Ilang linggo na ang nakalipas pero naiinis pa rin ako sa tuwing naalala ko ang ginawa nina Mira pati ng mga kaibigan niya sa akin.
Gusto kong gumanti sa kanila. Feeling ko hindi ako magkakaroon ng peace of mind kung hindi ko maiganti ang sarili ko. Pero bilin ni Kuya wag na daw ako maghanap ng gulo at silang dalawa na ang bahala ni Kuya Derick ang babawi para sa akin. But I doubt, my brothers are strict but I think they're not freak like me. Ako lang ata ang medyo matigas ang ulo sa aming tatlo.
I could still remember Mirabella and her friends' mocking faces at sa tuwing pumapasok yon sa utak ko bigla na lang akong naiirita. Nagising ako nung araw na yon masakit ang buong katawan ko. Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan kung limang tao ang kakalabanin mo?
Hindi ko na nga nakilala kung sino ang lalaking nagdala sa akin sa clinic. Ang sabi ni Kuya Hendrick, tumawag lang daw ang nurse ng school sa kanya para ipaalam ang nangyari sa akin. Hindi niya din binanggit kung nakilala niya ba ang tumulong sa akin.
Gusto ko sanang pasalamatan ang kumag na yon kahit ang yabang-yabang niya. Baka akala niya di ko narinig yong mga pinagsasabi niya. Lalo na yung sinabi niyang mabigat ako? Weak pala siya eh. Ang yabang-yabang, mahina naman pala. Pero di bale na nga atleast tinulungan niya pa rin ako.
Thank you pa rin sayo kung sino ka man.
Buong linggo akong hindi pumasok dahil nagka-pasa ang buong katawan ko. Dinala rin ako ni Kuya sa hospital para ipa-check kung ayos lang ba ang kalagayan ko.
Pina-check pa ni Kuya ang ulo baka daw may dugong namuo. Sa isip ko baka natakot si Kuya na magkaroon siya ng kapatid na may saltik.
Buti na lang din at naagapan ako agad sabi ni Tita Divine dahil kong mas matagal ang pagkabugbog nila sa akin baka magkaroon pa ng komplikasyon sa internal organs ko. My gosh that so creepy.
Tita Divine is Mom's bestfriend. Siya ang doktor na personal na umattend sa akin. Siya rin ang nagsabi kina Kuya na ipahinga ako ng isang linggo o higit pa hanggat sa umayos ang kalagayan ko.
After what happened that day, nasuspended sila Mira pati mga kaibigan niya. Sabi ni Kuya, nakiusap ang mga magulang ni Mira pati ng mga kaibigan niya na suspension lang kung maari. Balak sana ni Kuya Henrick na sampahan sila ng kaso para hindi makapagtapos ng high school pero naawa siya sa mga magulang nito.
Si Kuya ang nag-asikaso sa lahat dahil wala sina Mom at Dad. Ito yung sinasabi kong ayaw kong mangyari, ang dadagdag pa ako sa alalahanin ni Kuya. Pero alam naman nila na hindi ako ang nagsimula ng gulo. Ganun paman nagi-guilty pa rin ako. Sa halip na ibang bagay ang inaasikaso ni Kuya ito pa tuloy dumagdag pa ako.
According to Kuya, they can still graduate but they are not allowed to march with us during the graduation. Buti nga sa kanila. I felt no remorse towards them. Dahil lang sa lalaki handa silang manakit ng kapwa? How pathetic! Nakakainis!
Ang kakapal pa ng mga mukha. Magde-deny pa sana ang mga ito pero may studyanteng nakakita sa kanila at tumistigo. Gusto pa sana akong baliktarin at sa akin ibuntong ang sisi pero may nakakita sa kanila.
Boba din kasi ang mga gaga. Di na nga kagandahan mga tanga pa. Di man lang agad binura yong video kinuha nila sa akin. Yon tuloy ang naging ebidensya laban sa kanila.
Minsan kasi isip-isip din. Kung gagawa lang man ng kalokohan wag mag-iwan ng ebidensya.
Tanga lang a****a!
Pero salamat pa rin at naligtas ako sa mga bruhildang yon. May araw din sila sa akin. Hindi pa ngayon pero babawi ako sa kanila, akala nila ah.
Lintek lang ang walang ganti, ooops parang I heard that line somewhere. Movie I think? Hala may deprensiya na ata ang utak ko kung ano-ano na lang ang pumapasok dito.
My gosh!
***
"Tulaley ka na naman?" pambungad ni Cassandra sa akin. "Kanina pa kita hinahanap ah dito ka lang pala." She's trying to act fine but I know there's something wrong base sa tono ng pananalita niya pero wala ako sa mood ngayon makipagchikahan.
Simula din ng bumalik ako sa eskwela wala na akong kinakausap na iba maliban kay Kathiana at Cassandra. I don't want to be associated with anybody else. Ayoko nang makipag-kaibigan kung kani-kanino lang.
"Shut up, Cassy, I want peace." bored kung sagot sa kanya. Pati sina Cassandra walang ligtas sa kamalditahan ko. Minsan nako-konsensya din ako kaya bumabawi din ako sa kanila. May mga pagkakataon lang talagang tinutuyo ang utak ko.
Just like today, kaninang umaga pa mainit ang aking ulo. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung maabutan mong pinagchi-chismisan ka nang mga kaklase mo? Kesyo nagbago na daw ako, sobrang m*****a ko na raw at kung ano-ano pa. Like duh?! Hello dati na kaya akong ganito, ni-level up ko lang ngayon. Mga tonta!
"Why are you here?" bawi ko nang mapansin kong naiiyak ito. Ugh! I want to roll my eyes to her. So sensitive, parang hindi sanay sa ugali ko. Dati na naman akong m*****a, mas lumala lang ngayon. OA lang talaga minsan tong si Cassandra.
"Wag ka nga mag-drama dyan, Cassandra, di bagay sayo." dagdag ko pa pero di ko inasahan nang bigla itong humikbi. O sh*t nasobraan ata ako.
"Hey...it's just a joke. Ano ka ba? Sorry na..sorry...'to naman, parang di ka na nasanay sa akin.." pang-aalo ko pero patuloy pa rin ito sa paghikbi.
At kapag ganito ito, I know, it's not about how I treated her. May umaway na naman dito.
"Who?" seryoso kung tanong sa kanya pero umiling lang ito.
She's like that. Ayaw nitong sabihin sa akin kapag may nang-aaway sa kanya. Cassy is always misunderstood. Akala kasi nila playgirl ito. She's friendly to boys pero wala pa itong boyfriend.
"Sabihin mo ba sa akin kung sinong nang-away sayo o hindi?" naiinis kong tanong sa kanya. Nadako ang tingin ko sa kamay niyang may kalmot ngunit agad niya itong tinago sa likod niya.
"Who the heck did that to you, Cassandra?" I asked but still she's not talking. Patuloy lang ito sa pag-iyak kaya marahas akong tumayo.
"If you don't want to tell me, I'll find out myself."
Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinawakan. "Please Ver, wag na lang. Hayaan mo na, di na man ako nasaktan." mahinang saad niya.
"Seriously Cassandra? Hindi ka nasaktan? Tell me bakit may kalamot ka?" naiirita kung tanong sa kanya.
Kaya may nang-aabuso dahil merong nagpapa abuso at isa na si Cassy dun. Sometimes being good is not good. Kailangang lumaban kung kinakailangan hindi yong tatahimik na lang para walang gulo.
That's not applicable to me. I'm born fighter. I know when to fight for my right.
"Ano iiyak ka nalang ba dyan?"
I can't stop myself from raising my voice to her. Alam kung m*****a ako pero never akong naging bayolente. Kaya nga hanggang ngayon nagngingitngit parin ang kalooban ko sa ginawa nila Mira sa akin.
At ito naman ngayon, si Cassy na naman. May humahabol pa talaga e. Ilang araw na lang graduation na, pero may mga pasaway pa talagang gustong humabol.
"Aksidente lang Ver, I know hindi niya sinasadya." mahinang sabi nito.
Wow! talagang pinagtatakpan niya pa. Sarap din kutusan nitong kaibigan ko eh.
"Sino?" mariing tanong ko.
I saw that she's hesitant to tell me the name pero tinaasan ko na siya ng kilay.
"Georgina."
Ah si Georginang feeling maganda pala. Akala niya naman kong ikinaganda niya yung kulay pulang buhok niya. Ano feeling Ariel siya? Hindi siya mukhang serena uy, mas mukha siyang sea horse! Gaga!
May naiwan pa palang alipin si Mirabella dito sa paaralan ha pwes humanda siya sa akin.
I didn't say anything to Cassandra. Iniwan ko siya at nagmamadali akong naglakad patungong Gym. I know that I can find her there dahil doon ito tumatambay para magpa-cute doon sa college na may gusto kay Cassandra.
"Ver, babe, please..." tawag nito sa akin. "...Hayaan mo na...It's just an accident, Ver."
Lalong uminit ang ulo ko. How can Cassy act so fine about it? Things like that are not tolerable. Hindi pwedeng hayaan na lang dahil mamimihasa ang mga 'to.
"Chrystelle , wag na lang please.." tawag niya sa akin pero patuloy lang ako sa paglalakad.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Cassy dahil malayo pa lang kita ko na ang pagmumukha ni Georgina. Malaki ang ngiti nitong nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Kita na pati ngala-ngala. Kung ako ang lalaki hindi ko to papansinin.
Bwesit talaga ang mga babaeng to. Handang makipagyera dahil lang sa lalaki. Tingnan ko nga kung kaya niya ba akong kalabanin.
But wait, bakit kasama nila si Kathiana? Alam niya ba ang ginawa ni Georgina sa kaibigan namin? Bakit siya nakikipagtawanan sa mga ito?
"Georgina!'
Malakas kong sigaw. Natahimik ang lahat at napalingon sa akin. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila.
Pati mga college students na nasa bleacher natahimik. Kahit yong naglalaro ng basketball natigil. Lahat ng atensyon nila nabaling sa akin.
I saw her paled. Kulang na lang tumakbo ito palayo sa akin. Ang mga kaibigan niya ay isa-isang nagsialisan sa tabi niya.
Ay traydor? Buti pa yong mga kaibigan ni Mirabella di siya iniwan, yon nga lang sabay-sabay din silang nasuspended.
"Ver..please..." awat ni Cassy sa akin pero pinanlakihan ko siya ng mata.
Binaling ko ang tingin ko kay Georgina na halatang kinakabahan na pero nung nakita nitong nakasunod si Cassy sa akin biglang nag-iba ang itsura niya.
Anong hugot ng babaeng 'to? Di hamak na mas maganda naman ang kaibigan ko sa kanya. Sa totoo lang.
"O ngayon namumutla ka? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" M*****a kong tanong sa kanya. Nakataas pa isa kong kilay at naka-krus yong dalawang kamay ko sa aking dibdib.
"Why don't you ask your friend, Ver?" sagot niya sa akin trying to pretend that she's not affected pero halata namang nanginginig.
Kalma girl ako lang to, baka maihi ka dyan sa palda mo.
"Hoy wag mo akong ma- Ver- Ver hindi tayo close!" Sigaw ko sa kanya at nagtawanan yong mga studyante. Feeling close ang bruha!"Choosy ako sa friends girl, wag ka!"
"Anong problema mo, Veronica?" Palaban nitong sagot.
Ay matapang? "Kanina wala akong problema, pero pagkatapos mong saktan ang kaibigan ko nagkaroon ako bigla."
Nilipat niya ang tingin niya kay Cassandra at nakakalokong ngumisi. "So nagsumbong na pala sayo si lampayatot?" Tumawa pa ito pagkatapos laitin si Cassy. "Lampa na nga sumbungera pa!"
Napagting ang tenga ko sa sinabi niya lalo na nung narinig kong humikbi na naman si Cassandra.
May kunwaring pumito tsaka biglang sumigaw. "Prrrt 1 point Georgina"
"Hoy! Di hamak naman na mas maganda ang kaibigan ko sa'yo noh? She's slim but sexy, hindi katulad mong bansot na nga di pa maganda. Anong pinagmamalaki mo yang namumutla mong balat? Wow! Feeling mo siguro si Snow white ka noh?Hoy! Sinasabi ko sayo hindi ka kagandahan girl mas mukha kang si Evil queen."
"Yun oh! 1 point - Veronica" muling sigaw nung kanina.
Nanlilisik ang mata niyang tumingin, akala niya siguro matatkot niya ako sa ganun. Para sabihin ko sayo girl mas masaklap pa ang ginawa ng bruhildang si Mira sa akin.
Lalong lumakas ang tawanan sa loob ng gym,yong iba pumapalakpak pa. Lumapit ako sa kanya tsaka tinuro ko yong buhok niya, tinuro ko lang dahil baka makuryente ako sa tigas ng buhok niya. Hindi siya gumalaw at hinayaan niya lang ako. Akala niya siguro tapos na ako ha, wait lang girl there's more.
"Kala mo ikinaganda mo na yang pulang buhok mo? Sino ang peg mo dyan si Ariel? Di bagay sayo maging little mermaid Georgina, little dugong kamo pwede!"
Muling nagtawanan ang mga studyante.
"Oops 2 points -Veronica." Sigaw muli ng studyante at naghihiyawan ulit sila.
Nakita kong naiiyak na siya pero mataray pa rin itong nakatingin sa akin. I showed her a playful smirk.
"Tameme ka?"
Alam kong susugod na siya dahil nakakuyom na ang kamo niya kaya hinanda ko na ang aking sarili.
"Alam mo ikaw, sumusobra ka na." Akmang sasabunutan niya ako pero hindi pa man siya nakalapit sa akin may pumito na.
"Opps...pano yan? di ka nakabawi. 2-1 daw ang points diba? talo ka girl." pang-iinis ko sa kanya.
"Anong problema dito, Valderama, Sanchez?" tanong ni Manong guard sa amin, pero kaibigan ko to si Manong eh. Binibigyan ko to minsan ng meryenda sa tuwing napapadaan ako sa pwesto niya.
"Ay wala po Manong, nagpa-practice kami ng rap battle nitong si Dugon-- ay Georgina pala." sabay tapik ko sa balikat ni Georgina. "Ano gusto mong mag-martsa sa graduation o hindi? Umayos ka." bulong ko sa kanya.
"Ay opo, Kuya. Wala po kaming problema ni Valderama." pagsakay nito sa akin.
"O siya, sige siguraduhin niyo lang ha. Malapit na ang graduation niyo. Wag na kayong mag-away-away."
Malapad akong ngumiti sa kanya sabay saludo pa. Narinig ko pang natawanan ang mga studyante sa kalokohan ko.
Agad din naman kaming iniwan ni Manong at bumalik na sa pwesto niya. Nang malayo na si Manong pasimple kong tinulak si Georgina at tila nabigla pa ito. "Hoy! Amnesia ka girl? Ano akala mo bati na tayo?"
"But, Ver..." protesta niya.
"Wag kang FC, mag-sorry ka kay Cassandra."
Wala na itong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ko sa kanya. Humingi siya ng tawad kay Cassy at agad din namang tinanggap ng kaibigan ko. Akala ko pa magmamatigas si Georgina, mabuti at slight lang pala ang pagkamaldita nito. Ayos na din yon at least sa huling mga araw namin sa high school nabawasan ang mga kaaway ko.
I just hope that college life will be different dahil kung hindi baka araw-araw mapatawag si Kuya Hendrick at Kuya Derick or worst baka ipatapon pa nila ako sa states, wag naman sana.
"What is it this time, Veronica Chrystelle?"Kapag ganito ang tono ng pagtatanong ni Kuya Hendrick alam kong, alam na niya ang nangyari sa school kanina. Paano niya kaya nalamang nakipag-away na naman ako?"Kuya..." I acted hurt." Ako na nga yong inaway pero ako pa ang pinapagalitan mo.""I know you, princess..."Wala talaga akong lusot dito kay Kuya Hendrick. Mas okay pa si Kuya Derick sinasabayan yong mga trip ko.Paano naman kasi? Sino ba ang hindi mapapaaway kung yong tinuring mong best friend sa loob ng ilang taon ay ta-traydorin ka?We found out that Kuya's girlfriend Kathiana cheated on him at ang masaklap sa bestfriend niya pang si Hugo! Hugo gago! That a**hole! Kala niya siguro ikina-gwapo niya kung susulotin niya ang girlfriend ni Kuya Derick. At ito namang si malanding Kathiana, akala niya din siguro na ikina-ganda niya yong pag-cheat niya sa Kuya ko. Di hamak na mas gwapo ang Kuya Derick ko kesa kay Hugo taba noh. Kala niya nakalimutan ko nang ang taba-taba niya dati nung
"One more pose Ver." I lift my chin, mouth half-open, look sideway, brows half raised, eyes are fierce and look at the camera seductively. This is my last photo shoot for today. I look like a hot goddess in my bloody red string bikini for the lingerie brand I'm endorsing."Good job, Veronica!"Dun pa ako nakahinga ng maayos pagkatapos kung marinig ang sigaw ng official photographer na kaibigan ko din. After ilang shots natapos ko din lahat ng shots na kailangan niya.Many people think that modelling is an easy job, where in fact it's one of the toughest. I have to maintain my diet, I have to limit my food intake at halos din nga ako kumain. I have to exercise regularly at ang dami pang bawal. That's my routine for years now. Madalas kasi sunod-sunod ang pictorials ko lalo na kapag madaming na booked na project si Blane, that's why I have to maintain my figure.After graduation I flew to Paris to fulfill my dreams. I landed on a big company and was invited to other different countri
"Princess, this is Nathaniel Castillo your personal bodyguard." Dad said.Halos mabingi ako pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Daddy. What the heck? Magiging bodyguard ko ang hambog na yan? It can't be."Dad, No way! I said and glared at the man who's just standing like a post and giving me a cold stare. He's really good at acting. Akala mo kung sinong mabait sa harap ng magulang at mga kapatid ko."Yes way, Princess." Natatawang sagot ni Dad sa akin at alam kong kapag ganito si Daddy he's not taking my whims seriously."No need, Daddy, I can protect my self. I don't need hi—" I tried to defend myself but to no avail. Decided na si Dad at pati ang mga kapatid ko."Please don't argue, baby. It's for your own good and beside Nate is your brothers' friend. He's a retired army and I trust him . He's good baby, he can protect you tsaka mabait na bata to.Wow! Just wow! I almost choke on what he said. Mabait? Yang hambog na ya mabait? Hindi mo lang ang ginawa niyan sa akin Dad. Pati ba
Can I call you baby?Can you be my friend?Can you be my lover up until the very end?Let me show you love, oh, I don't pretendStick by my side even when the world is givin' in, yeahThe moment I step into his car that annoying music invaded my ear. Pati ba naman ang lalaking to nakikinig sa ganyang klaseng tugtog? The lyrics is so corny like duh?!I don't know if it's on his playlist or it just randomly played?Oh, oh, oh, don'tDon't you worryI'll be there, whenever you want meI don't believe in that. Only fools will. Alam ko na ang ganyang linyahan. Kaya palaging nasasaktan si Cassandra dahil paniwalang-paniwala siya sa mga ganyan.I need somebody who can love me at my worstNo, I'm not perfect, but I hope you see my worth'Cause it's only you, nobody new, I put you firstAnd for you, girl, I swear I'll do the worstI can't take it any more this music is so annoying. I want a quiet ride. Gusto kong marelax ang utak ko, pero nakakinis yong tugtog niya."Turn that off." sabi ko
Akala ko pa naman matahimik na ang buhay ko pagdating sa room ni Ava pero sa labas pa lang ako ng pintuan dinig ko na ang tawanan ng mga kaibigan nina Kuya. Nanguguna doon ang boses ni William, the ever annoying William Anthony Guerrero.Kaya siguro iniwan 'to ni Quartz kasi napaka-ingay niya. Mabuti nga sa kanya ng matauhan."Baby gir!" bungad nito sa akin. Sa lahat na lang ata ng pagkakataon ito ang nauunang nakakapansin sa akin."Hello princess!" sabay-sabay nilang bati sa akin. I rolled my eyes at them. Princess? Anong akala ng mga ito sa akin bata pa rin? Mga feeling close. Ang Daddy at mga Kuya ko lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganun."Ay mainit na naman ang ulo ni baby girl?" Ani Simone Mamon.Isa pa ang lalaking 'to, segunda din ito sa kaingayan ni William at Ethan. Talagang nagkakasundo ang mga ito sa mga kalokohan. Hindi ko nga alam paano natagalan ang mga ito ni Kuya Hendrick.Nilagpasan ko ang mga ito at dumiritso ako kay Ava. Ang ganda niya talaga. Papasa itong
"....you'll be punished." aniya at pakiramdam ko sobrang lapit niya sa akin.Pero nagmatigas pa rin ako. Sino siya para utusan ako? I didn't open my eyes and pretended that I'm sleeping. I just don't know if it looks real.Biglang tumahimik ang paligid. Siguro umalis na ito, pero paano nangyari dahil hindi ko naman narinig ang pagsara ng pinto. "You really want to be punished huh?"Muli itong nagsalita at alam kong nasa tapat ng mukha ko ang mukha niya. I can smell the cofee in his breath sa sobrang lapit niya sa akin.Agad kong idinilat ang mga mata ko at ang nakangising mukha ni Nathaniel ang bumungad sa akin. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya at kung gagalaw ako baka magkahalikan pa kami.What the hell this guys is doing to me? Akala ko pa naman faithful ang gagong to. Kanina lang puring-puri ko pa siya pero katulad din pala siya ng iba.I pushed him hard nang matauhan ako. Naiinis ako sa kanya. I don't like cheaters. Parang kanina lang ang lungkot-lungkot niya haban
"Ayoko ngang um-attend ng alumni homecoming na yan Cassandra,ang kulit mo din ano?" Sabi ko sa kanya sabay abot ng mga damit at sandals na napili niya. Shopping ulit si Cassy sa closet ko ngayon."Cge na,Babe, please join tayo."nagpapaawa pa itong tumingin sa akin.I really don't understand why she wanted to attend again this year na kung tutuusin yearly naman siyang dumadalo."You already attended last year Cassy, tapos aattend ka ulit? Hindi ka ba nagsasawa e parati mo din namang nakikita yong mga dati nating kaklase sa bar?""No Babe, iba kasi ang vibes kapag sa reunion. Alam mo yong...parang bumabalik ka sa nakaraan yong carefree lang tayo.Yong tipong chill lang?Chill lang? Parang hindi ko nga maalala yong high school days ko. Bored na bored kasi ako nung mga panahong yon. Sabagay hanggang ngayon bored pa din naman ako.Ako na ata yong taong hindi talaga kung ano ang gusto sa buhay. Kahit nga ang pagiging modelo ko, hindi ko rin naman pinlano. Na bored lang din ako noon kaya puma
"YOU'RE Mine,Veronica...Only.Mine." He muttered and deepened the kiss. I can feel his tongue savoring every corner of my mouth. Bawat halik niya ay may halong pangigigil. Puno ng pananabik.My stomach crumpled. Pakiramdam ko may mga paru-parong nagliliparan sa loob nito. This is exactly the same as what Cassnadra told me, butterflies in the stomach. I can feel his hand started caressing my small back. Parang nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa init na dala ng mga palad niya sa aking balat. I nevr imagined a simple touch can make me feel like this. Nakakapaso. Nakakaliyo. Nakakalasing.Ramdam ko pa ang pagsipsip niya sa dila ko dahil hindi ko mapantayan ang paggagalugad niya sa aking bunganga. Parang nalulusaw lahat ng lakas ko dahil sa ginawa niya. A small moan escape from my mouth when he I felt him bit my lower lip. I'm shocked 'coz it's my first time to produce such sound. Parang nag-init ang pisngi ko ng marinig ko ang sarili kong ungol.I thought it's just a dream pero ng paulit-u
NATHANIEL DEVON'S POV"Who are you? Why are you playing with my Kuya's ball?"Malditang tanong ng bunsong kapatid ni Hendrick at Derick sa akin, kanina ko pa ito pinagmamasdan habang naglalro siya ng barbie niya. She's different from other kids playing their barbies, kasi yong iba sinusuklay suklay pero siya binibitin niya patiwarik ang barbie niya at sinasakal sakal niya ito gamit ang isa pa.Siguro nasa limang taong gulang ito. Nakapamaywang pa na akala mo talaga ay ninakaw ko ang bola ng kapatid niya. Hiniram nga lang eh, 'nong akala niya sa akin walang ganto? Meron din kaya akong bola sa bahay, hindi ko lang nadala."Are you deaf? Are you mute? Why are you not talking?"Hinawi niya pa ang kanyang buhok sa likod tsaka muling namaywang. She looks pretty in her dress sana kaya lang biglang pumangit kasi pangit ang ugali. Ke bata bata pa ang suplada na. Halos mag-isang linya na ang kilay nya habang natingin sa akin. "What?" Maarteng tanong niya sa akin. Pinamaywangan nya pa ako.l na a
"Meeting adjourned. Goodnight everyone."It's another tiring day but at the same time productive. Sa ganitong paraan ko nilibang ang aking sarili mula ng dumating ako dito sa Amerika.It's been a while, ang bilis lumipas ng mga araw. Hindi ko namalayang anim na buwan na pala ako dito.I continued my therapy and treatment here in US,so far hindi na ako inaatake ng depression.I'm good,masasabi kong ayos na ako. Nakakatulog na din ako ng maayos. Though minsan naalala ko pa rin si Natasha, iniisip ko na lang na sana nasa maayos siyang kalagayan.I'm still hoping that one day magkikita kami ulit ng anak ko. Alam ko naman kasi noon pa, na kinuha siya ng totoo niyang ina. I'm just in denial 'coz I didn't expect that, time will come she will take my daughter away from me.Bago pa man ako nakapagdesisyon na pumunta dito sa US, alam ko na lahat. Actually noon ko pa alam ang tungkol kina Ate Vilma, Celine at Milo.Ipinagtapat na ito sa akin ni Nathaniel pati ng pamilya ko pero ayokong makinig,
(Maraming salamat sa inyong patuloy na nag-aabang sa update ko. This story is the one who made me cry a lot. Yong ilang ulit akong nagbago ng mga chapters para lang hindi masyadong masakit para sa akin. I so love Veronica and Nate na feel ko din ang pain nila. Isang chapter na lang matatapos na.)________________________________________"I'm so sorry, Hon..."Nate is kneeling in front of me, crying like a lost kid. Apologizing over and over something that he didn't do. It's not his fault that Natasha is missing, pero araw-araw itong humihingi ng tawad sa akin sa kasalanang di niya naman ginawa.It's been five months. Halos halughugin na nila Nathaniel ang buong Pilipinas pero hindi parin mahanap ang anak namin."Please stop saying sorry Nate. We both know that it's not your fault." I am controlling my emotion not to have another breakdown. I can't be weak now. Tama si Mommy, hindi lang ako ang nasasaktan dito. Nathaniel loves my daughter so much that even if he's not talking I know he
"Tahan na, Princess, mahahanap di si Natasha. Maibabalik din sa atin ang anak mo."Tahimik lamang akong nakikinig kay Mommy habang tumutulo ang mga luha ko. Kanina nya pa ako pinapatahan pero wala na atang kapaguran ang mga mata ko, wala na sigurong katapusan itong mga luha ko. It's more than a month, hindi pa rin nahahanap ang Natasha ko. Sa bawat araw na dumadaan para akong mamamatay sa sakit ng pagkawala ng anak ko. Simula ng mawala si Tasha araw araw na lang akong umiiyak dito sa aking silid. Wala akong kinakausap. Ayokong makipag-usap kahit kanino. Ang gusto ko lang ngayon makita na ang anak ko at lumayo sa lugar na ito.Hindi ako makatulog ng maayos. Sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay ang mukha ng anak ko ang aking nakikita. Naririnig ko ang mga tawa niya. Ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko. My poor Natasha..my sweet pumpkin...Ano na kaya ang nangyayari sa kanya ngayon? Hindi ko alam kung inaalagaan ba siya? Kung maayos ba ang kain niya... ang tinutulugan niya..
"Babe, I miss you." bungad sa akin ni Cassandra. Kauwi niya lang galing states the other day. She contacted me last night dahil gusto niya daw makipagkita sa akin ngayon.As usual my bubbly bestfriend is back. She looks so happy and I'm happy for her too. I guess her stay in US taught her a lot. Ibang-iba na din ang aura niya ngayon, sobrang aliwalas lang tingnan ng mukha niya."Are you okay?" tumango ako saka yumakap sa kanya."I miss you Cass..."Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng pag-aalala. "Why you look sad? Something's bothering you, Babe?Inangat niya pa ang mukha ko para tingnan ako sa mga mata at doon ko na hindi napigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko. Pakiramadam ko ngayon, nakahanap ako ng taong pwede kong mapagsabihan kung ano man ang nararamdaman ko, kung ano ang mga gumugulo sa akin ang kung gaano kabigat ang dibdib ko."What happened?" Tanong niyang puno ng pag-aalala. Giniya niya pa ako sa tabi ng inuupuan niya. Ang sana masaya naming pagkikita ay naging malungk
Nate's POV"Don't be a coward, Dude, Maiintindihan ka din ng mga in-laws mo. Kung ako sayo sabihin ko na kay Veronica. Asawa mo yun, dapat wala kang tinatago sa kanya.""Tang-ina naman, Montenegro.Kung sana ganun lang kadali ang lahat. Paano ko sasabihin sa asawa ko? Saan ako magsisimula? Anong uunahin ko? "Maaga palang ito na ang topic namin ni Montenegro. Gusto niyang sabihin ko kay Veronica ang lahat ng mga nangyayari at pagkatapos kausapin ko din itong sa Paris muna o sa States mamalagi para hindi siya mapahamak. But knowing my wife alam kong hindi ako iiwan nito kapag nalaman niyang pati ang buhay ko ay nanganganib.How can I tell her about the kidnapping case kung hanggan ngayon hindi pa naman alam kung sino ang mastermind? Paano ko sasabihin sa kanyang alam na ng mga magulang niya ang tungkol sa pagpapakasal namin. Paano ko sasabihing pupunta muna kami sa ibang bansa dahil kailangan kong samahan saglit ang kapatid ko? Ngayon lang ako naging ganito, yong tipong hindi ko alam ku
Nathaniel's POV"Where's my sister?"Andito kami ngayon sa warehouse, dala ang babaeng nagngangalang Myrna. After hours of waiting na tyempuhan din ito ng mga tauhan ko na lumabas dahil bumili ng pagkain niya. Wala na itong nagawa ng isakay ito ng mga tauhan ko sa van at dinala dito.Kanina pa ito umiiyak at nagmamakaawa na wag namin siyang patayin. Bakas sa boses ang takot nito, siguro iniisip niyang isa kami sa mga gustong magpapatay sa kanila ng kinasama niya."Sagot!" Malapit ng maubos ang pasensya ko. We've been asking her countless time, pero ayaw nitong magsalita. Hindi siya naniniwalang kapatid ko si Nathalia na tinatawag niyang Clea.Kinasa ko ang aking baril sa harapan niya at doon ito natigilan. "I'm not kidding, woman! Sabihin mo sa akin kung nasaan ang kapatid mo kung ayaw mong humantong tayo--""Nasa mga Contreras siya nagtatrabaho. Katulong...k-katulong si Clea ng mga Contreras...Elena Contreras.""Fuck! Tawagan niyo si Milo!"I knew it, that girl has something kaya i
Nate's POV"Did you tell her the real score, Dude?"Napatigil ako sa pag-inom dahil sa tanong ni Montenegro. Padabog kong binaba ang baso ng alak na muntik pang mabasag. Hindi lang itong ang unang beses niyang tinanong sa akin simula nung malaman naming si Veronica ang target ng mga kidnapper.Isa sa kidnapper ang natagpuan namin at inamin nya sa amin na napagkamalan lang ang kapatid ko. Yun lang ang tangin nakuha namin sa kanya dahil nung binalikan namin ito wala na. Pinapatay na ng mastermind nila. Hindi niya na rin naituro sa amin kung saan ang nagtakas sa kapatid ko kasi wala na din silang balita pagkatapos nagka-onsehan. Sinabi nitong may kasama silang babae, yun at ang kinakasama niya ang tumakas kay Nathalia. Muntik ko pa siyang mabaril nang sinabi niyang baka patay na din ang kapatid ko dahil hinhunting na ang mga ito. Ilang taon na ang nakalipas pero umaasa akong buhay siya. Nararamdaman kong buhay ang kapatid ko at hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magkikita k
I woke up feeling dizzy. Pakiramdam ko nanginginig pa rin ang katawan ko sa takot sa nangyaring barilan kanina. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata para alamin kung nasaan ako pero ang mukha ni Nathaniel ang bumungad sa akin. Andito na ako sa silid ko ngayon. Ang huling naalala ko kanina ay yakap ako ni Daddy ng mawalan ako ng malay. Tatayo na sana ako ngunit may kamay na pumigil sa akin."Hon...""What are you doing here, Mr. Castillo?""Hon...please let me ex--""Get out! I don't want to hear anything from --"Hindi ko na natapos ang nais kung sabihin dahil biglang pumasok si Kuya Derick at agad pinalunan ng suntok si Nathaniel. Nanigas ako sa aking pwesto."I already warned you, A**hole!" he shouted at Nathaniel and again punch him in the face. " "You're messing my sister's life again, Fucker!" I thought Nathaniel will fight back but he just let Kuya Derick gave him strong punches. Kaliwat kanang suntok na sobrang lakas ngunit tinatanggap lang niya. Ni hindi mana lang ito umi