Paabang ang second update, after an hour or two, para sa POV ni Chloe. Thank you for reading. Labyu, guys...
February 14, 2022 CHLOE I am staring at myself in the mirror while the makeup artist is making me pretty. Ang mag-aayos ng buhok ko ay hinihintay matapos ang pagmi-makeup sa akin para siya naman ang lalapit at gawin ang work niya. "You're so beautiful, Miss Chloe. Lalo na siguro mamaya kapag nasuot mo na ang gown mo," the makeup artist said. "Thank you." I smiled. Nauna na ang pedicure at manicure na ginawa sa akin kanina. Even the colors of my nails now accentuated the gown and the motif of the wedding, which is gold. I glanced at my exquisite and expensive wedding gown ko. The golden threads used are made from real gold. Ang kulay ng gown ay cream and gold. Para naman akong royalty sa kasal na ito. But as Trace said, I am his queen, so he truly made me feel like it. Calli called Trace at nakita ko na nasa kotse siya at nasa simbahan na rin. He is so handsome kahit sa video call ko lang siya nakikita. I am sure that many women will envy me later kapag pumasok na si Trace sa s
TRACEHalos lahat na lang yata ng tao na narito, na kakilala ko, ay lumapit na para bumati sa akin. And this is the first time in my life, after mama died, na ngumingiti ako ng matagal. Na kahit nakikita ko si papa at Louisianna ay hindi ako naiinis sa kanila. Mas nasa isip ko kasi si Chloe... na mamaya ay talagang Dimagiba na ang apelyidong dadalhin niya. Na magiging legal ko na siyang reyna. Na magsisimula na ang pagsasama namin na kahit kamatayan ay hindi kami mapaghihiwalay. Nang makita ko ang mga sakristan na papasok sa simbahan ay saka ako napatingin sa oras. Fifteen minutes na lang at oras na ng kasal namin ni Chloe. Siguro paparating na rin sila. Muli akong ngumiti at nang makita ko na papasok ang mag-amang Esposito sa loob ng simbahan at may mga kasama pang mga tauhan ay pormal na ngiti at pagtango na lang ang ginawa ko sa kanila. I sized their men, lima lahat ang kasama nila sa loob na alalay nilang mag-ama. Ilang saglit pa ay dumating na ang dalawang sikat na singers, n
CHLOETinitigan ko ang sarili ko sa salamin. I really look exquisite. A wedding gown that made me look so regal. So lovely… So classic… And the flowery words Trace said to me kanina… well, he sweetly said that the gown looks good because I am the one wearing it. And I was flattered. Definitely. I sighed. I glanced at Calli. Nakatitig siya sa akin, and I know what she was thinking. I smiled at her. “Calli, can you… can you please excuse me?" nahihiyang sabi ko. "I mean…” I paused to make sure I won’t cry."I mean… Is it okay if you’ll leave me here alone first?” Calli smiled knowingly and then nodded. “Of course, Chloe. I will check them downstairs, too."Nang iwan na ako ni Calli, I gazed at my reflection in the mirror again. Asking myself with the questions in my head… Can I really do that? Can I? I touched my tummy, feeling another life inside me. Another life that is now only relying on me. Without me… he or she won't survive. Napahikbi na naman ako. Kaya ko bang damayin a
CHLOE "Iutos na lang natin para mabilis." Logan suggested. “No... It’s personal, Logan,” Calli said. Logan glanced at Calli then me. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa amin hanggang sabihin ni Calli na umakyat na lang kami at huwag intindihin ang asawa niya. Nasa taas na kami ulit and I am trembling. I hope na wala na sina mommy at daddy sa El Tierra. They know na may plano akong tumakas, I told them last night and asked them to follow the plan. “Kailangan na natin kumilos agad," Calli said pagpasok namin sa kuwarto. "Alam kong naiinis na si Logan at madali mainis iyon lalo na kapag hindi mapagbigyan sa sinabi niya.” Calli took out under the bed the blankets she and I prepared to escape through the veranda. Nakaraan pa namin naihanda ang mga iyon. I was about to remove my wedding gown, for I could not bring that with me, when Calli said I needed to be fast. Lumapit ako sa veranda, and because I have altophobia, I felt nauseous again. Nahihilo ako na napasandal sa pader. Nahih
TRACE I am loading my guns for the fifth time. I am loading it after I unload it. Tahimik akong naglalagay ng mga bala sa bawat mags ng dalawang Glock ko. Tahimik lang ako habang nakatingin ang lima sa akin. I continue what I am doing. And fucking hell... Wala na akong pakialam ngayon kahit anong marinig ko. Isa lang ang sigurado ko, tinraydor ako ni Logan! Si Logan na mula nang matuto siyang maglakad ay ako na ang kasama niya. Si Logan na lahat ginawa ko para protektahan siya! Si Logan na paborito ko sa lahat! Oo, si Logan! Si Logan, Si Logan!!! Putangina!!! Malakas kong pinukpok ang mesa at sinabayan ng tayo. "Hah!" galit kong buga ng hangin. Inilapag ko ang baril na hawak ko sa mesa at lumakad-lakad. I hate this fucking feeling!!! I breathed in and out heavily. Masama ang loob ko. Galit na galit ako. At putangina talaga... kahit kailan... kahit kailan ay hindi ko inakala na si Logan pa ang gagawa sa akin ng ganitong kalokohan. Muli akong naupo nang pakiramdam ko ay okay na
CHLOE “Chloe, here’s your passport and your cards. Nandito lahat sa bag na ito and even your phone," Calli showed me the insides of the sling bag she bought for me. Nakaupo kami sa waiting area ng airport. "Thank you," I said in my throaty voice. Hindi na okay ang boses ko sa kakaiyak. "I removed the SIM card already. Kagaya ng sabi mo ay nandito rin sa bag ang SIM kasi ayaw mo itapon," Calli concerned look pierced me. Alam ko na namamaga na ang mga mata ko at namumula na ang ilong pero hindi ko mapigilan na umiyak pa rin. "Think of your baby, Chloe." I just nodded and smiled sadly. I wiped my eyes. Fifteen minutes to go before the boarding time. Malapit na ang flight ko pabalik sa US. In this situation, I am now between wanting to go to California and follow my parents or taking the risk of making myself be acknowledged as Governor Patricio Dimagiba’s daughter. I sniffled. I choose the first one. Iyon ang pinakamagandang desisyon. Ang sakit isipin... ang sakit isipin na
TRACE Tinatamad kong ibinaba ang mga paa ko na nakataas sa mesa as I saw Logan walking to get inside of our most private conference room in Fortis, here in Agrianthropos. Only founders are allowed here and seeing Logan with Calli made me squinted my eyes. Agad nagbangga ang mga tingin namin ni Logan. I can see worriedness in his eyes, but who cares? Who the fucking care?! Calli stepped forward, but Logan pulled her. Logan is stopping his wife from getting near me. And what Calli wants? To beg for her fucker husband’s life? Nagpapatawa ba ang dalawang ito? Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Calli’s pleading gaze made me think of asking the rest of my co-founders to take her away from here. She’s a distraction. But no… no… I can’t be distracted. I can't. And I don’t need to mind Calli. Si Logan lang ang dapat bigyan ko ng atensyon. He can’t use Calli this time. Kung malakas ang loob niyang dalhin si Calli rito ay isa lang ibig sabihin… handa siyang makita ng asawa niya kung
TRACE Magkapatid? Did I hear it right? Did I fucking hear it right? Natigilan ako at binitiwan ang kuwelyo ni Logan na hawak ko. Nanlalaki ang mga mata at magkasalubong ang kilay na nakatitig ako sa pinsan kong duguan ang labi at ilong. May tumutulong dugo rin mula sa kilay niya. Umiling siya. Gesturing na huwag kong intindihin ang sinabi ng asawa niya... o baka pinapaalam niyang wala siyang alam sa sinabi ni Calli. Fucking reason! Napatuwid ako ng tayo. Hindi ko na pinansin si Logan at iniwan na. Nalipat na kay Calli ang atensyon ko. Napatingin ako sa ibang mga kasama ko. Pare-pareho ang pagtataka at pagkalito na nakikita ko sa kanila. All of their eyes are with Calli now. And yes. Even Logan… nakita ko rin ang pagkagulat at pagkalito sa mga mata niya sa narinig. But… but… What the fuck did Calli say again? Na magka—puta! Magkapatid kami ni Chloe? Tanginang kalokohan!!! I sniggered. Nakakagago na! Wala na bang ibang alam ang mag-asawang ito kung hindi gaguhin ako ng
TRACE We locate Raiden through Logan. Si Logan ang tumawag kay Dev para hanapin si Gavi. Dev tracked the GPS of his sister kaya narito kami ngayon sa isang hotel, na katapat lang ng hotel namin dito sa Baguio. Lumapit sa amin ang manager ng hotel, inabot ang isang key card saka kami iniwan sa harap ng kuwarto. I used it to open the door. We entered the room at napasinghap si Chloe sa nakita. “Wake up!” gising ko kay Raid. Tulog na tulog. Sa lahat ng anak namin ni Chloe ay itong si Raid ang bihira namin masermunan. Hindi dahil sa wala siyang nagawang mali, pero hindi namin kayang pagsabihan siya ng sobra dahil sa takot namin na baka mawala na naman siya. He used to hide when he was younger, paano pa ngayon? Patuloy kong tinapik ang mukha ni Raid. Napabuga ako ng hangin nang magising na siya. Bahagyang lumaki ang mga mata ni Raid sa gulat nang nakita ang mommy niya na nasa kabilang gilid ng kama at ginigising si Gavi. “Put your clothes on!” utos ko kay Raid. Dinampot ko ang m
CHLOE Busy ang lahat. Today is Gunner’s wedding. He is twenty-seven and will marry Reign Pellegrini, ang anak ni Rex kay Julianna. I sighed as time flew so fast for all of us. Ikakasal na si Gunner and who knows kung sino ang susunod sa mga kapatid niya. Cadence is still engrossed with his art. Narinig ko kay Saint na girlfriend ni Cade ang muse niya. Sa mga nakikita kong paintings niya lately ay kadalasan ang babae na nga ang main objective ng mga gawa niya. And she’s pretty. Killian is living his life to its full simplicity. Masaya si Kill sa simpleng buhay na pinili sa isla kasama ang mga malalaking pusa. He has no girlfriend lately. The last girl he was into was the time he went to trouble kaya siya isinama sa Fielvia ni Alguien para magbakasyon muna doon. Darth is the most famous among my children now being the rockstar he is. Kung hindi lang sina Anghel at Axel ang kasama niya lagi sa mga tours niya ay baka hindi ako pumayag sa buhay na pinasok niya. Yes, kasama niya ang dala
TRACE “What is he doing?” kunot-noong tanong ko. Mas para sa sarili ko iyon kaysa sa dalawang pinsan ko na nanonood lang din sa ginagawa ni Prime thru monitor. I just got here like ten minutes ago. Hindi lang ako pumasok pa sa loob ng bahay dahil mas gusto kong makita muna ang ginagawa ni Prime. At gusto kong makita rin muna kung ano ang itsura ng anak kong matagal na nawala sa amin. “Kanina pa ‘yan gan’yan…” Atlas said. “Paikot-ikot. Obvious na alam niyang may mga CCTV cam pero hindi naman sinisira.” “He is obviously showing us that he knows we are watching yet he doesn't give a damn at all…” ani naman ni Isidro. “Nanghahamon ‘yan.” “Send men inside…” I uttered. “Katorse na lang ang natitirang tao sa labas. Ilan ang papapasukin natin?” tanong ni Atlas sa akin. “Papasukin lahat. Kinaya niya ang walo sabi niyo. Let him face fourteen this time.” “Akala ko ba gusto mong makumpleto na ang mga anak mo?” natawang tanong ni Atlas. “Bakit parang gusto mong mapahamak iyang isa?” “B
TRACE Bumiyahe ako agad pagkatapos namin mag-usap sa telepono ni Chloe. Umiiyak siya at sinasabing alam na kung nasaan si Prime. Kahit hindi pa tapos ang usapan para sa shipment namin sa Ecuador ay iniwan ko na sina Lev at Logan. Bahala na sila umayos at magpulido ng plano. Kailangan ako ni Chloe at sa sinabi niya ay nabuhayan din ako ng pag-asa na mahahanap na namin si Prime. At sana nga mahanap na namin talaga… “Trace…” Lumapit si Chloe sa akin at yumakap nang mahigpit pagpasok ko pa lang ng kuwarto namin. She was crying. Birthday ng asawa ko bukas at naghanda ako ng sorpresa para sa kaniya. Kinasabwat ko pa nga sina Cade, Gunn at Kill. Magiging masaya si Chloe sana bukas pero sa nangyayari ngayon ay alam kong walang party na dapat maganap kung hindi ko rin lang maiuuwi si Prime. Paano naman kasi kami magpa-party kung si Prime ang nasa isip naming lahat? Dahil sa mga sinabi ni France na nakakausap niya ang Kuya Raid niya ay waring nahinto na naman ang ikot ng mundo ng aming pam
CHLOEI looked at my reflection in the mirror. I smiled. I am turning forty-one after this day, and yet hindi pa rin naman halata. I still look younger than my age. Sabi nga ng Big 3 ay para lang akong nasa early thirties. Na ngayon puro binata na talaga sila ay mukha na lang nila akong ate. Time flies fast… the Big 3 have graduated college. Cade is the one following Trace's love of art, but he is more on painting than architectural art. Gunn is always with his cars and into international races often. Kill, the youngest among the three, is the one who chooses to stay with the beasts in Alma Livre. Mas gusto ni Killian kasama ang mga big cats kaysa manirahan sa syudad. Umaalis lang ng isla si Killian kapag may race si Gunner at sinumpong siyang panoorin o kaya may art exhibit si Cadence at may gusto siyang bilhin na gawa ng kapatid. The Big 3 are now twenty-three. Same age as mine when I got married to their father and they became my son. Same age when I gave birth to Prime. My Prime
TRACE“Shut up, old man! I knew it! Walang magandang gagawin ang pugad na ‘yon na kasing kulot ng utak ang buhok! Look at what he’s done to his wife!”That was Maddison. The ‘always’ nagging wife of Indigo. Mukhang hindi pa yata nasabihan sa totoong nangyari kaya ako na naman ang obvious na sinisisi sa nangyari kay Chloe, na napaanak kagabi dahil sa stress sa nangyaring pagkidnap kay Saint. “Bakit? Ano na naman ba ang kasalanan ko?” And that was Indigo Magtanggol talking to his judgmental wife. “Member ako ng Foedus, we have our brotherhood and Trace leads us. At hayaan mo na ang problema nilang mag-asawa.”“But look at Chloe! She—”“Chloe is definitely safe and sound. And stop acting that I will do the same thing towards you. I won’t let you worry…”“Don’t ever think about that, Indi! I swear, iiwanan kita!”I knocked the already opened door to let them know I heard them and stopped them from talking nonsense. “Trace!” bati sa akin ni Indigo. Nilapitan ko ito at tinanggap ang pakik
CHLOEI checked the time in my wrist watch. Ang sabi ni Trace ay parating na sila ng mga bata dahil sa resto ng Sacrebleu ni Matthias kami magdi-dinner, pero two hours na mula nang nakausap ko siya ay wala pa rin sila. Kanina pa rin ako pabalik-balik kakalakad dahil medyo sumasakit pa ang tiyan ko. This is my last month of being pregnant at two weeks na lang ay due date ko na. Excited kaming lahat sa baby girl namin ni Trace na magiging last child na rin namin. Saint just turned seven last month. Darth and Xenon are now ten. And the Big 3 are now eighteen in legal ages and all in their freshmen in college. Nasa HCU dormitory sila inilagay ni Trace para matuto raw sa buhay at masanay na walang mga yaya at bodyguards. At kung akala ni Trace ay malulungkot ang tatlo na wala na sa poder namin ay nagkamali siya. Those three were all excited after their father left them in the dormitory. Ilang beses na nga rin silang tumawag sa akin para sabihin na huwag papuntahin si Trace pa sa HCU at a
TRACE Three days later… I parked my car in front of Willow’s mansion. Sinalubong naman ako agad ng butler na si Alfredo at magalang na bumati. “Buenos días, Señor Trace.” “Buenos días… Saan sina Chloe?” hanap ko agad sa mag-iina ko. “Wala po si Señora Chloe, señor. May pinuntahan sila ni Señora Willow.” “Saan?” Ang malas naman ng punta ko yata. Huwag lang sana pumunta ng Colombia o Italy ang mga iyon. “Hindi ko po alam at walang pasabi.” Magalang na ngumiti ito at bahagyang yumukod pa. “Ang mga anak ninyo, nasa loob po sila. Nasa recreation room kasama nina Señorito Isaia at Señorito Isauro.” Mga anak ni Willow ang binanggit ni Alfredo. Ibig sabihin ay hindi nangibang-bansa sina Chloe at Willow kasi naiwan lang ang mga bata. Tumango-tango ako. “Sige,” sabi ko na lang at tinalikuran na ito para puntahan ang mga bata. Bumalik ako nang may naalala na ibilin kay Alfredo bago dumiretso na ulit sa mga bata. Pagbukas ko ng pinto ng recreation room ay napatingin silang lahat sa akin.
TRACE ‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage a—’ “Tangina!” galit kong sabi at ibinalibag na ang phone na hawak ko. Langya! Hanggang ngayon ay hindi sinasagot ni Chloe ang mga tawag ko. “Kalma lang… Hindi naman lalaban ‘yan.” Inis kong nilingon ang nagsalita. Si Ice na kararating at nasa likod si Lash na nakangisi. “Paano ako kakalma?” tanong ko. “Isang linggo na akong ayaw kausapin. Kung sino man ang putanginang may gawa ng kalokohan na pagdala sa mga bata na ‘yon kay Chloe ay tatamaan talaga sa akin!” “But they are your sons, right?” Ice yawned. Parang sinabi na rin na nauumay na siya sa topic. Sabagay at ulit-ulit na lang din nga ang sinasabi ko tungkol sa inis ko sa nangyari. Paano ba naman? Sino bang matutuwa na bibintangan ka sa bagay na hindi mo ginawa? Wala na akong problema kung anak ko ang dalawa, eksplanasyon na lang ang kailangan kung paano ko sila naging mga anak. Ang hindi ko maunawaan ay ang galit ni Chloe dahil sa pakikipag-orgy ko