Share

CHAPTER 56

Author: Magic Heart
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Walang hiya ka! You scared me!" Inis na hinampas ni Tamara si Andrei. Ang binata naman ay tuwang-tuwa sa nakita niyang pag-aalala ni Tamara. Panay ang nakaw niya ng halik sa dalaga kahit pa umiiwas ito. Batid niyang kahit paano ay may puwang pa rin siya sa puso ng dating kasintahan.

"I love you," bulong ni Andrei kay Tamara habang nakapatong ang baba n'ya sa balikat nito. Ang dalaga naman ay nakatutok lang ang mga mata sa daan.

"Hindi ako affected sa I love you mo kaya manahimik ka," sabi ni Tamara.

"Liar. Kapag namatay ako ngayong gabi, hindi ko na maririnig pa na mahal mo ako kaya huwag mo nang ikaila. Alam ko naman na hinahanap-hanap mo ako tuwing wala ako. 'Di ba, honey?"

"Stop talking nonsense," asik no Tamara kay Andrei.

"Okay, matutulog na lang ako. Ang sakit na kasi ang braso ko at marami na rin ang nawalang dugo sa akin. I feel like dying."

"No! Don't sleep, please." Bakas ang pagkataranta sa boses ni Tamara. "Maybe I love you too. Ayan, sinabi ko na, huwag ka lang mama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
bakit Kaya bumunot ng baril SI Andrie?
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
Jusko nkktense
goodnovel comment avatar
Rhea Balbido Garcia Tepora
sana nga buhay pa ang tatay mo andrei para malaman mo ang buong katotohanan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 57

    Bumaba ng sasakyan ang isa sa mga kasama nina Andrei at Tamara. Magalang itong nagtanong sa isang lalaking armado na nasa may guard house tungkol sa may-ari ng lupa na binabantayan ng mga ito. "I am very sure na dito nakatira ang taong pinag-iwanan ko sa daddy mo," sabi ni Tamara. Katulad ni Andrei, nakakasa na rin ang baril ng dalaga bilang paghahanda sa maaaring maganap na bakbakan."Nagtataka ako kung bakit may mga armado na rito gayong wala naman nabanggit si Melvin at ang mga kasama niya pagkagaling nila rito," sabi ni Andrei.Hinawakan ni Tamara sa balikat ang binata. "Susubukan kong bumaba. Dito ka lang, ha?" ani ng dalaga. "Teka, sasama ako," mabilis na sabi ng binata. Magkasunod na bumaba ng sasakyan ang magkasintahan. Sinalubong sila ng unang bumaba na kasamahan nila. "Lieutenant, Tamara, bakit pa kayo bumaba ng sasakyan? Napakadelikado ng sitwasyon natin ngayon," sabi nito. "Bakit? Ano ang sabi ng nakausap mo?" tanong ni Tamara."Isang private property daw ang lupain

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 58

    Mabilis na nagpaalam si Andrei sa kan'yang Uncle David. Daig pa niya ang may pakpak sa tulin niyang tumakbo at sa liksi niyang kumilos. Si Tamara ang tumawag sa kaniya. Kasama ng kaniyang nobya ang anak nila habang sinusundan nito ang taong sinasabi ng dalaga na pinagkatiwalaan nito ng kaniyang ama.Si David ay hindi nagustuhan ang pagsingit ni Tamara sa dapat sana ay oras nilang dalawa ni Andrei. Para kay David, mahalaga ang mga sandaling kasama niya ang kaniyang pamangkin dahil nababantayan niya ang mga kilos nito. "Pasensya na, Uncle David," sigaw ni Andrei bago pumasok sa elevator. "Nevermind! What can I do?" Subalit hindi na narinig ni Andrei ang sinabi ni David. "Andrei, bilisan mo. Nagpapaikot-ikot kami rito sa FStar Mall. Lihim ko siyang sinusundan at ayaw kong maalarma siya. Hindi ko kasi alam kong kalaban mo siya ngayon o kakampi," sabi ni Tamara."On the way na ako, honey. Damn it! Grabe ang traffic dito sa lokasyon ko," sagot ni Andrei. "Huwag mo siyang iwawala sa pani

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 59

    Ilang beses nakiusap si Andrei kay Melvin na pakawalan ang kaniyang Uncle David subalit tila walang naririnig ang lalaki. Nakatutok ang baril nito sa ulo ng businessman habang yakap ng braso nito sa leeg ang walang kibong tiyuhin ng binata. "Ano ang rason mo, Andrei, para makipagkita ka sa akin dito sa sementeryo?" seryosong tanong ni Melvin. "Katulad ba ni Tamara ay ako rin ang pinagbibintangan mo na may pakana sa pagkamatay ng iyong ama?" Gustong sabihin ni andrei na, "Oo, ikaw nga ang pinaghihinalaan kong may kasalanan sa nangyari kay daddy," subalit para sa kapakanan ni David ay umiling siya. "Hindi iyan ang rason kung bakit gusto kitang makausap dito, Melvin. Ang totoo ay gusto ko sanang humingi ng pabor sa iyo," sabi ni Andrei. "Sinungaling! Kung ako ang ituturo mong may kasalanan sa pagpatay sa ama mo, nagkakamali ka. Oo, galit ako sa daddy mo dahil tinanggal niya sa trabaho ang ama ko noong mga panahon na kailangan namin ng pera pampagamot sa aking ina. Dahil doon ay namat

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 60

    Halos malaglag ang panga ni Tamara habang nakatingin sa lalaking bumaba ng Hilux. Napahawak siya sa kamay ni Ruel nang ikasa nito ang kaniyang baril. "Huwag! Huwag mo siyang babarilin. Bababa ako. Dito ka lang, ha. Kakausapin ko lang ang lalaking iyon," sabi ni Tamara. "Kilala mo ba siya?" Hindi makapaniwala na tanong ni Ruel. Tumango ang dalaga sabay bukas ng pintuan ng sasakyan. Tumingala siya sa isang poste kung saan may nakakabit na CCTV camera. Umaasa ang dalaga na gumagana iyon para kung sakaling magkaroon ng hindi magandang pangyayari ay may ebedensiya siyang makukuha."Huwag kang susunod, Ruel," sabi ni Tamara bago siya tuluyang lumakad palapit sa lalaking naghihintay sa kan'ya."Sandali! Sabihin mo lang kapag kailangan mo ng tulong ko," sigaw ni Ruel. "Mag-oobserba lang ako mula rito sa malayo." Kumaway si Tamara sa kan'yang dating kasintahan. Lumakad siya ng dahan-dahan hanggang sa makalapit siya sa lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya. "Kumusta ka na, hija? Hindi ko

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 61

    "What is happening to you?" Takang-taka na tanong ni Tamara kay Andrei ng maabutan niya itong parang nasisiraan ng ulo na nakasalampak sa sahig at lulugo-lugo. "Where have you been?" tanong din ng binata. Sinugod nito ng yakap ang kanyang nobya at nakalimutan niyang karga ni Tamara ang kanilang anak. Naipit ang sanggol kaya umiyak ito. "My god, Andrei. Anong kalokohan na naman ito?" "Akala ko iniwan mo na ako kasi sabi mo kanina huwag na akong uuwi rito." "I thought, you don't care. Pinabayaan mo nga akong umalis ng mansion ninyo nang hindi ka man lang nag-aalala." Itinulak ni Tamara si Andrei palayo sa kan'ya. Patuloy kasi sa pag-iyak ang kanilang anak at kailangan siyang patahanin ng dalaga. "Please, don't get me wrong. Hindi totoong wala akong pakialam kahit mag-away tayo. Marami lang talaga akong problema at hindi na ako halos makahinga. Ayaw ko namang madamay kayo ng anak natin." Pinigilan ni Tamara ang sarili niya na pagsalitaan si Andrei ng kung ano-ano. Awa ang nan

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 62

    Nakahinga ng maluwag si Tamara. Buong akala kasi niya ay muling ipagtutulakan siya ni Andrei, katulad nang ginawa nito dati. Subalit pagkatapos siyang tingnan ng masama ng kasintahan ay niyakap siya nito ng ubod higpit."I trust you. I believe in you," wika ng binata. "Sa ngayon, ito muna ang panghahawakan ko." Kinabukasan, pumunta sina Andrei at Tamara sa mausoleum ng pamilya ni Andrei. Nakumpirma nila na nabuksan nga ang libingan ng daddy ng bintana. Dahil doon kaya sinubukan nito na kontakin si David na ngayon ay nagtatago dahil hinahanap na ito ng mga police. Ngunit katulad ng mga nakaraang araw, hindi niya pa rin ito makausap. "Pinalala mo lang, Uncle David, ang problema mo," sabi ni Andrei habang inilalagay ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Bakit mo naman naisip na tumakas? Ang dami mong kapalpakan sa buhay.""Duda ako sa uncle mo," pag-amin ni Tamara.Sinulyapan ni Andrei si Tamara. Hindi siya nagsalita, ngunit sa kaibuturan ng kan'yang puso ay ganoon din ang nara

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 63

    Araw ng birthday party ni Ret. Gen. Marky Soriano. Sa isang five star hotel, nag-tipon ang halos nasa isang daang bisita. Pagarbuhan ng suot ang mga babae at pa-gwapuhan naman ang mga lalaki. May mga sikat na artista, police, sundalo, politician, at iba pa ang nasa handaan. Nagkukumustahan sila na para bang matagal silang hindi nagkita-kita. Sina Andrei at Tamara agad sinalubong ng asawa ng retiradong heneral, ninang ito ni Andrei. "I'm glad you're here. How are you, hijo?" tanong nito sabay beso-beso sa binata. "I'm good, ninang. Where is ninong?" tanong ng binata. "He's busy talking with some guests. You know naman, Marky is such a great gentleman and host. Halos lahat ay gusto niyang kumustahin." Nagkatawanan ang mag-ninang. "Who's this lovely lady beside you?" tanong ng babae. "She's Tamara, my fiancee." "You're engaged?" Tumango si Andrei. Hinarap naman ng babae Tamara. "You're lucky, hija. Welcome!""It's nice to meet you, ma'am. Thank you for inviting Andrei." "Oh, ma

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 64

    Dahil sa kakilala ni Retired General Soriano, nalaman nilang nasa labas si General Gomez at naghihintay kina Andrei at Tamara. Iyon ang dahilan kaya nag utos ang binata na sunduin sila ng chopper sa helipad ng hotel. "Let them go crazy while waiting," sabi ni Andrei habang pasakay ng chopper."Tiyak talagang mababaliw sila sa kahihintay sa atin," wika ng retiradong heneral. Tumawa ito ng malakas na ikinainis naman ng asawa nito."Mamamatay na nga tayo, tumatawa ka pa rin. My gosh, Marky, nanginginig na ang buong katawan ko sa takot," sabi ng ginang. "Sinabi ko na kasi sa iyong 'wag mo nang imbitahin iyan si Maximo dahil gulo na naman ang dala niyan. Last year, muntikan ka na niyang mapatay. At ngayon, same scenario na naman." "He's still my friend despite his bad attitude." "Friend? Ihulog kaya kita sa chopper na ito. Sinong matinong kaibigan ang mag-iisip ng masama laban sa kaibigan niya?" Nagkatinginan sina Andrei at Tamara. Napangiti rin sila sa isa't isa. Napagtanto nilang na

Pinakabagong kabanata

  • Tamara, The Mafia's Gem    EPILOGUE

    Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p

  • Tamara, The Mafia's Gem    WAKAS

    Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 103

    Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 102

    Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 101

    Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 100

    “Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 99

    Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 98

    Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 97

    Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging

DMCA.com Protection Status