mayabang na si Kai, yung dinner date namin kagabi… At ang huli kong naalala, tumatakbo ako upang takasan ang dalawang babaeng pinabuntot sa akin ni Kai, hangang sa may tumakip ng ilong ko. Oo, klarong-klaro. At amoy ko pa nga yung gamot sa panyong ginamit.Ang tanong bakit naririto na ako sa aking silid na parang panaginip lang ang lahat? “Dahliaaa…” Si Grandma na tinatawag ako mula sa ibaba. “G
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama