Sobrang sakit ng ulo ko kahapon. Yong TFW lang ang na-update ko, hindi na kinaya ng author niyo
[Yuri]Pagkapasok palang nila sa bar ay natuon na ang atensyon sa kanila nang lahat, especially kay Vera na talaga takaw pansin sa mga kalalakihan. Hindi parin talaga nagbabago ang karisma at ganda ng kaibigan niya. Nagsimulang pumalibot sa kanila ang mga kalalakihan. Napangiwi siya nang makitang walang pag aalinlangan na tinungga ni Vera ang bote nang alak na inabot nang isang lalaki sa kanya. Si Nikka naman ay agad na nawala sa paningin niya. Mukhang nakahanap agad ito ng boylet.Napailing nalang siya. May pa-mission-mission pang nalalaman si Vera pero mukhang nawala na sa isip iyon ng kaibigan niya dahil sa alak na nakapalibot rito. Sabagay, wala nang nakapagtataka ro’n. Lasenggera naman talaga ito kahit noon pa, saka mas mabuti na ‘yon kaysa totohanin nito ang sinabi sa kanya kanina.Nakasuot lang siya nang black spaghetti strap cocktail dress na lagpas nang kalahati ng hita. Ang mahaba niyang buhok ay nakatali paitaas. Hindi na siya nagpalagay ng make up sa mukha, tanging lipstic
[Yuri]Kanina pa niya hinihintay na dumating si Jessie pero hanggang ngayon ay hindi parin ito umuuwi. Saan naman kaya ito nagpalipas nang gabi nang manggaling sa bar kagabi? Hindi siya pwedeng magkamali, ito ang nakita niya sa bar kagabi. Habang hinihintay ito ay nagtimpla muna siya nang kape. Dahil sa kaiisip sa lalaking nakita niya ay hindi agad siya dinalaw ng antok pagkauwi nila. Hinatid siya ng dalawang kaibigan kagabi. Halatang gusto pang mag enjoy ni Nikka pero bigla itong nataranta nang dumating ang grupo ni Red, kung saan kasama si Miguel. Kaya walang nagawa si Vera kundi ang ihatid sila.Tinaasan niya nang kilay si Jessie nang dumating ito. “Akala ko ba busy ka kagabi kaya hindi ka nakasama?” Inabutan niya ito ng kape. “Saka sana nagtext ka sa akin kung nasaan ka para naman hindi na ako nag alala sayo kung nasaan ka.” Nag iwas ito nang tingin sa kanya. “N-Nagkaroon lang ako ng biglaang lakad. Saka na-drained ang battery ng phone ko kaya hindi na ako nakapagmessage.” Nakit
[Yuri]Pilit na ngumiti siya dahil nakatingin ang karamihan sa kanila, maging si Howard ay nakatingin sa gawi nila ni Red. Yawa! Daig pa nila ang isang couple sa suot nilang dalawa. Ano ito nagkataon lang? Nang mapatingin siya sa gawi ni Liam ay nakita niyang tatawa-tawa ang siraulò. Mukhang hindi ito nagkataon!“Hi, Yuri. I’m Redentor!” Nilahad pa ni Red ang kamay. “Tutal pareho tayo ng suot, ikaw nalang rin ang walang partner dito…. Tayo nalang dalawa.”Pinigilan niya na huwag sipain ito sa binti. Akala mo talaga ay hindi sila magkakilalang dalawa! Kalma, Yuri! Isipin mo ang five million!’ Isip-isip niya. ‘Saka kapag sinipa mo ang baliw na ‘yan ay siguradong mag iisip ang lahat dito na kilala mo ang lalaking ‘yan!’ Dagdag pa nang utak niya. Dapat din niyang isipin ang premyo. Aba, hindi birong halaga ang five million pesos!“Teka, bakit parang pamilyar ang lalaking ‘yan?” Puna ni Cynthia na kumikinang ang mata.Seriously? Ibig sabihin ay siya lang ang nakapansin na si Red ang baliw
[Yuri]“Riri, nasa labas na si Howard.” Paalala ni Jessie.Pilit na ngumiti siya rito. “Sige, palabas na rin ako.” Kinuha niya ang sling bag bago tumayo. Ngayon nalang sila muli magkakaharap simula nang iwan niya ito nang araw ng Wellness event. Nagmessage nalang siya na nagkaro’n ng emergency kaya kinailangan niyang umalis.Nang makita niya ito ay agad na nagpaskil siya ng kiming ngiti sa labi. Nahihiya siya sa totoo lang dahil sa ginawa niyang pag iwan dito. Pero wala naman siyang pagpipilian. Mas mabuti nang umalis siya ng sandaling ‘yon kaysa ang sumabog pa ang dibdib niya sa sobrang bigat nang nararamdaman niya. Naguguluhan siya sa mga sinabi ni Red sa kanya. Hanggang ngayon ay paulit-ulit naririnig niya ang sinasabi nitong ‘mahal siya.Gusto man niyang bigyan ng pag asa si Howard, gusto man niya na mahalin ito ay hindi niya kaya. Hindi niya magawa. Hindi na rin kaya nang konsensya niya na gamitin pa ito para ibaling rito ang atensyon niya. Mabuti pang ngayon palang ay itigil na n
[Yuri]Nilamukos niya ang dedication card nang mabasa na hindi pala kay Howard galing ang halos lahat ng bulaklak na dumarating sa bahay niya.Kay Red pala galing ang lahat ng ito!Inis na sinipa niya ang mga bulaklak. “Arghhh! Kailan mo ba ako titigilan, Red!!!” Akmang papasok na siya sa bahay nang may dumating na mga delivery man.“Ma’am, flower delivery para kay Miss Yuri—““Utang na loob tigilan niyo na ako!” Hinihingal na hiyaw niya na ikinapitlag ng mga lalaki— Hindi lang kasi isang lalaki ang may dala nang sandamakmak na mga bulaklak kundi lima!“Miss Yuri, pasensya na ho. Hindi namin ito pwedenh ibalik dahil kapag binalik namin ito ay tiyak na mawawalan kami ng trabaho. Paki-accept nalang ho, pakiusap!” Halos mangiyak-ngiyak na pakiusap ng mga lalaki.Bumuga siya nang hangin. Mukhang walang epekto ang pag iwas niya kay Red. Hindi naman pwede na lumayo siya, o lumipat ng bahay. Nakakapagod na ang lumayo at tumakas. Muli siyang nagpakawala ng hangin para kumalma. “Sige pakilagay
[Yuri]Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin kay Red na nakahiga sa ibabaw ng kama niya. Nakaalis na si Howard subalit narito parin ito sa pamamahay niya. Kung makadrama ito akala mo talaga ay napakataas ng pinagbagsakan nito. Aba, ayaw na umuwi dahil sobrang sakit daw ng katawan.Nilahad niya ang palad. “Pahiram ng cellphone mo.” Mabuti pa ay tawagan niya ang isa sa mga kaibigan nito para masundo ang lalaking ito. Mukhang nagda-drama lang ito para hindi makauwi. Kung inaakala nito na maloloko siya nito.Pwes, nagkakamali ito!“Bingi ka ba? I said give me your phone!” Napipikang pakli niya.Umungot ito. “Ughh! My back hurts! Bakit ba ayaw mong maniwala?” Todo ngiwing tanong nito at tinalikuran siya.At nagawa pa talaga nitong magtanong?! Bumuga siya nang hangin para pakalmahin ang sarili. “Sa tingin mo maloloko mo ako na sobrang sama ng bagsak mo? Hindi ako bata para maniwala sayo! Hoy, Red Gabrielle! Hindi mo ako madadala sa paawa effect mo!” Namewang siya sa harapan nito,
[Yuri]“Howard, pasensya ka na! May peste kasi akong gustong sipain pero nakatakas! Sorry talaga!” Bwisit na Red ‘to! Kasalanan niya itong lahat! Balak pa nitong ipamukha kay Howard na hindi ito umuwi at nanatili lang dito sa bahay!Pingilan niya na huwag singhalan si Red nang makita na tatawa-tawa ang loko. Dahil magkatabi lang ang dalawa ay hindi niya maiwasan na maipagkumpara ang pangangatawan ng nga ito. Mas malaki ang katawan ni Red. Maskulado at matipuno. Samantalang si Howard ay katamtaman lang ang laki ng katawan. Ganito ang tipo niya ng lalaki noon. Hindi masyadong malaki ang katawan at hindi rin naman gano’n katangkad— Pero noon iyon. Ngayon kasi ang tipo niya ay iyong kaya siyang buhatin ng walang kahirap-hirap. Iyong tipo na kaya siyang ibalibag sa kama—Natigilan siya. Yawa! Ano ba ‘tong iniisip niya?! Namumula ang mukha na iniwas niya ang tingin. Pilit na inaalis niya sa isip ang eksenang naglalaro sa utak niya.Yawa! Nag iinit siya kay aga-aga!“Yuri.” Napatingin siya
[Yuri]“Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?” Pigil ang boses niyang huwag lumakas baka marinig siya ng mga kaibigan niya.“I forgot my phone.” Palusot ni Red.“Bukas mo na balikan.” Akmang isasara na niya ang pinto ng pigilin ito ng kamay ng binata. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko bukas mo nalang balikan—““Ikaw?!” Huli na— Nakita na ni Vera si Red. At katulad nga ng inaasahan niya ay halos maningkit ang mata nito nang makita ang binata.Napasinghap siya sabay tuptop ng bibig nang makitang isinaboy nito ang juice na laman ng basong dala sa mukha ni Red.Pareho silang napaatras nila Vera nang makita kung paano dumilim ang mukha ng binata. Maingay silang napalunok. Ang galit na galit na si Vera at Nikka ay biglang parang naging maamong tupa. Teka, saan na napunta ang tapang ng dalawa kanina?Kahit natatakot ay namewang pa rin si Vera. “A-Ang kapal ng mukha mong bumalik sa buhay ng kaibigan namin pagkatapos mo siyang lokohin!” “T-Tama siya!” Iyon lang ang nasabi ni Ni
“You may kiss the bride!” Lahat ay pumalakpak matapos halikan ni Alaric ang asawa nitong si Pamela. Maliban kay Red na wala ang atensyon sa kinakasal, dahil ang mata nang binata ay nakatuon sa babaeng nakaagaw nang kanyang atensyon. Agad pansin ang morenang balat nang dalaga. Matangos ang maliit na ilong, bilugan ang mata na bumagay sa maliit nitong mukha. Walang pilat ang makinis nitong balat. Bawat galaw nang mapula at makipot nitong labi ay siya namang alon nang kanyang lalamunan. Is she good when it comes to kissing? Pinilig ni Red ang ulo. Bigla ang paggagalawan nang kanyang panga. Maisip pa lang nang binata na mayro’n nang nakauna sa kanya na maangkin ang labi nito ay tila nag iinit ang dugo niya. Sa reception. Napahawak ang binatang doktor sa labi nang makita kung paano kumibot ang mapulang labi nang dalaga habang kausap ang asawa nang groom. Namumula ang mata nang dalaga sa sobrang tuwa para kaibigan nito. “Masaya ako para sa’yo, Pamela.” Bati nang dalaga sa kaibigan.
[Yuri]Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang magising siya. Agad na nilibot niya nang tingin ang paligid. Mukhang nasa hospital siya.Tumingin siya sa mainit na bagay na pumisil sa kamay niya. Si Red, nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya. “R-Red…” Agad na nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa kanyang dibdib.Sana panaginip lang ang lahat— Pero alam niyang totoo ang lahat nang nangyari. Wala na ang kaibigan niya, wala na si Nikka.“A-ang sakit, Red!” Sa tuwing maaalala niya ang pagbaril nito sa ulo ay nahihirapan siyang huminga sa sakit. Parang dinudurog ang dibdib niya.Akala niya handa na siyang mawala ito, o kalimutan ito bilang kaibigan niya, pero hindi pa rin pala. Sa kabila nang ginawa nito ay mayro’n pa rin itong puwang sa puso niya. Mahirap burahin ang pagkakaibigan nila dahil sa tagal nang pinagsamahan nilang dalawa.Hinayaan siya ni Red na umiyak sa bisig nito. Alam nito kung gaano siya nasasaktan ngay
[Yuri]Dumating si Red!Walang pagsidlan ang kaligayan sa puso niya dahil dumating ito para iligtas siya. Kahit delikado, dumating pa rin ito.Lumamlam ang mata ni Red nang magkasalubong sila ng tingin. Pero ang lamlam sa mga mata nito ay agaran na nawala nang makita ng binata ang dugo na umaagos sa leeg niya.Marahas na napalunok sina Virvin at Nikka nang makita kung paano dumilim ng sobra ang ekspresyon ni Red. Maging siya ay napalunok. Sumigid sa kanilang kalamnam ang nakakatakot na awra nito. Nakakatakot!Wala pa itong ginagawa subalit dama na nila ang bagsik nito.Ang tapang sa mukha ng dalawa kanina lang ay nawala. Ang kamay ni Virvin ay mas lalong nanginig dahilan para mas lalong dumiin ang patalim nito sa kanyang leeg.Dumating si Miguel, malaki ang ngisi nito. Samantalang si Tres at Jack ay hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ng masikip na bestida ang dalawa, sa sobrang sikip ay punit na ang harapang bahagi ng bestida, nakasuot din ang dalawa ng wig na pula.Napapitlag sina Vi
[Yuri]“Mamaya kayo sa amin, beybi gerls!” Pinigilan niya ang masuka ng mag-flying kiss pa ang dalawang lalaki sa kanina ni Jessie bago umalis.Kumuyom ang kamay niya ng marinig ang matinis na halakhak ni Nikka, animo’y tuwang-tuwa itong makita na tila asong ulvl ang mga kasama nito at nakahanda silang lantakan mamaya pagbalik ng dalawa.Nang pumuwesto sina Virvin at Nikka sa upuang nakaharap sa gawi nila ni Jessie ay pumikit siya agad at nagkuwanri na tulog. “Ohh, V-Virvin, ohhh lick me more!” Malakas na unġol ni Nikka.Mga walanghiya! Nagawa pang mag-sex kahit na narito sila ni Jessie. Hindi niya akalain na ganito ka-cheap si Nikka.‘Mamatay sana kayo sa sarap!’ “Babe, ano ang ginagawa mo?” Natigil si Nikka sa paghithit ng sigarilyo at kunot ang noo na bumaling kay Virvin. Katatapos lang magtalik ng dalawa. Ngumisi si Virvin matapos ilagay sa bag na dala nito ang laman na pera at alahas ng mga bag nila Tonyo at Manuel, ang parte ng dalawa.“Aalis na tayo habang wala sila! Hindi n
[Yuri] Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Jessie. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may malay na ito. Mabuti na lang din at kinalagan siya nina Virvin kanina bago sila sumakay rito. Mas mapapdali nga naman kung nakakalakad siya ng maayos kesa ang magkatumba-tumba siya dahil sa pagkakatali sa kanyang kamay at paa. “J-Jessie,” Niyakap niya ito. Para itong lantang gulay ngayon. Halata na nanghihina ito dahil sa mga sugat na natamo. Kapag tumagal pa sila at hindi nakatakas ay baka maubusan na ito ng dugo. Agad na pinilig niya ang ulo ng sumagi sa isip niya ang pwedeng mangyari rito. Kung mag iisip siya ng gano’n ay lalo lang siyang paghihinaan ng loob. Naalala niya ang kuya niya. Kamusta kaya ito? Paano kung hindi ito masaklolohan at madala agad sa hospital? “Y-Yuri, I-I’m sorry. H-hindi ko pala kaya naging pabigat pa ako sa inyo ni Red. I-imbis na makatulong ay n-naging pasanin lang ako.” Nanghihina at lumuluha na usal ni Jessie. Kada bitaw nito ng salita ay napapang
[Yuri]Naalala niya ang malabong panaginip na madalas na dumalaw sa kanya noon. Hindi pala isang panaginip ang eksenang iyon… kundi totoo!“N-napakasama niyo, Virvin! Napakasama niyong magkapatid!” Hindi lang ang magulang niya ang pinatay ng mga ito. Maging ang kuya Dino niya, ang magulang at ang kapatid ni Red!Hindi lang ang pamilya niya ang biktima, maging ang pamilya ni Red.Lalo na si Red!Lahat ng sisi ay ibinuhos niya sa binata, pati ang kuya niya ay si Red din ang sinisi sa pagkamatay ng kakambal nito, pero wala pala itong kasalanan!“K-kuya!” Napahiyaw siya ng biglang barilin pa ito ni Virvin sa dibdib. “K-kuya! Walanghiya ka! N-napakasama mo talaga!” Sinugod niya ito, pero dahil nakatali ang paa at kamay niya ay wala siyang nagawa. Natumba pa siya kaya tumama ang mukha niya sa malamig na sahig. Sakto na bumagsak siya paharap sa kinaroroonan ng kapatid. Binalot ng pag aalala ang dibdib niya ng makita kung paano umagos ang masaganang dugo sa katawan ng kapatid niya. “K-k-kuy
[Yuri]“Nasa iyo na ang kailangan mo, ngayon pakawalan mo na si Yuri! May usapan tayo, Virvin!” Akmang lalapit ang kuya niya sa kanya ng barilin ito ni Virvin sa binto. “Arhhh!” Napaunġol si Dolan sa sakit.“Kuya!”“Oopsss!” Tinutok nito sa kanya ang baril. “Huwag kang kikilos kung ayaw mong mabaril sa ulo, Yuri.” Nakangising wika ni Virvin. “Magpasalamat ka dahil kailangan kita para makalabas sa lugar na ‘to. Kaya hindi ko muna kayo papatayin. Ngayon, sumama ka sa akin, sundin mo ang bilin ko kung ayaw mong tuluyan ko itong kapatid mo!” “K-kuya…” Nag aalala siya. Gusto niya itong lapitan pero natatakot siya na baka masaktan ito lalo.“W-wala ka talagang kwentang kausap, Virvin! Parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Basilyo! Napakasama at mapansamantala kayong tao!” Puno ng poot na tumingin rito si Dolan. “Kayo ang pumatay ang magulang namin! Hindi ko kayo mapapatawad!” Tinawanan lang ni Virvin ang sinabi nito. May mapang uyam na ngumisi pa ito na tumingin sa kapatid niya. “Sa ting
[Yuri]Hindi siya makahinga sa diin ng pagkakasakal ni Virvin ng braso nito sa kanyang leeg. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito sa likuran niya.“Tangina! Masyadong pakialamero ang boyfriend mo! Papatayin ko siya kapag nakatakas ako rito! Papatayin ko siya!” Galit na galit na banta nito.Nang masiguro ng lalaki na walang nakasunod sa kanila ay patulak siya nitony binitawan papasok sa isang silid. Napaluha siya sa sakit ng alisin nito ang nakabusal na tape sa bibig niya.“Subukan mong simigaw pasasabugin ko ang ulo mo!” Nanlalaki ang banta nito sa kanya. “Ganito, Yuri. Kung gusto mo na pareho tayong mabuhay ay sundin mo ang gusto ko. Gusto kong sabihin mo kay Red na huwag magpapaputok.. sabihin mo na mahal mo ako at ayaw mo akong masaktan, sabihin mo na kapag sinaktan niya ako ay magagalit ka kamo! Naiintindihan mo ba ako?!” Nakangising wika pa nito. Akala yata ay susunod siya sa sinabi nito.Nawala ang ngisi sa labi ni Virvin ng tingnan niya ito ng masama. Naging bulag siya s
[Yuri]Nahintatakutan si Nikka na nagsalita. “B-babe, sa likuran na lang tayo dumaan. Sigurado na hindi pa sila nakakarating doon. Mas ligtas kung do’n tayo dadaan—“ Natigil ito sa pagsasalita ng makarinig sila ng malakas na sigaw.“Walang hiya ka!!! Papatayin kita!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jessie sa paligid. Narito si Jessie! Hindi niya mapigilan ang maluha. Narito rin ba si Jessie para iligtas siya? Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib niya sa naisip. Sa kabila ng ginawa niya ay nagawa pa rin nitong sumuong sa panganib. Sa kabila ng pagdududa niya at pananakit sa damdamin nito ay dumating pa rin ito.“Ahhh! Bitiwan mo akong babae ka!” Tili ni Nikka ng mahila ni Jessie ang buhok nito. “B-babe, tulungan mo ako!!!” Hingi nito ng tulong kay Virvin. Subalit hindi ito pinakinggan ng binata, umatras ito ng dahan-dahan nang hindi inaalis ang baril na nakatutok sa sintido niya. Takot na takot ito na malingat at mamatay sa isang kisapmata lang.“V-Virvin, wag mo akong iwan, ahhh