NAGING TULIRO si Theo sa mga sumunod na araw. Pakiramdam niya ay nakalutang siya at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi niya matanggap na wala na ang Lola niya. Kailanman ay hindi ito pumasok sa isipan niya. Pero... kahit anong pikit niya sa mga mata, nakikita niya ang tila ba natutulog lang na lola niya sa isipan... pero wala ng buhay.Bumagsak ang timbang niya sa nagdaang araw. Inasikaso niya ang ilang mga papeles ng lola niya at ang lamay nito. Kinailangan niyang pakiharapan ang mga bisitang pumupunta. Pagod na pagod ang katawan ni Theo pero kailangan niya iyon para makatulog siya agad. Ang kaso nga lang, hindi na siya nakakain ng maayos dahil masyado na niyang pinagkabusyhan lahat. Dumagsa ulit ang mga bisita, kabilang na doon si Harold na hindi rin inexpect ni Theo. Pero dahil sa dami ng mga iniisip, hindi na niya gaanong pinagtuonan ng pansin iyon. Saka na lang niya naalala nang kinausap siya ng ina niya."Bakit mo hinayaang bumisita ang bastardong iyon dito? Theo nama
ISANG LINGGO lang naman ang inabot ng business trip ni Theo sa abroad. Bumalik din siya agad. Ang kaso nga lang sa pagbabalik niya, walang nagbago sa pagitan nila ni Amanda. Naging malamig pa rin sila sa isa't isa.Nafrufrustrate na si Theo sa totoo lang. Pero mukhang wala pa rin talagang plano si Amanda na bawiin lahat ng mga desisyon nito. Sa sitwasyon nilang iyon, hindi maiwasan ni Loreign ang mas maguilty lalo. Inopen up niya iyon nang magkita sila ni Amanda sa isang coffee shop."Ayos pa ba kayo ni Theo?" tanong ni Loreign sa malungkot na tono.Umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Amanda at tumango. "Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan?" balik tanong nito.Hindi nakasagot agad si Loreign. Dahil hindi naman siya tanga para hindi mahalata na peke ang ngiting namuo sa labi ni Amanda, eh. Hindi umabot ang ngiting iyon sa kaniyang mga mata. Bakas ang tila ba kapaguran sa ekspresyon nito."Hindi mo naman kailangang magpanggap sa harapan ko, eh. Kasalanan ko 'to! Okay ka na, eh
BASA ANG MGA matang nagising si Amanda mula sa magandang panaginip na iyon. Natulala pa siya ng ilang minuto bago siya tuluyang napabangon nang katukin siya ng isa sa mga kasambahay at may inabot na telepono."Ma'am, may tawag ka po," ani ng kasambahay.Tumango si Amanda at tinanggap ang telepono. Nang sagutin niya iyon ay napakunot lang ang noo niya. Paano ba naman kasi ay medyo choppy ang nagsasalita at hindi maintindihan ang sinasabi nito. Dumagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan bigla kaya hindi na gaanong napagtuonan ng pansin ni Amanda ang tawag. Namatay na lang ang tawag na hindi man lang alam ni Amanda kung para saan ang tawag.Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan malakas ang buhos ng ulan. Sinamahan pa iyon ng panaka nakang pagkulog at kidlat."Grabe na talaga ang pagbabago ng klima ngayon! Summer na summer pero umuulan! May kasama pang kulog at kidlat! Ayos lang po ba kayo, Ma'am? Hindi naman kayo takot?" may pag aalalang tanong ng kasambahay kay Amanda.Mabilis
SINUBUKANG LUMAPIT ni Amanda kay Theo at muling nakiusap. "P-Please naman, Theo! Makinig ka sa 'kin! Kailangan ko ang tulong mo! Tumawag si Atty. Hernaez tungkol sa kaso--"Hindi na makumpleto pa ni Amanda ang dapat na sasabihin dahil bahagya siyang itinulak ni Theo. Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nakakaintindi, Amanda? Ang sabi ko, pag usapan na lang natin ang tungkol diyan pagbalik ko! Hindi ko rin naman maasikaso iyan ngayon!""P-Pero, ang kapatid ko! Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya! Baka mas lalong humaba ang panahon na pagkakakulong niya. Kung malaman ito ni Papa, h-hindi niya kakayanin! Please, maawa ka naman! Gagawin ko ang lahat! K-Kung gusto mong hindi na kita kailanman ididvorce, s-sige! Sige, gagawin ko! Basta tulungan mo lang kami!" sabi pa ni Amanda bago abutin ang kamay ni Theo at hinawakan iyon habang nagmamakaawa ang tingin na ipinukol niya dito.Napatingin si Theo sa kamay niyang hawak ni Amanda at napaigting na lang ng panga. "Ganito na lang ba talaga, Amand
MASAYA ANG lahat dahil sa special holiday. Nagkakatuwaan dahil sa iba't ibang mga gimik ng mga tao para magdiwang sa importanteng araw.Pero walang nakakaalam na naghihirap si Amanda...Ang ama niya... Ang kuya niya...Tapos ito naman... ang baby niya na maaaring mawala sa kaniya dahil sa dugong lumabas mula sa kaniyang gitna ng mga hita! Hindi niya kakayanin!Sa isang iglap, pumasok bigla ang mga sinabi ni Theo sa kaniya. Na gusto nitong kada umuwi siya sa trabaho ay may sasalubong sa kaniyang bata at yayakapin siya ng mahigpit. Doon palang ay mapapawi na ang pagod nito sa maghapong trabo.Pero... paano kung hindi na mangyari iyon? Paano kung hindi na mabibigyan si Amanda ng pagkakataon na makasama ang baby niya?Masakit ang buong katawan ni Amanda. Halos hindi na siya makahinga dahil sa halo halong pakiramdam. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Pero hindi siya susuko! Hindi pwedeng wala siyang gawin!Kahit hindi na siya... basta mailigtas lang ang anak niya ay ayos na siya.Pin
"HINDI AKO PAPAYAG! Bawiin mo ang sinabi mo!"Napabaling sila sa bagong dating na may nagbabagang tingin. Mabilis ang mga naging nangyari. Sa isang iglap, mabilis na lumapit si Loreign kay Therese na halatang gulat na gulat pa rin at pinadapo ang kamay nito sa pisngi niya."W-What the..." Hindi makapaniwala si Therese sa nangyari. Masyadong malakas ang loob ni Loreign na sampalin na lang siya ng ganito! Wala itong karapatan!"Ulitin mo pa ang sinabi mo sa doktor at makikita mo ang hinahanap mo!" singhal pa ni Loreign kay Therese na parang hindi pa nagsisink in sa utak niya ang nangyari. Masama ang ipinukol niyang tingin kay Loreign, pilit na itinatago ang bahagyang takot na naramdaman niya sa loob loob niya."Anong karapatan mo para gawin ito sa akin?!" pasigaw niyang sabi kay Loreign."Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo! Ang gusto ko lang, 'wag kang magkakamaling sabihin ang balak mo sa doktor na mas iligtas ang bata dahil talagang magkakamatayan na tayo dito!""At sino ka para ma
ANG SABI nila, kapag nanganak ang isang ina, sa bingit na ng kamatayan ang buhay nila. Hindi madali. Matagal ang sakit na pagdaraanan nito, hindi lang sa pagbubuntis, panganganak, kundi pati na rin sa pag aalaga ng bata. Mabigat na tungkulin pero napaka fulfilling.Iyon ang nararamdaman ni Amanda ngayon nang marinig na niya ang unang pag iyak ng baby niya. Ang sakit ng buong katawan niya ay napawi bigla nang marinig ang baby niya. Akala niya... hindi na nito kakayanin. Pero may awa ang Diyos! Talagang safe niyang nailabas ang unang baby nila ni Theo.Gustong gusto niyang hawakan at buhatin ang baby niya. Pero sobrang nanghihina ang katawan niya ngayon na natagpuan na lang niya ang sariling pumipikit at tila ba naririnig ang boses ng Papa niya sa isipan.'Andito na ako, Amanda. Masaya ka ba?'Iyan ang tanong ng ama ni Amanda. Pero nakafafrustrate para sa kaniya dahil hindi niya magawang sagutin ito at ang tanging nagawa niya ay ang tahimik na pagluha. Gustong gusto niyang abutin ang Pa
"P-PA.... SORRY po kung wala akong nagawa. Kung hindi dahil sa akin, nandito ka pa ngayon. D-Dapat nagawan ko ng paraan ang t-tungkol sa kaso ni Kuya, eh..." nanghihinang sabi pa ni Amanda sa kaniyang ama na wala ng buhay sa loob ng kabaong nito.Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon. Basta iyak lang siya ng iyak. Halo halo na ang nararamdaman niya. Masakit pa rin ang katawan niya dala ng panganganak pero mas nangibabaw ang sakit ng kaniyang puso dahil sa nangyari sa Papa niya.Umiiyak din si Loreign dahil naaawa na rin siya kay Amanda na hindi na matahan pa dahil sa sobrang iyak. Napaiwas siya ng tingin kay Amanda dahil nasasaktan lang din siya lalo. Doon na lumapit si Sylvia kay Amanda. Niyakap niya ito, nagbabakasakaling mapakalma na niya rin ito. Naiiyak din siya pero pilit niyang pinatatag ang loob niya para kahit papaano ay makausap si Amanda."A-Amanda... alam mo bang bago binawian ng buhay ang Papa mo ay ikaw pa rin ang inaalala niya. Nag aalala siya sa iyo. Kaya sa
"TODO DENY PA SIYANG hindi siya magiging kabit pero pustahan tayo, bibigay din iyan kay Sir Theo!" tatawa tawang sabi ng isa sa mga nambully kay Jennie sa loob ng banyo kanina sa dalawang kasama.Tumango ang isa. "Kaya nga! Kitang kita kung paano siya tumingin kay Sir Theo! Parang may hidden motive talaga. Gagawin pa tayong tanga!""Sa true lang! Mukhang easy girl pa naman iyon," sang ayon din ng isa.Iyon ang naabutan ni Jennie na usapan ng tatlo pagkalabas niya sa banyo. Ayaw na niya ng gulo kaya iiwas na lang siya. Ang kaso napatigil siya nang makitang nakasalubong ng tatlo so Secretary Belle na may istriktong ekspresyon sa mukha.Tumigil ito sa tatlong babae at otomatiko naman silang napayuko. Syempre, takot ang mga ito dahil si Secretary Belle na ito, ang sekretarya ng pinaka boss nila sa kompaniya!"Ano? Nandito kayo para magchismisan tungkol sa buhay ng ibang tao? Hindi para magtrabaho?" mataray na wika ni Secretary Belle.Napayuko na lang ang tatlo at halatang napahiya dahil s
BAKAS NA BAKAS ang pagtatakha sa mukha ni Secretary Belle. Syempre naman, bakit nga ba binawi ni Theo ang application ni Jennie eh, maaaring pagmulan lang ito ng away nila ng asawang si Amanda? Naguguluhan si Secretary Belle."May problema po ba, Sir?" takhang tanong na lang ng babae habang nahihiwagaan na sumulyap kay Theo."Maganda naman ang credentials niya. Baka mahire rin siya. At gusto ko, walang special treatment. Dapat itrato siya ng lahat na parang ordinaryong tao lang," malamig na wika ni Theo.Kumunot ng husto ang noo ni Secretary Belle. Hindi niya maintindihan ang ganitong desisyon ni Theo. Pero sino nga ba naman siya para kwestyunin ang gusto nito, eh boss niya ito? Ang kaso, hindi maiwasang mag alala ni Secretary Belle tungkol sa asawa nito."S-Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ito, Sir? Baka... hindi po magustuhan ni Ma'am Amanda itong desisyon niyong ito? Baka pa pagmulan lang din ng... uhh... away ninyo?" may pagdadahan dahang sabi ni Secretary Belle. Bahagyang k
UMAGOS ANG DUGO mula sa noo ni Theo. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Amanda! Bahagyang umikot ang kaniyang paningin dahil sa ginawa ni Amanda pero sa halip na magalit, huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. At ang sumunod nitong ginawa ay ang siyang nagpagulat kay Amanda. Niyakap lang naman siya nito imbes na bulyawan siya nito dahil sa nagawang paghahampas niya dito ng lampshade."Hindi ka ba kumportable, Amanda? May... hindi ka ba nagustuhan doon?" nahihilong tanong pa nito at bahagyang ikiniling ang ulo dahil nakakaramdam talaga siya ng hilo.Imbes na maawa ay nanlisik lang ang mga mata ni Amanda. Bahagya rin siyang kumawala kay Theo pero medyo mahigpit ang hawak nito sa kaniya. Gustong magsisigaw ni Amanda, ang kaso nga lang baka magising ang anak nila. Kaya sinamaan niya lang lalo ng tingin si Theo at paasik na sinabihan. "Layuan mo nga ako, Theo! 'Wag kang masyadong lalapit lapit sa akin!" "Amanda--""Lumayo ka sabi!" putol ulit ni Amanda kay Theo.
MAY NAPAGTANTO bigla si Amanda. Posibleng si Jennie na nga ang babaeng pupuno sa pangangailangan ni Theo bilang lalaki. Wala namang pakialam si Amanda doon. Kung mayroon man siyang naramdaman ngayon, iyon ay ang paulit ulit lang na disappointment.Maayos naman ang naging physical examination ni Baby Alex. Sinuri ito ng doktor at mabilis din naman ang naging result, dahil na rin sa koneksyon ni Theo."Wala kayong dapat ipag alala. Healthy'ng healthy si Baby Alex! Sa katunayan nga, mukhang mabilis ang development nito kumpara sa ibang mga baby na nasa kaparehas lang niyang bilang ng buwan," balita ng doktor.Napangiti naman si Theo doon at hindi mapigilang matuwa. Proud na proud siya sa anak na napahaplos na lang siya sa pisngi nito ng marahan."Thanks, Doc. Aalis na kami," ani Theo dahil tapos naman na lahat ng examination sa anak nila ni Amanda. Naunang lumabas si Amanda. Hinayaan na lang ni Theo dahil baka mabilis na itong napagod. Mukhang gusto na agad magpahinga. Nang akmang susun
PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na
"TEKA LANG! MASYADONG mabilis. Pwede bang makausap ko si Theo?" ani Loreign sa mga bodyguards na sumundo sa kaniya.Umiling sila. Sumagot ang kalbong may malaking katawan. "Pasensya na, Miss Loreign. Hindi po pwede. Mahigpit na utos ni Sir Theo na dapat isang oras lang ang pagdalaw niyo kay Ma'am Amanda," pormal na wika nito.Napailing si Loreign. "Hindi! Baka naman... baka magagawan ng paraan ito? Hindi tama itong ginagawa ni Theo! Kailangan ko talaga siyang makausap!" pamimilit pa niya."Pasensya na, Ma'am pero sumusunod lang kami sa utos. Kailangan niyo na pong umalis," sagot pa ng isa.Umiling iling si Loreign, ayaw pa ring umalis. Pero nang bumaling siya kay Amanda ay halos napaiyak na lang siya. Sumenyas si Amanda na magiging okay lang siya dito. Napailing siya lalo pero tumango si Amanda na makakaya niya ito. Kaya wala ring nagawa si Loreign. Kahit gustuhin niyang magstay pa ng mas matagal ay hindi na talaga pwede dahil talagang bantay sarado sila ng mga bodyguards. Wala naman
"S-SALAMAT!" NAIIYAK na lang na sabi ni Loreign kay Gerald matapos ang sinabi nitong tutulong ito sa kaniya. Malaking bagay na iyon sa kaniya. At least, kahit papaano, may taong willing na harapin si Theo para makita na niya si Amanda.Nag usap pa sila saglit doon. Ramdam na ramdam ni Gerald ang pagiging distant sa kaniya ni Loreign. Pero wala naman na siyang magagawa. May kasalanan pa rin siya kung bakit ganito siya ngayon sa kaniya.Nang umalis na si Loreign, napabuntong hininga na lang si Gerald. Para bang may kulang na naman sa dibdib niya. May puwang na hindi kailanman basta basta mapupunan ng kung sino man. Tanging si Loreign lang ang may kakayahang bumuo no'n.Ngayon, ramdam na ramdam ni Gerald na mag isa na naman siya..."ISANG ORAS LANG Ang pwede kong ibigay ko sa iyo para makita siya," malamig na sabi ni Theo kay Loreign.Tumango na lang si Loreign at tinanggap iyon. Alam naman niyang hindi magiging madali ito. Kaya kahit papaano ay nagpapasalamat siya kay Gerald dahil tinul
KAHIT ANONG pamimilit ni Theo, hindi pa rin bumigay si Amanda. Ayaw niyang magpaapekto sa mga yakap at halik ni Theo. May kung anong paninikip sa dibdib na naramdaman si Theo pero hindi na niya gaanong pinagtuonan pa iyon ng pansin. Sa kabilang banda naman, sobrang nag aalala na si Loreign sa nangyayari kay Amanda. Ilang araw na niya itong hindi nakikita! Hindi rin nakatulong ang ibinalita ni Sylvia sa kaniya habang umiiyak. "Mahihirapan tayong makita si Amanda! Ikinukulong siya ni Theo at trinatrato na parang isang preso! Marami siyang bantay na nagkalat sa mansion!" sabi ni Sylvia at naiiyak na lang. Kinalma ni Loreign si Sylvia. "Magiging maayos po ang lahat. Magagawan natin ng paraan ito," pagpapalubag loob niya sa ginang. Tumango lang naman si Sylvia. Napabuntong hininga na lang si Loreign. Napaisip siya ng paraan kung paano makikita si Amanda at matulungan ito. Alam niyang magiging mahirap dahil makapangyarihan si Theo at mayaman. Pero kailangang may gawin siya! Dahil noong s
HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban