Ang simpleng pagdaiti ng mga labi nila ay langit ang dulot sa puso ni Andrei. Kahit tuluyan na siyang nawawalan ng pag-asa na magiging maayos pa ang kan'yang pamilya, muling pinalakas ang loob niya ng halik ni Tamara. Kinabig ni Andrei ang katawan ng dalaga. Hindi niya napigilan ang kaniyang mga kamay na pisilin ang matambok na pang-upo nito. Kahit kinakabahan ay naging pangahas ang kamay at dila niya. Sabik na sabik siya sa dalaga kaya naging mapusok na siya. "Stop! You're so wild. Hindi kasama sa comfort na gusto kong ibigay sa iyo ang ikama mo ako," sabi ni Tamara sabay tayo. "Okay. Since pang movie award ang drama mo kanina, pwede ka nang huwag umalis. At dahil masarap kang humalik, pwede ka nang tumabi sa akin sa kama, with one condition, of course." "What is it?" Hindi halos makilala ni Andrie ang kan'yang boses. Ang bilis kasi ni Tamara na baguhin ang emosyon at temperatura n'ya. "Kiss me always bago tayo matulog." Isang nakakaakit na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga. "W
"Smile and I'll be happier," sabi ni Andrei habang nagmamaneho siya. Kanina pa kasi niya napapansin na wala sa mood si Tamara. Ang lalim ng iniisip nito at halos wala sa sarili. "Andrei, pwede ba tayong bumalik ng ospital?" tanong ng dalaga."Bakit may masakit ba sa 'yo, honey?" "Wala naman pero…" Tamara paused for a moment. "Gusto ko kasing balikan ang batang nakita ko kanina roon. Naaawa kasi ako sa kan'ya." "Okay. Sige. Maghahanap ako ng lugar kung saan tayo pwedeng mag-u-turn," sagot ng binata. "Akala ko pa naman may nararamdaman kang masakit. You know naman na kapag nasasaktan ka, nasasaktan din ako. Magkarugtong kasi ang mga puso natin." "Not a good joke," iritadong sabi ng dalaga. Idinaan ni Andrei sa tawa ang pagkapahiya niya. Dama niyang hindi bumibenta kay Tamara ang mga biro niya ngayon. Habang nasa byahe sila pabalik ng hospital, naisipan ni Andrei na tanungin si Tamara kung gaano na kalaki ang batang sinasabi nito."I don't know how old he is. I am not an expert wit
Dahil sa bilis ng reaksyon ni Tamara, naibagsak niya si Melvin sa kinatatayuan nito. Nanlilisik ang mata ng dalaga nang tinapakan niya ang dibdib ng nakahigang lalaki. Bumalik sa isip ni Tamara ang nangyari noong gabi na nagkita sila ni Melvin sa mansion ng mga Montillano. “Kilala kita. Nasa mansion ka ng mga Montillano noong nasunog iyon at namatay ang ama ni Andrei,” sabi ni Tamara. Parang balewala na ngumiti si Melvin. Pilit itong kumakawala mula kay Tamara. “Natural na naroon ako dahil isa ako sa mga empleyado ng mga Montillano,” sagot ni Melvin. “Hindi! Isa ka sa mga salarin sa pagkamatay ni Mr. Montillano.”“Paano ka nakakasigurado sa bintang mo na iyan, Tamara?”“Hindi bintang ang sinasabi ko. Natatandaan kong sinabihan mo pa nga ako na alam mo kung bakit ako naroon. Sabi mo ayusin ko ang trabaho ko. Hindi ako ang bumaril kay Jeff Montillano kaya sigurado akong ikaw ang gumawa noon.” Subalit kahit anong sabihin ni Tamara ay hindi talaga umaamin si Melvin. Habang nagtatalo
Napailing si Kaizer nang nakita nilang mata na lang ang walang latay kay Allan. Napabuntong-hininga naman si Andrei. "Wow, girl, ang galing mo," wika ni Kryzell sabay apir kay Tamara. "Deserve na deserve niya ang sinapit niya. Dapat nga pinutulan mo pa siya ng kamay at paa." Si Ruel na hindi nakaimik ay tinulungan si Allan na makaupo ng maayos. Maging siya ay natakot sa bagong Tamara. Kilala kasi niyang mabangis ito pero hindi ganito katindi. "Galit ka ba, Andrei?" tanong ni Tamara nang nakita niya na parang hindi nagustuhan ni Andrei ang ginawa niya. "No. It's just that I never expected you to be as violent as this," sagot ni Andrei. "Well, I just want to let him know na kapag anak ko na ang pinag-uusapan, hindi ko kayang manahimik. I'm gonna kill those people who will have a guts to take my son away from me, including you," banta ni Tamara. Tiningnan niya rin ng mata sa mata si Andrei. Umiwas ng tingin ang binata. Ayaw niyang makipagtitigan kay Tamara, lalong hindi niya g
Si Gen. Gomez ay parang hari na nakatayo sa may dulong bahagi ng pasilyo. Nakabalik na siya sa serbisyo at nasa ospital siya para bisitahin ang isang kakilala. Hindi sinasadya na nakita niya ang pagpasok ng grupo ni Andrei kasama ang walang malay na si Tamara. Dinukot niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga tauhan n'yang nasa labas ng hospital."Nandito si Tamara. Alamin ninyo ang nangyari sa kaniya," utos ng heneral. "Masusunod po, boss. May balita na po pala mula sa mga inutusan n'yo para maitakas si Allan. Hawak na raw po nila ang lider ng Triangulo." Nagdiwang ang heneral. Bukod sa pwede niya nang singilin si Allan sa ginawa nitong panloloko sa kaniya noon, pwede n'ya pang paikutin ang lalaki at gamitin ang mga nangyari para sulsulan itong magalit sa mga taong nanakit dito, kasama na si Tamara. Pagkatapos makausap ang kasamang tauhan, tinawagan ni Gen. Gomez ang mga tauhan niyang kasama ngayon ni Allan. "Boss, successful ang ginawa natin," bungad agad ng kausap
"Walang hiya ka! You scared me!" Inis na hinampas ni Tamara si Andrei. Ang binata naman ay tuwang-tuwa sa nakita niyang pag-aalala ni Tamara. Panay ang nakaw niya ng halik sa dalaga kahit pa umiiwas ito. Batid niyang kahit paano ay may puwang pa rin siya sa puso ng dating kasintahan. "I love you," bulong ni Andrei kay Tamara habang nakapatong ang baba n'ya sa balikat nito. Ang dalaga naman ay nakatutok lang ang mga mata sa daan. "Hindi ako affected sa I love you mo kaya manahimik ka," sabi ni Tamara. "Liar. Kapag namatay ako ngayong gabi, hindi ko na maririnig pa na mahal mo ako kaya huwag mo nang ikaila. Alam ko naman na hinahanap-hanap mo ako tuwing wala ako. 'Di ba, honey?""Stop talking nonsense," asik no Tamara kay Andrei. "Okay, matutulog na lang ako. Ang sakit na kasi ang braso ko at marami na rin ang nawalang dugo sa akin. I feel like dying." "No! Don't sleep, please." Bakas ang pagkataranta sa boses ni Tamara. "Maybe I love you too. Ayan, sinabi ko na, huwag ka lang mama
Bumaba ng sasakyan ang isa sa mga kasama nina Andrei at Tamara. Magalang itong nagtanong sa isang lalaking armado na nasa may guard house tungkol sa may-ari ng lupa na binabantayan ng mga ito. "I am very sure na dito nakatira ang taong pinag-iwanan ko sa daddy mo," sabi ni Tamara. Katulad ni Andrei, nakakasa na rin ang baril ng dalaga bilang paghahanda sa maaaring maganap na bakbakan."Nagtataka ako kung bakit may mga armado na rito gayong wala naman nabanggit si Melvin at ang mga kasama niya pagkagaling nila rito," sabi ni Andrei.Hinawakan ni Tamara sa balikat ang binata. "Susubukan kong bumaba. Dito ka lang, ha?" ani ng dalaga. "Teka, sasama ako," mabilis na sabi ng binata. Magkasunod na bumaba ng sasakyan ang magkasintahan. Sinalubong sila ng unang bumaba na kasamahan nila. "Lieutenant, Tamara, bakit pa kayo bumaba ng sasakyan? Napakadelikado ng sitwasyon natin ngayon," sabi nito. "Bakit? Ano ang sabi ng nakausap mo?" tanong ni Tamara."Isang private property daw ang lupain
Mabilis na nagpaalam si Andrei sa kan'yang Uncle David. Daig pa niya ang may pakpak sa tulin niyang tumakbo at sa liksi niyang kumilos. Si Tamara ang tumawag sa kaniya. Kasama ng kaniyang nobya ang anak nila habang sinusundan nito ang taong sinasabi ng dalaga na pinagkatiwalaan nito ng kaniyang ama.Si David ay hindi nagustuhan ang pagsingit ni Tamara sa dapat sana ay oras nilang dalawa ni Andrei. Para kay David, mahalaga ang mga sandaling kasama niya ang kaniyang pamangkin dahil nababantayan niya ang mga kilos nito. "Pasensya na, Uncle David," sigaw ni Andrei bago pumasok sa elevator. "Nevermind! What can I do?" Subalit hindi na narinig ni Andrei ang sinabi ni David. "Andrei, bilisan mo. Nagpapaikot-ikot kami rito sa FStar Mall. Lihim ko siyang sinusundan at ayaw kong maalarma siya. Hindi ko kasi alam kong kalaban mo siya ngayon o kakampi," sabi ni Tamara."On the way na ako, honey. Damn it! Grabe ang traffic dito sa lokasyon ko," sagot ni Andrei. "Huwag mo siyang iwawala sa pani
Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa
Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul
Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog
Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n
“Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu
Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam
Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko
Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging