(Dahlia POV)“Grandma…” Di ko alam ang sasabihin ko. Hangang sa napa-upo na nga ako sa kanyang harapan. Parang kailangan ko na talagang umamin.Kinuha ko ang kamay niya. At ang mga mata ko, kahit hindi niya nakikita parang pusang nagmamaka-awa dito.“Yung bumili talaga ng café niyo, siya yung ka-date ko kagabi.”“Sinasabi ko na sayo Dahlia, wag na wag kang magsisinungaling sa akin.”“Grandma, chill. Relaxs po. Baka ano pa ang mangyari sa inyo. Yun po talaga Grandma ang totoo.” Saka napayakap ako sa kanya, ngunit inalis lang nito ang mga kamay ko.“Ayoko sa lahat yung mga sinungaling. Kung ayaw mo magsalita, bahala ka sa buhay mo Dahlia. Wala na akong paki-alam. May pera na din naman ako pangpalibing. Ang akin lang Dahlia, ako pabalik na, ikaw papunta pa lang sa pupuntahan mo. Mga kabataan talaga ngayon, ang titigas ng ulo.”“Di po talaga ako Grandma nagsisinungaling. Sa totoo nga po, di ko po talaga alam kung paano ako naka-uwi at sino ang naghatid sa akin.”“Ayan. Pabaya ka rin sa sa
(Dahlia POV)Palabas na ako ng hospital, ng biglang…“Ms. Ofemia?” Pagharap ko yung mukha ding naging pamilyar sa akin kailan lang. Si Nurse De Vera. At aba naman, naninibago ako sa ngiti niya.“Pumasok ka ba sa Oriental Hotel kahapon?” At bakit niya ako tinatanong? “At talaga bang may connection ka kay Mr. Kai Carter, ang CEO ng napakalaking bangko sa bansa natin? Janine!” Tinatawag niya yung nilayasan kong maarteng receptionist. “Siya yung kasama ni Mr. Kai Carter kagabi sa Oriental Hotel. Sinasabi ko na sayo na pamilyar ang mukha ng babae sa akin. At siya yun.”Napatitig yung receptionist sa akin. Para bang sinampal siya ng ilang beses.“Si-sigurado ka?”“Oo. Dahlia ang pangalan mo diba? At ang kasama ng kamag-anak mo dito kagabi ay mga tauhan ni Mr. Kai Carter diba?”Imbes na sagutin sila, tuluyan ko silang nilayasan. Ngunit saan ko ba siya hahanapin?!Nang dinala ako ng dalawa kong paa sa harapan ng café. Oo, dito ko nga malalaman kung saan ko mahahanap ang Kai Carter na yan.Mar
(Venal POV)Pinuntahan ko si Kevin upang ipaliwanag sa akin kung ano ang ginagawa pa ng matanda sa pamamahay nito. Di niya alam ang isasagot sa akin, nang dumating ang report, tinakasan sila ng matanda.“At paano nangyari?” Napa-iling si Kevin. Di niya alam at di ko rin ma-isip kung paano nakatakas ang matanda sa sasakyan sa kabila nang impossibleng makatakas ang kahit sino man. Kahit taong lobo walang nagagagawa sa ganoong klaseng sasakyan.Yung matanda lang ang nakatakas, habang yung mga kapamilya niya, mahimbing pa nga ang tulog. Sinabi nila sa akin na handa ngang tangapin ng pamilya ni Miss Dahlia ang alok, ngunit ang matanda tumangi. Hangang sa nagtanong yung dalagita, kung paraan saan daw upang gawin namin yun. Nang di kaagad ang mga tauhan ko makasagot, naghinala na sila. Magkakaroon sana ng kaguluhan, ng agad pinatulog ang mga ito. Kaya ang nangyari, talagang sapilitan ang lahat.“Alam ng matanda Sir Venal, tinangap na ng kapamilya niya ang alok, at saka, bulag siya at di niya
(Dahlia POV)“Is this Miss Dahlia Amelia Ofemia I am talking to?”“Yes?”“Good Morning, Miss Dahlia, we would like to congratulate you for passing the first phase of application here at Storm Corporation.”“Storm Corporation?” At umangat ang aking paningin sa napakataas na gusali. Kahit malayo ito sa kinakatayuan ko, kitang-kita parin ito.“Yes, you heard it clearly Ma’am. And we would like to interview you today’s afternoon, 2PM.” Saka naalala ko ang sinabi ni Karen na ipinasa niya yung resume ko sa isang malaking kompanya, at walang iba kundi ang Storm Corporation. Napatitig din ako sa card na hawak ko. At pakiramdam ko noong tinagap ko ito, parang ibenenta ko ang kalayaan na i-reklamo ang mga kagagawan nila sa amin.Kailangan ko ng pera para sa pang-araw-araw namin, ibig lang sabihin kailangan ko ng trabaho. At di ko na kailangan maghanap dahil, kahit paano hulog ng langit ang pagkusa ni Karen na hanapan ako ng trabaho.“Oo, Ma’am. Available po ako.”“See yah later Miss Ofemia. I w
(Dahlia POV)Habang naglalakad ako papunta sa may bus stop, napapalingon sa akin ang ilang kalakihan. Namumula ang pisngi ko na ewan, kahit di naman ako naglagay ng blush on. Siguro ngayon lang talaga ako nagsuot ng ganito. Sana naman di nila maisipan na ganito ang maging uniforme namin since nga tagalinis lang naman ako. Feeling ko kasi namamanyak ako mali sa oras. Mga mata niyo, ilayo-layo niyo yan sa akin.Dumating naman kaagad ang bus, pinauna ko na yung iba na maka-sakay, ngunit halata yung mga binatilyo sadyang gusto nila ako maunang umakyat. Kaya hinarap ko sila na nanlilisik ang aking mga mata. Agad silang naka-akyat sa bus. Wala sa akin ngayong ‘lady’s first!’ Mga gentleman ba kayo o manyak?!Pag-akyat ko sa bus, puno na. Yun lang. Kaya nakatayo ako at kumapit na lang sa hawakan, habang yakap ko yung folder na naroroon yung ilang mahahalagang dukomento tungkol sa akin. Kapag may nakikita akong lalaki na kung makatitig sa akin mula paa hangang ulo, sinasadya kong isalubong sa
(Dahlia POV)Di naman sa akin issue ang paglalakad. Sanay ako maglakad ng malayo.Sumama na lamang ako sa kanila sa loob ng sasakyan at pumasok din naman sa tarangkahan. Yung security poker face na di man lang nagulat na talagang kailangan ko pumasok.Talagang malawak ang bakuran nila, at hindi lang yun, napakaganda, malinis at halos makita mo kulay berde. Nature lover ata ang may-ari ng kompanya. Medyo kinakabahan na ako lalo na ng binuksan na ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Di ko na nagawang i-angat ang paningin ko sa kalangitan dahil sumunod na ako sa dalawang babae na yung isa nagsilbing driver nito. Pagpasok ko, ang laki ng bulwagan at may distansya din ang reception desk na napakahaba. Ngunit marami din namang mga receptionist. Sobrang presko sa loob, dahil nga di biro ang pagka-istraktura ng gusali. Sa gitna ng bulwagan, naroroon ang isang dragon na gawa sa isang parang diamante. Ang mga mata nitong hinulma, feeling ko matagal ko na itong nakita… Hindi ko lang maalala
(Dahlia POV)“Ngunit kung hindi mo man tatangapin ang alok ko sayo, at nais mong maging taga linis lang dito sa kompanya. Wag kang mag-alala tangap ka na.”“Ganoon kadali?” Di ko mapigilan ang aking bibig.“Yes, Miss Dahlia.”“At anong alok yun Mr. Venal?”Sa simpleng snap ng daliri ni Mr. Venal, lumapit yung lalaking nasa tabi lang sa amin. May inabot sa kanyang folder na kulay itim. Di ko maitatangi na napaka-elegante nito, hindi birong envelop lang. Merong guhit na gintong dragon.“Miss Dahlia, kung di niyo tatangapin ang trabaho at sa ikapayapa ng lahat, siguro kailangan niyong kalimutan na lang.”“At bakit?” Di niya ako sinagot.“This is the agreement to disclose this contract to you.” Lapag niya ng papel sa harapan ko. “Kailangan niyo pumirma Miss Dahlia, nakalagay lang riyan ang sinabi ko kanina, na iiwan niyo dito ang nakapalaman sa kontratang trabaho na ibibigay ko sa inyo.”“Paano kung ipag-chismis ko nga ang tungkol sa inaalok mong trabaho sa akin.” Lalong gumuhit sa labi n
(Venal POV)Dahil di nga kasama si Miss Dahlia ngayong umaga para ma-interview, marami ang agad na pinakaladkad palabas ni Master Dryzen kahit nga sinala na ito ng naunang interviewer panel. may mga nakapasok, ngunit mas pinili niyang ilagay sa mababang posisyon kahit napaka-overqualified nga ng credential ng applikante. Di pa nga natatapos, bigla na lang tumayo si Master Dryzen, at sumunod kaagad ako sa kanya ng lumabas ito. Kaya naiwan na naman si Lilith para nga ipasok ang mga ayon sa panglasa niya. Bago ako umalis, mga mata ni Lilith nanunuya, sinasabing sinayang ko lang ang oras ni Master Dryzen sa walang kwentang mga applikante na sa totoo naman talaga, mas marami ang pinakaladkad na applikante niya kesa sa akin.“I want to start the board meeting right now, Venal.” Utos niya na alam kong wala akong magagawa sa kagustuhan niya.“I will prepare everything Master Dryzen.”“In five minutes.” Whether I agree or not, siya parin ang masusunod.Kaya naman kumilos na ang mga tauhan na
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama