Busy po ako kasi ako. Pasensya sa pinaghintay na update. Akala ko leave ko kahapon at ngayon ay makasulat ako marami pero biglang may inasikaso. Doing chapters pa as I promised. For now ay pauna ko muna ito.
TRACE "Truth is… you are not my slave, Chloe. You.Made.Me.Your.Slave. And I fucking hate that. I fucking hate what you are doing to me, and it makes me want to hate you more too. Ayaw na kitang mahalin pero putangina..." I stopped. Tintigan ko siya na nakatitig din sa akin. I saw how she slowly made a small smile. Hope in her eyes. Hope? Mayro’n pa bang gano’n sa amin? May pag-asa pa ba na magtatagal ang ganitong relasyon namin na kahit ako ay hindi sigurado sa kung ano mang mayroon kami. At tangina… ano na naman bang nakain ko at kung ano-ano ang nasabi ko? Inis akong napabuga ng hangin. Sabagay at alam naman ni Chloe na mahal ko siya. Alam niya kaya okay lang na nasabi ko ulit. Hindi na big deal ang pagmamahal na iyon. Aminado naman talaga ako. Pagmamahal na gusto kong malimutan pero mali nga ako ng plano. I am hooked and owned by her more than I have rein on her. “Ma-hal ke-tah, ma-hal mo akow…” Chloe said na parang ewan na naman sa accent niya. “Then Paige is right.” Pai
CHLOE “Do… Do we have a relationship, Trace? A real relationship?” I don’t know why I need to ask that. Alam ko naman na kung sasabihin niya na oo ay dahil sa nagse-sex kami, but for me… what we have is not counted as a relationship. Technically, yes… it is still considered a relationship, not the kind of relationship I prefer, but still… yeah, it’s a fucking relationship. “Kailangan pa ba ang opisyal na relasyon? Akin ka na at hanggang magkasama tayo ay akin ka lang. At kung darating ang panahon na ayaw ko na ay palalayain na kita,” he arrogantly said those words, as if I have no option… as if I have no right to demand for more… I nodded and tried to smile. “Then I will be free to date any other men after that, right? Like I am free to have someone who will love me and respect me, find someone who will treat me well…” I uttered those words. I need to know if there is still hope for me. Hindi naman siya nagsalita. He was like telling me that what I said won’t matter at all to him.
TRACE Inagaw ko na ang phone kay Chloe at masyado na silang maraming pinag-uusapan ni Paige. Naba-badtrip na nga akong isipin na parang kaduda-duda na ang galawan nina Jeru at Paige ay dumagdag pa ang asar ko nang marinig kong sabihin ni Chloe na ipaabot ang pasasalamat niya kina Gob at Louisianna. “What was that about?” tanong ko kay Paige na saktong may dinadaldal pa dahil akala si Chloe pa ang kausap niya. May kinukwento pa na kinikilig ang bratinella, may pa-dream come true pa na sinasabi. Dream come true… iuntog ko kaya ito sa dream niya nang magising sa katotohanan. “Kuya! I’m talking to Chloe!” “Unsa ang imong gisulti kaniadto?” “And now we move to Vizayan edition?” tawang-tawa na tanong ni Paige. “Anyways ay marami kaming napag-usapan. Which part?” “Ang mahitungod sa imong amahan ug sa iyang demonyo nga babaye,” asar kong sabi. Sinadya ko talagang mag-Bisaya para walang maintindihan si Chloe. Gamitan ko sana ng Portuguese na salita kaso baka maintindihan na ni Chloe at
CHLOE That hurts me... as my defenses were shattered. Hearing Trace says he had no intention of marrying me cuts like a knife in my heart. It was like he was telling me I was not good enough for him. All the hopes in my heart were gone as I heard him say that no one could make him marry me. So be it... Why does he need to say those words to my face proudly? Did I ask him to marry me? Hindi naman eh… Malungkot akong tumingin sa mukha ko sa salamin ng restroom na tinataguan ko pansamantala. I hope Trace won’t follow me here. I hope he won’t disturb me for a while. Kung ano ang saya ko kanina, knowing na okay na si Daddy at dahil hindi na ako nag-worry na baka kung ano ang mga pangit na sinabi ni Mommy kay Miss Louisianna, ngayon ay negative na... Lahat ng positive thought ko ay nawala dahil parang nagagalit sa akin si Trace. Why? Dahil lang sa gusto ng papa niya na i-arrange ang kasal namin? Sa akin ba siya dapat magalit? I sobbed. Pareho lang talaga sila ni mommy, they love
TRACE “And who’s the devil that told you to decide for me?!” galit kong pasigaw na tanong sa tatay ko na nakikita kong papasok pa lang ng bahay. Napatingala si papa para tingnan ako at napailing na parang nakakita ng malaking problema. “Bumaba ka nga rito, Trace…” utos niya sa akin. Nilingon ko si Chloe na nakaupo lang sa gilid ng kama sa kwarto ko. Nakatingin siya sa tambak na Doraemon sa isang side ng kwarto na nakahilera. Hindi ko alam bakit nakalabas ang lahat ng mga ‘yon dahil nakatago naman ang karamihan nakaraan at isa lang ang nasa labas. Baka nag-ayos si Yaya Cora nang mga gamit ko at nakatuwaan ang puro Doraemon na stuffed toys ilabas. Kararating lang namin dito sa Salvacion, ang plano ko na one week sa Palawan ay naging dalawang araw lang dahil pagkatapos namin makabalik sa yate pagkatapos naming magtalo ni Chloe ay naging tahimik na siya. Ang dalawang lalaki na kinatatakutan niya ay pinaimbestigahan ko na kay Keros at ang report sa akin ay walang problema sa mga
CHLOE Since yesterday, I have been thinking of those two guys that gave me a cringe feeling. Trace told me that I shouldn’t worry, but knowing he could be a target for his enemies made me think that loving him is such a dangerous game. Wala si Paige sa mansion ng mga Dimagiba nang dumating kami, wala rin ang father ni Trace at nasa capitol pa raw sabi ni Mang Damian na sumundo sa amin ni Trace sa port. Trace introduced the old man to me like he was introducing a relative. He sounded proud to the old driver and later on ay nalaman ko na father pala nina Ibarra at Simoun na nasa isla. Nasa kwarto na ako ni Trace at nakaupo lang ako sa gilid ng kama niya. My mind goes to the first day I woke up in this room. Noong magising ako na yakap ni Trace. That was the first night we slept together without my knowing but still counted because I woke up in his arms. Then my eyes went to the Doraemon stuffed toys on the right side of the room. Para silang pinagsama-sama doon at nakalinya lang.
TRACE “You don’t need to worry, Chloe. Pakakasal na lang kayo ni Trace para wala nang problem sa parents mo…” I heard my father said that. Parang gusto kong matuwa bigla sa tatay ko ngayon. Kung sakaling mapangasawa ko nga naman si Chloe ay hindi na ako mahahalata na gusto ko rin. Magmumukhang napilit si Chloe ng tatay ko kapag nagkataon. But Chloe obviously looked worrying na nakatingin lang kay papa. Ano kaya ang iniisip nito? Alam ko naman na nag-iinarte lang siya na ayaw pakasal sa akin kasi akala niya ay ayaw ko. “At kung ayaw mo na sa anak ko dahil sa kung ano mang dahilan, kaya ayaw mo pumayag pakasal sa kaniya, ay uunawain namin,” papa stated na dahilan at nabwesit ako bigla na naman sa kaniya. Okay na ang sinabi niya kanina eh… convincing na sana. Pero ang sinasabi niya ngayon ay parang… parang sinasabi na rin niya na may problema sa ugali ko. Ano bang problema ng mga ito at kanina pa ako iniinis? “If after a year na hindi mo na talaga gustong ituloy ang kasal niyo ay
CHLOE “Pakakasal siya sa akin!” That made me stunned for a while. What did Trace say? Pakakasal ako sa kaniya? Is he alright? I thought he didn’t like the idea. I closed my eyes desperately. How could I fall in love with a man like him whose ego is bigger than my aspiration that he will change? Oh, God! Love is supposed to give me hope, but with Trace, it gives me trouble. “No! I won’t marry you!” I hissingly said those words to Trace. Natigilan naman si Trace at nakikita ko ang galit niya dahil sa pagtanggi ko sa sinasabi niya. But who cares? He was the one who made me accept the fact that he had no intention to marry me, then why he needs to look like being hurt now? And why do I give a damn about what he will feel? He deserves that! “Trace, tama na…” I heard Governor Dimagiba speak those words, and he seemed to make me feel secure by pulling me to get near him, but Trace's callousness made me shriek as he pulled me back and set me in his back like I was some kind of his to
TRACE We locate Raiden through Logan. Si Logan ang tumawag kay Dev para hanapin si Gavi. Dev tracked the GPS of his sister kaya narito kami ngayon sa isang hotel, na katapat lang ng hotel namin dito sa Baguio. Lumapit sa amin ang manager ng hotel, inabot ang isang key card saka kami iniwan sa harap ng kuwarto. I used it to open the door. We entered the room at napasinghap si Chloe sa nakita. “Wake up!” gising ko kay Raid. Tulog na tulog. Sa lahat ng anak namin ni Chloe ay itong si Raid ang bihira namin masermunan. Hindi dahil sa wala siyang nagawang mali, pero hindi namin kayang pagsabihan siya ng sobra dahil sa takot namin na baka mawala na naman siya. He used to hide when he was younger, paano pa ngayon? Patuloy kong tinapik ang mukha ni Raid. Napabuga ako ng hangin nang magising na siya. Bahagyang lumaki ang mga mata ni Raid sa gulat nang nakita ang mommy niya na nasa kabilang gilid ng kama at ginigising si Gavi. “Put your clothes on!” utos ko kay Raid. Dinampot ko ang m
CHLOE Busy ang lahat. Today is Gunner’s wedding. He is twenty-seven and will marry Reign Pellegrini, ang anak ni Rex kay Julianna. I sighed as time flew so fast for all of us. Ikakasal na si Gunner and who knows kung sino ang susunod sa mga kapatid niya. Cadence is still engrossed with his art. Narinig ko kay Saint na girlfriend ni Cade ang muse niya. Sa mga nakikita kong paintings niya lately ay kadalasan ang babae na nga ang main objective ng mga gawa niya. And she’s pretty. Killian is living his life to its full simplicity. Masaya si Kill sa simpleng buhay na pinili sa isla kasama ang mga malalaking pusa. He has no girlfriend lately. The last girl he was into was the time he went to trouble kaya siya isinama sa Fielvia ni Alguien para magbakasyon muna doon. Darth is the most famous among my children now being the rockstar he is. Kung hindi lang sina Anghel at Axel ang kasama niya lagi sa mga tours niya ay baka hindi ako pumayag sa buhay na pinasok niya. Yes, kasama niya ang dala
TRACE “What is he doing?” kunot-noong tanong ko. Mas para sa sarili ko iyon kaysa sa dalawang pinsan ko na nanonood lang din sa ginagawa ni Prime thru monitor. I just got here like ten minutes ago. Hindi lang ako pumasok pa sa loob ng bahay dahil mas gusto kong makita muna ang ginagawa ni Prime. At gusto kong makita rin muna kung ano ang itsura ng anak kong matagal na nawala sa amin. “Kanina pa ‘yan gan’yan…” Atlas said. “Paikot-ikot. Obvious na alam niyang may mga CCTV cam pero hindi naman sinisira.” “He is obviously showing us that he knows we are watching yet he doesn't give a damn at all…” ani naman ni Isidro. “Nanghahamon ‘yan.” “Send men inside…” I uttered. “Katorse na lang ang natitirang tao sa labas. Ilan ang papapasukin natin?” tanong ni Atlas sa akin. “Papasukin lahat. Kinaya niya ang walo sabi niyo. Let him face fourteen this time.” “Akala ko ba gusto mong makumpleto na ang mga anak mo?” natawang tanong ni Atlas. “Bakit parang gusto mong mapahamak iyang isa?” “B
TRACE Bumiyahe ako agad pagkatapos namin mag-usap sa telepono ni Chloe. Umiiyak siya at sinasabing alam na kung nasaan si Prime. Kahit hindi pa tapos ang usapan para sa shipment namin sa Ecuador ay iniwan ko na sina Lev at Logan. Bahala na sila umayos at magpulido ng plano. Kailangan ako ni Chloe at sa sinabi niya ay nabuhayan din ako ng pag-asa na mahahanap na namin si Prime. At sana nga mahanap na namin talaga… “Trace…” Lumapit si Chloe sa akin at yumakap nang mahigpit pagpasok ko pa lang ng kuwarto namin. She was crying. Birthday ng asawa ko bukas at naghanda ako ng sorpresa para sa kaniya. Kinasabwat ko pa nga sina Cade, Gunn at Kill. Magiging masaya si Chloe sana bukas pero sa nangyayari ngayon ay alam kong walang party na dapat maganap kung hindi ko rin lang maiuuwi si Prime. Paano naman kasi kami magpa-party kung si Prime ang nasa isip naming lahat? Dahil sa mga sinabi ni France na nakakausap niya ang Kuya Raid niya ay waring nahinto na naman ang ikot ng mundo ng aming pam
CHLOEI looked at my reflection in the mirror. I smiled. I am turning forty-one after this day, and yet hindi pa rin naman halata. I still look younger than my age. Sabi nga ng Big 3 ay para lang akong nasa early thirties. Na ngayon puro binata na talaga sila ay mukha na lang nila akong ate. Time flies fast… the Big 3 have graduated college. Cade is the one following Trace's love of art, but he is more on painting than architectural art. Gunn is always with his cars and into international races often. Kill, the youngest among the three, is the one who chooses to stay with the beasts in Alma Livre. Mas gusto ni Killian kasama ang mga big cats kaysa manirahan sa syudad. Umaalis lang ng isla si Killian kapag may race si Gunner at sinumpong siyang panoorin o kaya may art exhibit si Cadence at may gusto siyang bilhin na gawa ng kapatid. The Big 3 are now twenty-three. Same age as mine when I got married to their father and they became my son. Same age when I gave birth to Prime. My Prime
TRACE“Shut up, old man! I knew it! Walang magandang gagawin ang pugad na ‘yon na kasing kulot ng utak ang buhok! Look at what he’s done to his wife!”That was Maddison. The ‘always’ nagging wife of Indigo. Mukhang hindi pa yata nasabihan sa totoong nangyari kaya ako na naman ang obvious na sinisisi sa nangyari kay Chloe, na napaanak kagabi dahil sa stress sa nangyaring pagkidnap kay Saint. “Bakit? Ano na naman ba ang kasalanan ko?” And that was Indigo Magtanggol talking to his judgmental wife. “Member ako ng Foedus, we have our brotherhood and Trace leads us. At hayaan mo na ang problema nilang mag-asawa.”“But look at Chloe! She—”“Chloe is definitely safe and sound. And stop acting that I will do the same thing towards you. I won’t let you worry…”“Don’t ever think about that, Indi! I swear, iiwanan kita!”I knocked the already opened door to let them know I heard them and stopped them from talking nonsense. “Trace!” bati sa akin ni Indigo. Nilapitan ko ito at tinanggap ang pakik
CHLOEI checked the time in my wrist watch. Ang sabi ni Trace ay parating na sila ng mga bata dahil sa resto ng Sacrebleu ni Matthias kami magdi-dinner, pero two hours na mula nang nakausap ko siya ay wala pa rin sila. Kanina pa rin ako pabalik-balik kakalakad dahil medyo sumasakit pa ang tiyan ko. This is my last month of being pregnant at two weeks na lang ay due date ko na. Excited kaming lahat sa baby girl namin ni Trace na magiging last child na rin namin. Saint just turned seven last month. Darth and Xenon are now ten. And the Big 3 are now eighteen in legal ages and all in their freshmen in college. Nasa HCU dormitory sila inilagay ni Trace para matuto raw sa buhay at masanay na walang mga yaya at bodyguards. At kung akala ni Trace ay malulungkot ang tatlo na wala na sa poder namin ay nagkamali siya. Those three were all excited after their father left them in the dormitory. Ilang beses na nga rin silang tumawag sa akin para sabihin na huwag papuntahin si Trace pa sa HCU at a
TRACE Three days later… I parked my car in front of Willow’s mansion. Sinalubong naman ako agad ng butler na si Alfredo at magalang na bumati. “Buenos días, Señor Trace.” “Buenos días… Saan sina Chloe?” hanap ko agad sa mag-iina ko. “Wala po si Señora Chloe, señor. May pinuntahan sila ni Señora Willow.” “Saan?” Ang malas naman ng punta ko yata. Huwag lang sana pumunta ng Colombia o Italy ang mga iyon. “Hindi ko po alam at walang pasabi.” Magalang na ngumiti ito at bahagyang yumukod pa. “Ang mga anak ninyo, nasa loob po sila. Nasa recreation room kasama nina Señorito Isaia at Señorito Isauro.” Mga anak ni Willow ang binanggit ni Alfredo. Ibig sabihin ay hindi nangibang-bansa sina Chloe at Willow kasi naiwan lang ang mga bata. Tumango-tango ako. “Sige,” sabi ko na lang at tinalikuran na ito para puntahan ang mga bata. Bumalik ako nang may naalala na ibilin kay Alfredo bago dumiretso na ulit sa mga bata. Pagbukas ko ng pinto ng recreation room ay napatingin silang lahat sa akin.
TRACE ‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage a—’ “Tangina!” galit kong sabi at ibinalibag na ang phone na hawak ko. Langya! Hanggang ngayon ay hindi sinasagot ni Chloe ang mga tawag ko. “Kalma lang… Hindi naman lalaban ‘yan.” Inis kong nilingon ang nagsalita. Si Ice na kararating at nasa likod si Lash na nakangisi. “Paano ako kakalma?” tanong ko. “Isang linggo na akong ayaw kausapin. Kung sino man ang putanginang may gawa ng kalokohan na pagdala sa mga bata na ‘yon kay Chloe ay tatamaan talaga sa akin!” “But they are your sons, right?” Ice yawned. Parang sinabi na rin na nauumay na siya sa topic. Sabagay at ulit-ulit na lang din nga ang sinasabi ko tungkol sa inis ko sa nangyari. Paano ba naman? Sino bang matutuwa na bibintangan ka sa bagay na hindi mo ginawa? Wala na akong problema kung anak ko ang dalawa, eksplanasyon na lang ang kailangan kung paano ko sila naging mga anak. Ang hindi ko maunawaan ay ang galit ni Chloe dahil sa pakikipag-orgy ko