SINUBUKANG LUMAPIT ni Amanda kay Theo at muling nakiusap. "P-Please naman, Theo! Makinig ka sa 'kin! Kailangan ko ang tulong mo! Tumawag si Atty. Hernaez tungkol sa kaso--"Hindi na makumpleto pa ni Amanda ang dapat na sasabihin dahil bahagya siyang itinulak ni Theo. Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nakakaintindi, Amanda? Ang sabi ko, pag usapan na lang natin ang tungkol diyan pagbalik ko! Hindi ko rin naman maasikaso iyan ngayon!""P-Pero, ang kapatid ko! Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya! Baka mas lalong humaba ang panahon na pagkakakulong niya. Kung malaman ito ni Papa, h-hindi niya kakayanin! Please, maawa ka naman! Gagawin ko ang lahat! K-Kung gusto mong hindi na kita kailanman ididvorce, s-sige! Sige, gagawin ko! Basta tulungan mo lang kami!" sabi pa ni Amanda bago abutin ang kamay ni Theo at hinawakan iyon habang nagmamakaawa ang tingin na ipinukol niya dito.Napatingin si Theo sa kamay niyang hawak ni Amanda at napaigting na lang ng panga. "Ganito na lang ba talaga, Amand
MASAYA ANG lahat dahil sa special holiday. Nagkakatuwaan dahil sa iba't ibang mga gimik ng mga tao para magdiwang sa importanteng araw.Pero walang nakakaalam na naghihirap si Amanda...Ang ama niya... Ang kuya niya...Tapos ito naman... ang baby niya na maaaring mawala sa kaniya dahil sa dugong lumabas mula sa kaniyang gitna ng mga hita! Hindi niya kakayanin!Sa isang iglap, pumasok bigla ang mga sinabi ni Theo sa kaniya. Na gusto nitong kada umuwi siya sa trabaho ay may sasalubong sa kaniyang bata at yayakapin siya ng mahigpit. Doon palang ay mapapawi na ang pagod nito sa maghapong trabo.Pero... paano kung hindi na mangyari iyon? Paano kung hindi na mabibigyan si Amanda ng pagkakataon na makasama ang baby niya?Masakit ang buong katawan ni Amanda. Halos hindi na siya makahinga dahil sa halo halong pakiramdam. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Pero hindi siya susuko! Hindi pwedeng wala siyang gawin!Kahit hindi na siya... basta mailigtas lang ang anak niya ay ayos na siya.Pin
"HINDI AKO PAPAYAG! Bawiin mo ang sinabi mo!"Napabaling sila sa bagong dating na may nagbabagang tingin. Mabilis ang mga naging nangyari. Sa isang iglap, mabilis na lumapit si Loreign kay Therese na halatang gulat na gulat pa rin at pinadapo ang kamay nito sa pisngi niya."W-What the..." Hindi makapaniwala si Therese sa nangyari. Masyadong malakas ang loob ni Loreign na sampalin na lang siya ng ganito! Wala itong karapatan!"Ulitin mo pa ang sinabi mo sa doktor at makikita mo ang hinahanap mo!" singhal pa ni Loreign kay Therese na parang hindi pa nagsisink in sa utak niya ang nangyari. Masama ang ipinukol niyang tingin kay Loreign, pilit na itinatago ang bahagyang takot na naramdaman niya sa loob loob niya."Anong karapatan mo para gawin ito sa akin?!" pasigaw niyang sabi kay Loreign."Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo! Ang gusto ko lang, 'wag kang magkakamaling sabihin ang balak mo sa doktor na mas iligtas ang bata dahil talagang magkakamatayan na tayo dito!""At sino ka para ma
ANG SABI nila, kapag nanganak ang isang ina, sa bingit na ng kamatayan ang buhay nila. Hindi madali. Matagal ang sakit na pagdaraanan nito, hindi lang sa pagbubuntis, panganganak, kundi pati na rin sa pag aalaga ng bata. Mabigat na tungkulin pero napaka fulfilling.Iyon ang nararamdaman ni Amanda ngayon nang marinig na niya ang unang pag iyak ng baby niya. Ang sakit ng buong katawan niya ay napawi bigla nang marinig ang baby niya. Akala niya... hindi na nito kakayanin. Pero may awa ang Diyos! Talagang safe niyang nailabas ang unang baby nila ni Theo.Gustong gusto niyang hawakan at buhatin ang baby niya. Pero sobrang nanghihina ang katawan niya ngayon na natagpuan na lang niya ang sariling pumipikit at tila ba naririnig ang boses ng Papa niya sa isipan.'Andito na ako, Amanda. Masaya ka ba?'Iyan ang tanong ng ama ni Amanda. Pero nakafafrustrate para sa kaniya dahil hindi niya magawang sagutin ito at ang tanging nagawa niya ay ang tahimik na pagluha. Gustong gusto niyang abutin ang Pa
"P-PA.... SORRY po kung wala akong nagawa. Kung hindi dahil sa akin, nandito ka pa ngayon. D-Dapat nagawan ko ng paraan ang t-tungkol sa kaso ni Kuya, eh..." nanghihinang sabi pa ni Amanda sa kaniyang ama na wala ng buhay sa loob ng kabaong nito.Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon. Basta iyak lang siya ng iyak. Halo halo na ang nararamdaman niya. Masakit pa rin ang katawan niya dala ng panganganak pero mas nangibabaw ang sakit ng kaniyang puso dahil sa nangyari sa Papa niya.Umiiyak din si Loreign dahil naaawa na rin siya kay Amanda na hindi na matahan pa dahil sa sobrang iyak. Napaiwas siya ng tingin kay Amanda dahil nasasaktan lang din siya lalo. Doon na lumapit si Sylvia kay Amanda. Niyakap niya ito, nagbabakasakaling mapakalma na niya rin ito. Naiiyak din siya pero pilit niyang pinatatag ang loob niya para kahit papaano ay makausap si Amanda."A-Amanda... alam mo bang bago binawian ng buhay ang Papa mo ay ikaw pa rin ang inaalala niya. Nag aalala siya sa iyo. Kaya sa
"MARAMING SALAMAT, Theo. Ang laki na ng naitulong mo sa amin," sabi ng ama ni Sofia kay Theo.Hindi naman na nag abala pang sumagot si Theo. Tumango lang siya. Hindi na sila gaanong nagkausap pa dahil si Theo na mismo ang naunang lumayo. Nagtungo naman si Theo sa smoking area sa labas at nanigarilyo muna doon. Hindi niya namalayan ang sikretong pagsunod sa kaniya ni Jennie.Hindi maiwasan ni Jenni ang mamula nang makita kung gaano kagwapo si Theo sa paraan ng paghithit nito sa sigarilyo. Hindi niya matandaan kung kailan pa ba siya naatrract sa lalaking may bisyo pero iba kasi talaga ang dating ni Theo ngayon. May pagkamisteryoso ito na siyang nagpapakabog ng mabilis sa puso ni Jennie.Napailing na lang sa sarili si Jennie. Aware siyang may asawa na si Theo at magkakaanak na rin. Umalingawngaw din sa isip niya ang mga pangaral niya ng ina tungkol sa kabit kabit bago siya sumama dito sa Pinas. Syempre, iminulat niya iyon sa isip at ayaw niya ng kumplikasyon. Pero ngayon... nagkakasala
PARANG IYON NA ang pinakamatagal na biyahe ni Theo. Makalipas ang halos isang oras ay narating na rin nila ang ospital. Lakad takbo si Theo para magtanong sa front desk tungkol sa room ni Amanda. Nang malaman ay mabilis ulit siyang dumiretso sa kwarto nito. Pero imbes na si Amanda ang naabutan nito ay ang kaniyang inang si Therese... karga karga ang baby nila ni Amanda."Ang cute cute naman ng baby na iyan! At talagang ngumingiti pa, oh!" Narinig ni Theo na sabi ng kaniyang ina habang pinagmamasdan si Baby Alex.Pakiramdam ni Theo ay tumigil bigla ang mundo niya nang tuluyan nang nasilayan ang baby nila ni Amanda. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa loob ng kaniyang dibdib habang marahang sumisipa ang anak niya at bahagya pang ngumingiti. Narinig niya ang munting tunog na nalilikha nito at para bang nakalutang si Theo sa ulap bigla.Hindi na napigilan pa ni Theo na lapitan si Baby Alex na marahang kumakawag ang mga paa na para bang naghihintay ito sa kaniya. Halos maluha
KUNG NAKAKAMATAY lang ang tingin ay baka kanina pa nakabulagta si Theo sa malamig na semento. Masama ang tingin ni Amanda sa kaniya, at hindi naman niya ito masisisi dahil sa laki ng kasalanan niya. Kaya naman willing siyang gawin lahat para sa kaniya this time.Nang akmang aalis na si Amanda, mabilis na hinuli ni Theo ang pulsuhan nito at pinigilan siya. Nagpumiglas si Amanda pero hindi siya agad pinayagang makawala ni Theo."Ano ba, Theo?!" asik ni Amanda."Tutulungan kita sa kaso ng kapatid mo, Amanda. Tutulong din ako sa pinansyal na paraan," seryosong saad ni Theo kay Amanda.Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa labi ni Amanda at may kasama pang pag iling. "Talaga lang, ah? Para sabihin ko sa iyo, Theo hindi na kailangan! Hindi na namin kailangan ang tulong mo sa kapatid ko dahil pati siya ay sumuko na rin! Kung sana ay mas maaga mo lang iyang sinabi..." nagpipigil na iyak na sabi ni Amanda at nag iwas ng tingin."Amanda--""Alam mo kung anong gusto ko ngayon? Ang makawala na
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
NAGDALAWANG ISIP SI Theo. Ang totoo niyan ay ayaw niyang papasukin si Jennie. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito sa mukha, bahagya siyang nakaramdam ng awa. Malamig na ang gabi at hindi pa naman siya gano'n kawalang puso para hayaan ang isang babaeng kagaya niyang hayaan na lang maglakad mag isa sa labas.Napabuntong hininga si Theo. "Pumasok ka na," labag sa loob na sabi niya kay Jennie.Napasinghap si Jennie pero bumalatay sa mukha nito ang tuwa. "M-Maraming salamat!" nagagalak niyang sabi kay Theo.Napaisip pa si Jennie kung saan siya uupo. Kung sa front seat ba o sa back seat katabi ni Theo. Pero mas pinili niya ang pangalawa. Okay lang naman siguro ito. Makikiupo lang siya. At nakikita niya kasing si Secretary Belle ang usually na umuupo sa harap katabi ng driver kapag lumalabas ito kasama si Theo. Kaya parang feeling ni Jennie ay wala siyang karapatan na umupo sa usual na pwesto nito.Binalingan lang siya ni Theo ng seryosong tingin pero hindi naman ito nagkumento. Bahagy
"TODO DENY PA SIYANG hindi siya magiging kabit pero pustahan tayo, bibigay din iyan kay Sir Theo!" tatawa tawang sabi ng isa sa mga nambully kay Jennie sa loob ng banyo kanina sa dalawang kasama.Tumango ang isa. "Kaya nga! Kitang kita kung paano siya tumingin kay Sir Theo! Parang may hidden motive talaga. Gagawin pa tayong tanga!""Sa true lang! Mukhang easy girl pa naman iyon," sang ayon din ng isa.Iyon ang naabutan ni Jennie na usapan ng tatlo pagkalabas niya sa banyo. Ayaw na niya ng gulo kaya iiwas na lang siya. Ang kaso napatigil siya nang makitang nakasalubong ng tatlo so Secretary Belle na may istriktong ekspresyon sa mukha.Tumigil ito sa tatlong babae at otomatiko naman silang napayuko. Syempre, takot ang mga ito dahil si Secretary Belle na ito, ang sekretarya ng pinaka boss nila sa kompaniya!"Ano? Nandito kayo para magchismisan tungkol sa buhay ng ibang tao? Hindi para magtrabaho?" mataray na wika ni Secretary Belle.Napayuko na lang ang tatlo at halatang napahiya dahil s
BAKAS NA BAKAS ang pagtatakha sa mukha ni Secretary Belle. Syempre naman, bakit nga ba binawi ni Theo ang application ni Jennie eh, maaaring pagmulan lang ito ng away nila ng asawang si Amanda? Naguguluhan si Secretary Belle."May problema po ba, Sir?" takhang tanong na lang ng babae habang nahihiwagaan na sumulyap kay Theo."Maganda naman ang credentials niya. Baka mahire rin siya. At gusto ko, walang special treatment. Dapat itrato siya ng lahat na parang ordinaryong tao lang," malamig na wika ni Theo.Kumunot ng husto ang noo ni Secretary Belle. Hindi niya maintindihan ang ganitong desisyon ni Theo. Pero sino nga ba naman siya para kwestyunin ang gusto nito, eh boss niya ito? Ang kaso, hindi maiwasang mag alala ni Secretary Belle tungkol sa asawa nito."S-Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ito, Sir? Baka... hindi po magustuhan ni Ma'am Amanda itong desisyon niyong ito? Baka pa pagmulan lang din ng... uhh... away ninyo?" may pagdadahan dahang sabi ni Secretary Belle. Bahagyang k
UMAGOS ANG DUGO mula sa noo ni Theo. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Amanda! Bahagyang umikot ang kaniyang paningin dahil sa ginawa ni Amanda pero sa halip na magalit, huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. At ang sumunod nitong ginawa ay ang siyang nagpagulat kay Amanda. Niyakap lang naman siya nito imbes na bulyawan siya nito dahil sa nagawang paghahampas niya dito ng lampshade."Hindi ka ba kumportable, Amanda? May... hindi ka ba nagustuhan doon?" nahihilong tanong pa nito at bahagyang ikiniling ang ulo dahil nakakaramdam talaga siya ng hilo.Imbes na maawa ay nanlisik lang ang mga mata ni Amanda. Bahagya rin siyang kumawala kay Theo pero medyo mahigpit ang hawak nito sa kaniya. Gustong magsisigaw ni Amanda, ang kaso nga lang baka magising ang anak nila. Kaya sinamaan niya lang lalo ng tingin si Theo at paasik na sinabihan. "Layuan mo nga ako, Theo! 'Wag kang masyadong lalapit lapit sa akin!" "Amanda--""Lumayo ka sabi!" putol ulit ni Amanda kay Theo.
MAY NAPAGTANTO bigla si Amanda. Posibleng si Jennie na nga ang babaeng pupuno sa pangangailangan ni Theo bilang lalaki. Wala namang pakialam si Amanda doon. Kung mayroon man siyang naramdaman ngayon, iyon ay ang paulit ulit lang na disappointment.Maayos naman ang naging physical examination ni Baby Alex. Sinuri ito ng doktor at mabilis din naman ang naging result, dahil na rin sa koneksyon ni Theo."Wala kayong dapat ipag alala. Healthy'ng healthy si Baby Alex! Sa katunayan nga, mukhang mabilis ang development nito kumpara sa ibang mga baby na nasa kaparehas lang niyang bilang ng buwan," balita ng doktor.Napangiti naman si Theo doon at hindi mapigilang matuwa. Proud na proud siya sa anak na napahaplos na lang siya sa pisngi nito ng marahan."Thanks, Doc. Aalis na kami," ani Theo dahil tapos naman na lahat ng examination sa anak nila ni Amanda. Naunang lumabas si Amanda. Hinayaan na lang ni Theo dahil baka mabilis na itong napagod. Mukhang gusto na agad magpahinga. Nang akmang susun
PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na