Third person point of viewKinabukasan ay maagang gumising si Leslie dahil gusto niyang puntahan si Ethan, pero hindi niya alam kung saang hospital ito naroon, gusto niyang gisingin si Alisson pero hindi niya magawa dahil alam niyang pagod ito kaya naman imbes na ituloy ang plano na pag-gising dito ay bumangon nalang siya at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape.Tahimik siyang naglakad patungo sa nakasaradong pinto at pinilit niya na huwag makagawa ng ingay para hindi magising ang mag-ama. Pagdating sa kusina ay kaagad siyang nag-init ng tubig at habang ginagawa niya iyon ay naglabas na siya ng isang tasa at kape at asukal."Can I have some too?""Sh*t!" mura niya at mahigpit na hinawakan ang container ng kape dahil muntikan na iyong malaglag."Bakit kaba nanggugulat!?" Sita niya kay Alisson na nasa likod niya at yakap-yakap siya."Sorry Love, nakita kasi kita na lumabas ng kwarto kaya sumunod na ako," paghingi nito ng paumanhin. Ramdam niya ang mga kamay nito na naglalaro sa ti
Third person point of view"What the fvck did you do!?" Galit na sigaw ni Kevin kay Ethan.Puno ng galit ang mga mata nito na may halong pag-aalala. Nilapitan niya si Kevin at hinawakan ito sa balikat para patigilin ito."Enough Kevin," umiiling na aniya dito.Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito."Paano mo nagagawang maging kalmado sa kabila ng ginawa nila sa anak mo!?" Sumbat nito.Natawa siya ng mahina bago ipinakita dito ang blanko niyang expression."Kalmado?" malaming niyang tanong. Nakita niyang natigilan ito, hindi niya pinansin iyon at nagpatuloy lang siya, "paano akong magiging kalmado? Sa nangyayari sa anak ko, galit na galit ako Kevin, gusto ko kayong patayin. Alam mo ba iyon Ethan?" Binaling niya kay Ethan ang atensyon niya. Puno ng pagsisisi ang mga mata na tumingin ito sa kaniya. "Gusto ko kayong patayin isa-isa because of what you did to my daughter. She has nothing to do with this and yet you gave her trauma. I wanted to kill all of you pero napipigilan lang ako n
Third person point of view"P-Paano ka n-nakapasok dito?" Tanong niya dito kahit halata naman na si Kevin ang dahilan kung bakit ito nandito.Hindi sumagot si Sheena, nanatili lang itong nakangisi sa kaniya."Ikaw na ang bahala diyan Sheena at aalis na ako," sambit ni Kevin at tumalikod na.Ngumisi si Sheena na naghatid ng kilabot sa buong katawan ni Ethan."Oo ako na ang bahala sa iyo," mahinang bulong nito at dahan-dahang inangat ang kamay.Napasinghap siya dahil may hawak itong baril at bago pa siya makapag-react ay nakalabit na nito ang gatilyo. Walang ingay ang narinig mula sa baril nito at sa hinuha niya ay may silencer iyon.Sobrang bilis ng mga pangyayari, kanina lang ay nakangisi pa si Kevin sa kaniya pero ngayon ay nakahiga na at naliligo sa sariling dugo."H-H-Halimaw k-k-ka," nahihintakutang sambit niya dito.Inalis nito ang tingin sa walang buhay na si Kevin para balingan siya, buong pagmamalaki itong ngumisi sa kaniya, "kumusta ka na?" tanong nito at nagsimulang maglakad
Third person point of viewNagkagulo ang mga nurse at doctor pagkapasok ng kwarto ng isang pasyente. Kaagad na nilapitan ng isang doctor ang lalaki na nakahiga sa sahog para tignan ang pulso nito.Tumingin ang doctor sa mga kasamahan at umiling. Samantala ang nurse na lumapit sa lalaking nakahiga sa hospital bed ay ginaya ang ginawa ng doctor at kaparehas ng reaksiyon ng doctor ay malungkot din itong umiling."Time of death?" Tanong ng isang lalaking nurse.Sabay na umiling ang dalawa dahil hindi nila matukoy ang oras ng kinamatay ng mga ito pero base sa paninigas ng mga katawan ay may katagalan na ang mga itong patay. Pero marming pwedeng dahilan ng paninigas ng katawan nito, at isa na rito ang rigorous activity before ito pinatay."Murder?" Tanong ng kaparehas na nurse na nagtanong ng time of death."Yeah, these are all gun wounds," sagot ng doctor na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa harap ng bangkay."Hindi ba at ikaw ang naka-rounds dito?" Biglang tanong ng doctor sa nurse
Third person point of view"Anong karapatan mo na magpunta dito!?" Singhal ng may edad na babae habang pinagdududuro siya."Darling, that's enough wala silang kasalanan," sambit naman ng isang lalaki habang hinihila ang babae para siguro pigilan at ilayo ito.Napahawak siya sa pisngi niya dahil sa pamamanhid niyon. Ngayon lang siya nasampal ng ganoon kaya naman hindi siya nakakilos.Hindi niya maiwasan na mapatingin sa paligid at ganoon na lamang ang naramdaman niyang kahihiyan ng makita niya na sobrang daming tao ang nakatingin sa kanila.Gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan niya dahil sa kahihiyan. "Why did you do that!?" Malakas na tanong ni Alisson habang inilalapit siya nito sa katawan nito para protektahan.Matalim na tingin ang pinukol nung babae na sumampal sa kaniya kay Alisson."Siya! Siya ang dahilan!" Galit na sigaw nito sa isang bagay na hindi niya alam. "Siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko! Kung bakit namatay si Ethan!" Hagulgol nito.Natulala siya a
Third person point of viewNagbago siya, yun lang ang tanging bagay na tumatakbo sa isip ni Alisson habang pinapanood niya si Leslie na nasa gitna ng dance floor at lasing na lasing na sumasayaw kasama ni Brent, sa paligid nito ay may mga iba-ibang lalaki na hindi niya alam kung kakilala nito dahil dikit na dikit sa kasintahan niya.Isang linggo na mula noong makabalik sila ng pilipinas at isang linggo na rin na wala itong ibang ginawa kung hindi ang pumunta sa Consull Bar at magpakalango sa pag-inom.Iniisip ninyo siguro na hindi siya deserving dahil hinahayaan niya lang siyang sumasayaw kasama ng kung sino-sino, trust him, he tried to stop her pero noong ginawa niya iyon ay ilang araw siya nitong hindi kinausap. Para na itong ibang tao dahil hindi na nito napapansin maging ang sariling anak, lagi nalang nakatuon ang atensiyon nito sa kaibigan at iba pang bagay, may mga oras na gusto na niyang sukuan ito at iwan nalang pero sa tuwing iuuwi niya ito ng lasing na lasing at nakikita ni
Third person point of view"Let's go Leslie!" Ani Brent habang hinihila palayo sa dance floor ang lasing na lasing na kaibigan."N-No, A-Alis-shon i-ish p-picking m-meh u-up!" Lasing na lasing na sambit nito at kinalas ang pagkakahawak niya"Alisson is not picking you up because he already left!" Malakas na aniya para marinig siya nito.Natigilan ito sa pagkawala and for a moment ay nakita niya ang magkakahalong sakit, lungkot at pagsisisi sa mga mata nito. Namuo ang luha nito na mabilis niyang pinalis."Masama ba akong tao Brent?" Tanong nito sa kaniya habang tahimik na umiiyak.Naaawa siya sa kaibigan at naiintindihan niya ang nararamdaman nito pero mas naaawa siya kay Alisson dahil alam niyang nasasaktan na ito pero wala itong magawa kung hindi ang mag-tiyaga."Hindi ka masama friend pero sana maintindihan mo na tao lang si Alisson at napapagod din kaya huwag kang magtaka kung isang araw ay magsawa nalang siya kakaintindi sa iyo. At isipin mo rin sana ang anak mo nag-iisa lang si A
Third person point of view"Alliyah!" Sigaw ni Leslie habang hinahabol ang anak niya na matulin na tumatakbo papunta sa fire exit nitong hospital.Nasasaktan si Leslie dahil galit sa kaniya ang anak niya, napahamak si Alisson dahil sa pagiging makasarili niya at naiintindihan niya ang dahilan ng mga ito, kasalanan niya rin naman kung sana ay inayos niya ang buhay niya at hindi siya nagpaapekto sa pagkamatay ni Ethan, sana ay maayos sila ng anak niya at sana ay wala sa panganib ang buhay ni Alisson.Paliko na ang anak niya sa fire exit nung abutan niya ito at mabilis itong niyakap para patigilin, "anak," tawag niya dito.Mabilis itong kumawala sa pagkakahawak niya habang sumisigaw, "let go off me!"Hindi niya hinayaan na makawala ito, mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito hanggang sa tumigil ito sa panlalaban at umiyak nalang ng umiyak.Parang pinipiga ang puso niya dahil sa nakikita niyang paghihirap ng anak niya."Anak patawarin mo si Mommy," nagmamakaawa na paghingi niya ng paum
Third person point of viewFive months later..."Alisson!!!" Sigaw ni Leslie ang pumuno sa buong delivery room. "Fvck! Fvck! My wife," malulutong na napamura si Alisson habang kinakabahan na nagpapabalik-balik siya ng lakad sa harapan ng delivery room. Kasalukuyang nasa loob ng delivery room si Leslie dahil manganganak na ito sa bunso nila. Hindi niya alam ang gagawin, kanina pa niya tinawagan ang parents nila pero ang sabi ng mga ito ay nasa cavite pa dahil sa isang business trip. Na-stuck daw ang mga ito sa traffic."Calm down bro," pagpapakalma ni Arisson sa kaniya.Napatingin siya dito at sa asawa nito na kalmado lang na nakaupo sa isang mahabang metal na upuan."Paano ninyo nagagawang maging kalmado? Nasa bingit ng kapahamakan ang asawa ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ito.Pinagtaasan siya ng kilay ni Joana Mei bago inirapan, "napagdaanan na ni Leslie iyan sa una ninyong anak kaya pwede ba kumalma ka dahil baka sipain kita palabas!" Singhal nito sa kaniya.Nanghihin
Third person point of view"Mommy, you are so beautiful po."Nakatayo si Leslie sa harapan ng nakasaradong pinto bg simbahan kung saan mangyayari ang kasal niya ngayong araw.Puno ng kasiyahan ang puso niya habang katabi niya ang anak niya pero ramdam niya na parang may kulang. Isa sa mga naging tradisyon ng filipino na kasama ang magulang sa paglalakad sa altar pero ngayon ay iba dahil anak niya ang kasama niya."You are crying Mommy," komento ng anak niya.Pinalis niya ang luha niya at nakangiting tinignan niya ang anak niya, "huwag mong intindihin si Mommy anak miss lang niya yung mga Lolo's and Lola's mo," sagot niya dito.Malawak na ngumiti ang anak niya sa kaniya, "let's go na po Mommy!" Excited na sambit nito at inakay siya.Napapantastikuhan na tinitigan niya ito pero kalaunan ay ngumiti nalang siya at nagpatangay sa ginagawa nitong pag-akay sa kaniya.Nagsimula silang maglakad papunta sa nakasaradong pinto ng simbahan."Mommy wait lang po," anito na pinatigil siya sa paglala
Third person point of viewOne year later..."Alliyah, pakikuha nga anak yung iluluto ni Mommy doon sa ref!"Isang taon na ang nakakalipas simula nung talikuran nila ang marangyang buhay. Kasabay ng pagtalikod nila sa buhay na kinalakihan ay tinalikuran din nila ang mga tao na naging parte niyon.Hindi niya masasabi na naging madali ang buhay nilang mag-anak dahil sa totoo lang ay sobrang hirap. Ilang beses niyang tinangka na magsabi sa mga magulang niya pero hindi niya magawa dahil hindi pa niya kayang harapin ang mga ito.Sobrang sakit nung mga nangyari, marami ang nagbuwis ng buhay at hindi niya matanggap na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagawa ng mga malapit sa kaniya ang manakit ng iba.Pero may kasabihan nga na time heal all wounds at masasabi niya na sa loob ng isang taon ay natanggap na niya ang lahat at handa na siyang igawad sa mga nagkasala ang kapatawaran."How are you my lovely fiance?" Bulong nito habang nakaakbay sa kaniya at ginagawaran siya ng magagaang halik sa
Third person point of viewBANG!"Aahh!" Sigaw ni Aragon kasabay ng pagluhod nito sa semento dahil sa tama ng bala nito sa binti."Stop running, because you have nowhere to run," ani West habang pinapanood si Aragon na nagpupumilit makatayo ng tuwid.Dahan-dahang naglakad si Aragon pagkatapos makuha ang balanse na kailangan nito, pero hindi pa ito tuluyang nakakahakbang ay muli itong bumagsak kasabay ng muling pag-alingawngaw ng putok ng baril."Give up already, kasi hindi ka na magtatagal." Napahiga si Aragon sa marumi at magaspang na sementadong kalsada. Nakangiti itong tumingin sa kaniya, "kill me now!" Pang-uudyok nito sa kaniya.Humigpit ang hawak niya sa baril at magkakasunod siyang napailing, "I can't," sagot niya dito.Tumalim ang mga mata nito, "kill me!!" Mas malakas ng sigaw nito na wala na ang pag-uudyok. Nakikita niya ang pagod sa mga mata nito, kung sa ibang pagkakataon lang ito ay baka hindi na nito kailangan na sabihan siyang patayin ito dahil bago pa bumuka ang bibi
Third person point of viewBANG!"Aaahh..." Sigaw ng mga tao na nasa loob ng hospital room ni Leslie kabilang ang mga nurses na nagra-rounds para tignan siya pagkatapos marinig ang alingawngaw ng putok ng baril.BLAG!"UGH!" Dinig nila ang malakas na kalabog ng pagbagsak kasabay ng pagdaing. Dahan-dahan niyang ibinaling ang mga mata niya sa pinanggalingan ng tunog at nahintakutan siya nung makita niya ang isa sa mga nurse na hawak ang tagiliran na punong-puno ng dugo."Mommy!!!" Pagpalahaw ng anak niya na nakatingin sa nurse na nakahiga sa sahig habang naghahabol ng hininga."Sh*t!" Mura ni Alisson at mabilis na niyakap ang anak nila bago itinago sa likuran nila."Bakit niyo ba ginagawa ang bagay na ito!?" Sigaw ni Leslie sa dalawang kabataan na nasa harapan nila at tinututukan sila ng baril.Tahimik lang silang nagkakasiyahan ng pamilya niya ng bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang lalaking ito at nagsimulang pagbabarilin ang mga kasangkapan sa k
Third person point of view"Papatayin kitang hayop ka!" Sigaw ni Dominador at mabilis na sinugod ang bagong dating na bisita.Kaagad na pinigilan ni West at Walter si Dominador sa pagsugod nito."Ano ang kailangan mo dito Aragon Costales?" Matalim na tanong ni Prim sa nakangising bisita.Mas lumawak ang ngisi ni Aragon, "chill guys! Masyado kayong mainit," Natutuwang sambit nito habang nagtataas ng kamay bilang pagsuko.Sa halip na matuwa ay nakaramdam ng inis ang mga miyembro ng black organization."Hindi ka pupunta dito para lang sa wala Aragon kaya huwag mo ng aksayahin pa ang mga oras namin at sabihin mo na kung ano ang pakay mo dito?" Inip na tanong ni Nero.Sa lahat ng miyembro ng Black Organization si Nero ang isa sa mga mainipin at literal na mainitin ang ulo at laging napapasama sa gulo.Nagkibit muna ng balikat si Aragon at dahan-dahan na naglakad palapit sa pang-isahang sofa at prenteng naupo doon.Pinanood nila ang bawat galaw nito habang pinapanatili ang pagiging alisto l
Third person point of viewDahan-dahan na nagmulat ng mata si Leslie at kulay puting paligid lang ang bumungad sa kaniya.Patay na ba ako? Tanong niya sa sarili habang iginagala ang tingin sa kulay puting paligid."Love! Thank god you are awake!" Dinig niyang bulalas ni Alisson at mahigpit siyang niyakap.Humiwalay ito sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat at sinuri."W-Where am I?" Tanong niya dito habang iginagala ang paningin sa buong paligid."Hospital, you have been sleeping for forty eight hours," sagot nito."Forty eight hours!?" Hindi makapaniwalang bulalas niya na kaagad naman tinanguan ni Alisson. "No wonder I felt terrible," sagot niya.Habang nakatingin siya dito ay isa-isang bumalik sa kaniya ang mga nangyari. Magkakasunod na tumulo ang luha niya at saka siya magkakasunod na umiling, "Alisson, why is this happening to me or to us? Am I a bad person?" Magkakasunod na tanong niya.Mabilis siyang kinabig ni Alisson at niyakap ng sobrang higpit. "Shh, Love you a
Third person point of viewOne month has passed at nakalabas na si Alisson ng hospital pero hindi pa rin tuluyang naghihilom ang mga sugat nito."Hey, you are always busy. What are you up to?" Tanong ni Alisson sa kaniya.Ngumiti siya dito, "planning our wedding again," she said in a duh tone bago ngumut at dinugtungan, "this time I wanted to make sure na wala ng manggugulo," aniya.Niyakap siya nito mula sa llikuran at ginawaran ng halik sa pisngi pababa sa panga niya hanggang sa leeg.Napahinga siya ng malalim kasabay ng pagtingala niya para mas bigyan ito ng laya na mas mahalikan siya."Date tayo?" Tanong nito."I can't, I have a meeting with the designer in-," she paused to look at her wristwatch. "Oops! Ngayon na pala, bye!" Nakangiting bulalas niya at tumayo na leaving him shocked."Can't the designer wait, can she?" Nakasimangot na pigil nito sa tangka niyang pag-alis.Hinarap niya ito at nakangiti na inilingan, "I can't for now, date later?" tanong niya dito. Wala itong nagawa
Third person point of view"Satisfied?" Nang-iinsultong tanong ni Prim sa ginang na nakaluhod sa bowl habang nakataas ang bestida nitong suot at nakababa ang panloob."Hayop ka!" Sigaw nito habang umiiyak pero nanatili pa rin nakaluho sa harap ng kubeta."Aren't you the same for wanting to kill an innocent Dela Constancia. Did you even know who they are?" Magkasunod na tanong niya habang napapakunot ang noo. Alam niya na may nagawa si Leslie na bagay na masakit para sa pamilya nito pero hindi biro ang pinagdaanan ni Leslie sa kamay ng anak nito at hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa anak ng kaibigan niya."Innocent? You called a killer innocent!?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang masamang nakatitig sa kaniya."Then who is innocent to you? Your manipulative daughter, your demonic daughter? Yun ba ang inosente para sa iyo, yung anak mo na nagbayad ng tao para gahasain ang isang sampung taong gulang na bata at ang nanay nito. Iyon ba!?" Galit na tanong niya at bago pa