Share

Chapter 43

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

(Dahlia POV)

Sumakay kami ng bus ni Grandma, since nga baka maholdap pa kami sa daan. Di ko alam kung magkano ang laman ng dalawang maleta. Hinihiling ko lang sana hindi nagkakamali si Grandma sa desisyon niya.

Tumunog yung mumurahin kong phone at di ako nahihiyang ilabas yun. Sa ganitong paraan hindi ako habulin ng mga mandurukot.

Si Auntie Esmeralda ang tumatawag.

“Kamusta si Carlo? Talaga bang isinugod siya sa hospital? Saka sino ba ang may gawa niyan sa kanya? may habol tayo. Kailangan mo lang kunin yung certificate na nabugbug si Carlo. May makukuha na tayong pera niyan.”

Napapikit na lang ako sa narinig ko.

Sabagay sa panahon ngayon, pera na ang kailangan ng tao. Pera na siyang dinudungisan ang pagkatao ng karamihan.

“Nasa operasyon siya kaninang umaga. Pinutol daw yung dila ni Carlo.” Matamlay kong sinabi. Wala na akong gana. Nanghihinayang kasi ako sa pagkawala ng café sa amin.

“Dahlia, di ka ba talaga nagbibiro sa mga sinasabi mo?”

“Malaki yung halagang kailangan. Hindi biro.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Taming the Mafia King   Chapter 44

    (Venal POV)Nakahanda na ang conference room. Kumpleto na din ang kailangan sa pagpupulong. Hinihintay na lang namin si Master Dryzen.Maya-maya lang nagsitayuan na ang mga kasamahan ko, hudyat malapit na si Master Dryzen. Bumukas ang pinto at napayuko kami bilang pagbigay respeto dito. Ngunit di ko inaasahan… namin… Si Master Dryzen abalang sinisipsip ang laman ng cup container sa kanyang kamay.Alam ko karamihan di nila inaasahang kaya din pala maging ganito kasimple tignan ni Master Dryzen. Parang nabawasan ang di nito magandang aura.Tinitigan niya ako. Nakahanda na ang upuan niya. Nang maka-upo… at bago pa man ako magkaroon ng distansya sa kanya…“Siguraduhin mo mamayang gabi mayroon nito sa mesa ko. Nagkakaintindihan ba tayo Venal?”Tukoy niya sa kanyang sinisipsip.“As you wish Master Dryzen.”Sa boung maghapon nakinig lamang siya sa mga ulat ng mga namamalakad sa kompanya at mga minahan niya.(Cedrick POV)Kanina pang tumatawa si Master Kia. Tinitignan sa kamay niya ang Callin

  • Taming the Mafia King   Chapter 45

    (Dahlia POV)Sa ngiti at halakhak na pabaon ni Kai sa akin, pakiramdam ko pinaglalaruan kami ng demonyo. Dinig na dinig ko parin ang nag-eechong halakhak sa aking tenga.Maging utusan ng kapatid niya? Tss. Kung ganyan na siya kademonyo, ano pa kaya ang gagawin ng kapatid niya? Saka baka maging malala pa ang kalagayan ko. Halata namang mahilig silang gumawa ng mga kasunduan, para makuha nila ang gusto nila. Nilalagay nila sa alanganin ang kanilang biktima. Di ako tanga. Di nila ako basta-basta masisilo ng ganoon kadali.Pero ang iniisip ko ngayon kung paano makuha ang perang akala ni Grandma meron siya.Kaya naman dumiretso ako sa tangapin ng mga pulis. Ni-report ko ang nangyari, ngunit ang napala ko…“Bakit nila kailangan magbayad sa inyo Miss? Eh nangungupahan lang naman kayo. Naunahan na kayo ni Miss Sha-sha, at heto ang affidavit niya. Sinasabi na di dapat ninyo perahan ang nakabili ng lupa. Mabuti na lang di totoo ang perang binigay sa inyo kundi makakasuhan kayo.”“Sir naman, tal

  • Taming the Mafia King   Chapter 46

    (Cedrick POV)Kausap ni Master Kai sa kabilang linya ang kanyang kapatid. Sinabi niya ang magandang balita na nakuha na nito ang tindahan. Kasabay na rin ang pagtangi ni Miss Dahlia na manilbihan sa kanila na taga-gawa ng paborito nilang inumin.Narinig kong ikinatawa na lamang ni Miss Yuki ang kabiguan na yun. Mahalaga sa kanya, nakuha na ang tindahan upang muli niyang buhayin ang naglalaho niyang career.Nang matapos ang pag-uusap nila. Lumapit na ako dito para sabihin sa kanya na naging matagumpay ang pagbabalik ng dila ni Mr. Carlo Ofemia.“I see. Maari siyang makapagsalita sa nakita niya.”Ang pagbabalik ng dila ni Mr. Ofemia ay utos niya diba? Bakit parang gusto niyang may gawin ako na ikaka-kampante niyang walang lalabas sa bibig ni Carlo tungkol sa kanya?“Di rin mawawala na itrato niyang bangungot Master Kai, ang nakita niya. Ngunit kailangan parin natin siguraduhin Master Kai. Sinabi ng mga doktor na maari siyang magising ngayong gabi.”Biglang ngumiti si Master Kai.Meron n

  • Taming the Mafia King   Chapter 47

    (Dahlia POV)“At ngayon ko lang napansin, parang sasabog na ang maliit mong sapatos sa iyong paa.” Ang dami niyang napapansin, habang ang sarili niya hindi?“Wala kang paki-alam. Ang nais ko, lumabas ka na ngayon din! Wala kang karapatan na pumunta dito sa silid ng biktima mo.”Ngunit muli na naman ako nitong nginitian."Alis!"“Uulitin ko Miss, walang impossible sa gusto kong mangyari. Cedrick!” Bigla akong napapikit dahil ang lakas ng boses niya ng tinawag nito si Cedrick. Agad namang pumasok ang sekretarya niya.“Master Kai.” Pumasok si Cedrick na ang paningin ay diretso sa akin. Kaya dalawa na sila na kung makatitig parang nais na nila ako ipasundo kay kamatayan. After all, I am not afraid to Mr. Grim, kasi tamad yun para sunduin ako.Ang titig ni Cedrick, tinatanong ako kung ano na naman ba ang ginawa ko sa boss niya. Habang itong nasa harapan ko, hindi maganda ang umiikot sa isipan niya. Kai, chill, will you?"“Make sure na siya ang kaharap ko ngayong hapunan, Cedrick." Sinabi n

  • Taming the Mafia King   Chapter 48

    (Venal POV)“Wag kayong mag-alala Master Dryzen, ginagawa ng security team ang lahat para sa kaligtasan ng mga tauhan natin. At sa tingin ko, kailangan niyo na atang magpahinga.”Ang itinugon niya sa akin isang nakakamatay na titig. But he gets up from his seat and turn his back to me. Napatitig sa labas ng bintana na halos kinakain na ng dilim ang liwanag.His silence means yes. At kailangan na talaga niyang magpahinga muna sa buhay negosyo na meron siya dahil kung hindi baka di niya makontrol ang init ng ulo nito.Lumapit na rin ako sa lalagyan ng kanyang suit, kinuha ito, saka pumunta sa kinalalagyan niya. Isinuot sa kanya ang suit, at humarap sa akin para ayusin ng bahagyang ang nagusot na damit nito.Nauna siyang lumabas ng pinto. Sumunod kaagad ako at tumango sa mga tauhan na naghihintay. Nagsikilos upang ihanda ang lahat sa pag-uwi niya.Habang nasa elevator tahimik lamang kaming nakasunod kay Master Dryzen, habang siya malayong nakatitig sa labas. Malakas ang ulan, kaya di nga

  • Taming the Mafia King   Chapter 49

    (Venal POV)Nang umangat muli ang paningin ko sa direksyon nila. Manliligaw ba ni Miss Dahlia?Sana naman hindi ako nagkakamali. Sa impormasyon na dumating sa akin, ni minsan walang karelasyon at sumubok manligaw kay Miss Dahlia. Ngunit ano ito?“Sir, tignan niyo to…” Pukaw ng dalawang babae uma-assist sa akin. Di ko pa nga nakikita ng husto detalye, umiling na ako sa kanila. Kaya muli nila akong tinalikuran.Nang tumunog ang phone ko. Nagulat ako kung sino itong tumatawag sa akin… si Master Dryzen.“Where the hell are you Venal…” Hindi isang tanong, kundi isang babala na may hindi ako nagawa. Sigurado ang tungkol sa inaasahan niyang inumin ngayong hapunan niya.“Master Dryzen, your target, I think there’s a little complication to deal with her. She is with a man.”Narinig kong ngumisi si Master Dryzen at di man lamang sa akin tumugon. Ibinaba niya ang tawag.Di ko alam ang umiikot sa isipan niya ngayon. Ngunit inalarma ako ng tauhan ko, na papunta sa kinalalagyan ko si Master Dryzen

  • Taming the Mafia King   Chapter 50

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia, klaro sayo ang pinag-usapan natin. Kaya kailangan mo makipag-cooperasyon sa kanila.” Paalala sa akin ni Cedrick. “Kung hindi tayo makakarating sa tamang oras ng hapunan ni Master Kai, alam mo na ang mangyayari. So, be obedient to cooperate with them.”Ang tanging magagawa ko lang sa sinabi ni Cedrick, titigan siya ng masama. Di ko talaga inaasahan na magkakaganito ang sitwasyon ko. Kailangan ko tapusin ang kabaliwan nilang ginagawa sa aming pamilya. Kaya wala na akong nagawa ng kinaladkad nila ako. Hindi ko magawang makapagsalita at magreklamo, dahil nga halata namang nagmamadali sila.“Maligo ka na muna Miss, within four minutes. Para mapadali, hayaan mong tulungan ka nila. Pakiki-usapan ko na lang si Cedrick na dagdagan ang oras na binigay niya. Kala naman niya madali lang ayusan ang isang kagaya mo. Halata namang mahihirapan kami.” Saka tuluyang umalis sa harapan ko si Lucas. Bahagyang napahilot na lang ako sa aking leeg. “Miss Dahlia…” Isa sa mga babae

  • Taming the Mafia King   Chapter 51

    (Dahlia POV)Napakaganda ng lugar. Yung ilang customer din ng gusali, napansin ang pagdating namin. Medyo mapaghusga ang titig na ipinupukol nila sa akin. Oo, alam ko hindi ako bagay dito. Sa may gusto kasing makipaglaro sa akin. Matatangihan ko ba ang gusto niya kung mahirap lang naman ako at walang kalaban-laban sa kanya?Pumasok kami sa isang elevator. Kami lang dalawa ni Cedrick at naiwan ang mga tauhan na sumusunod sa amin kanina. Hangang sa binasag ni Cedrick ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.“If I were you Miss Dahlia, be polite and mind your manners kapag nasa harapan ka ni Master Kai. Para hindi siya magka-interest masyado sayo.”“Paalala ba yan Cedrick?” Matanda siya sa akin. Halata naman.“Kind of concern to you Miss. You don’t know who he is.”“Mayabang lang naman. Yun ang pagkakilala ko sa kanya. Saka wag kang mag-alala di talaga ako nagkaka-interest sa mga mayayabang. At kung akala mo madadala ako ng boss mo sa ganitong mga bagay, hindi.”Nakita ko sa dingding an

Latest chapter

  • Taming the Mafia King   Finale

    (Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da

  • Taming the Mafia King   Chapter 105

    (Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)

  • Taming the Mafia King   Chapter 104

    (Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk

  • Taming the Mafia King   Chapter 103

    (Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl

  • Taming the Mafia King   Chapter 102

    (Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog

  • Taming the Mafia King   Chapter 101

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha

  • Taming the Mafia King   Chapter 100

    (Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang

  • Taming the Mafia King   Chapter 99

    (Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n

  • Taming the Mafia King   Chapter 98

    (Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama

DMCA.com Protection Status