INALO NI THEO ang lola. Hinawakan nito ang kamay at pinakalma dahil sa paulit ulit na pagbanggit nito sa ama niyang nang iwan sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Amanda ang mapaluha habang pinagmamasdan silang dalawa. Naupo na lang siya sa kabilang gilid ng matanda at hinawakan din ang isang kamay nito nang kumalma na rin ito."Pwede ko bang hawakan ang apo ko?" tanong ng matanda sabay tingin sa umbok sa tiyan ni Amanda.Mabilis na tumango si Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Oo naman po."Ngumiti rin ang matanda at hinaplos ang tiyan ni Amanda. Mas lalong kumalma ito at hindi na rin mahigpit ang hawak nito sa kamay nito kanina."Babae po ang magiging apo ninyo," pagkukwento ni Amanda."Gano'n ba? Naku, paniguradong magiging cute siya!" natatawang saad ng matanda at medyo napahalakhak pa. "Anong ipapangalan niyo sa kaniya? May naisip na ba kayo?""Uhh... gusto sana namin siyang pangalanan ng Alex. Naisipan namin iyon noon ni Theo nang hindi pa namin alam ang gender para pwede ka
NAGING TULIRO si Theo sa mga sumunod na araw. Pakiramdam niya ay nakalutang siya at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi niya matanggap na wala na ang Lola niya. Kailanman ay hindi ito pumasok sa isipan niya. Pero... kahit anong pikit niya sa mga mata, nakikita niya ang tila ba natutulog lang na lola niya sa isipan... pero wala ng buhay.Bumagsak ang timbang niya sa nagdaang araw. Inasikaso niya ang ilang mga papeles ng lola niya at ang lamay nito. Kinailangan niyang pakiharapan ang mga bisitang pumupunta. Pagod na pagod ang katawan ni Theo pero kailangan niya iyon para makatulog siya agad. Ang kaso nga lang, hindi na siya nakakain ng maayos dahil masyado na niyang pinagkabusyhan lahat. Dumagsa ulit ang mga bisita, kabilang na doon si Harold na hindi rin inexpect ni Theo. Pero dahil sa dami ng mga iniisip, hindi na niya gaanong pinagtuonan ng pansin iyon. Saka na lang niya naalala nang kinausap siya ng ina niya."Bakit mo hinayaang bumisita ang bastardong iyon dito? Theo nama
ISANG LINGGO lang naman ang inabot ng business trip ni Theo sa abroad. Bumalik din siya agad. Ang kaso nga lang sa pagbabalik niya, walang nagbago sa pagitan nila ni Amanda. Naging malamig pa rin sila sa isa't isa.Nafrufrustrate na si Theo sa totoo lang. Pero mukhang wala pa rin talagang plano si Amanda na bawiin lahat ng mga desisyon nito. Sa sitwasyon nilang iyon, hindi maiwasan ni Loreign ang mas maguilty lalo. Inopen up niya iyon nang magkita sila ni Amanda sa isang coffee shop."Ayos pa ba kayo ni Theo?" tanong ni Loreign sa malungkot na tono.Umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Amanda at tumango. "Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan?" balik tanong nito.Hindi nakasagot agad si Loreign. Dahil hindi naman siya tanga para hindi mahalata na peke ang ngiting namuo sa labi ni Amanda, eh. Hindi umabot ang ngiting iyon sa kaniyang mga mata. Bakas ang tila ba kapaguran sa ekspresyon nito."Hindi mo naman kailangang magpanggap sa harapan ko, eh. Kasalanan ko 'to! Okay ka na, eh
BASA ANG MGA matang nagising si Amanda mula sa magandang panaginip na iyon. Natulala pa siya ng ilang minuto bago siya tuluyang napabangon nang katukin siya ng isa sa mga kasambahay at may inabot na telepono."Ma'am, may tawag ka po," ani ng kasambahay.Tumango si Amanda at tinanggap ang telepono. Nang sagutin niya iyon ay napakunot lang ang noo niya. Paano ba naman kasi ay medyo choppy ang nagsasalita at hindi maintindihan ang sinasabi nito. Dumagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan bigla kaya hindi na gaanong napagtuonan ng pansin ni Amanda ang tawag. Namatay na lang ang tawag na hindi man lang alam ni Amanda kung para saan ang tawag.Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan malakas ang buhos ng ulan. Sinamahan pa iyon ng panaka nakang pagkulog at kidlat."Grabe na talaga ang pagbabago ng klima ngayon! Summer na summer pero umuulan! May kasama pang kulog at kidlat! Ayos lang po ba kayo, Ma'am? Hindi naman kayo takot?" may pag aalalang tanong ng kasambahay kay Amanda.Mabilis
SINUBUKANG LUMAPIT ni Amanda kay Theo at muling nakiusap. "P-Please naman, Theo! Makinig ka sa 'kin! Kailangan ko ang tulong mo! Tumawag si Atty. Hernaez tungkol sa kaso--"Hindi na makumpleto pa ni Amanda ang dapat na sasabihin dahil bahagya siyang itinulak ni Theo. Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nakakaintindi, Amanda? Ang sabi ko, pag usapan na lang natin ang tungkol diyan pagbalik ko! Hindi ko rin naman maasikaso iyan ngayon!""P-Pero, ang kapatid ko! Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya! Baka mas lalong humaba ang panahon na pagkakakulong niya. Kung malaman ito ni Papa, h-hindi niya kakayanin! Please, maawa ka naman! Gagawin ko ang lahat! K-Kung gusto mong hindi na kita kailanman ididvorce, s-sige! Sige, gagawin ko! Basta tulungan mo lang kami!" sabi pa ni Amanda bago abutin ang kamay ni Theo at hinawakan iyon habang nagmamakaawa ang tingin na ipinukol niya dito.Napatingin si Theo sa kamay niyang hawak ni Amanda at napaigting na lang ng panga. "Ganito na lang ba talaga, Amand
MASAYA ANG lahat dahil sa special holiday. Nagkakatuwaan dahil sa iba't ibang mga gimik ng mga tao para magdiwang sa importanteng araw.Pero walang nakakaalam na naghihirap si Amanda...Ang ama niya... Ang kuya niya...Tapos ito naman... ang baby niya na maaaring mawala sa kaniya dahil sa dugong lumabas mula sa kaniyang gitna ng mga hita! Hindi niya kakayanin!Sa isang iglap, pumasok bigla ang mga sinabi ni Theo sa kaniya. Na gusto nitong kada umuwi siya sa trabaho ay may sasalubong sa kaniyang bata at yayakapin siya ng mahigpit. Doon palang ay mapapawi na ang pagod nito sa maghapong trabo.Pero... paano kung hindi na mangyari iyon? Paano kung hindi na mabibigyan si Amanda ng pagkakataon na makasama ang baby niya?Masakit ang buong katawan ni Amanda. Halos hindi na siya makahinga dahil sa halo halong pakiramdam. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Pero hindi siya susuko! Hindi pwedeng wala siyang gawin!Kahit hindi na siya... basta mailigtas lang ang anak niya ay ayos na siya.Pin
"HINDI AKO PAPAYAG! Bawiin mo ang sinabi mo!"Napabaling sila sa bagong dating na may nagbabagang tingin. Mabilis ang mga naging nangyari. Sa isang iglap, mabilis na lumapit si Loreign kay Therese na halatang gulat na gulat pa rin at pinadapo ang kamay nito sa pisngi niya."W-What the..." Hindi makapaniwala si Therese sa nangyari. Masyadong malakas ang loob ni Loreign na sampalin na lang siya ng ganito! Wala itong karapatan!"Ulitin mo pa ang sinabi mo sa doktor at makikita mo ang hinahanap mo!" singhal pa ni Loreign kay Therese na parang hindi pa nagsisink in sa utak niya ang nangyari. Masama ang ipinukol niyang tingin kay Loreign, pilit na itinatago ang bahagyang takot na naramdaman niya sa loob loob niya."Anong karapatan mo para gawin ito sa akin?!" pasigaw niyang sabi kay Loreign."Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo! Ang gusto ko lang, 'wag kang magkakamaling sabihin ang balak mo sa doktor na mas iligtas ang bata dahil talagang magkakamatayan na tayo dito!""At sino ka para ma
ANG SABI nila, kapag nanganak ang isang ina, sa bingit na ng kamatayan ang buhay nila. Hindi madali. Matagal ang sakit na pagdaraanan nito, hindi lang sa pagbubuntis, panganganak, kundi pati na rin sa pag aalaga ng bata. Mabigat na tungkulin pero napaka fulfilling.Iyon ang nararamdaman ni Amanda ngayon nang marinig na niya ang unang pag iyak ng baby niya. Ang sakit ng buong katawan niya ay napawi bigla nang marinig ang baby niya. Akala niya... hindi na nito kakayanin. Pero may awa ang Diyos! Talagang safe niyang nailabas ang unang baby nila ni Theo.Gustong gusto niyang hawakan at buhatin ang baby niya. Pero sobrang nanghihina ang katawan niya ngayon na natagpuan na lang niya ang sariling pumipikit at tila ba naririnig ang boses ng Papa niya sa isipan.'Andito na ako, Amanda. Masaya ka ba?'Iyan ang tanong ng ama ni Amanda. Pero nakafafrustrate para sa kaniya dahil hindi niya magawang sagutin ito at ang tanging nagawa niya ay ang tahimik na pagluha. Gustong gusto niyang abutin ang Pa
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i
HINDI MAIWASANG manginig ni Amanda sa nakitang picture. Napangiti na lang siya ng mapakla nang may mapagtanto. Ang suot ni Jennie sa picture ay kagaya ng nasuot niyang dress noon mula sa isang sikat na fashion designer. Pinagkagastusan talaga. Pinagbuhusan talaga ng effort.Sa picture, iba rin kung makatingin si Theo kay Jennie. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang namumungay. Parang punong puno ng emosyon. Hindi na alam ni Amanda kung dinadaya lang ba siya ng sariling emosyon pero iyon ang nakikita niya kay Theo ngayon.May kung anong napagtanto bigla si Amanda. Bakit ganito na lang kalakas ang loob ni Jennie papalapit kay Theo? Baka naman kasi binigyan rin siya ng motibo ni Theo. Kasi parang ang labo naman na ganito na lang tumingin si Jennie kay Theo kung hindi rin pinaunlakan ni Theo.Iclinose ni Amanda kalaunan ang cellphone at napabuntong hininga. Ang mapaklang ngiti sa labi ay hindi nabura kahit na nakita si Secretary Belle na halatang kanina pa nakatingin sa kaniya na
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J