Share

Chapter 68

Napapikit naman ako at saka napatakip ng tainga. Napalabas naman sina Mama at Ate na nasa kusina.

"Anong nangyari sa iyo?" natatawang tanong ni Ate nang makita ang damit ni Kuya na basang-basa ng kape.

"Sige, tawanan mo pa," sarkastikong saad ni Kuya at halata mo pa rin ang pagkagalit.

"Sorry na nga Kuya, eh," wika ko.

"Bumaba ka rito at ihahagis ko rin sa iyo 'tong walis tambo," singhal niya.

Napasimangot naman ako at saka dahan-dahan na bumaba.

Mukhang wala na akong takas, ah? Hawak-hawak ba naman niya ang walis at kaunti na lang ay baliin na ito dahil sa galit.

Pagbaba ko ay nagulat ako dahil wala man lang paalam na hinagis niya nga ito sa akin. Mabuti na lang at nasalo ko ito kaagad dahil kung hindi ay tatama ito sa plorera ni Mama at pareho pa kaming malilintikan.

"Sira na umaga ko dahil sa walis tambo na 'yan. Bwisit!" ika niya at saka umakyat sa taas.

Nang mawala siya sa paningin namin ay nagkatitigan naman kami ni Ate at saka sabay na tumawa. Nag-apir pa kaming dalawa ngunit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status