"Tama ka. I shouldn't be wasting my time on you. And it's your lost, not mine. I can find a better man compared to you." sinubukan niya na maging kaswal, na parang hindi siya nasasaktan sa mga pangyayari.Samantala, nalulungkot naman si Clarissa para kay Celeste. Bilang isang babae, lubos niyang nauunawaan ang sakit na nararamdaman nito."Well, kailangan ko nang umalis. I have better things to do..." tuluyan nang nagpaalam si Celeste. Pagkatapos noon ay tumalikod siya sa kanila, at nagsimulang maglakad palayo nang hindi lumilingon. Habang patuloy siya sa paglalakad, nagsimulang tumulo ang malalaking luha sa kanyang mga pisngi. Ayaw niyang lingunin si Michele dahil kailangan niyang panatilihin ang kanyang dignidad bilang isang babae. At sa sandaling makapasok siya sa kanyang sasakyan ay hinayaan niya ang kanyang sarili na umiyak ng malakas, upang ilabas ang lahat ng kanyang sakit, pagkabigo at dalamhati... ==================================Nang tuluyang mawala si Celeste ay nagsim
"Alam ko na may idea ka na kung bakit kita puntahan ngayon." agad na nagsalita ang matandang Don."Yes, sir. Pero sana maintindihan ninyo na nagmamahalan po kami ni Michele." sinubukan ding magpaliwanag ni Clarissa."Oo, naiintindihan ko iyon. Ang aking anak na ay napakatigas ng ulo, at aminado ako na sa akin niya nakuha iyon. Pero kailangan pa rin niyang pagpakasal kay Celeste, para sa ikakabuti ng lahat, Clarissa..." ang mariin na pahayag ni Don Michael."I am really sorry, Mr. Montserrat, pero nasubukan ninyo na bang kausapin si Michele? Sana po ay kausapin din ninyo siya tungkol sa mga pangarap niya sa buhay..." ang pangungumbinsi ni Clarissa."Ang mga pangarap ay para lamang sa mahihinang tao. Maganda ang kinabukasan ni Michele, pero baka maging delikado ang buhay ng anak ko dahil sa'yo." ang seryosong anunsiyo ni Don Michael."Ano po ang ibig ninyong sabihin, Sir?" ang kinakabahang tanong ni Clarissa."Hindi mo na kailangang malaman... Kung gusto mong maging ligtas si Michele at
Kasalukuyang naglalakad si Michele sa loob ng mansion, at tinatahak niya ang direksiyon papunta sa private office ng kanyang ama. Tinawagan siya ng kanyang ama, at sinabi nito na kailangan nilang magkita dahil may importante silang pag-uusapan.Hindi sinabi ng kanyang ama kung ano ang pag-uusapan nila, pero sigurado siya na pag-uusapan nila ang engagement at kasal nilang dalawa ni Celeste.Pero matagal nang buo ang kanyang desisyon na pakasalan si Clarissa, at walang sino man ang makakapagpabago ng kanyang isip.Not even his father.Nang marating na niya ang private office ng ama ay agad na siyang kumatok sa pintuan."Come in!" narinig niya ang boses ng ama mula sa loob.Nagpakawala muna ng malalim na buntonghininga si Michele bago niya binuksan at pinto at pumasok sa loob."Salamat at pinagbigyan mo akong makausap ka ngayon, hijo. Maupo ka muna..." ang bati ni Don Michael sa anak.Umupo naman si Michele sa kalapit na silya, habang inihahanda Niya ang sarili sa susunod na sasabihin ng
Tuluyang nagising si Michele mula sa kanyang pagkakahimbing. Nang iminulat Niya ang kanyang mga mata, wala siyang nakita kundi ang kadiliman, at saka niya napagtanto na may nakatakip sa kanyang mga mata.Sa tantiya ni Michele ay nakaupo siya sa isang upuan, habang nakatali ang kanyang mga kamay at mga paa. May naririnig siyang mga lalaki na nag-uusap sa may di-kalayuan. Nakakaamoy din siya ng alak at sigarilyo, at nasisigurado niya na nag-iinuman ang mga ito...Hindi niya maikakaila na nasa mapanganib na sitwasyon siya ngayon. Ngunit nagpasya siyang panatilihing kalmado ang sarili, habang nagsisimula siyang mag-isip ng mga paraan kung paano siya makakalaya at matagumpay na makatakas... Bigla niyang narinig ang ilang boses sa kanyang kaliwang bahagi. May pinag-uusapan ang mga lalaki, kaya pinikit niya ang kanyang mga tainga upang maunawaan ang usapan ng mga ito."Matagal na siyang nakakulong dito. Ano sa tingin mo ang gagawin sa kanya ng Boss natin?" tanong ng isa sa mga lalaki sa ka
Mas nag-aalala at natatakot siya para kay Clarissa, dahil nasa panganib ito ngayon.Naputol sa pag-iisip si Michele nang muli niyang narinig ang boses ni Luca Stracci."So, kanino kaya ako magsisumula? Sa mga magulang mo, o sa pinakamanahal mo ba girlfriend?" ang ngingisi-ngising tanong Luca Stracci sa kanya."Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ka ba makapagdesisyon sa sarili mo?" "Bakit mo naman ako tatanungin? Wala ka bang sariling desisyon?" ang paghahamon ni Michele sa matanda.Sandaling natahimik si Stracci, pero nagpakawala ito ng isang malakas na halaklak makalipas ang ilang minuto."Namana mo ang katapangan ng iyong ama, Michele. Pero hanggang tapang ka na lang, at hindi mo ako mapipigilan sa mga pinaplano kong gawin." ang malamig na turan ni Stracci."Huwag kang magpakampante, Stracci." ang sarkastikong pahayag ni Michele.Nagsalubong ang mga kilay ni Stracci, at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Michele."Talagang sinusubok mo ako." ang tugon nito."Mukhang sasab
Makalipas ang ilang oras.Dahan-dahang iminulat ni Michele ang kanyang mga mata. Napagtanto niyang nasa bodega pa siya. Nalalasahan pa rin niya ang dugo sa kanyang bibig, bilang resulta ng pambubugbog sa kanya kanina.Nakikita rin niya ang mga sinag ng liwanag na dumadaloy sa maliit na bintana sa loob ng bodega."Hapon na siguro." ang naisip niya sa sarili.Sinubukan niyang gumalaw, ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa bawat himaymay ng kanyang katawan.Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, at kasabay pa noon ay nauuhaw siya. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng sobrang pagkahilo... Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang bumukas ang malaking gate, at narinig niya rin ang mga yabag ng paa, habang palapit ng palapit ito sa kanyang kinaroroonan...=============================Sa isang malaking ospital sa Maynila.Mahimbing na natutulog si Michele sa private hospital room nito. Nalapatan na ito ng lunas, kaya wala na silang dapat ipag-alala pa."Hindi ako makapani
Magsasalita pa sana si Celeste ngunit hindi na niya ito nagawang sabihin nang nakangiting pumasok sa silid ang kanyang madrasta na si Mrs. Margaux Vitale. "Hi! Why are you still here? Our guests are waiting for the birthday celebrant! Not to mention all of the handsome young gentlemen are waiting for you at the party, Celeste." nakangiting sabi ng matandang babae sa kanyang asawa at sa kanyang stepdaughter.Nakangiting umiling si Celeste nang marinig niya ang sinabi ng kanyang madrasta. "Tigilan mo na ang pagiging matchmaker, Auntie.""I'm sorry sweetheart, but I just can't help it!" kumikinang sa saya ang mga mata ng madrasta niya. Tumayo ang matanda at inialay ang magkabilang braso sa dalawang pinakamahalagang babae sa buhay niya, ang asawa at ang anak niya..."Let's go ladies... Let's make our grand entrance as a family." masayang mungkahi ng matanda. Masayang isinukbit ni Mrs.Margaux Vitale at Celeste ang kanilang mga braso sa mga braso ng matanda. Pagkatapos, lumabas sila sa
"Sundin mo lang kung ano ang nasa puso mo, sweetheart. Ikaw lang ang makakapagdesisyon sa sitwasyon mo." malumanay na payo ni Margaux kay Celeste."Ayoko lang masaktan at ma-disappoint si Daddy. I've always been spoiled by him, and I've always been a Daddy's girl. And besides, both of you are not getting any younger. I want you guys to enjoy your life to the fullest and let me handle the responsibilities at our company." ang paliwanag ni Celeste.“Alam mo naman na importante sa Daddy mo ang mga empleyado ng kumpanya di ba? Naniniwala ang Daddy mo na kung wala sila, hindi magiging successful ang kumpanya ngayon. Kaya iniisip niya talaga ang kapakanan ng kompanya at ng mga empleyado." dagdag ng kanyang madrasta. "Nag-aalala din ako sa kanila. Pero sabi ni Daddy, hindi ko kayang patakbuhin ang kompanya ng mag-isa, and that's why he wants me to get married to someone he knows." muling nagsalita si Celeste."I'm not taking any sides this time because I understand both of you and your fath
Lumipas ang tatlong araw... "Nasaan na kaya 'yung mga newly-engaged couple?" biglang tanong ni Kyla, habang tinitignan ang phone niya para tingnan kung may tawag o mensahe sina Tyler at Cassandra. Tinignan din ni Sarah ang phone niya at napangiti nang mabasa ang mensahe ni Cassandra. "Oh, nag-message si Cass at papunta na raw sila," sabi niya sa kaibigan. "Mabuti naman, gutom na gutom na ako. Hindi pa ako nag-aagahan dahil inaalagaan ko 'yung kambal at tinuturuan ko pa 'yung asawa ko kung paano alagaan ang mga bata," kwento ni Kyla. "Ang galing niyo naman ng asawa mo. Sigurado akong hihingi ng advice sina Tyler at Cass sa inyo pag nagkaanak na sila," sabi ni Sarah. "Ikaw? Hindi ka pa ba magpapakasal at magkakaroon ng sarili mong pamilya?" tanong ni Kyla. "Hindi pa sa ngayon," sagot ni Sarah, sabay kibit-balikat. "Mag-ingat ka sa sasabihin mo, friend. Hindi natin alam kung ano ang mangy
Lumipas ang isang linggo. Napaungol si Cassandra nang marinig niyang tumunog ang smartphone niya. Tulog pa siya dahil hindi siya nakatulog kagabi dahil kay Tyler. Hindi siya tinawagan ng fiancé niya nang isang linggo, at sobrang sakit nun sa puso niya. Gusto niya sanang tawagan ito, pero nauna ang pride niya... Tinignan niya ang caller screen, umaasang si Tyler ang tumatawag. Pero nadisappoint siya nang makita niyang ang mentor niya mula sa Aesthetics School sa London ang tumatawag. "Hello, Miss Robin?" "Hello, there, dahlin'. So, napagdesisyunan mo na ba 'yung tungkol sa pag-extend ng contract mo sa amin?" diretsong tanong ni Mrs. Robin sa phone call. Well... Hindi tumawag si Tyler nang isang linggo, at base sa pinag-usapan nila sa park, halatang natapos na ang engagement nila... Wala siyang dahilan para manatili rito, at ang pagbabalik sa London para magtrabaho ay magandang distraction para sa kanya... "Op
"Hindi naman talaga importante 'yung advice namin. Hindi naman kami 'yung ikakasal... Ikaw," prangkang sabi ni Sarah. "—Pero ano ba talaga ang gusto mong gawin? Ipagpapaliban mo ba 'yung kasal nang dalawang taon para ituloy mo 'yung pangarap mo?" biglang tanong ni Kyla. "—O kaya naman, kakalimutan mo na lang 'yung job opportunity at maging full-time wife ka na lang?" tanong ulit ni Sarah kay Cassandra. "Wala talaga akong maisip, girls. Kung pwede lang, gusto kong gawin pareho," sabi ni Cassandra, umiiling. "Sa tingin ko, dapat mong kausapin 'yung fiancé mo tungkol diyan. Kailangan mong ayusin 'yan, dahil ikakasal ka na, at kahit anong desisyon mo, pareho kayong maapektuhan," seryosong komento ni Sarah. "Tama ka... Kailangan ko lang maghanap ng tamang oras para makausap si Tyler. Ang dami niyang sinasabi tungkol sa kasal nitong mga nakaraang araw," napabuntong-hininga si Cassandra. "Gawin mo 'yun
Inilibot ni Cassandra ang paningin niya sa Departure Area ng airport. Umuwi na siya matapos ang dalawang taong pag-aaral sa London, at masaya siyang nakabalik na sa Pilipinas. "Cassandra!" Halos abot tenga ang ngiti ni Cassandra nang makita niyang kumakaway ang kanyang mapapangasawa. Mabilis siyang naglakad patungo rito, tinutulak ang baggage cart. Binigyan siya ni Tyler ng bouquet of pink flowers, at pagkatapos nun, nag-kiss sila nang mabilis at mapagmahal. "Welcome back home, my love. Alam kong gutom at pagod ka na, kaya mag-lunch muna tayo bago kita ihatid sa apartment mo, okay?" suhestiyon niya. "Okay, magandang idea 'yun," pagsang-ayon ni Cassandra. Ilang minuto lang, papunta na sila sa parking lot nang biglang tumunog ang cellphone ni Tyler. "Sagutin ko lang 'tong tawag, love," sabi ni Tyler. "Sige." Bumalik si Tyler kay Cassandra pagkatapos niyang sagutin ang tawag.
Lumipas ang mga linggo at buwan, ang pagkakaibigan nina Tyler at Cassandra ay naging isang romantic relationship. Anim na buwan na silang magkasintahan, at lalong lumalakas ang pagmamahalan nila. Kasalukuyang hinihintay ni Cassandra ang boyfriend niya sa favorite hangout place nila, ang Botanical Garden sa Waldorf University campus... Kinakabahan si Cassandra dahil may importante siyang sasabihin kay Tyler. "Hello, love! Sorry sa pagka-late. Kinausap ko pa si Professor Smith tungkol sa thesis ko at hindi ko namalayan 'yung oras. Tagal mo bang naghintay?" biglang sumulpot si Tyler, humihingi ng tawad. "Okay lang. Basta nandito ka na," sagot ni Cassandra. "Bakit ang seryoso mo? May problema ba, my love?" biglang tanong ni Tyler, nag-aalala. "Umupo ka muna, love. May importante akong sasabihin sa'yo," panimula ni Cassandra. Umupo si Tyler sa bench at tinitigan ang girlfriend niya. "Okay, handa na akong makini
"Sana pareho tayong nag-iisip ng ganyan, Cassandra. Pero ngayon, dapat umuwi ka na at magpahinga nang maayos," suhestiyon din ni Kyla. Sabay nun, huminto na ang sasakyan ni Tyler sa harap nila. Binuksan niya ang pinto sa passenger seat para kay Cassandra, at ang pinto sa backseat para kina Sarah at Kyla. Ilang minuto lang, pauwi na sila ni Tyler sa apartment ni Cassandra... ===============================Isang linggo matapos ang aksidente, bumalik na sa normal ang lahat sa Waldorf University. Nasa Botanical Garden ng University sina Tyler at Cassandra. Hinihintay nila sina Sarah at Kyla na nasa library pa. Maglulunch silang apat sa bagong-bukas na pizza house malapit sa campus. "May sasabihin ako sa'yo, Cassie. Sana makinig ka nang mabuti at bukas ang puso mo," biglang sabi ni Tyler, seryoso ang mukha. Kinabahan si Cassandra. Ito ang unang beses na nakita niya si Tyler na ganito kaseryoso
Kinaumagahan... Nasa daan na si Tyler, tumatakbo nang mabilis papunta sa building kung saan nangyari ang pagsabog. Ang ibang estudyante ay nakatayo sa kani-kanilang pwesto, na hindi makagalaw dahil sa gulat. Nababahala at natatakot si Tyler para kay Cassandra. Nang hindi sinasadya, nakabangga siya kina Sarah at Kyla. "Halika, hanapin natin si Cassandra!" suhestiyon ni Sarah, halatang nag-aalala rin para kay Cassandra. Tumango si Tyler bilang pagsang-ayon. "Sana hindi siya nasaktan ng malubha!" sabi niya, habang tatlong nagmamadali patungo sa Arts and Science Building. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtakbo, nakarating na sila sa building. Ang mga natatakot na estudyante na nasa loob ay isa-isang inaalis. Naka-scan ang mga mata nina Tyler, Sarah, at Kyla para hanapin si Cassandra. Huminga sila nang maluwag nang makita nilang naglalakad si Cassandra kasama ang kaklase niyang babae. K
Kinabukasan... Nagising si Cassandra nang may maramdamang kumot na nakapatong sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya at nakita si Tyler na nagkukumot sa kanya ng makapal na kumot... "Pasensya na kung nagising kita," agad na humingi ng tawad si Tyler. Nagising nang tuluyan si Cassandra nang mapansin niyang malapit na ang mukha nila ni Tyler. Iniwas niya ang mukha niya para maiwasan ang titig ni Tyler. “S-So... Aalis ka na?” tanong ni Cassandra, nang mapansin niyang nag-iimpake na si Tyler ng gamit niya. "Actually, nauna na sina Sarah at Kyla. Hinihintay lang kita para makapagpaalam," sabi ni Tyler. "Ah, ganun ba." yun lang ang nasabi ni Cassandra. "Sige, maraming salamat kagabi. Nag-enjoy ako kasama niyo," nakangiting sabi ni Tyler. "Ah, oo nga pala. Salamat din sa snacks at drinks kagabi," pasasalamat din niya. "Kita na lang tayo sa school bukas, ha? Malapit n
"Okay, guys, pumunta na kayo sa positions niyo!" mabilis na anunsyo ng PE teacher nila, nang masigurong nagtipon-tipon na ang lahat ng estudyante. Nagtinginan sina Cassandra at ang mga kaklase niya, nag-eencourage sa isa't isa. May mga estudyante ring nagdududa... "Okay lang 'yan, Cassandra. Kunwari walang nakatingin sa'yo. Mag-concentrate ka lang. Kaya natin 'to," pabulong na sabi ni Toru, sabay tapik sa balikat niya. “Okay. Wala nang ibang tao. Walang nakatingin sa'yo, Cassandra... Kayo lang ng mga teammates mo ang nandito," sabi niya sa sarili, parang chant. Ilang minuto lang, itinaas na ng instructor nila 'yung laruang baril na gagamitin na starter. Huminga nang malalim si Cassandra, kinalma ang sarili. Siya ang first runner, tapos ipapasa niya 'yung baton kay Kyla. "On your mark... Ready. Set. GO!" pinaputok na ng instructor 'yung baril. Kusang gumalaw ang buong katawan ni Cassandra. Bumib