NANG TULUYAN NANG makalayo ang sasakyan ni Theo, parang matanglawin naman kung pagmasdan ni Loreign ang ekspresyon ni Amanda. Tila binabasa nito ngayon kung anong nasa isip nito ngayon. "'Wag ka ngang tumingin sa akin ng ganiyan," saway ni Amanda sa kaibigan. Nagkibit balikat si Loreign. "Sorry. Hindi ko lang din kasi talaga mapigilang magtakha." Kumunot naman ang noo ni Amanda. "At saan ka naman magtatakha, huh?" "Sa inyo ni Theo. At tsaka naghahabol ba siya ngayon sa iyo? Gusto niya bang makipagbalikan?" Napaisip si Loreign at nanliit ang mata. "Siguro... 'yung pagpunta niya sa iyo sa vet nung kinailangan mong ipaclinic 'yung aso ay isa ring paraan niya para mas mapalapit sa iyo. Tingin mo?" Napailing agad si Amanda. "Nagkakamali ka. Walang gano'n at kahit maghabol si Theo ulit at gustong makipagbalikan, walang chance. Imposible, okay?" "Okay, sabi mo, eh," sagot na lang ni Loreign at nagkibit balikat din. Halatang siguradong sigurado si Amanda sa sagot kaya wala naman siyang m
SA PARAAN NG pagtitig ni Sylvia kay Amanda, kaagad na nitong nakuha ang kasagutan na naglalaro sa isip niya. Halatang nagtatakha ito kung saan nakuha ni Amanda ang pagkamahal mahal na jewelry box at alam na noya ngayon kung saan nanggaling iyon base sa pananahimik ni Amanda. "Isauli mo ito kaagad kay Theo, ah? Kapag nalaman ng ama mo na nagbibigay pa rin ng kung anu ano sa iyo si Theo baka mainis pa iyon at ikastress pa niya lalo. Maapektuhan pa ang kalusugan niya," pagpapaalala ni Sylvia. Napabuntong hininga si Amanda bago inabot ang jewelry box mula kay Sylvia. Tumango rin siya. "'Wag kang mag alala, Ma. Ibabalik ko rin ito agad sa kaniya bukas na bukas," sagot niya. Tumango na rin si Sylvia at tila ba nabunutuan ng tinik. "Mabuti kung gano'n. Sige, babalik na ako sa kwarto at matutulog na rin." "Sige po. Magpahinga na po kayo. Goodnight, Ma." "Goodnight." Ilang segundo lang ay nawala na si Sylvia sa paningin ni Amanda. Napabuga siyang muli ng pahinga bago binalingan ang inosen
NORMAL ANG naging takbo ng mga sumunod na araw para kay Amanda. Maganda ang pasok ng buwan sa kaniya dahil umaayos na ang bagong negosyo niya. Nakakuha na rin siya ng mga additional chefs dahil na rin sa tulong ni Loreign.Malapit na rin ang court hearing ng kapatid niya. Kaya naman sa kabila ng pagiging kabado sa papalapit na araw na iyon, mas pinagtuonan na lang niya ng pansin ang bagong business niya.Pagsapit ng Sabado, nakatanggap si Amanda ng tawag mula kay Mrs. Madriaga. Walang pagdadalawang isip niyang sinagot iyon."Amanda! Busy ka ba?" bungad ng ginang agad sa kaniya."Uhm... hindi naman po gaano. Bakit po?""Ah, iimbitahin sana kita dito sa bahay. May event at gusto ko sanang samahan mo ako sa food tasting. Alam mo na, tiwala ako sa iyo kaya ikaw agad ang pumasok sa isipan ko," sagot ng babae.Tumango naman agad si Amanda. Kaunting pabor lang naman ito sa kaniya at mabait si Mrs. Madriaga kaya naman agad din siyang pumayag. "Wala pong problema. Pupunta po ako.""Thanks! Hin
HINDI NAMAN tanga si Jason para hindi mapagtanto na rejected na siya kaagad kay Amanda. Ang mga pahaging niya sa babae ay parang binasura na nito bigla nang sabihing hindi pa ito nakamove on sa dating asawa. Ni hindi pa man siya nakakapagsimula, alam na niya agad na talo siya."Amanda!"Parehas silang napatingin sa lalaking tumawag kay Amanda. Hindi pamilyar kay Jason ang lalaki pero pagdating kay Amanda ay parang kilala nito.Gwapong gwapo si Gerald sa pormal na suot nito ngayon. Madaming napapatingin pero mukhang wala rin naman itong pakialam. Nagmartsa ito papalapit sa direksyon ni Amanda.Napataas tuloy ang kilay ni Jason. Napagtanto niyang mukhang magkakilala si Amanda at ang lalaki kaya hindi na niya naiwasan pang magtanong. "Siya ba 'yong... dati mong asawa?"Kaagad umiling si Amanda. "Hindi! Kaibigan ko lang siya," mabilis na sagot niya.Tumango naman si Jason. "Okay. Sige, mukhang may importante kayong pag uusapan," sabi niya at binigyan sila ng espasyo para makapag usap. Uma
"NARINIG KO ang nangyari tungkol sa kaso ng kapatid mo..." ani Theo nang hindi sumagot muli sa kabilang linya si Amanda.Hindi naman na nagtakha si Amanda. Of course, sa lawak naman ng koneksyon ni Theo, talagang malalaman at malalaman niya ang nangyari tungkol sa kaso ng kapatid niya. "Naextend ng dalawa o higit na buwan ang trial date ang tungkol sa kaso ni kuya," ani Amanda. "Alam kong alam mo kung gaano kahalaga ito sa akin, Theo."Tumango tango si Theo. "Naiintindihan ko. Kaya kailangan nating pag usapan ng personal ang tungkol diyan. Hihintayin kita dito sa mansion," sagot niya.Hindi na sumagot pa si Amanda. Natapos na ang tawag at nasa labas pa rin si Amanda at napahigpit ang hawak niya sa sariling cellphone. Napabuga siya ng hangin. Magkikita na naman sila ni Theo. At hindi niya itatangging baka... may binabalak si Theo na mangyari sa kanila. Higit sa lahat, baka imbes na kamuhian niya ang maaaring gawin ni Theo, baka kabaliktaran pa ang mangyari.Kaagad na umiling si Amanda
SA PARAAN ng pagtitig ni Theo sa katawan ni Amanda, alam na agad ni Amanda kung ano ang gusto nitong kondisyon at kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi naman siya tanga para hindi agad mapagtanto iyon.Matiim na tumitig si Theo. "Paano kung... ang katawan mo ang gusto kong kapalit? Payag ka ba?" maaligasgas na tinig na tanong nito.Pilit nilunok muli ni Amanda ang bara sa lalamunan. Hindi siya sumagot agad at matapang na tumitig pabalik kay Theo. Hindi niya gustong magpaapekto pero pinangunahan siya ng nginig at pangamba. Pero kahit gano'n, pinilit niya ang sariling kumalma at unti unting ibinaba ang zipper ng kaniyang skirt.Mabagal ang kilos ni Amanda dahil sa panginginig. Pero nakasunod lamang ng tingin si Theo sa mga susunod nitong gagawin. Unti unting ibinaba ni Amanda ang skirt na siyang nagpaexposed sa kaniyang maputi at makinis na hita na siyang mas ikinatiim ng tingin ni Theo.At habang nakikita ni Amanda ang itim na mga mata ni Theo, nagbalik muli sa alaala niya ang gabi
MAS LALONG nanginig si Amanda. Goodness. Ano nga ulit itong pinasok niya? Knowing Theo... siguradong hindi ito tatanggi sa mga ganitong bagay! Ang lakas ng loob niyang mag alok pero ito siya... parang babaliktad na ang sikmura niya sa kaba!"Mag overnight ka na lang dito at 'wag nang umalis. Ang lungkot nitong bahay kapag wala ka..." halos pabulong na anas pa ni Theo.Lumalim ang gitla sa noo ni Amanda. Ano daw? Overnight? Hindi pwede!"Alam mong hindi ko papaunlakan iyan," malamig na sagot ni Amanda. Itong kondisyon na ito... maling mali na dahil divorced na sila tapos magoovernight pa siya?"Sige na, Amanda..."Umiling si Amanda. "Mali ito. Naappreciate ko lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko pero tapos na kung anong meron tayo. Tapos na ang marriage natin. At baka... nakakalimutan mo na rin kung bakit natapos ang lahat ng iyon...""Amanda, hindi mo naman kailangang ibring up lahat ng nangyari noon," sagot ni Theo na medyo frustrated na rin."Hindi pwedeng hindi ibring up dah
HINDI AGAD nakasagot si Amanda. Pero naglalaro na sa isip niya ang gustong mangyari ni Theo kapalit ng tulong niya. Gusto nitong magkabalikan sila at buoin muli ang meron sila noon. Sa totoo lang ay ayaw niya. Pero kasi... may bata nang involve dito. Kapag pumayag siya sa gusto ni Theo, sigurado siyang safe ang bata at pati si Loreign. Sa lawak ng koneksyon at kapangyarihan ni Theo, alam ni Amanda na walang magiging imposible para rito.Hindi naman maiwasan ni Theo ang mas mapatitig nang matagal kay Amanda. Napabuntong hininga siya nang mapagtantong mukhang ayaw nito sa gusto niya. "Kung ayaw mo naman ay wala namang problema sa akin. Pwede namang... palayuin mo si Loreign dito. Pwede siyang magpunta sa ibang lugar kagaya ng isla na hindi siya makikilala. Hindi pwedeng magstay pa siya dito," nasabi na lang ni Theo.Hindi pa rin umimik si Amanda. Narealize na lang ni Theo na baka gulong gulo pa ito. Kalaunan ay nang mapansin na tila ba nahimasmasan na ito bumaba si Theo sa kotse at pin
NASA TRABAHO na si Theo. Busy siya sa pag asikaso ng mga ilang dokumento nang napatigil bigla dahil may pumasok sa isipan niya. Napatingin siya kay Secretary Belle."May suggestion ka bang restaurant kung saan magandang makipagdate?" tanong ni Theo at ibinaba ang fountain pain matapos niyang pirmahan ang isang dokumento.Bahagyang napaisip si Secretary Belle. "Depende po kasi, Sir, eh...""Anong ibig mong sabihin?""Depends po kung sino ang idedate niyo. Kung si Ma'am Amanda, maganda kung magdate kayo sa isang sikat at mamahaling Italian restaurant. Kung si Ma'am Carmella naman po, ang maisusuggest ko diyan ay dapat sa medyo tagong lugar po kayo," walang prenong sagot ni Secretary Belle. Huli na nang narealized niya ang sinabi kaya bahagya siyang napayuko nang nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Theo."Walang namamagitan sa amin ni Carmella," kalmado niyang wika pero halata naman na nawalan siya ng mood dahil sa litanya ni Secretary Belle. Napatayo na tuloy siya at mabilis
ALAM NAMAN ni Carmella na sa una palang talaga ay ginagamit na siya ni Theo. Na baka kasi pwede nga talaga sila...Ayaw maniwala ni Carmella na laro lang lahat kay Theo. At ang nakakatawang parte nito ay bumigay siya. Aware siya na si Theo mismo ang nagpakalat ng nga litrato na magkasama sila para maapektuhan si Amanda. Aware siya na parte lang siya ng plano nito.Pero ang tanga niya sa parteng talagang pinagbigyan niya ito...Hiyang hiya tuloy si Carmella habang lumuluha sa lalaking nasa harapan niya ngayon."Napaka gago mo!" hindi na mapigilan na sigaw ni Carmella bago tuluyang umalis.Nang wala na si Carmella ay bumalik na si Theo sa taas. Pero nasa baba na pala si Amanda at nasa hapag na para sa breakfast. Mabilis namang bumaba si Theo at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Amanda.Ang ganda nito sa dress nito kahit wala man lang bakas ng make up sa mukha. Ang simpleng tingnan pero tumitingkad ang kagandahan. Mas lalo lang itong gumanda paningin ni Theo dahil nakita niya
NAPATALON SI Amanda sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad agad niyang ibinalik ang mga dokumento sa loob ng cabinet. Lumapit si Theo sa kaniya at yumakap sa likuran niya. Humalik pa ito sa kaniyang leeg pataas sa pisngi at gilid ng labi. "Anong tinitingnan mo kanina, hmm?" tanong ni Theo.Umiling si Amanda. "W-Wala naman. Magpahinga na tayo."Tumango lang si Theo pero hindi naman ito halos gumalaw at nanatiling nakayakap mula sa likuran ni Amanda. Pero kalaunan, marahang hinila ni Theo si Amanda papuntang kama. Naupo si Theo habang nakaupo si Amanda sa hita nito.Napahaplos si Theo sa tiyan ni Amanda na may bump na rin. "Lumalaki na ang tiyan mo..." anito sa halos pabulong na boses."Syempre naman. Lumalaki na rin ang baby," sagot din naman ni Amanda.Marahang hinila ni Theo muli si Amanda hanggang sa nakahiga na silang dalawa sa malambot na kama. Mabilis na binalot ni Theo si Amanda ng comforter para hindi ito malamigan. Nagkatingin sila sa mga mata."May naisip
NAGPUNTA SI Amanda sa parents niya muna. Nadatnan niya doon si Sylvia na aligaga dahil sa pinamiling mge fresh fruits at pati na rin mga gulay. Nagpresinta naman si Amanda na siya na ang maghugas ng mga iyon na agad rin namang sinaway ni Sylvia."Umupo ka nga ditong buntis ka! Hindi mo naman kailangang gawin iyan!" suway ni Sylvia kay Amanda.Napangiti na lang si Amanda. "Ano ka ba, Ma? 'Wag ka ngang OA diyan. Tatlong buwan pa lang itong baby ko. Kaya ko pang gumalaw galaw, 'no," sagot pa niya.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Kalaunan ay sumuko na rin siya kakasaway kay Amanda dahil hindi naman siya nito pinakikinggan. Nagbukas na lang siya ng pwede nilang mapag usapan."So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sylvia.Kumunot ang noo ni Amanda. "Plano saan?""Nalaman kong nagbabalak kang magbukas din ng bagong business sa ibang lugar. Narinig Kong nag usap ni Loreign tungkol diyan," pag amin ni Sylvia.Natigilan si Amanda. Oo nga pala. Napagkwentuhan nila ni Loreign ang tung
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito! Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda."P-Pero--""Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo. Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito. Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya. Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.